Kaninang umaga pagkatapos kong lutuin ang pang pack lunch ni bunso, gumayak din ako para pumunta sa bahay ng isang kakilalang pumanaw na dahil sa sakit na breast cancer, Binalak ko talagang agahan (5 am pasado) ang pagpunta bago tumaas ang araw, bale dalawang sakay, sasakay muna ako ng jeep tapos pagbaba, lalakarin ko naman papunta sa kanila para maexercise naman ang binte ko. Habang naglalakad nadaanan ko itong bulaklak at ang munisipyo ng bayan. Tapos tumawag si bunso dalawang missed call kasi nagtaka bakit wala ako sa bahay, hindi niya kasi alam dahil tulog pa siya ng ako ay umalis sa bahay.
No comments yet