read.cash Log in
@Nengste more from that month

Sabi nila.. "Sa likod ng maraming tagumpay maraming tasa ng kape ang naging karamay." Sabi ni granny Nengste.. " Sa likod ng maraming tagumpay maraming supot ng pandesal ang naging karamay." Ang pandesal ang pinakatanyag na tinapay sa ating mga pinoy. Isinisilid ito sa supot na papel at inilalako gamit ang bisikleta na may potpot na busina. Masarap itambal ang pandesal sa mainit na kape, gatas o tsokolate. Nakaugaliang itong lagyang ng palaman gaya ng keso,itlog,hotdog,coco jam etc. Marami ng pinagdaanan ang ating paboritong tinapay dahil sa pabago-bagong presyo ng sangkap nito magkagayon man hindi nawala ang pandesal sa paglipas ng panahon maliwanag na ang pandesal ay bahagi ng kultura nating mga pinoy. Pan de Sal in Spanish word, or Bread of Salt in English.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.