Maaga kong inumpisahan ang pagsalang ng mga labahin para makahabol sa sikat ng araw, makatuyo man lang sakaling umulan mamayang hapon. Ayaw ko sanang ibabad ang kamay ko sa tubig ng maaga kaso kailangan makapagpatuyo ng sampay, pangalawang laba ko na ito na hindi gagamit ng dryer dahil sira, may power pero ayaw gumana sa pag-ikot. Ayos rin sana dahil makatitipid sa kunsumo ng kuryente kaso umuulan naman minsan sa hapon. Nilamnan ko muna ng tinapay at kape ang aking tiyan, para iwas sikmurain at hilo.
2 comments
mainam na may laman ng pagkain ang tiyan mo bago mo simulan ang bagay na gagawin mo lalo na maglalaba kapa kahit papaano need mo ng lakas para matapos din ang labahan mo
Dito saamin tuwing hapon at gabi lng po umuulan granny. Sarap nang almusal mo ah