Title: Tahan Na
By: Jason Marvin
Minsan sa buhay natin di natin alam kung kanino tayo kakapit, kung kanino tayo iiyak, kung kanino tayo maglalabas ng sama ng loob, kung kanino natin sasabihin lahat, kung kanino tayo magtitiwala at kung kanino tayo makikipagusap. Minsan sa sobrang pag-iisa, mapapasabi ka nalang na "Wala namang nakikinig,", "Wala namang naniniwala."
Etong kantang to, ay para to sa mga taong may dinadala na mabigat na problema, may dinadala na sobrang sakit na nakaraan, may dinadala na sobrang bigat sa kalooban. Etong kantang to, ay para sa mga taong gusto nang sumuko, gusto nang tumalikod. Nais ko lamang iparating, na kaya natin to. Lalaban tayo.
Kindly play the video below to enjoy this article:
"Hinga lang nang malalim, kumapit lang sa akin. At huwag mo nang isipin, ang sabi nila"
Minsan ba, naiisip mo na wala ka talagang makapitan? Walang masabihan? Yung tipong magsasalita ka, magkekwento ka, ngunit ang sagot ay palaging "huwag mong isipin", "huwag mong alalahanin". Diba nakakawalang gana magsalita minsan? Parang sasabihin mo nalang na 'Ay, di naman gusto makinig nito. Kaya mababalik ka sa mindset na walang makikinig sayo, diba?. Yung tipong sa sarili natin di naman nila tayo kayang intindihin, dahil lang sa iba't-iba tayo ng experience. Yung iba nga iniisip na wala kasi tayo sa paanan nila, without knowing na may tao pang mas malala ang pinagdaanan kumpara sakanila. 'Pero No one in this world deserves that kind of pain.
"Mga luhang pinipigil, ibuhos lang sa akin. Ako'y mananatili, sa iyong tabi"
while binabasa mo yung line sa itaas, sino at ano yung nasaisipan mo? Sarili natin diba? Sarili natin, o yung mga taong mahal natin na laging andyan para saatin, pero para saakin yung linya is tumutukoy kay God. Minsan, kahit wala tayong nakikita na nakikinig saatin. Once marinig natin yung name ni God, parang feeling natin may kasama tayo. Kasi ganiyan yung pakiramdam ko, once na malungkot ako, sasabihin ko na "Lord, malungkot nanaman ako. Kwentuhan tayo.", actually lagi ko siyang kinukwentuhan may problema man ako o wala. Feeling ko kasi yung hangin na dumadampi saakin is yung mga sagot niya na di ko man naririnig pero nararamdaman.
"Tumingin lang sa 'king mga mata"
Subukan mong tumingin sa salamin, subukan mong ireflect sa sarili mo yung salamin. Tingnan mo mata mo, pagmasdan mo at hayaan mong tumulo ang luha mo. Ngayon tanungin mo yung sarili mo, "Bakit ako malungkot?"
"Tahan na mahal ko, di na magbabago. Ang pag-ibig sa 'yo, nandito lang ako"
Minsan ba sa buhay mo lagi kang natatakot? Takot harapin yung hinaharap, takot harapin yung katotohanan, takot harapin yung problema..lahat-lahat.
Dito sa 2nd verse ng kanta, it's talking about how God didn't leave us. Hope u enjoy reading this article.
"Hindi lahat ng nasugatan, mali ang pinaglaban. Ako man ay nahirapan, para sa 'yo"
Naiisip mo ba yung sacrifices ni God? Yung tipong minsan napakahirap na ng lahat saatin, sobrang hirap ng dinadaanan natin, paa tayong nasabangin na walang mapapatungan, walang makakapitan, walang madadaanan. Para tayong nasagitna ng bangin kung saan yung gitna lang na yun yung nagsisilbing patungan natin upang wag tayo malaglag.
Tama naman diba? 'Di lahat ng nasugatan, mali ang pinaglaban.Nasusugatan tayo dahil sa nadadapa tayo, nasusugatan tayo dahil kailangan nating masubukan. Nasusugatan tayo dahil may mga bagay tayong inaabot tulad ng pangarap. Di naman tayo pwede maging matatag dahil lang sa kagustuhan natin, minsan talaga sa buhay natin kahit gaano kapa katatag at katapang, masusugatan ka ng masusugatan kung pangarap ang usapan.
"Ay gagawin lahat ng kaya, para lang mapatunayan ko. Na ika'y ipaglalaban, pangako sa 'yo"
sino yung madalas mag struggle saatin? Sino yung madalas gawin lahat para saatin? Sino yung bukod tanging ginagawa lahat ng promise niga para saatin? Sino yung madalas andyan parin saatin kahit sobrang hirap na natin? Diba si God? Ni minsan di niya naisipang pabayaan tayo, tinatalikuran natin siya pero maski anong talikod, andiyan parin siya at sinasamahan tayong lumaban. Aminin man natin o hindi, nakakalimutan natin yung promise ni God, nakakalimutan natin kung sino at ano siya lalo na kapag may problema tayo. Pero kahit ganiyan, madalas parin ay lumalaban siya at tinutulaf niya lahat ng promise niya saatin.
Closing Thoughts
Isipin mo, walang naging perperkto, kung malungkot ka, kung down ka, kung stress ka, kung tingin mo di mo na kaya, di masamang magpahinga. Di masamang tumigil muna, di masamang huminto. Minsan oo, dama natin wala tayong makakapitan, wala tayong malalapitan. Pero always remember na kahit gaano ka pa kadown, kahit gaano kapa kadepressed, kalungkot, kahit gaano mo pa di nagagawa lahat ng bagay na dapat ginagawa mo. Lahat yan, ay may dahilan. Kung may aalis, kung may makikinig, huwag mong pipigilan. Huwag na huwag mo ipapakitang okay ka, kung hindi talaga. kasi normal sa tao na madama ng pagod, normal na makadama ng sobrang lungkot na halos gusto na nilang tumigil. Oo, karamihan saatin ay takot tayo na makita nilang malungkot at mahina diba? Ngunit parte na ng tao, ang kalungkutan na minsan saatin ay dumadalaw.
HAVE A BLESSED WEDNESDAY EVERYBODY!
Date: 8-4-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Year 2019 ko ata to narinig eto yung sagot ni Marvin sa kanta ni Moira nakalimutan ko lang kung sa anong kanta niya yun. I remember nung nag kwento si Moira about sa Lola niya at after kinanta eto ni Marvin aigoooo mapapiyak ka talaga sa meaning nang kanta eh