May nakakasad na balita ako ngayong umaga. Nag chat ang friend ko at nalaman ko na may pinagdadaan siyang mabigat na problema. Nakisimpatya ako mga kaingay. Ang anak niya kase may tumor sa utak, at kailangan ng agarang operasyon, Trisikel driver ang hanap-buhay ng asawa niya. Ang epekto ng tumor sa anak ay pagkabulag ng isang mata at ang isa ay unti-unti na ring nabubulag. Kahapon pinabasa nila ang result ng MRI kaya nalaman na ganun ang kondisyon niya. Hindi inaasahang pagkakasakit ang isa sa nagpapabago ng kalagayan natin, mapamahirap ka man o mayaman. Photo not mine, Send picture ng pamangkin ko from Camarines, sur
5 comments
awww :(( I'll pray for them. 🙏🥺 nawa gumaling siya, Panginoon! Kayo na ho ang bahala. ❣️
Nakakalungkot naman po kung ganon granny, pag pray po natin sila. At mainam po sana lapit sila sa gobyerno baka sakaling matulungan sila.
nasad din ako po sa nangyari sa anak ng kaibigan nyo. Yang ganyang sakit pa naman eh pang mayaman dahil malaki ang gastos talaga. Dalangi ko po ay maging maayos siya at ang kanyang pamilya. Malalampasan nila ang pagsubok.
Naku po. Sana maoperahan siya. Hirap pa naman ng ganyan sakit. Kasi yun kamag anak ng asawa ko. Yun anak din niya nagkaroon ng tumor sa utak. Katakot takot na operation at gamutan. Hindi biro ang gastos. Nagkaroon sila ng fundraising para sa oepration dahil di biro ang presyo. Nkaarcover naman ng ilan taon. Pero kamakailan, binawian din ng buhay. Akala nila ok na. Biglaan lanh din.
Good morning. This is so wonderful view of the sky.. the morning sky is clear crystal and looking so fresh.. enjoy your day . Have a wonderful time anyway.. have you taken your breakfast?