Karne-nas Sardinas o mga canned goods ay hindi mawawala sa listahan sa pag go grocery natin kaya nga kahit may kamahalan na ang isang lata nito ay mabenta pa rin sa mga tindahan. Sa oras ng kagipitan to the rescue ang Sardinas sa hapag kainan. Karaniwang sinasahugan ng talbos ng kamote, o alugbati, o dili kaya ay ginigisa na may kasamang itlog at sibuyas. Sa hapunan ko ngayon ginisa ko ito at nilagyan ng sotanghon original at sinahugan ng broccoli, no rice na ito kaingay dahil carbohydrate na ang sotanghon at nakakabusog na rin. Kain tayo!
2 comments
Your food is looking so mouth watering.. hope you had enjoyed your tasty food.. how was your day?
grabe nga po mahal n mga bilihin ngaun