One Of My Senior Moments So yung challenge na to ay nagumpisa kay ate @Jane, thankyou ate andami kong naalala ng dahil dito. Minsan sa sobrang dami ng iniisip natin ay andami narin nating nakakalimutan, minsan nga sobrang nalulutang pa tayo sa kakaisip na nagiging sanhi kung bakit mas nagiging ulyanin tayo minsan. Sa artikulong ito ay aking ibabahagi ang aking karanasan, na ipinamagatang ***"Senior Moments".*** **Test Papers.** So nangyare to grade 11 ako, Lagi akong inuutusan ng teacher namin noon na mamigay ng test papers sa mga kaklse ko at ako rin tagacollect pagkatapos. Each subject ay may 2hours before tapusin ang 200 items na exam. 2 subject sa umaga at 2 subjects rin sa hapon, so 2nd sem nun. Midterm namin sa 2nd sem, nacollect ko na yung test paper sa last subject namin nung tinawag ako ng isang teacher namin sa panel dahil may inutos. Pagbalik ko ng room, nghuhumming pa ako dahil nawala sa isipan ko na dadalhin ko pala yung testpaper sa office. Nung time nayan, di talaga ako nagchecheck ng phone lalo na ng mga text messages. So nung nakita ko yung sandamakmak na test paper, mga sis pinasok ko sa bag at umuwi. So around 9pm nakatanggap ako ng call sa teacher ko, napagalitan ako kasi yung test paper daw di ko inihatid sa office. **PE**. (Ps: namali ako sorry, lutang ata ako habang tinatype to kase ballpen nalagay ko.) Eto talaga, one time may balik kami sa school dahil mag papasa ng mga requirements para sa PE, balik namin ay lunes, so nung balik na namin sa school, syempre bumalik ako. Pagbaba ko sa tricycle ay nakita kong andaming tao sa school, tapos nagtataka ako. Pagbaba ko sa school ay tiingala ko lang yung gate ng campus, saka sumakay ulit pauwi. Nakalimutan kongmagpapasa pala kami. Chinat nalang ako ng kaklse ko na "Asan kana? Ikaw nalang kulang dito". **The word "Daan"** So nasa manila ako this time, nasa ocean park kami ng pamangkin ko with my other relatives. Tatanga-tanga ako this time, ilongga kasi ako so iba meaning ng "Daan" saamin. So paglabas namin ng oean park, nagaaway yung kasama ko kung saan daw yung daan. so pagkakaintindi ko is "Asan yung **LUMA**", Yes, Daan means LUMA in tagalog.So syempre ako deadma lan, so nung nasa laguna ako lumabas ako magisa para bumili. Di ko manlang namalayan na ang layo ng nilakad ko kase namamangha ako sa mga nakikita ko dahil di ganyan kaliwanag sa probinsya. After ko bumili, pauwi na ako pero di ko na alam yung dinaanan ko. Kaya nagtanong-tanong ako, meron namang nagexplain saakin ng dadaanan pero ako, "**Ano ba tagalog ng daan**?". So yung nangyare tinanong ko yung pinagtanungan ko kung ano tagalog ng daan kasi nakalimutan ko. Si ate nagtataka saken kase tagalog nadaw yun, tapos inexplain ko pero sabi niya tagalog nadaw. Ending pinasuggest nalang niyana tawagan yung isa sa mga kasama ko and yes, sinundo nalang ako. **Nagluluto**. So eto naranasan ko grade 9 ako, madalas ako uminom ng Paxil nung oras nayan, lagi kasi akonagpapanic attack at sobrang stress at depressed ako that time. Tanghali nun, so once a day lang iniinom tong gamot na to. Di ko alam kung source to ng pagiging malimutin pero yes sobra akong naging ulyanin nung time na nagtetake ako nito. Nagluluto ako nun, iniwan ko saglit niluto ko dahil may tumwag. Nakalimutan kong nagluluto ako, pumasok ako sa kwarto at natulog. **SUV pa.** So alam ko na ilan sainyo ay nabasa na to sa comment section kaya uulitin ko dito. Grade 12 ako nito, maulan. So walang tricycle na dumadaan dahil madulas yung daan dito kapag maulan, so no choice ako kundi magtake ng SUV. Antukin kasi ako sa ganyan kaya nung nakasakay ako, nasaisipan ko 10mins naman before makarating sa school at gigising nalang akoka pagmalapit na. So nalimutan ko yun, teh paggising ko nasa terminal na ako ng city. Which is 2hrs away from the province, jusko sobrang nanlai mata ko nun di ako agad nakapagreact. **Classmates.** Ako lang ba to? ***(Is it me you're looking for~ de charot.)*** So eto, sa loob ng isang taon na pagsasama namin ng kaklase ko nung f2f, ni minsan sa tanang buhay ko never ko nasolo pangalan ng buong kaklse ko. Puro ako ***"Langga"*** (Mahal) dahil di ko maalala pangalan nila HAHAHAHA sorry sakanila. So iilan to sa mga Senior experience ko with matching lutang moments sa testpaper, so sana naenjoy niyo eheheh. **Closing Thoughts:** Magandang gabi sa lahat! So di ko alam kung kamusta mga araw niyo, at hiling ko ay sana maayos lang. Madaming salamat sa sumali sa Lutang Moments, masaydo akong natutuwa mabasa entry niyo. Maraming salamat sainyo, ***palangga ta kamo*** :) . `Date: 7-28-21` `By: OfficialGamboaLikeUs`
47 comments
Nung nagluluto ka at natulog, wala naman nasunog?
meron te ung ulam HAHAHAHA buti lang at uling ginagamit namin
ay hala. buti naman walang nasaktan o nasunog!
kung gas siguro ate masusunog, butilang at dikami nagamit ng gas sa bahay kasi delikado
true. ako din, di na ako gumagamit ng de gas eh. electric lahat gamit ko.
opo, natigil lang nung may nabalitaan kami sa tv na yung gas sumabog kasi naiwag nakasara tas may nagsindi ng pospro, jusko
nakakatakot no?
sobra ate lalo nayung sunog
madam wag kasi tutulog tulog hahaha! kulit lang. so panu yun? cassie hindi kana papasok sa iskul? hehehe
hindi na kse anlayo saka antagal ng byahe HAHAHAHA. wala dinako umulit HAHAHAHA
Hahaha kulittttt yan tuloy
I imagine your eyes 😜, yun moment na na tulala ka yun ganito 😳. Tapos di ka makapag isip, takte yan hahahaha
ung parang sa sobrang kalma ng isip mo wala ka talagang iniiisp e HAHAAH
Tama tama hahaha
Nakaka miss tuloy bumalik ng senior highschool 😍
dikonamiss sobrang nahihiya ako HAHAHAHA
Hahahaha 😅
Hahaha,,dami kong tawa dito sis.
Ako rin habang nagawa naalala ko lalo na nung nakatulog ako sa suv
Mas epic para sa'kin yung "DAAN" si. Bisaya diay ka?😁
Ilongga poooo
Ahh kaya ang sweet mo sis.😊
Di ako aware na sweet ako ate 🤣
Sweet mo kaya. Di mo lang halata😁
New thrend ulit maka-gawa nga din hahaha
Akin next ko yung ginawa ni ate ruf HAHAHAHAAH
PS: sorry andaming Typos, lutang ata ako habang nagtatype heheeh
Relate ako dun sa nauwi sa bahay yung test papers hahaha pero sa'kin hindi test papers kundi attendance sheet. Naiuwi ko sa bahay hahaha tumulong pa akong maghanap kung saan nailagay haha tas pagtingin ko sa bag nandon lang pala 🤦♀️
Jusko ka napagod kana sa lahat-lahat tas dala mo pala 🤣
Langga natawa ako dun sa natulog ka nalang tas may niluto ka pala. 😁 Dami talagang nangyayaring ganito sa buhay natin...😁 God bless you langga....🙏❤️
Oo ate HAHAHAAH
Relate po here sa test paper..ewan koba kasi bakit ako ang tagakolekta eh palagi kong naiuuwi😅
Simula non dinako inutusan HAHAHAAHA
Your own lutang moment seems unique, you addressed it your languages which is lovely I enjoyed the translated version that I read
Thankyou ❤️
relate ako sa pgiging malilimutin mo HAHAHAHA. Share ko lang din experience ko dati. Dahil sa sobrang lutang ko, habang nagtuturo si maam tumayo ako at lumabas ng room. Di ko din alam bat ko ginawa hahaha
Attitude kalutangan mo ayaw ata sa tinuturo HAHAAHAHAH
Lol.. So ano nangyari sa niluluto mo? 🤣 nasunog cguro. . Daan din yung luma samin
Nasunog ate, buti nalang at uling ginagamit sa bahay
Kala ko napagalitan ka ni nanay 🤣
Lumang daan? Hehe. Bing title lang ang binasa ko unang pumasok sa isip ko senior yung matanda kaay napatingin ako sa profile mo haha! Kaya dapat talaga binabasa yung buong article para hindi namimisinterpret 😆. So mga experiences pala ito nung nag aaral ka sa senior.
Opo part ng pagiging ulyanin HAHAAHAH ay sorry. Ang ganda ko masyado para maging matanda agad chars HAHAHAHAHAAH
May naalala din ako sa sobrang lutang ,nakasakay ako sa bus ba hindi ko pala destinasyon yon,at sumigaw ako na para po,tapos pinagalitan ako ng conductor kasi bakit daw nakatingin sa guapo,nakatingin nga ba ako,yes,nakalutang ako sa poging conductor,hehe Nakaconfused din yong tanong mo anong tagalog ng daan kasi pareho lang yon .hehe
I had fun reading this ...😅Tulog pa nga sa suv✌..pumasok ka parin ba after nun .hehe.Pero ganun din ako minsan about dun sa test papers kasi ako ung president that time so responsibility ko na kolektahin mga test exams..haha...so ang nangyari.naiuwi ko then ..chinat nalang ni ma'am ung answer keys at ako pinagcheck amp..eh 45 kami nun sa klase ..kadaming chekan..eh 60 items ..jusko.haha
Hindi na 🤣 halfday lang sched ko that time e jusko buti walang exam, kawawa ka naman ipapahinga mo nalang nagcheck kapa HAHAAHAHAH
ayy hahahaha.. Oo nga eh..sunga sunga kasi😂
Parehas tayo be, nakakalimutan mga pangalan so tawag ko sa kanila "dai" na lang. Jahaha