read.cash Log in
@Nengste more from that month

Sinabi ni Yahweh, “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit din dito, bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo! Bumili kayo ng alak at gatas kahit walang salaping pambayad. Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain. - Isaias 55:1-2 Good morning mga kaingay, share ko lang itong Biblia text ngayong umaga. Sa literal ang tubig ay isa sa pangunahing kailangan natin. Kapag nauuhaw tayo hindi ba at naghahanap ang ating katawan ng magpapapawi sa uhaw natin? Tayong lahat ay nakakaranas ng espiritwal na pagkauhaw, uhaw tayo sa katotohanan. Ang sabi ng teksto kung tayo ay lalapit sa Isa na Makapangyarihan sa lahat matitikman natin ang pinakamasarap na pagkain. Ito ay ang matuto mula sa kanya. Ang Diyos ng langit ay mahusay sa paraan ng pagtuturo. Nag-uubos tayo ng salapi pero manandalian lamang ang kasiyahan na nakukuha natin pero kung tayo ay makikinig at susunod sa mga utos ng Diyos ang resulta pinakamasayang buhay ngayon. Goodmorning mga kaingay!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.