Ang puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot, At hindi mauunawaan ng iba ang nararamdaman nitong saya. - Kawikaan 14:10 Kapag tayo nasaktan madalas hindi maintindihan ng iba kung bakit tayo labis na nalulungkot kahit ilang beses ka pang-inaalo na maging masaya hindi ito nakabuti para mawala ang nararamdaman mong lungkot syempre ang nasaktan ay ang damdamin na hindi nakikita ng iba kung mababaw ba o malalim ang sugat. Good morning kaingay! Have a wonderful Wednesday/morning…
@Nengste in June 2022
Jessica Soho Sanggol na inabandona sa kanal sa Bacoor Cavite ang kakatapos ko lang mapanood sa Facebook pero ilang taon na rin ng lumipas ng ito ay na feature pero kahit ganoon nakakaawa pa rin ang ganitong kwento. May inunan pa kase ang baby ng iniwan sa kanal, kawawang sanggol. Napakwento tuloy si granny, iluluto ko muna itong ulam namin kaingay.
Tamang tama itong Melon na uwi ng manugang ko, pampaginhawa sa maalinsangan panahon ngayong hapon, umulan pero saglit lang kayo lalong uminit. Balak kong kayudin at lagyan ng gatas at palamigin para mameryenda mamaya. Bukod sa balak kong gawin dito, may iba pa ba kayong paraan kung ano pa ang magagawa sa Melon?
Bakery Snack ni granny Inipit from Parfan Bakery San Rafael Bulacan.Paliit ang tinapay ngayon kaingay sa mahal ng sangkap. Nga pala share ko sa inyo na noong 1990's nagtrabaho ako dito sa Parfan Bakery kilalang tindahan na nagrarasyon ng tinapay dito sa bayan ng Baliwag itong Bakery na ito mula noon hanggang ngayon. Dito ako natutong magbaked, at gumawa ng birthday cake. Kain tayo kaingay!
Flex ko lang itong $2.00 na nadagdag sa gcash balance ko. Salamat sa iyong guessing game @Alyna1128 dahil isa ako sa nakatanggap ng biyaya galing sa iyo, yeheey! may pang load na ako. Pareho pala tayo ng birth month.
Karne-nas Sardinas o mga canned goods ay hindi mawawala sa listahan sa pag go grocery natin kaya nga kahit may kamahalan na ang isang lata nito ay mabenta pa rin sa mga tindahan. Sa oras ng kagipitan to the rescue ang Sardinas sa hapag kainan. Karaniwang sinasahugan ng talbos ng kamote, o alugbati, o dili kaya ay ginigisa na may kasamang itlog at sibuyas. Sa hapunan ko ngayon ginisa ko ito at nilagyan ng sotanghon original at sinahugan ng broccoli, no rice na ito kaingay…
Another day, Another blessing And another chance to live. Take nothing for granted and think of every breath as a gift. Good morning mga maiingay! Itinulad ang buhay sa isang regalo, nakakatanggap tayo ng regalo sa mga espesyal na okasyon dahil espesyal tayo sa taong nagbigay. Ganoon din naman ang Maylalang, pinagkakalooban tayo araw-araw ng isang regalo dahil mahal niya tayo at nais niyang masiyahan tayo sa kaloob niyang buhay kasama ng mga mahal natin sa buhay at nais niya…
Sabi nila.. "Sa likod ng maraming tagumpay maraming tasa ng kape ang naging karamay." Sabi ni granny Nengste.. " Sa likod ng maraming tagumpay maraming supot ng pandesal ang naging karamay." Ang pandesal ang pinakatanyag na tinapay sa ating mga pinoy. Isinisilid ito sa supot na papel at inilalako gamit ang bisikleta na may potpot na busina. Masarap itambal ang pandesal sa mainit na kape, gatas o tsokolate. Nakaugaliang itong lagyang ng palaman gaya ng keso,itlog,hotdog,coco…
Nakakalungkot makakita ng taong naghihirap sa pagkakasakit. Mahahabag ka na lang talaga. Hindi na makabangon, hindi makatayo, hindi nakakapaglakad kahit iupo ang sarili hindi na magawa dahil dito naghihirap ang loob niya at pumapasok sa isip niya na gusto na niya mamatay, pabigat ang tingin niya sarili. Ang gastusin nila napakalaki, kuryente,gamot, gamit na medical supply para sa sugat, diaper, wipes etc. at oxygen. Stage 4 Breast Cancer ang sakit kaingay, nahahabag na lang…
Ang taas pa ng araw ngayon dito. Mainit ang panahon, walang pahiwatig na nagbabadyang umulan. Maganda sana kung meron para mapawi naman ang init. Ang sasarap ng meryenda ng mga kaingay, may maruya,minatamisang kamoteng-kahoy,pansit,tinapay,ice coffee,mango pie,banana que, etc. Buti na lang late ako nakapag lunch kaya busog pa rin ako hanggang ngayon. Enjoy eating your meryenda, pakabusog kayo!
"Look for something positive in each day, even if some days you have to look a little harder." Hindi sa lahat ng araw nakakakita tayo ng mga positibong bagay para ipagpasalamat pero para hindi maubusan, huminto at magmasid sa buong maghapon dahil minsan ang maliliit na kabaitang natatanggap natin ay madali nating nakakalimutan. Maging maalalahanin!
Namili si bunso ng kanyang mangunguya bukas dahil day off niya bukas, palagay ko mag korean drama marathon ito bukas. Pagdating niya hinainan ko muna ng kanyang hapunan at back sa aking pinapanood.
Kahit walang pasok sa trabaho ngayong araw si bunso, maaga pa rin akong nagising dahil sa dalawa naming alagang aso, humihikbi si Zorro kasi gusto niyang lumabas na ng bahay para magdumi kaya napilitan akong bumangon para buksan ang pinto sa kusina, baka kasi dito pa sila magdumi sa loob ng bahay.
Wake up it's time to grind! Good morning mga maiingay! Natulog uli ako kanina at nang magising tanghali na. Kamusta po kayo? June 3 na, araw ng Biyernes. Anong gawain ang tatapusin natin ngayon? Halina at mag exercise muna, igalaw-galaw ang mga kalamnan at mag 'otso-otso' na. Ayan, bigla ko tuloy na alala ang sikat na kanta ni Bayani Agbayani na naging trending noong early 2000s , tara at kantahin muna natin.. Pagmulat ng mata, paggising sa umaga Iunat ang kamay, bumangon na…
Lunch Time Nakuhanan ko ngayon ng litrato ang aming ulam ni bunso ngayong lunch, bumili lang akong lutong ulam na Monggo sa labasan at saka nagprito ng tokwa. Palagay ko may kapareho akong ulam dito ka-ingay dahil Friday ngayong araw, karaniwan kasing niluluto ito tuwing Friday.
Meron ulit Melon dito si granny Nengste. Kaya heto at gagawa uli ako ng melon juice para pampapawi ng init sa maalinsangang panahon. Masarap ang malamig na inumin sa panahon na ganito katindi ang init. Tara na at maghanda na kayo ng sarili ninyong mga baso!
Flex ko lang ang magandang view na ito mula sa aking pamangkin na pumunta sa Lagonoy Camarines Sur, Bikol Region. Ang ganda ng panahon nila at ang sarap sa mata ng paligid. Mas maganda marahil kung may hawak kang isang tasa ng kape o tsokolate habang nagmamasid sa ganito kagandang view.
Dinner Dahil wala kaming ulam, pumunta si bunso sa SM Pulilan, isang sakay lang jeep mula sa amin. Akala ko ulam ang bibilhin, pagdating niya itong mga sitsiria, 2 box na maliit na pizza at spaghetti ang uwi. Pwede na, nabusog din dinamihan lang inom ng tubig.
Nail Polish Nang nasa lababo ako kanina, habang may hinuhugasang mga gamit, napansin ko ang dish dryer na may namumuong kalawang ngayon ko lang nakita dahil nakasuot ako ng salamin sa mata. Kaya nilinis ko ngunit hindi naalis ang kalawang kaya pinahiran ko ng nail polish na itim. Ito ngayon pinapatuyo ko na ang una kong natapos gawin.
It's a new day, Fresh start, Fresh energy, New opportunities. Be thankful, Be positive and start your day right! Magandang morning mga kaingay! Maging mapagpasalamat, positibo at simulan ng maganda ang umaga. Marahil tanghali na magising ang ilan sa inyo dahil weekend ngayon, tama naman ng makabawi ng pagod sa ilang araw na pagtratrabaho. Sabi nga, "hindi masamang magpahinga ang masama walang pahinga." Sa mga ina ng tahanan na walang sawa sa pagbangon sa umaga para kumilos…
Marang First time ko lang nakakain ng Marang. Kilalang prutas sa gawing Mindanao katulad ito ng itsura ng kamanse at langka pero hindi katulad ng langka na na kulay dilaw ang laman kapag nahinog, ang marang naman ay kulay puti ang laman na parang katulad ng atis. Ang lasa niya ay masarap at napakatamis. Hindi maaring kumain nito ang mga diabetiko dahil malamang tataas ang blood sugar. Sana sa susunod ma experience ko namang kumain ng Durian Fruits.
Dahil super abala ako kanina, nakalimutan kong iflex itong aking nilutong dish. Adobong manok na may maraming patatas na sahog, patatas pa lang ulam na. Pinaligoan ko rin kanina ang dalawa naming pet dog, sobrang init ng panahon ngayon Kaingay, pakiramdam ko ako ay nasa pugon kaya panay inom ko ng malamig na tubig.
Ayon sa DOH Ang climate change ay ang pagbabago ng klima dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa. Sa panahon natin nararanasan natin ang napakainit na panahon at aasahan natin na mas titinda pa ang init sa mga susunod na panahon kaya nga gumawa tayo ng maliliit na hakbang ng sa gayon ay makatulong sa Inang Kalikasan katulad ng pagtatanim,…
The beautiful thing about today is that you get the choice to make it better than yesterday. Kamusta ang umaga kaingay? Maagang bumangon si granny para sumamba at makinig ng pampatibay ngayong araw. Marami akong natutunan at napaalalahanan ako nito na sumulong pa para magtaglay ng mabubuting katangian. Mahalagang magpatibay, sumoporta at magpakita ng pag-ibig sa iba. Naging maganda ang umaga ko. Sana kayo rin. Good morning. Kaingay may isang group na namimigay ng free sopas…
Tokwa Sisig Ulam naman ngayon ay special request ni bunso, Tokwa sisig na may oyster sauce at mayonnaise. Pinirito ko na ang tokwa para kako si bunso na magtuloy luto nito kaso tinamad kaya ako rin ang nagtuloy. Heto po kakaluto lang 6 napirasong tokwa, ganito karami ang nagawa.
Nakakasakit ng ulo ang init, nahiga ako para umidlip ng maalis ang sakit ngunit hindi din nakatulog sabi nila minsan ang pananakit ng ulo ay sintomas ng kakulangan ng tubig sa katawan, meron ditong prutas baka sakaling makatulong ang katas nito.
May biyayang dumating ngayong gabi, sakto ang dating, dinner na namin ito ni bunso. Medyo ayos na pakiramdan ko, pagkatapos kong maligo ngayong gabi, nabawasan ang init ng katawan. Tara kaingay kain tayo!
May isang nakakalungkot na balita akong natanggap ngayong umaga, isa na namang kakilala na pumanaw sa mundong ito dahil sa sakit na breast cancer. Kaya ingat ingat po tayo sa ating kinakain, umiwas sa mga pagkain nanakapagpabuhay ng cancer cell, kung ano ang mga ito, maiging mag research andiyan si google matutulungan niya tayo. Ano mang hindi maganda ang nangyari sa ating buhay, tuloy pa rin ang gawain araw araw kaya heto nakahanda na ang lulutuin ni granny Nengste.
Bigay lang po ito kaingay, ano nga ba ang gawin ko dito? Ang buto ng langka sure ako na ilalaga ko ito, ang sarap kainin ng nilagang buto ng langka parang kastanyas. At ang saging naman ay pwede kong ilaga o iprito pero sa laman ng langka kainin na lang kaya para hindi na gumastos. Tipid muna dahil hindi man lang tayo makakurot ngayon kay bitcoin cash.
Buti umuwi ng maaga si bunso kaya maaga din akong nakayari ng mga ligpitin sa kusina at kung nagtagal pa baka nakaidlip na ako nun at tatamarin ng bumangon para iprito ang isang pakpak na manok na nauna ko ng pinakuluan at iinitin ang gulay na repolyo na may itlog na pugo na binili lang sa tindahan ng ulam sa labasan. Nakalimutan ko ng kunan ng larawan dahil sa antok. Mauna na akong matulog sa inyo Kaingay. Good night!
Pagoda si granny Nengste, ngayon lang natapos sa paglalaba kaya ngayon lang din nakasilip dito. Kumain na tayo Kaingay, magluluto lang ako ng pritong itlog dahil wala ng ibang pang mailuluto. Nga pala ito yung saging at langka kahapon, ginawa kong minatamisan kasi requested ni bunso, dahil masunurin si granny Nengste kaya ito ready ng kainin.
Kaninang umaga pagkatapos kong lutuin ang pang pack lunch ni bunso, gumayak din ako para pumunta sa bahay ng isang kakilalang pumanaw na dahil sa sakit na breast cancer, Binalak ko talagang agahan (5 am pasado) ang pagpunta bago tumaas ang araw, bale dalawang sakay, sasakay muna ako ng jeep tapos pagbaba, lalakarin ko naman papunta sa kanila para maexercise naman ang binte ko. Habang naglalakad nadaanan ko itong bulaklak at ang munisipyo ng bayan. Tapos tumawag si bunso…
Nang pauwi mula sa pinuntahan ko kaninang umaga, dumaan nga pala akong savemore at bumili ng 2 pack na tig 1/4 kilo na ground beef, ang isang pack niluto kong stir fry para ulam ngayon at saka pambaong ulam ni bunso bukas. Nilagay ko na sa tupper ang kanyang babaonin at saka nilagay sa fridges, hindi ko na ito iinitin bukas dahil may microwave sila sa office. Sa ngayon inaantay ko ang pagdating ni bunso, sasabayan kong kumain.
Pasasalamat dahil muli na naman tayong binigyan ng pagkakataong magising upang mamasdan ang magandang kapaligiran. At pagkakataon din para itutuloy muli ang ating nasimulan plano sa buhay. Hangad ko na maging maayos ang takbo ng ating maghapon at kapakipakinabang. Magandang umaga!
Flex ko lang itong uwi ni bunso kagabi, natuwa ako dahil naisip niyang bumili ng prutas hindi sitsiria. Mas mainam itong pagkaabalahan nguyain dahil may maitutulong sa ating kalusugan at bukod diyan nakatutulong din pampawi sa init lalo na pagmalamig ito bago kainin, pampahydrate din tugon sa nawawalang tubig sa ating katawan dahil sa ating pagpapawis sa tinding init ng panahon ngayon.
Meron akong ground beef at natirang isang pack na spaghetti sauce dito balak kong gawing pasta kaya lumabas ako at bumili ng pasta noodles at iba pang ingredients. Pwede na rin itong hapunan mamaya ni bunso at baonin niya bukas, ipagprito ko na lang ng patatas instead na rice ang baon.
Pasta Ito na ang Macaroni Spaghetti na niluto ni granny Nengste, ready to serve na pero sa snack time pa. Nag rice ako ngayong lunch ang ulam ay binili sa tindahan ng lutong ulam, ginisang ampalaya na may itlog. Naubos ko isang kainan ang gulay ang sarap kasi ng pagkaluto sa ampalaya hindi overcooked.
Pusa Sa aking paggala kahapon, napunta din ako sa bahay ng aking anak na panganay, nadatnan ko na gumagayak na sila ng almusal dahil papasok na sa trabaho ang aking son in law. Nasilip ko ang nakasalang, may pinapakuluang 2 pirasong isdang Tilapya, nagtaka ako bakit ganoon ang luto nila sa isda, yun pala ay pagkain ng kanilang pusa tig-isa sina Negro at Mingming.
Noong isang araw, nagwindow shopping ako sa Shopee at dahil katanghalian tapat yun at sobrang init ng panahon, naisip ko tuloy maghanap ng pambahay na damit at nadaanan ko itong ternong pantulog at nang mabasa ko sa info ng product na cotton ang tela at saka ang daming positive reviews tungkol sa product, napaorder tuloy ako ng 2 pares at nareceived ko na rin ngayong araw. Ang bilis ng delivery, siguro dahil ang seller ay same province lang kami.
Guyabano or soursop Itong Guyabano ay bigay ng aking kumare, pitas sa punong tanim nila, dinala dito kahapon ng aking anak. Dahil hinog na, hiniwa ko para tikman, ang asim sa aking panlasa kaya naisip kong gawing ice-cream sana para hindi masayang. Pagkatapos maghapunan ni bunso kagabi, binuksan niya ang fridges para kumuha ng inumin, nakita niya ang guyabano, nilantakan niya ginawang dessert, ngayon ko lang nalaman na gusto niya pala ang prutas na ito. Habang patanda, ang…
Word is like keys if you choose them right, They can open any heart and shut any mouth. Good morning mga kaingay! Madalas dahil sa hindi maingat na pagsasalita ng iba ay nasasaktan tayo. May mga pagkakataon pa nga na maging tayo ay nagiging gaya rin nila. Ano ang aral? Na dapat tayo ay maging maingat, huminto at mag-isip at pumili ng angkop na mga salitang ilalabas ng iyong bibig. Alalahanin natin kung gaano kasakit ang masaktan ng sa gayon ay hindi tayo matulad sa mga taong…
Avocado Ang mga Avocado na ito ay napitas galing sa punong nakatanim sa likod ng bahay ng aking sister in law. Kwento ni ate sa akin na, Nanay niya raw ang nagtanim nito at 30 taon ng pinapakinabangan ang bunga nito, at kung mamunga naman ay napakarami kaya binebenta nila. Pumanaw na ang nagtanim may iniwang bagay naman na nakakatulong hanggang ngayon sa mga naiwan.
Longsilog Ang longsilog ay kadalasan kinakain sa almusal, ito ay combination ng Longganisa,sinangag at itlog. Ito ang aking hapunan ngayon. May leftover na cooked ground beef na konti sa fridges sinama ko na rin sa fried rice.
Dahil bumaba ang value ng Bitcoin nag follow the leader din ang Bitcoin cash nasa 8k + na lang ang value. Mukhang mabilis tayong makapag-ipon ng 1 Bitcoin cash ngayon kaya lang madalang ang paambon ng FT. Ito ang unang post ko sa araw na ito, musta ang inyong maghapon?
Habang nasa labas at nagpapahangin, napansin ko ang ating tanging tanglaw sa gabing madilim ang Buwan, buo kaya kinuhanan ko ng litrato. Ang lamig ng dampi ng hangin dito sa labas, ang sarap sa pakiramdam, nakatulong pagpawi ng init sa katawan. Magandang gabi sa lahat!
Rise up, start fresh, see the bright opportunity in each day. Good morning mga kaingay, maganda ang gising ni granny Nengste ngayong araw kaya mag-iinat-inat muna ako ng katawan ng ang kalamnan at buto ay gumalaw galaw. May bangon si granny Nengste minsan na parang ang bigat ng katawan ko, marahil sa kakahiga ko sa maghapon kapag walang ginagawa dahil yung kalamnan ko hindi na e exercise. Kapag nagkakaedad na ang katawan mararamdama mo na ang kalakasan mo hindi na katulad…
Tanghalian na mga kaingay pero itong isi share ko sa inyo na foodie ay pang almusalan na, panghimagas pa at pangminandal. Suman sa Ibos ang tawag dito kaingay, sikat na suman ng Antipolo Rizal dahil sa pambalot nitong Coconut palm leaves, masarap ipares sa hinog na mangga, isawsaw sa asukal o tambalan ng inuming tsokolate at ang isang kakanin ay nakabalot sa dahon ng saging ito naman ay tinatawag na suman. Pili lang muna ako kaingay kung ano ang bibilhin ko may nakita kase…
Ngayon ko lang nabasa itong notification galing sa Kucoin trading account, ang bilis ang pag arangkada ng pababang value ni Bitcoin (btc) may nabasa akong articles na babagsak daw value nito gang $20K. Kaya posible din na lalo pang babagsak din value ng ibang Crypto at lalo na ng ating hawak ngayon na Bitcoin cash (bch). Hodl pa rin ba tayo o sell na?
Sa halagang 50 pesos 4pcs na Suman sa ibos na busolve ako kanina sa meryenda. Tinabi ko muna ang kalamay at suman kamoteng kahoy para mamayang gabi para sabay naming matikman ni bunso. Sa maghapong init ng panahon walang sawa ako sa kakainom ng tubig. Kumukulog kulog sa di kalayuan pero parang walang balak umulan ang epekto maalinsangan.
Always remember to fall asleep with a dream and wake up with a purpose . Goodnight mga kaingay! Salamat sa maghapong aktibo dito sa noise kahit na mababa ang Bitcoin pero sige lang sa post, pagkokomento at pagbibigay ng ft. Sa mga baguhan wag kayong masiraan ng loob sa umpisa lang mahirap basta mag-enjoy lang tayo dito at magbubunga rin ang pagsisikap nyo ganyan din noon si granny Nengste. Goodnight na po sa lahat, sweetdreams..
First step toward success begins with getting out of bed! Good morning po mga kaingay! Maagang naglakad-lakad si granny Nengste para mamili ng maiuulam. Ang ganda ng panahon ngayon para maglaba. Matutuwa ang mga team bahay kapag nagpaikot ng washing dahil tiyak na matutuyo kaagad ang mga sinampay. Mabilis ang oras ngayon pero kulang sa pahinga ang tayo, kapag weekends saglit lang lunes na kaagad. Kaya gawin na lang natin ay humanap ng lugar kung saan makakapagrelax pero…
Pansit Ang Pansit ay isang pangalan ng pagkain na pinakilala ng mga Tsino sa Pinoy. May iba't ibang klaseng luto sa Pansit, Pansit meke,Pansit bihon, habhab,Canton,Palabok,Malabon at marami pang iba. Ito ang karaniwang niluluto tuwing may okasyon lalo na pag may Birthday, pampahaba daw ng buhay. Anu naman po ang pinakagusto niyong luto sa pansit? Ako, Canton man o bihon basta maraming gulay bet ko yun.
Nakatanggap na naman ako ng notification tungkol sa Bitcoin market value update na nasa $20 K na ang value nito, ilang minuto lang ang nakalipas. Siguradong bumaba din ang hodl nating Bitcoin Cash (bch) nito, pero hindi ko po tiningnan. Ikain ko na lang ng avocado ang aking nararamdaman, sinawsaw ko lang ito sa powered milk na may halong asukal.
Bago bumuhos ang malakas na ulan dito, nakuhanan ko po ng litrato itong bougainvillea. Tatlong beses nag patay sindi ang ilaw namin, ang lakas ng kulog at kidlat. Biglang lakas ang buhos ng ulan tapos hindi naman tumagal at humupa na, para bang walang nangyari. Nga pala ang Bougainvillea na ito ay may iba't ibang kulay, gaya ng dilaw, puti, pula, at kulay kahel. Ang ganda nitong tingnan kung ibonsai dahil pwede mong ihulma sa anumang disenyo habang bata pa ang tangkay.
Ang aga kong kumain ng hapunan, nagutom kaya nagluto ng fish ball, kain ulet tayo! Hinihintay ko rin ang pag-uwi ni bunso, dahil hindi pa tapos ang task ni granny Nengste sa araw na ito, ipaghahain ko pa si bunso ng hapunan at ipag-urong ng kinainang plato at kanyang lunch box.
Ito yung mga palabas sa facebook watch na nakaka good vibes sa akin, mga video ng mga cute animals. Minsan kahit nag iisa lang ako sa bahay napapangiti at natatawa ako dahil sa mga ganitong palabas, nakakatuwa silang panoorin. Ang dami na ngayon ng mga libangan na pampalipas ng oras kaya marahil ang bilis ng oras dahil ang dami na natin ngayon na pwedeng pagkaabalahan para malibang. Meron ng mga online shopping, tiktok, Youtube, Facebook, at noise. Good night na sa inyo mga…
Wishing you a day full of joyful moments mga kaingay! Mataas ang sikat ng araw sa umaga pero kapag pahapon na madalas ang pag-ulan ng malakas. Sakit ang makukuha ng mga masisipag na mga naghahanap-buhay dahil sa pabago-bagong panahon. Huwag kalimutang magdala ng payong o raincoat. Magandang umaga po!
Aling Sitang Ito ang isa sa mga kilalang mangpuputo dito sa Baliwag, Bulacan, pag tatak Aling Sitang at pag narinig ang salita na yun, ibig sabihin ay masarap ang lasa ng puto na gawa ni Aling Sitang. Gumala si granny Nengste kanina at may nakitang nagtitinda nito kaya nakapag-uwi ng tig-isang supot na Putong puti at kutsinta.
Avocado ulit? Sa mercado 160 per kilo ang bentahan sa may pwesto pero dahil sariling puno ang nagbenta 80 per kilo ang benta nila kaya si granny Nengste napabili ng 3 kilos para sulit sa presyo at sa kain di ba? Unti-unti nagkakahinogan na, dumating kase ito pahinogin pa. Kaya heto may second batch na ako at bukas hinog na rin ang pang 3rd batch. Kain tayo kaingay sulitin na ni granny Nengste habang season pa ng avocado.
Late Dinner Kakarating lang ni bunso galing sa work niya, from Quezon City to Baliwag, Bulacan. Sanay na si bunso sa biyahe kaya walang reklamo na akong naririnig sa kanya. Sinabayan ko siyang kumain ngayon dahil nakameryenda ako kanina kaya natawid na hindi nakaramdam ng gutom. Itlog ng Pugo at gulay lang ito walang giniling. Tara kain tayo Kaingay!
Sinabi ni Yahweh, “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit din dito, bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo! Bumili kayo ng alak at gatas kahit walang salaping pambayad. Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain. - Isaias…
Nagcheck ako ng Meta (FB) at nakita ko itong larawan, naalaala ko tuloy ang aking kabataan . Bago magtakipsilim, nakikita kong nilalagyan ito ng aking lola ng gaas, ito ang aming tanging tanglaw at nagsilbing nagbibigay liwanag sa bahay tuwing gabi. Ma share ko lang para sa kaalaman ng mga kabataan ngayon. Magandang umaga!
Almusal Best ipares sa sinangag sa agahan itong ulam ni granny Nengste. Paboritong kainin ng mga apo ko ang tuyong Sapsap kasabay ng ginataang gulay, mainam naman para hindi lumaking maselan sa pagkain ang mga ito.
Mga ilang beses akong magwalis buong araw at magtanggal ng mga balahibo ng aming fur babies kaya para maayos ang pagtanggal at mapadali ang aking gawain, minabuti kong maghanap ng vaccume sa shopee na kaya ng budget ko, heto nga nakakita na ako noon pa at na added na sa cart, kaso natagalan ng check out dahil inaantay ko pang tumaas ang value ni bitcoin cash.
Sa mahal ng mga bilihin, nahirapan tayo kung paano ibudget ang sahod at para umabot ito sa sunod na pasahod, importante may maihain tayong pagkain sa almusal,tanghalian at hapunan, bonus na lang yung may meryenda tayo at panghimagas. May natanggap akong notif, galing kay Google na uulan daw ngayong 1 pm. Pero wala pa naman akong nakitang palatandaan na uulan dahil ang taas ng araw.
Akala Dahil nakagala ulet si granny, nagawi ako sa Alfamart, dahil sa kainitan kaya napunta ako sa freezer ng ice-cream at naghanap ng cornetto, may nakita akong kakaibang bagong flavor at aking dinampot sa akalang magkapresyo lang ng cornetto heheh nabayaran ko na ng nalaman kong iba pala ang presyo nitong kitkat 60 pesos. Napamahal tuloy sa maling akala.
Ang dami nating maipagmamalaking tourist attractions gaya nitong Bilog Falls ng barangay Cabotonan, Lagonoy, Camarines Sur na kilala rin sa tawag na Blue Lagoon. Hanggang ngayon feel na feel ng pamangkin ko ang kagandahan ng Logonoy na pansamantalang nakatira doon. Tara mga kaingay at tayo ay magtampisaw sa tubig kahit imaginary lamang. Good morning!
Sinubukan ko itong Nissin Souper Meal hot and spicy na stock ni bunso dahil nakakaengganyong kainin kase malaki ang lalagyan. Ay! maanghang pala talaga! Pero ang sarap ng sabaw at texture ng noodles kumpara sa sikat na noodles na "maswerte." Sulit na din kapag naubos ito. Syempre kahit malaki ang lalagyan saktong dami lamang ng tubig ang ilalagay. Katatapos ko lang maglaba, idryer ko sana kasi umuulan tuwing hapon kaso hindi gumana, nasira na yata.
Sa oras na ito, wala pa naman akong nakikitang palatandaan na uulan at pabor sa akin yun dahil tanghali na ako nakapagsampay. Habang binabantayan ang galaw ng panahon at mga sampay, heto nagmiminindal na ng nilagang saging.
Heto na naman ang apo ko sa kanyang libreng oras nagbubutingting ng kung anu-ano para malibang. Nagtahi siya ng tatlong design ng dress para sa barbie niya dahil may nagbigay sa kanya ng lumang tela. Kwento ng nanay niya isa na lang itong laruang barbie niya dahil naluray-luray na ang iba. Pinakita din sa akin ng aking apo ang kanyang ginuhit.
Kakakain lang namin ni bunso, bumili lang ng fried chicken sa nakacart sa labasan, pinagpala ngayon dahil may panghimagas. Maalinsangan ngayong gabi, tiyak na uulan kasi naririnig ko na ang tunog ng kulog.
Talong Morning blessing ni granny Nengste itong fresh from the farm na talong. Alam na kung ano ang ulam ni granny today. Makamenos sa gastusin ngayong araw, itlog, mantika at asin na lang ang idadagdag para maging tortang talong tambalan ng tuyong dilis, busolve na.
Andito ngayon sa bahay ang dalawa kong apo sa panganay, maagang hinatid dito ng magulang kasi may lakad sila kaya ako ang incharge na taga alaga sa kanila. May pakonsuelo namang uwi, ito hiniwa ko na para palamigin, panghimagas mamayang lunch.
Nga pala nang makita ko itong dahon ng isang halaman, naalaala ko yung araw na ako ay nasa Elementary pa lamang, parang ito yata ang dahon na ginagamit namin pangkinis sa aming classroom desk dahil sa rough texture nito na parang liha. Ang uso pa noon ay desk na pangdalawahan na may sisidlan ng gamit. Ito ba talaga yun?
Mag vitamins C panlaban sa virus dulot ng sipon at ubo. Umulan kanina pero pagkatapos ng ulan biglang umiinit ang panahon na parang walang nangyari kaya heto at kumain muna tayo ng ponkan, palakasin ang ating immune system para may panlaban sa anumang virus. Ingatan natin ang ating kalusugan dahil ito ang ating kayamanan.
Maagang nagising, naglakad lakad at napunta sa bakery para bumili ng hot pandesal kaya hindi ko na pinatagal, nagtimpla kaagad ako ng black coffee. Ang aga kong nagkape ngayon. Masarap ang pandesal na nabili ko dahil tama lang ang timpla hindi matamis. Magandang umaga!
Kakagising lang ni bunso, nakita niya ang wheat bread na binigay dito kahapon ng kanyang matandang kapatid tapos naghanap ng palaman, nakita niya itong quezo de bola na halos anim na buwan na sa fridges. Masarap pala itong klaseng quezo de bola malambot at malinamnam kesa sa naunang brand na nabuksan at natikman namin noong Disyembre.
Tiktok Lunch time na kaingay! Sinubukan ko na gayahin ang recipe na nakuha ko sa facebook. Naglagay ako ng spring onion, bawang, luya, butter at ilang pampalasa sa breast chicken na hiniwa ko ng manipis tsaka pinagulong sa cornstarch at bread crumbs para iprito. May partner na rin pritong talong, kain na tayo Kaingay!
May pagtitipon kami ngayong araw at ako ang inatasang magluto ng Lumpiang Shanghai, kaya heto at niluluto ko na para umabot sa saktong oras mamaya sa gaganapin meet up party-party namin ng mga ka sister at brother, mag iiwan na lang ako ng konti para may papapakin kami ni bunso at uulamin sa hapunan, nabusog na rin ako sa kapapapak habang nagluluto.
Good night everyone! God bless us all! Sleep na si granny para may lakas tomorrow, salamat sa maghapon na naging maayos at masigla. Salamat sa ating mga natanggap sa pagbibigayan dito sa noise mga kaingay. Sana tumagal pa si noise at bumuti na si bch. Goodnight! Ang photo ay hindi akin, pinadala lang po iyan sa akin ng isang kaibigan.
Good morning! It's Monday, start of work days that's why, I woke up early to prepare bunso pack lunch and it is now ready for packing, I will just let it cool first, while waiting I go back to bed, holding the cellphone while typing my first post today here at noise.
Dahil nakaramdam na ng panghihina si granny Nengste, nagugutom na yata ako kaya kailangan ko ng kumain ng lunch. Ang kanin ay isang pangunahin pagkukunan ng energy.Ang Kanin ay nagiging isang uri ng Asukal (glucose) sa ating katawan ginagamit ang glucose bilang panggatong ng mga selula,tisyu at organo ng ating katawan. Ang ating katawan at utak ay nangangailangan nito para manumbalik ang pagkasigla ng sistema sa katawan. Baka ikaw ay nanghihina na rin, iwanan niyo muna ang…
Daan Ang daan ng buhay ay hindi laging tuwid, may paliko,malubak,maputik, mabato at minsan madulas. Simula ng mamulat tayo sa totoong realidad ng buhay unti-unti nagiging matatag tayo at natututo. Kahit ano pa ang hamon sa daan maging masaya ka, mas masarap pa ring mabuhay at maranasan kung paano mabuhay,magmahal,mahalin, mag-enjoy at masaktan. Nagsenti lang si granny alam ko na meryenda time na kaso wala akong meryenda, hehe.
Pagpapala May naghagis ng pagpapala ngayong hapon, heto at fresh pa itong Petchay ng ibigay sa akin. Sakto sa karne-nas ni granny Nengste ngayong hapunan. May bad news akong nasagap na balita sa online, tataas na naman ang presyo ng krudo sa merkado, magkano na naman ang itataas ng gasolina,mantika, pamasahe at mga bilihin ngayon. May ihahapit pa ba ang sinturon natin mga kaingay?
Kamusta!kumain na ba ang lahat? Sana lahat nakakain na at nabusog. Ako kumain na rin, at andito sa labas ng bahay, naglakad lakad parito at paroon sa paligid ng bahay habang may iniisip kaya nagulat ako ng biglang may tumawag ng pangalan ko, hinatid itong avocado order daw ni bunso.
Tahimik na gabi, Pangarap ng marami, Mapalad ng walang videoke sa kapit-bahay na may party O dili kaya ng mga nag-iinuman sa tindahan ni Aling Becky. Hindi ba kung anong ligaya kapag payapa kang mamamahinga? Lakas mo sa umaga ay babalik at ikaw ay sisigla. Kaya nga ang hiling na sana sa magdamag kahit lamok ay wag sisingit pagkat ang nais lamang ay matapos ang magandang panaginip. Good night na po mga kaingay! Sleep well po sa lahat! Walang buwan ngayong gabi sa amin, baka…
Nagising akong 5 am, medyo late na compared sa karaniwang oras ng aking gising sa umaga sa paggayak ng baon ni bunso sa work. Pagkatingin ko sa oras dali dali akong bumangon para magsaing at saka pupunta pa ng talipapa para maghanap ng mababaon na ulam ni bunso. Nang naramdaman ni bunso na nasa kusina na ako, sinabihan niya akong off niya raw ngayon, kaya heto bumalik sa paghiga ulet. Magandang umaga!
Kagandang bulaklak naman nito kaingay. Good morning po sa lahat. Sched ngayon ni granny magpaligo ng mga alagang aso para feeling fresh sila sa maghapon. Magwawalis-walis na rin ako sa bakuran at magbabawas ng mga kalat para umaliwalas ang paligid. Nakipagkwentuhan ako kanina sa isang kakilala at nakwento ko itong platform ng noise kung saan nag e earn ako kahit konti kahit nasa bahay lang. Hindi siya pamilyar pero natuwa siya. Goodmorning! Photo not mine
Dahil sahod ni bunso kahapon kaya may pasalubong nang umuwi kagabi. Heto ipinares ko sa black coffee, almusal ni granny Nengste. Ito ang paborito kong flavor sa donut, ang bavarian.
Ito yung ulam na all time favorite ng mga pinoy "Adobo" pero ewan ko lang kung gusto ng marami ng adobong sitaw. Dito kase gusto ni bunso ito lalo na kapag tuyo ang pagkaluto at nagmamantika. Ito rin ang ulam na kahit ilang beses initin tatagal.
Mainit na hapon sa inyong lahat. Share ko sa inyo itong mulberry tree na hindi pa kalakihan pero may bunga na. Maasim kapag kulay pula pero kapag kulay itim na ay masarap at matamis. Iilan lamang ang may tanim ng ganitong uri ng prutas.
Pagkagaling sa School na pinagtuturuan ng aking pangalawang anak, dumaan muna dito sa amin at may dalang pinagsaluhan namin ngayong gabi, buti andito si bunso dahil day off niya kaya nagkakwentuhan ang dalawa habang kumakain. Si Zorro din ayaw pahuhuli gusto din makisalo sa dalawa. Maghapunan na po tayo!
Pinya Siguro alam niyo na ang kwento tungkol sa alamat ng Pinya. Noong bata pa ako, naiwan kaming magkapatid sa lola at lolo namin sa probinsiya ni tatay, tuwing gabi bago kami matulog, kinikwentuhan kami ng aking lola. Ang alamat ng Pinya ang isa sa mga naikwento niya. Sa mga nakakaalam ng kwento na ito, ano ang pangalan ng batang laging inuutusan ng kanyang ina na hindi niya makita ang mga bagay na pinapahanap ng ina nito?
Guessing Game: May ipapahula po ako sa inyo Kaingay, kasayahan lang. Dahil special day ang araw na ito sa akin at may natanggap akong ayuda mula sa aking Anakis, gusto ko ishare ang konting part sa unang 5 tao na makahula ng aking edad sa araw na ito. Sila ay makakatanggap ng 20 pesos via gcash. Game na ba kayo?
Guessing game winner announcement. Kagabi nagpost ako tungkol ito sa aking edad, pinapahulaan ko ito sa mga kaingay. Salamat sa mga sumali at may tatlong nakahula, ito ay sina @Ancejerwen @ruby0622 @Mikaila Dahil 3 lang ang nakahula, tig 30 pesos na ang issend ko sa inyong gcash account, reply niyo na lang dito ang inyong gcash account. Magandang umaga!
May nakakasad na balita ako ngayong umaga. Nag chat ang friend ko at nalaman ko na may pinagdadaan siyang mabigat na problema. Nakisimpatya ako mga kaingay. Ang anak niya kase may tumor sa utak, at kailangan ng agarang operasyon, Trisikel driver ang hanap-buhay ng asawa niya. Ang epekto ng tumor sa anak ay pagkabulag ng isang mata at ang isa ay unti-unti na ring nabubulag. Kahapon pinabasa nila ang result ng MRI kaya nalaman na ganun ang kondisyon niya. Hindi inaasahang…
Kamatis Pagbagsak ang presyo ng kamatis katulad ngayon, bumili na ng maramihan. Ang sarap kayang igisa ito at ipares sa pritong isda pero ang pinakagusto ni bunso sa lutong sawsawan na kamatis ay ginisang nilalagyan ng toyo tapos pinapartner niya ito sa Longganisa,pritong isda, itlog at tuyo, yan ang request niya palagi pag may nakitang maraming kamatis sa fridges.
Niluluto ko na ang babaonin na ulam ni bunso bukas. Pinakuluan ko na itong Karne ng baka sa toyo at tubig at nang lumambot na, ito ay ginisa ko sa sibuyas na puti at tinimplahan ng 4 na pirasong Calamansi juice at nilagay ang pinakuluang sabaw, pakuluan ng ilang minuto at timplahan ng dagdag na toyo kung sa palagay ito ay matabang sa timpla at lagyan ng konting pamintang durog. Pagkaluto nito diretso lagay na ito sa lunch box, palamigin ko muna bago ipasok sa fridges, hindi…
Nagluto so granny ng pancake dahil napansin ko na madaming stock ng harina. 1/4 cup na butter ang sukat na nilalagay ko sa pan para pantay ang sukat ng pancake. Sa 3 cups na APF 17 pcs na pancake ang nagawa ko. Solve na ang meryenda, may snack pa mamaya, gumawa na rin ako ng chocolate syrup for topping baka kasi gusto ni bunso kumain nito mamaya pag-uwi niya.
Mauuna na akong kumain, hindi ko na maantay si bunso dahil 8 pm pa ang out niya pala sa work dahil 2 hours ang OT. Mga 10 pm na siguro yun dadating dahil sa Quezon city pa manggagaling yun. May natira pa kahapon na Litson manok, ininit ko ngayon para maulam
Life always offers you a second chance. Is called tomorrow. Alam na mga kaingay unli ang second chance habang may buhay kaya pwede pang bumawi bukas kung meron kang na missed ngayon. Sleep na si granny Nengste dahil maaga pang gigising upang igayak ng baon na pagkain si bunso. Good night po sa ating lahat. Magpakasipag tayo always!
O, papaya Anong ganda Tulad ng umaga Na marikit sa mata Kay sarap pitasin Hugasan,hiwain at lutuin Nang sa maghapon Kami'y may kainin Good morning po sa lahat Happy Thursday morning every-Juan!
Maaga kong inumpisahan ang pagsalang ng mga labahin para makahabol sa sikat ng araw, makatuyo man lang sakaling umulan mamayang hapon. Ayaw ko sanang ibabad ang kamay ko sa tubig ng maaga kaso kailangan makapagpatuyo ng sampay, pangalawang laba ko na ito na hindi gagamit ng dryer dahil sira, may power pero ayaw gumana sa pag-ikot. Ayos rin sana dahil makatitipid sa kunsumo ng kuryente kaso umuulan naman minsan sa hapon. Nilamnan ko muna ng tinapay at kape ang aking tiyan,…
Kinulang ng sabon si granny Nengste kaya napasugod sa tindahan. Nadaan dito sa malilim na puno ng akasya. Nagandahan at kinuhanan, share ko po sa inyo, Ganito ang kahalagahan ng puno sa atin nakakapagbigay ng ginhawa, may masisilungan ang mga manggagawa sa bukid sa mainit na panahon, nagbibigay ginhawa at nakakatulong din ito upang maiwasan ang pagbaha kaso ang ginawa ng marami ay pinagpuputol. Ang init tuloy sa pinas. Sana ibalik ang programa noon na ang mga estudyante ay…
Mabuting balita, hindi umulan kaya natuyo na ang ibang nakasampay bukod sa pantalon na maong medyo basa pa sa bandang bulsa. Sarap ng nakikita kong meryenda niyo ah. Pagkatapos kong ligpitin itong mga natuyong damit, magmemeryenda akong kanin habang mainit pa itong Picadillo na niluto ko ngayon para baonin ni bunso bukas.
Nadaan ko lang ito, hindi ko alam kung anong uri ng ibon ito. Natuwa lang si granny Nengste dahil abala yung malaking ibon parang may binubuo dahil may bitbit na dayami ang kanyang bibig baka tutulogan nila yung ginagawa o baka may itlog na na mapipisa at gumagawa siya ng limliman nito. Ang cute nilang tingnan.
Good night na po every-Juan! Have a good night sleep po sa lahat. Makatulog sana tayo ng mahimbing sa magdamag. Napagod si granny sa paglalaba kanina. Makapag-ipon uli ng lakas ngayon para bukas. Keep posting pa po mga kaingay para makaipon pa at lumago, at antayin ang masaganang bunga at tamang panahon ng pagpitas. Hindi natin alam kung kelan kaya tularan ang mga masisipag na langgam. Good night po!
Kasingganda sana ng bulaklak na ito ang ating umaga kaingay! Bumangon na tayo at gumawa. Sa mga tinatamad pa, sige lang take your time. Maging maganda sana at masaya ang ating Friday morning lahat! Lapitan sana tayo ng mga positibong bagay, layuan ng mga bad vibes at maging produktibo buong maghapon.
Sitsaro Sitsaro o Snow Peas sa English ay madalas makita sa mga paborito nating pagkain katulad ng Chopsuey o Ginisang pansit. 230 ang kilo na ng sitsaro sa aming pamilihang bayan ngayon at dahil nanabik akong kumain nito kaya naman bumili si granny Nengste ng tatlong guhit para ipangsahog sa lulutuin kong ulam today. Tanong: Ano kaya ang aking lulutuin, bakit sitsaro pa ang napili kong gulay ma isasahog.
Sa tuwing ako ay magluluto ng Adobo, manok man ito o baboy, ito ay nilalagyan kong sahog na patatas, pero ngayon pinagexperimentohan ko, nilagyan ko ng gulay na sitsaro ang aking nilutong adobong manok. Minsan sa pagluluto, tayo ay magexperiment para makabuo tayo ng sarili nating recipe, level up ang sarap ng adobong manok, may protina at may bitamina pa tayong makukuha sa pagkain nito. Pwede rin hindi kumain ng kanin dahil may carbohydrates na rin dahil sa patatas.
Noon hindi pinapansin ang ganitong halaman. Ngayon marami na ang nagkakainteres na magtanim. Super dry ng lupa niya pero sabagay ito ang gusto ng Cactus na lupa. Isang beses lang ata isang linggo ito kung diligan at dapat hindi sobra sa tubig. May mga napapanood ako sa Youtube na pwedeng kainin ang ibang variety ng cactus tapos isawsaw sa asin. Naisip ko tuloy kung ano lasa?
May bisita ako ngayon, ang dalawang apo ko sa panganay hinatid dito kanina dahil may lakad ang magulang. May dalang fish ball, ito po niluluto ko na dahil gusto na nilang kainin, maaga daw silang nag-almusal kaya niluto ko na para may makain.
Ito ang niluto kong ulam kanina, gulay pampahaba ng buhay. Buti na lang mahilig din kumain ng gulay itong aking dalawang bisita (apo) kaya walang naging problema, napasarap ang kain nila at syempre busolved kaming lahat. Kwento ng kanilang mader, paborito ng dalawa ang sitaw lalo na pag adobong sitaw.
Nacheck out na rin ang matagal ko ng minimithing gamit sa bahay. Dahil may kasama kaming dalawang aso sa loob ng bahay kaya naisip kong magkaroon nito para katulong sa paglilinis at pagtanggal ng alikabok at balahibo ng alaga namin. Ngayon ito na ang pinakawalis ko sa bahay. Sinubukan ko, gumana naman kaso ang bilis uminit.
Beautiful morning mga kaingay! Dadalo muna sa pulong si granny Nengste ngayong umaga para magbalik ng pagsasalamat sa Diyos ama na nasa langit sa mga kabutihang-loob niya at kabaitan niyang ipinakita. Panahon ko man lang ay ibigay ko sa kanya ngayong araw kaya gagayak muna si granny. Good morning to all!
Flex ko itong cactus na nadaan ko kanina galing Church. Kakaiba ang bulaklak at itsura nito at ang laki pa. Sinabi ng may-ari ang pangalan kaso hindi ko na matandaan. May maliit siyang bahay para sa mga tanim niyang cactus na iba't ibang itsura pero ito ang nakakuha ng atensyon ko. Nakakita na rin ba kayo ng ganito kaingay?
Ngayon lang ako nakakita ng kulungan ng baboy na malinis, pati yung alaga nila malinis din. Ang Piggery business kaingay ay ilan lamang sa pinagkakakitaan ng mga pinoy pero nitong mga nakalipas na taon naging hamon ang negosyong ito dahil sa sakit na karaniwang nararanasan nila tulad ng African swine flu o ASF na naging sanhi ng pagkalugi ng maraming negosyante. Kahit ganoon hindi ito naging hadlang para huminto ang pag-aalaga nito dahil sa indemand sa merkado ang karne…
Good night mga kaingay! Matic kapag ganitong oras hinihila na ako ng antok. Ang daming ginawa ngayon ni granny Nengste kaya magdamag naman ngayon ang pagrecharge, hindi man maka 8 hours basta diretso ang tulog at mahimbing. Maaga pa ako babangon para maghanda ng ibabaon ni bunso bukas pagkatapos tulog ulit kapag OK na. Good night po sa lahat!
Good morning mga kaingay! Monday ulit? Ang bilis! Start na naman ng trabaho ng masisipag na Juan. Ma motivate sana kayo ngayong araw para maging masigla. Mahirap maghanap-buhay pero binibigyan naman kayo ng komendasyon sa inyong mga sakripisyo. Share ko lang itong larawan na natanggap ko kanina, mula sa aking kaibigan na mahilig kumuha ng larawan habang nasa bukirin nila.
Ngayon pa lang ako kakain ng almusal, dahil tanghali na bumangon at pagkabangon inuna ang mga gawaing bahay. Itong si Zorro 🐕 napakagaling na aso, pagkatapos kong linisin ng vaccume ang sofa, tingnan niyo po kung sino ang unang umupo. Kasalukuyang nadidinig ko ang patak ng ulan na tumatama sa yero, mahina pa naman. Magandang umaga!
Hindi natuloy ang ulan, nagpatikim lang ng pag-ambon. Mag ala-una na pala ng hapon. Kahapon nga pala naisip kong bumili ng tag iilang pirasong klase ng Crypto sa Coins.ph at matiyagang minomonitor ang galaw nito at naisip kong mag short trade sa coins kahit 5 piso lang ang tinutubo pinapatulan ko pero yung iba medyo malaki din ang aking kinita. Sa tiyaga naka 200 din ako, pang ulam na rin. Share ko lang itong alagang rabbit ng aking apo.
Hindi ko pala ito na share kahapon meryenda namin ni bunso habang nag momovie marathon. Hindi pwedeng walang pagkain kapag rest day niya dahil maghahanap at maghahanap ng mangingima parang pamparelax na lang niya habang nandito sa bahay dahil walang trabaho. Sakto naman nakita ko tong picture na ito dahil oras ng meryenda na kaingay. Anong meron kayo diyan? Ako wala pa.
Nawawalan na ng lakas ang kamay ko at napapapikit na kailangan ng ipahinga sa kakadutdut ang kamay at matulog na ng makapahinga na rin ang mata. Ang sarap sa pakiramdam na maaga akong nadalaw ng antok ngayong gabi, hindi katulad sa nagdaang gabi na ala-una ng umaga na ako nakatulog dahil kahit anong pikit ko at inhale exhale ng ilang beses aktibo pa rin ang isip ko. Good night sa lahat!
Umagang kay ganda Sulitin ang umaga Halina at gumawa Kumilos na at magsimula Batid ng ina ang gawain sa umaga Batid din ni ama ang responsibilidad niya sa pamilya Kaya pagpapapitiks-pitiks hindi maari talaga. Goodmorning!
Mainit na tanghali. Magluluto lang si granny Nengste ng sinabawang isda para makahigop ng mainit na sabaw sa pananghalian. Medyo pagod dahil naglaba dami labango ako kanina. Kayo po mga kaingay kamusta ang Tuesday morning ninyo? Sana okay lang kayo at masaya kahit pagod ang isipan sa pagbudget kung paano pagkasyahin at aabot ang hawak nating pera sa susunod na sahod.
Ilang beses kong isinilong ang mga sampay, ngayon umaraw na naman ulet kaya inilabas na naman at sinampay ulet . Tapos inaantok pa ako ngayon, hindi ko mapagbigyan na umidlip dahil kailangan kong bantayan ang mga sampay. Dapat matuyo ang mga ito, hawag na sanang umulan.
Noong isang araw ko lang ito nicheck out sa Shopee, ang bilis ng delivery. Noong nakaraan araw, binilin ni bunso na umorder akong facemask sa Shopee dahil paubos na ang kanyang stock. Nadagdag ang facemask sa mga pang araw araw na neccesity pati alcohol. Sana magiging maayos na ang ekonomiya ng ating bansa para matugunan lahat ang pangangailangan ng mamamayan.
Sagana talaga ang Avocado ngayon kaya naman kahit dito sa noise kabikabila ang nagpopost ng prutas na ito. May biyayang prutas uli si granny Nengste ang ilan dito ay pwede ng biyakin para mamaya at ang iba ay pang bukas pa. Sa dami ng Avocado minsan nag sasabay-sabay ang hinog. Hindi naman ako nananawang kainin ito lalo na ng mabasa ko na ang daming benipisyo pala nito sa katawan ng tao. Samantalahin habang seasonal pa.
Ito yung hindi mawawala sa maghapon. Ang magluto ng bigas na ang tawag ay "Sinaing." Kinagisnan na natin ang pagkain ng rice kaya kapag nawala ito sa hapag kainan ay parang kulang ang meal. Kaya nauso and unli rice sa Pinas dahil rice lovers tayong mga Pinoy. Kaya sa tahanan sa budget ng mga ina ang bigas ang pinakauna sa listahan nila. Nakasaing na ba lahat?
Nakita ko lang ito sa FB, baka isa ka rin sa mga nagtataka, kung bakit ganito na lang natira, kung may natira sa nabaryang buong isang libo, inisip mo pa kung ano-anu nga ba ang mga pinamili at inisa isang inilista at tinuos pa. Good night sa lahat! Iwasang mag-isip para humimbing ang ating pagtulog.
Nagising ng maaga, natulog ulet pagka-alis ni bunso papuntang work at ngayon lang nagising ulet. Ang taas na ng araw kaya kaagad na bumangon para ibilad sa araw ang mga damit na hindi natuyo kahapon. Flex ko lang itong bulaklak na nag-aangkin ng paborito kong kulay. Magandang umaga ang aking bati sa inyong lahat.
Share ko itong drawing ni apo na senend kaninang 3:20pm. Nagsasanay naman ng kamay niya sa pagguhit. Hindi daw nito makuha ang tamang shading, kapal ng linya dahil naupod na ang lapis niya para sa editorial cartooning. Ayusin pa daw nito ang ginuhit niya dahil hindi siya satisfied sa gawa niya ngayon. Buti naman at marunong kumilatis.
Masarap na hapunan sa ating lahat mga kaingay! Saluyot at talbos ng kamote para sa hapunan ngayong araw. Ilagay lang ito sa sardinas at igisa ay solve na solve, uwi ito ng manugang ko galing sa trabaho. Ang daming tumutubong saluyot sa bakuran ng pinapasukan niya kaya nag-uwi siya nito. Nakamenos na ng ulam ngayong hapunan.
Magandang morning mga kaingay. Mahina ang ft ngayon kaya tiis-tiis uli tayo. Share ko muna itong kagandahan ng Cam sur bago ako matulog. Damhin natin ang simoy ng hangin virtualy para kunwari tayo ang nakasakay sa bangka. Ma relax man lang tayo kahit sandali. Sleep muna si granny Nengste mamaya ulit. Ang larawan ay ibinahagi sa akin ng isang kaibigan na nasa Camarines Sur.
May grasyang naligaw, sakto ang pagdating dahil hindi pa ako naglunch dahil natutok ako sa kapapanood ng Inaugural ng ating bagong Pangulo. Panghimagas na ni granny Nengste para sa tanghalian, sabi ng nagbigay tikman ko raw itong hinog sa puno nilang mangga. Ilan lang ang ibinigay na bunga ng puno nila ngayon pero kahit ganoon mukhang matamis naman. Galing pa itong bukid uwi ng mabait na kapit-bahay na masipag magtanim.
Dahil matumal ang paambon ng TIPaklong, kaya ako ay nakatulog ng mahabang oras, at sa totoo po ngayon lang ako nagising, may nagagawa din tama ang paghina nga TIPaklong, nakabawi ng lakas. Meryenda muna tayo ng tinapay, itong sliced bread ay malinamnan kahit walang palaman kaya nakakarami ako ng kain nito.
Goodnight mga kaingay, kahit mahina ang Tipaklong sige lang sa post, comment, at interaction dito. Iba naman ang hamon sa atin ngayon pero tuloy lang. Salamat sa inyong kasipagan, magkita-kita uli tayo bukas. Patuloy na magsipag, mag enjoy at makisama sa iba. Good night na po sa lahat!