read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in October 2021

@Nengste

Nakapag-almusal/meryenda na po si granny ng biscuit at salabat. Tiyak na abala na rin kayo sa pagluluto ng maihahain sa tanghali-an, ako po ay nakabili na ng lutong munggo sa labasan at nagprito ng tokwa para idagdag sa sahog ng munggo. Kahit andito po ako sa bahay lang nakasuot pa rin ng facemask dahil sa amoy pintura, nasa finishing na kasi ang bahay na kinoconstruct noon, ang sakit ng aking ilong sa tuwing naaamoy ko po yun.

@Nengste

Nakasara ang aming pintuan nang may tumatawag kaya hindi ko kaagad nakilala kung sino ang tumatawag at nang binuksan ko ang pintu-an nakita ko ang aking kapitbahay na dumudungaw sa aming harapan at may tinitingnan at itinuro niya ito sa akin at sabay sabi na dadamputin niya daw ang kanyang alagang kalapati, ito ay patay dahil naputol ang leeg nito sa katawan kasi daw hinawi niya para lumipat sa kanilang bakuran kaso nadikit yata sa gilid ng yero ang leeg nang lumipad kaya…

@Nengste

Dahil hindi ako nakatulog ngayong hapon palagi kong sinisilip ang value ni Bitcoin Cash, hindi nakakausad mag 26K nanatili sa 25K+ lagi, sana umusad na sa sunod na baitang kahit dahan dahan lang ang usad😀

@Nengste

Nalagpasan na ni Bitcoin cash ang 25K ngayon po ay nasa 26K + na po, may itataas pa kaya? Meryenda na pala, ang sasarap ng inyong meryenda balak ko sanang maglaga ng saging na saba ngunit walang tindang saging sa tindahan.

@Nengste

Yes up up to the moon na po ba si Bch dahil nalagpasan niya ang 25K at saka 26K ngayong araw naligo lang ako pagtingin ko ulet sa Coins.ph naging 27K + na. Anyway nakapaghapunan na kami, kumain na rin po kayo Ka-ingay.

@Nengste

Ang aga ko pong inantok, gusto ko pa sanang susundan ang galaw ng ating paboritong crypto na si Bitcoin cash ( Bch) ngunit kailangan ng pagbigyan ang aking 2 mata. Paano po mauna na akong matulog sa inyo bukas ulet, bukas na rin po ako babawi pumuso sa inyo, sana paggising ko bukas ay nasa 35K na. Magandang gabi po🙏

@Nengste

Dahil maaga akong natulog kagabi, maaga din akong nagising ngayon. Kusa akong nagising ng 4:30 binuksan ko na ang pintu-an sa kusina ng hindi na ako kukulitin ni Zorro😄 Magandang araw na Sabado sa ating lahat nawa ito ay magdadala ng kasaganaan ni Bitcoin cash, nichecked ko sa Coins.ph kung ano na lagay ng ating Bitcoin Cash nasa 27K+ at sinusubukan na niyang pasukin ang 28K. Subaybayan na lang natin ang galawan niya ngayon araw.

@Nengste

Share ko lang itong aming stress releiver na inaantok na sa tuwing napapapikit siya balak kong kuhanan ng picture ngunit nagigising at nagagalit sa akin kaya ito lang ang kuha ko sa kanya. Nag 28K kaninang pasado 9 am si Bitcoin Cash ngunit sandaling minuto lang ang itinagal pero andiyan pa rin ang gigil para marating ang 28K ngayong araw.

@Nengste

Let me share what we have for lunch, my youngest cooked cheessy spicy pasta because she didn't want to eat rice and my dish was cooked halabos small shrimp paired with fresh tomatoes. The weather is still the same, it's very hot, I'm looking for the rain to pour right now😀Did you eat your meal too?

@Nengste

Sabi ni bunso sa akin kahapon mag grocery daw siya ngayon humingi sa akin ng 500 pesos pandagdag daw kaya binigyan ko, pag-uwe niya nagulat po ako sa bitbit niya 😃hindi ko akalain na bibili ng mga karne at frozen foods and etc. hindi man lang nagsabi na mamimili siya ng karne sana nagdefrost muna ako dahil ang kapal na ng yelo sa freezer. Binili niya rin akong rambutan at fresh milk, sana ganito lagi isip ni bunso pag may pera siya😂

@Nengste

Wala akong kasabay ngayon kumain dahil dinaanan si bunso ng kanyang best friend noong high school para doon kumain ng dinner sa kanila, kaya walang problema sa kung ano ang aking uulamin, may natira pa akong halabos na hipon at saka pinarisan ko ng kimchi solve na ako sa ganitong ulam. Kayo Ka-ingay kumain na rin ba kayo?

@Nengste

Dahil nakauwi na si bunso, at nailocked ko na ang rin ang gate at pintuan, kailangan ko ng magpaalam sa inyo Ka-ingay na ako ay mauna na sa inyong matulog dahil inaantok na ako hindi kasi ako nakagawa ng idlip kanina hapon. Hindi na rin ako naglalaro ng aking nilalaro dahil inaabot ako ng madaling araw sa kakalaro at ang epekto ay nahihilo ako na para akong nakalutang. Kailangan isipin rin natin ang ikabubuti ng ating kalusugan, iwasan ang mga bagay na nakapagpasama sa ating…

@Nengste

Today is Sunday the day to rest and worship the creator of heaven and earth, and all the creatures and dwellers here on earth. Last night during our Bible study I was amazed at the intelligence of our God the Father in how he thought and created things, before he created living creatures like animals and lastly the man he specially made to resemble his nature, love and mercy. Just sharing you what I learned from the bible last night. Good morning everyone🙏

@Nengste

Maulan po ang umaga dito sa amin kaya medyo malamig pa rin ang klima sa oras na ito. Nakapag-almusal na rin ng maaga nagkape at nag toast ng tinapay na pinahiran ng konting butter. Paggising ko kanina nag-isip po ako kung ano ang aking lulutuin ngayon pero ng pagbukas ko ng ref para ilabas ang butter, nakita ko itong isang bucket at tiningnan ko ang laman tamang tama hindi na ako nito makapagluto😀may uwi pala si bunso kagabi hindi ko po napansin.

@Nengste

Tanghalian na po, kain na po tayo! Ito ang spaghetti na inuwi kagabi ni bunso, hinaluan ko ng lutong pasta na natira noong gumawa ako ng spaghetti noon para dumami ng mahatian ko rin ang aming stress releivers na sina Zorro at Grey, spicy chicken at nagluto ng buttered mixed veges. Nauna na naman akong kumain kay bunso dahil may work siya ngayon OT. Kumain na rin ang hindi pa nakakain huwag magpalipas sa pagkain.

@Nengste

It’s rainy afternoon here at my side, I took a nap and had just woke up. Before I sleep I turn on the electric fan pointing at me because it was hot at that time. I felt a chill while I was sleeping because it was raining and the atmosphere got cold so I got up and turned off the electric fan and couldn't go back to sleep anymore. Anyways how was your nap this afternoon?

@Nengste

Nagtatanong na si bunso kung anu ang ulam namin ngayong hapunan kaya nag-isip ako, may ginawa akong beef patty kanina, simpleng ingredients lang ang aking ginamit sa paggawa nito.. Ang Sangkap 1/4 kilo ground beef 1 egg Salt and ground pepper 1/2 cup na bread crumbs wala po akong bread crumbs ang ginamit ko ay bread pan na kulay green dinurog ko po iyon para maging bread crumbs😂 yun lang at hinalo at pinormang patties nakagawa ako ng 5 patties. At ngayon ay balak kong lutuin…

@Nengste

Kumain na kami ni bunso at nakapag-urong na rin ng mga pinagkainan na plato at pinaglutuan,nakapagligpit na rin, ito po ang itsura ng niluto ko pong Beef patty steak sabi ni bunso ang asim daw palpak daw ang luto ko ngayon hahah nasobrahan ang paglagay ko ng kalamansi juice. Ang sarap po matulog at ang lamig dito ngayon, parang inaantok na nga po ako.

@Nengste

May gumising na naman po sa akin ngayon🐕, akala ko po ay maaga pa dahil madilim pa, yun pala ay ala singko na ng umaga. Magdamag ang mahinang pagbuhos ng ulan dito kaya napasarap ng tulog hindi pa ako bumabangon ang sarap pang magbabad sa higaan habang hawak ang phone at nakikipag-usap. Umagang maulan na kay ganda🌧

@Nengste

Maaga po akong nagkape with bread kanina dahil balak kong maglaba ngayong umaga, sinisigurado ko na na may laman ang aking tiyan bago maglaba dahil 2 beses na akong nakaramdam ng paghilo habang naglalaba at ayaw ko ng maranasan ulit yun ngunit hindi ayos ngayon ang panahon parang hindi makakatuyo ng mga sinampay, oobserbahan ko pa po o ipagliban muna ang paglalaba ngayon.

@Nengste

May nabiling atay ng manok ang aking bunso noong araw na pumunta siya ng supermarket binili niya para ipaulam sa kanyang 2 alagang aso, ngayon po ay niluto ko ang kalahati nilagyan ng sayote asin at konting sabaw para sa mga aso at nagluto din akong mixed vegetables at isinahog ang natirang kalahating atay para ulam namin ni bunso ngayong tanghalian, ito ay luto na at saka magpriprito ng 2 beef patty bago mananghalian. Mukhang umaaraw na ngayon kaya umpisahan ko ng magsalang…

@Nengste

Nakasalang na ang mga labahin habang inaantay ang paghinto ng pag-ikot nag lunch muna ako para may lakas sa pagbanlaw, parito at paroon at saka sa pagsasampay😅pakiramdam ko nabusog naman po ako sa aking kinain at handa na makipagbuno sa mga labahin. Kumain na rin po ang hindi pa nakakain para hindi mahilo at mawalan ng malay, ingatan natin ang ating kalusugan dahil ito lang ang tangi nating kayamanan.

@Nengste

Katatapos ko lang po magsampay ng mga damit na aking nilabhan at ngayon po ay namamahinga na, sa silong ko po sinampay kung sakaling uulan hindi mababasa para hindi din maistorbo ang aking pamamahinga at nakahiga na rin at handa ng matulog o idlip. Matulog na po tayo at nakakaantok ang klima ng panahon medyo malamig.

@Nengste

Lumipas ang maghapon na hindi man lang nakaidlip pero nakapahinga naman, ang ginawa ko na lang ay pumuso buti may pawer ang aking pagpuso nakapagbigay ng konting blessings sa tinablan na post at sa mga nagreplied. Nakaligo na at naghahanda na ng maluluto para ihain mamayang hapunan, ito na lang para madali lutuin😀

@Nengste

What we have for dinner? It’s a kind of meal served during breakfast time, may natirang buttered mixed vegetables inihalo ko po sa ginawa kong fried rice at saka nagprito ng chicken nuggets at ininit ang isang pirasong leftover na hotdog para walang matatapon na pagkain o masasayang, pasalamat tayo dahil may makakain pa tayo, ang dami kayang pamilya ang nagugutom ngayon dahil nawalan ng hanapbuhay. Salamat kay @noise.cash sa napakalaking tulong na nagawa niya sa atin.

@Nengste

Maulang Martes ng umaga! Nagising ako sa boses ni bunso nagrereklamo nawalan na naman kaming Internet kanina pa daw madaling araw, tiningnan ko ngayon ang modem okay naman ang ilaw baka need lang plug and unplug kaya yun ang ginawa hindi pa rin daw siya makasend sa messenger. Pumunta akong CR pagbalik ko hawak niya ang cp ko at nasabi niya na nakaconnect ang cp ko sa internet bakit siya hindi, nagpanic na at naisip na baka daw sira na ang cp niya. Nang hinawakan ko ng ang…

@Nengste

Lunch time na po ngunit ako ay kasalukuyang nagbabalot ng aming uulamin. Tinanghali na po kasi ako namalengke dahil umuulan kanina pinatila ko lang ng konti at saka lumakad. Medyo marami rami itong gagawin kong lumpiang shanghai 3 hati ang gagawin ko po dito sa dalawa kong anak na may pamilya na at sa amin ni bunso. Gutom na nga po ako, magpriprito muna ako para ulam namin ni bunso. Kumain na ang hindi pa nakakain.

@Nengste

Nabalot ko na lahat ang Lumpiang Shanghai, Ni chat ko na rin ang dalawa kong anak na may pamilya na kuhanin na nila ang kanilang share at baka hindi nila kaagad makuha dahil pag naubos ni bunso ang share niya baka wala na silang makuha😅sinubukan kong magbalot din ng isang hipon with Shanghai mixed at yun ang inulam namin ni bunso at nagprito din ng ilang pirasong Shanghai. Pahinga muna si granny Nengste dahil ang dami kong ginawa sa kusina.

@Nengste

Nakapahinga pero hindi nakaidlip si granny Nengste pagod ako ngunit parang hyper pa rin ang aking pakiramdam. Katatapos ko lang mag meryenda hindi ko natiis na hindi magkape dahil ang sarap kaya magkape pag malamig ang klima ng kapaligiran at sliced bread na may palaman, nang nakita ako ni Grey🐕 na may hawak na sandwiches panay tayo at tingin sa aking hawak na sandwich, gusto niya kasi nitong may palaman na chiz whiz

@Nengste

Nag-ayang kumain na ang aking bunso at sinabing Ipagprito ko siya ulet ng Lumpiang Shanghai at ginawang fried rice ang natirang kanin kaninang tanghalian nang nakita niya ang nakahaing 10 pirasong Lumpiang Shanghai nagreklamo bakit daw sampu lang, sabi ko busog pa ako sa iyo lahat iyan at yun nga po kumain at ipinares niya sa kimchi at sweet and spicy sauce. Pagkatapos kumain humarap sa salamin at napansin niyang lumalaki na ang kanyang braso tapos sinabi sa akin na “ mama…

@Nengste

Oras na para matulog, pero hindi pa ako dinadalaw ng antok, aantayin ko muna na antukin ako bago ko bitawan itong hawak kong selpon. Ito ang galaw sa merkado ni Bitcoin Cash (Bch) nasa 28K+. Manood muna akong video na nakakatuwa para goodvibes bago matulog.

@Nengste

Magandang malamig na araw ng Miyerkules at napakaganda din ang bungad ng value ni Bitcoin Cash sa aking pagchecked sa Coins.ph ito ay nasa 30K+ na yes yes ang ganda ng kanyang galaw simulang tumuntong ang buwan ng October. Bangon na tayo at magkape, ako ay nagpapakulo na ng Luya para sa aking mainit na inumin “ang salabat.”

@Nengste

Luto na po ang inihanda kong ulam para sa tanghali-an ang niluto ko ay Sotanghon soup with pork balls and patola. Inagahan ko na po luto kasi ang dami ko ng pahinga para may magawa naman po ako😀iinitin na lang bago kumain mamaya, pagkaluto ito ang ginawa kong almusal. Nakaluto na rin po ba kayo Ka-ingay o naghahanda pa lamang ng lulutuin?

@Nengste

Liligpitin ko na sana ang aking mga sampay kaso ng sinalat ko medyo mamasamasa pa kaya ibinalik ko sa hanger at sinampay muli. Ang panahon dito ngayon ay maaraw na may pag-ambon kaya sa silong ko lang din ibinilad ang mga damit na hindi pa gaanong natuyo. Nakapagtanghalian na ako, si bunso ayaw pa maglunch break sa work from home niya kaya nauna na akong kumain. Kumain na ang hindi pa nagtanghalian para may lakas tayo sa anumang gawain.

@Nengste

Nakaidlip po ako ngayong hapon at nagising sa ingay tuwing may nagpuputol ng tiles sa kapitbahay namin. Good news sa mga may holdings ng Shiba umaariba paakyat ang value may konting holdings akong 7 digit niset sell ko na sa 0.02 lucky me pag nadaanan o umabot sa ganyang halaga si Shiba😅 dahil na nakaset sell na hindi ko na rin sisilipin yun hahayaan ko na hold until mareach ang sell price.

@Nengste

Dinner time: Dahil hindi kumain ng rice kaninang tanghalian si bunso dahil back to diet ulet siya ang kinain niya lang kanina ay sotanghon soup na may bola bola at patola at saka Lumpiang Shanghai. Ngayong hapunan ayaw niya rin sanang kumain ng kanin ngunit pinilit ko kahit konti lang kaya kumain siya ng kanin sinukat pa niya 1/2 cup at ang niluto kong ulam ngayon ay buttered garlic sweet and spicy Shrimp at ang natirang Sotanghon soup, ang sinaing kong 1 1/4 takalan ng rice…

@Nengste

Nakaramdam na ng antok si granny Nengste, nakaidlip naman ako kaninang hapon bakit inantok ako ng maaga ngayon, kaya ako ay magpapaalam na para maunang matulog sa inyo. Sana ang maghapon natin ay naging produktibo sa ating lahat, bukas po ulet Ka-ingay. Good night!🌝

@Nengste

Nag good night na ako pero nang pumuso po ako at tumatalab pa ang power hindi muna ako nag exit tapos I checked the value of Bitcoin Cash nasa 31K+ na siya araw araw po naglelevel up ang value niya ang saya saya ng mga may malaking holdings ng Bch.

@Nengste

A beautiful Thursday morning to everyone, may we receive some unexpected blessing today and be grateful of what we having now. Waking up and seeing the beautiful scenery around us was the primary blessing I got today with good health and good mind. Be productive while enjoying your day🙏

@Nengste

Ang aga ko pong nagluto ng ulam ngayon at ito ay malapit ng maluto, ang niluto ko ay sinigang na baboy ito ang request ni bunso, sinusunod ko po lagi ang request niya para siguradong kainin niya kaya follow lang ako. Ang gulay na sinahog ko sa Sinigang na baboy ay Labanos, gabe at ang pampaasim ay bunga ng sampalok. Dahil nakaluto na ako free na akong magfocus sa aking online earnings.

@Nengste

Inalis ko na sa sampayan ang mga damit, tatlong araw din ang inabot ng aking pag aantay bago natuyo buti na lang hindi amoy kulob at ito ay aking tinutupi kasalukuyan. Kayo po Ka-ingay natuyo na rin ba ang inyong mga sinampay mula noong nakaraang araw na laging umuulan?

@Nengste

Sakto alas dose kami kumain ni bunso, kalahating tasang kanin pa rin ang sukat ng kaniyang kinain at more on gabe, labanos at meat sa ulam naming Sinigang na baboy, takot magkaroon ng pangalawang baba😄 at saka ayoko rin tumaba ito, simula noong nagwork from home panay kain niya unlimited mapachips at etc. Siguro outlet niya ang pagkain pangtanggal stress sa work niya buti kusa niyang napansin sarili niya na tumataba na kaya nagdiet.

@Nengste

Dahil hindi nakaidlip, bumangon na lang at naghanap ng makakain napaaga tuloy ang aking meryenda. Walang ulan na nangyari ngayon, umambon konti pero saglit lang kaya ang klima ng panahon ay mainit ngayon buti naman pinagbigyan ang mga umaani ng palay ngayon na hindi sila nabasa at ang kanilang aning palay at nakatuyo din ang mga naglaba ngayon. Meryenda na po tayo😊

@Nengste

Andito kami ngayon ni Zorro the doggo sa labas lalanghap sana ng sariwang hangin ngunit wala namang hangin. Malapit ng mayari itong ginagawang bahay sa kalapit bakuran namin at malapit na rin mawala ang ingay ng pagpukpok, paghiwa ng tiles at kung anu pang ingay gawa sa pagbuo ng bagong bahay.

@Nengste

Kaninang 3 am pa po ako gising at hindi na nakabalik sa pagtulog kasi hinawakan agad ang selpon at inopen ang Coins.ph para masilip ang value ni Bitcoin Cash (Bch) nalalaro ang value niya sa mercado ng 31K + pataas pababa ang butal. Tapos usap usapan sa gc ang isang shitcoin kaya bumili ako ng $7 dahil mura pa lamang ito mga 0.00000015 ang value kaya milyones ang nabili 😂try lang baka sakaling umangat din katulad ng ibang shitcoin kung tawagin. Magandang umaga sa lahat🙏

@Nengste

Ito na po luto na ang ulam pangtanghalian, maaga po ulet ako nakapagluto para tuloy tuloy na ang aking free time, wala ng iintindihin pa. Pass muna kami ngayong biyernes sa munggo, adobong manok muna si bunso sa susunod na Friday na ulet magmunggo, Bumili lang akong munggo ngayon para sa aming dalawang guard, si guard Grey at Zorro🐕 Sobrang nasasarapan silang kumain pag munggo ang ulam, simot sarap 😀

@Nengste

Nagbasabasa ako sa facebook at may memes akong nakita na nacurious ako tungkol kay AJ Raval ba yun? Binasa ko ang random comment, natatawa ako sa ibang comment at nastressed din sa ibang nabasang komento then tungkol sa halalan yung memes tungkol Kay Leni Lobredo at Paquio. Basta ako ay kay BBM.

@Nengste

Nakapahinga lang pero hindi nakatulog kasi sobrang ingay pagnagpuputol ng tiles ang Karpintero kailan pa kaya matatapos ang paglalagay nila ng tiles nang makapahinga na ang tenga namin sa ganitong ingay. Nagmeryenda na ba ang lahat, ako hindi pa may lumpia wrapper pa dito ngunit walang tindang saging na saba, ang sarap sana ng Turon na saging, waley kaya biscuit na lang tayo at tubig.

@Nengste

Nahilo po ako sa init kahit bagong ligo parang ang lagkit pa rin ng aking balat o baka gutom lang ito yata, tara Ka-ingay kain na tayo may natira pang adobo at saka pampaganang kimchi.

@Nengste

Bedtime na tayo Ka-ingay dahil panay na ang aking hikab, kailangan ng ipahinga ang dalawang mata at kamay sa kakadutdot. Sana mahimbing ang ating pagtulog ngayon gabi nang makapahinga ng maayos ang mga pagal o pagod nating katawan para paggising bukas ang gaan ng pakiramdam pagbangon. Good night na po sa inyong mga gising pa sa oras na ito🙏

@Nengste

Umagang kay sigla at kay ganda.. Kay sigla, dahil ang sarap ng aking tulog buong magdamag kung kaya't masigla ang katawan at walang iniindang bigat ng katawan sa pagbangon. Kay ganda dahil pagkalipas ng kadiliman o gabi, binigyan ulet tayo ng panibagong araw o umaga upang makita ang kagandahan ng kapaligiran na puno ng pag-asa. Magandang umaga po🙏

@Nengste

Pagkatapos paliguan ang mga aso nagutom at hiningal si granny madalas ko na ito nararamdaman siguro nga dahil pa seniors na at humihina na ang resistensiya kaya uminom kaagad ng tubig at naghanap ng makakain biglang nagutom😊 meron ditong biscuit at kape na mas lamang ang dami ng gatas para lang malasahan ang pait ng kape😄meryenda tayo habang namamahinga.

@Nengste

Pumunta dito kanina ang aking pamangkin at sinabing baka pwede akong pumunta sa kanila dahil sa akin pinapagawa ang pagtimpla ng Lumpiang Shanghai at pagbalot dahil hindi daw marunong ang kanyang asawa parang turon daw ang gawang balot kaya pinagbigyan ko, hindi po ako makahindi dahil ayaw kong sirain ang araw niya kaarawan niya ngayon. Ito po natapos ko ng balutin lahat at nakauwi na.

@Nengste

Napakainit po ng hapon na ito para akong nasa harap ng pugon yung parang sinisilaban ka, gusto ko sanang umidlip kanina pa kaso hindi nagawa, bukod sa mainit maingay pa rin sa may ginagawang bahay. Meryenda na po pala, makalabas muna para maghanap ng saging saba kahapon ko pa gustong gumawa ng turon.

@Nengste

I would love to share with you my cooked meryenda it is called Turon or Banana turon here in my country Philippines a Pinoy all time favorite snacks. Satisfied na po ang cravings ko dahil ilang araw ko rin itong binalak lutuin ngunit bigong makabili ng Saging na Saba, kanina, nagtried ulet akong maghanap at ito nga po nakabili ng ilang piraso at nakapagluto. Meryenda na po tayo Ka-ingay.

@Nengste

Dinner time na ngunit pakiramdam ko ay parang busog pa ako at walang ganang kumain, nabusog yata ako sa tubig ang dami kong nainum maghapon dahil sa sobrang init ngayong araw dito sa amin, ganito din ba ang klima ng panahon sa inyo diyan? Ang sakit sa ulo na nakakahilo, nang nagmeryenda ako kanina sinabay kong uminum ng gamot sa sakit ng ulo.

@Nengste

Nagising lang po at sinilip ang value ni bitcoin ni Bitcoin Cash (Bch) sa Coins.ph at ito ay nasa 31K+ ilang araw namalagi sa 31K sana bukas paggising natin nasa 32K na siya, yun lang po at babalik sa pagtulog na si granny Nengste.

@Nengste

It is beautiful Sunday morning! Noong aking kabataan ang uso noon ay radyo tuwing umaga pag sunday may paboritong istasyon ng radyo ang aking ina na laging may pinapakinggan mga tugtugin at ako din ay aliw na aliw sa tuwing pinapakinggan ang mga kanta na iyon at ang isa sa paborito ko ay itong kanta na ito.. Sunday morning, up with the lark I think I'll take a walk in the park Hey hey hey, it's a beautiful day I've got someone waiting for me And when I see her I know that…

@Nengste

Maaga akong nakapagluto ulet ngayon ng aming ulam pangtanghalian, niluto ko na para makahigop ng mainit na sabaw sa aking almusal. Itong dish ay tinatawag na Picadillo, ang ginamit ko dito ay karneng giniling na baka, iginisa sa bawang, sibuyas, kamatis nilagyan ng konting tubig at saka sinahugan ng patatas at konting carrots. Busog sarap po si granny Nengste at pinagpawisan pa😅

@Nengste

Sa tuwing pupunta ako ng Pamilihang bayan may mga gusto akong bibilhin gamit sa kusina at isa sa mga iyon ay pansipit (thong) ngunit lagi kong nakakalimutan 😅. Kanina po nang pumunta akong sari-sari store may nakita akong may mga nakadisplay sa kariton na mga kagamitan pangbahay at natuwa ako ng makita ko itong pansipit nabili ko lang ito sa halagang 30 php, kusang lumalapit ang aking kailangan sa kusina😁

@Nengste

Humiga na ako dahil panay panay ang aking paghikab nagbakasakaling makaidlip man lang ngunit hindi nagawa, bumangon at naghanap ng magagawa at naisip kong mag general cleaning sa banyo, andiyan ang takot pag naglilinis ng banyo, sobrang ingat po ako sa pagkadulas kaya umuupo po ako sa upuang maliit habang naglilinis. Ingatan natin ang ating sarili sa pagkadulas Ka-ingay lalo na pag gumagamit tayo ng sabon at tubig sa paglilinis.

@Nengste

Pagkatapos maglinis ng banyo naligo na ako, umuulan paglabas ko ng banyo at sabay sabi buti naman para lumamig ang klima ngunit hindi nagtagal ang pagbuhos ng ulan, huminto kaya nagkaamoy alimuong at lalo lang uminit. Pagabi na, oras na para magsaing at magluluto ng mauulam, masayang pagsasalo ng buong pamilya.

@Nengste

Pagkatapos ng aming virtual meeting via google meet, kumain kaagad ako hindi na kami nagkasabay kumain ni bunso dahil nauna na siyang kumain sa akin, ininit ko ang natirang ulam kaninang tanghalian at saka ang tinira ni bunso sa akin na Lumpiang Shanghai, kumain na rin po kayo. Matutulog ako nito ng maaga ang sakit po ng aking ulo, need lang siguro muna ipahinga ang mata sa kakatingin sa selpon.

@Nengste

Thankful for having a long good night slept, just woke and still stayed in bed just want to feel the comfortable cold atmosphere of the morning because maybe later the climate will be turn again into hot and humid weather. Maybe you already drink your hot cup of your favorite drinks in the morning, and I would love to do mine when I get up. Good morning!

@Nengste

May kaibigan akong pumunta dito para lang iabot sa akin ang ani niyang Saluyot dahil alam niyang gusto ko ito, ang sarap sa pakiramdam na nakatagpo ako ng isang kaibigang maalalahanin, inabot niya at hindi rin nagtagal. Sa pagkain ng Saluyot makakakuha tayo ng maraming mineral at bitamina ang mga mineral na ito ay makakatulong sa pagtanggal at paglaban ng mga toxins sa ating katawan. Ito po Ka-ingay niluto ko na ng maaga sinahugan ko ng konting hipon.

@Nengste

May dumaan na nagtitinda ng Rambutan tinawag ko at bumili ako ng isang kilo lamang, season yata ng Rambutan ngayon. Alam niyo bang ang Rambutan ay tinatawag itong “super fruit” dahil sa mga benepisyo nito, magandang pinagkukunan ng bitamina C na nakakatulong pang palakas ng resistensiya at nakakaalis ng mga panget na sakit sa ating katawan. Mayaman din sa Calcium at Iron ang Calcium at Iron ay nakakatulong sa pagbuo at pagdevelop sa ating mga buto at nakakapagbawas din ng…

@Nengste

Nakaidlip po ako, hindi po kasi maalinsangan ngayong hapon dahil nakatago si haring araw. Nagising ako na may tumatawag na tao po, paglabas ko may palibre meryenda pala ang aking kapitbahay, kaarawan ng kanyang anak. Nagutom tuloy ako ng makita ko ito, ang pansit hindi nawawala sa handaan dahil ito daw ay pampahaba ng buhay, naniniwala po ba kayo sa kasabihan na ito? Meryenda na tayo Ka-ingay.

@Nengste

Kapag may piniritong ulam na kahit ano hindi nawawala ang kimchi sa tuwing kami ay kakain ito ay nagpapagana ng aming pagkain, kaya naisip kong saliksikin si kumareng google tungkol sa kimchi kung ano ang mabibigay niyang benepisyo sa ating kalusugan at marami akong nabasang mga benepisyo at side effects sa pagkain nito ang isa sa nagustuhan ko ay ang maibibigay niyang benepisyo sa ating balat at buhok.

@Nengste

Kumain na rin po ba kayo? Katatapos lang din namin kumain, may natirang gulay na saluyot pa at saka nagprito ng chicken fillet at ang sinasabi ko po sa aking sinundan na post pag may prito dapat merong kimchi. Konti lang naman ang kinain kong kanin ngunit pakiramdam ko ay sobrang busog kaya naglalakad lakad ngayon baka makatulong sa pagpababa ng kinain.

@Nengste

May nadinig akong humming ng malakas na hangin kaninang madaling araw dito sa Central Luzon, nadaanan yata kami ng bagyo pero hindi din nagtagal iyon. Salamat at nawala kaagad dahil kung nagtagal po siguro ang daming nasalanta dahil sobrang lakas at nakakatakot ang tunog. Magandang umaga pa rin sa ating lahat!

@Nengste

Inuna ko na ngayong umaga ang pag-inom ng kape na maraming gatas bago umpisahan ang aking mga nakapilang gawain ngayon umaga. Balak kong maglaba ngayon kaso pabugso bugso ang pag-ulan, nailabas ko na rin ang karne para gawing nilaga at naihanda na rin ang mga isasahog na gulay, nakapila din ang pagwawalis ng sahig at punas at pagpupunas ng alikabok. Kayo po Ka-ingay may nagawa na ba kayong gawain ngayon umaga?

@Nengste

Heto po naglalaba na habang nagpapalambot ng karne, pasilip silip sa aking pinapakuluan habang naglalaba. Wrong timing ang pagkasalang ng labahin dahil bigla na lang pumatak ang ulan, itutuloy ko na lang po at gagamitan ng dryer. Sana hindi lumakas ang ulan ng hindi bahain ang labasan namin at mag disappeared na lang bigla para walang masasalantang palayan dahil kawawa ang ating mga magsasakang na ang tanging inaasahan ay ang kanilang ani ng palay.

@Nengste

Pagkatapos maglaba, nagsampay pagkatapos sampay nichecked ang pinapakulu-an, tamang tama lumambot na inilagay ko na po ang mga gulay at tinimplahan. Pagkatapos ng ilang minutong pagpapakulo naluto na ang mga gulay, naghain po agad ako at tinawag na si bunso para mananghalian dahil nakakagutom ang sobrang pagod. Kumain na po tayo😋

@Nengste

Ngayon lang po ulet nakasilip dito dahil gumawa ako ng maraming pahinga😅at umaayon naman ang panahon dahil nakatago si haring araw at saka makulimlim din minsan na may konting pagpatak ng ulan. Ramdam niyo pa rin ba ang pananalasa ng bagyong mareng ba yun? tinanong ko po kasi hindi po ako sigurado sa pangalan ng bagyo. Meryenda na tayo, masarap uminom ng mainit na inumin na nasa tasa.

@Nengste

Ano nga ba ang aming pinagsaluhan ni bunso ngayong hapunan, ito ay ang natirang ulam kaninang tanghalian at saka nagprito ng Lumpiang Shanghai, ito kasi ang dinadagdag ko pag hindi kasya sa amin ang natirang ulam sa tanghalian at pag may nagutom may mailuluto kaagad at mauulam. Medyo maalinsangan na naman po ang panahon ngayon kasi kaliligo ko lang pinapawisan na naman ako. Kain na rin po kayo😊

@Nengste

Ka-ingay sino sa inyo nakakain na ng itik? Sensiya sa tanong kasi hindi pa ako nakatikim ng itik. Si bunso may friend na may bagong tayong business ito ay food delivery na puro pampulutan, oorder daw siya para magbigay suporta, tinatanong ako kung anu daw ba masarap fried itik o kaldereta? Hindi po ako makasagot kasi hindi pa ako nakatikim ng karne ng itik sa edad ko na ito, ang sabi ko na lang ay kahit anu na lang ang gusto niyang orderin.

@Nengste

Ang lamig po, ang sarap ng tulog natin nito, pero yung nasalanta ng bagyo nakakatulog po kaya sila ng maayos? Mauna na akong matulog Ka-ingay sa mga gising pa hanggang ngayon, bukas ulet. Good night!

@Nengste

It’s Wednesday again time so fast and we grown fast too, here is my first post for today, showing my presence to let you know I’m still here alive and kicking. Thankful for having with my family today and my family here in noise let us keep noising. Good morning!

@Nengste

I started the morning by sipping hot coffee with lots of milk before I started my activities this morning. I changed my routine every morning to what I usually do, I now make sure my stomach is full before work to avoid the dizziness that I have experienced several times, whenever work comes first before eating. Maybe my resistance is weakening as well because I will be a Senior Citizen in a few years. To all my noisemates "let's eat first before doing our work."

@Nengste

Lunch time: I waited a long time for my youngest to take a lunch break at her work from home so we could have lunch together but I couldn't stand my hunger anymore so here I am eating alone. This is my dish, stewed minced pork mixed with radish and added a little of tamarind powder to make the soup a bit soury like Sinigang Let's eat noisemates.

@Nengste

We need to rest and take a nap, I need it because I didn't sleep well last night, drowsiness didn't even visit me, I checked the time, it was past 1 am but I was still awake, I don't know what time I fell asleep and then just woke up 5 am, I think my slept were not enough. I hope I could made a nap in this extreme hot weather.

@Nengste

I couldn’t sleep so I got up and took a bath in case I fell sleepy after taking a bath but I didn’t either. What I did was looking something to eat and found this because it’s snack time as well. Have you had a snack yet? Let’s eat!

@Nengste

It's Thursday once again, I looked up at the sky but I didn't see Mr. Sun, maybe it's covered with thick clouds, it's currently misting and the climate is still a bit cold, this is the climate I want to feel every day. Let's have coffee because it's nice to have a hot sip when the weather is like this.

@Nengste

Taho: May nadinig akong may sumisigaw na Tahooo... kaya lumabas ako ng bahay at inantabayanan ang mangtataho, habang inaantay ang pagtapat sa bahay tinanong ko si bunso kung gusto din niya kaya ito bumili ako ng 2 tig sampung piso. Alam niyo ba na ang taho ay isang sikat na pagkaing Pinoy na yari sa pinaghalong malambot na tokwa, matamis na arnibal at sago ito ang laging inaantabayanan ng mga bata na gustong kainin tuwing umaga kung kaya ang magulang ay binibigyan na ng pera…

@Nengste

Sabi ni bunso ngayon araw idedeliver ang order niyang kalderetang itik at ang Adobong laman loob ng itik, nagulat ako nang sinabi niyang umorder siya ng Adobong lamang loob nang makita niya ang aking reaksiyon sabay sabi na para daw yun Kina Grey at Zorro 🐕😅. Nagluto lang ako ngayon ng Young pork Tocino hindi pa daw niya sure ang delivery time. Sakaling dumating first time ko ito na makakatikim ng karneng itik sana maanghang ang pagkaluto ng Kaldereta🥵

@Nengste

Ngayon lang po ako ulit nakasilip dito, after lunch nag message sa family group chat ang aking pangalawang anak na may dinaos na covid19 vaccination at pwede mag walk in ito ay Pfizer first dose, nang mabasa ni bunso kaagad na niyaya niya ako para pumunta sa pinagdaosan pagdating namin ang haba na ng pila, 4 na oras kaming nakapila, nang 5 pm ang staff ay nag announced na ubos na ang Pfizer shot tinatanong kami kung ayos lang ba kung Moderna, andun na po kami at malapit na…

@Nengste

Nang pauwi na kami ni bunso galing sa Covid19 vaccination, may naghihintay sa amin sa may sakayan ng jeep para iabot ang order niyang itik, salamat dahil may maulam kami sa hapunan ngunit hindi ito kalderetang itik hindi sila nakaintindihan sa order akala ng seller fried itik ang order niya dahil kaibigan ni bunso at gusto niyang suportahan ang nag-uumpisang munting negosyo ng kanyang friend hindi ko nakitaan ng reklamo si bunso kahit na ang hirap palang kurutin pagkukuha ng…

@Nengste

Umagang kay ganda, maaga akong nakatulog kagabi at nakagawa ng maganda at mahabang tulog, kagigising lang po at nakadama ng pananakit ng braso sa pinagturukan ng vaccine sa tuwing ito ay aking iginagalaw,buti hindi po ako nilagnat dahil ininuman ko kaagad ng biogesic kagabi isinabay ko ang pag-inom habang naghahapunan. #moderna #covid19vax

@Nengste

Nagkape na ba ang mga coffee lover? Ako po ay nagkakape na rin na may maraming gatas at saka kumakain ng biko na nabili ko kanina kay aleng maglalako ng kakanin, at saglit ginagawa ang pagdampi ng malamig ( ice cubes pinaloob sa face towel)sa brasong pinagturukan ng covid vaccine, ito ay payo galing sa isa nating Ka-ingay para makatulong mawala ang pain na nararamdaman ko sa tuwing ito ay aking iginagalaw. Mag almusal na rin po kayo

@Nengste

Hindi maganda ang aking pakiramdam, hindi ako nakaidlip sinisinat ako at giniginaw dala ng side effect ng pagturok sa akin ng Covidvax kahapon. Si bunso braso lang na masakit ang dinadaing wala ng iba. Oras na ng meryenda babangon na ako para makahanap ng makakain😊

@Nengste

Pinapunta ni bunso ang kanyang kapatid at umorder ng meryenda at pang hapunan namin kaya maraming foods ngayon sa mesa. Tamang tama hindi ako makakilos ngayon dahil nagkasinat kaya may gagawa ng hindi ko magagawa ngayon. Sana mawala na itong aking iniindang sakit. Meryenda po tayo😀idaan ko na lang sa kain itong aking nararamdaman.

@Nengste

Kanina pa kami ni bunso naghapunan ito ang aming kinain, hindi ko rin naubos itong fried chicken ibinigay ko kay bunso dahil parang busog pa ako sa meryenda ko kanina, kumain lamang ako ng konti para magkalaman ang tiyan ng makainum ng Biogesic. Pinagpawisan na po ako at hindi na mabigat at gaanong masakit ang brasong tinurukan ng Covid vaccine, kung kanina ay nakakumot ako ngayon naman ay ayaw ko na ng kumot. Si bunso naman ngayon ang giniginaw, sana maging mabuti ang…

@Nengste

Maaga akong matulog sa inyo ngayon para makapagpahinga ng mahabang oras, bawal munang magpuyat pangalagaan muna ang kalusugan dahil nasa stage pa ako ng paglitaw ng ibat ibang side effects ng bakuna kontra Covid19. Bukas po ulet, good night!

@Nengste

Umagang kay ganda! Palagay ko ay mabuti na ang aking pakiramdam ngayon kahit na 2 beses akong nagising kagabi dahil gininaw ako, maginaw ba talaga kagabi? o ako lang yung giniginaw. Kain muna tayo bago mag-umpisa sa ating gawaing bahay. Ito ay isang pagkaing Filipino na kung tawagin ay lugaw, ang lugaw ay itinuturing comfort food sa pilipinas dahil mainit at malinamnam napakasarap kainin lalo na pag umuulan lalong masarap pag pinapareha ito sa tokwa at baboy.

@Nengste

Katatapos lang gumawa ng mga magagaang gawain sa bahay, hindi na po ako nagluto dahil walang maluluto 😄bukas pa mamalengke si bunso kaya lumabas at bumili ako ng mauulam namin sa tindahan ng lutong ulam at ang nabili ay tinolang manok. Wala na akong gagawin ngayon, kaya maliligo na para naman gumaan ang aking pakiramdam, sana hindi na ako sinatin.

@Nengste

Akala ko pagkatapos maligo masigla na pakiramdam ko, nanlalata pa rin, parang pagod na gusto ko lang laging nakahiga at walang ganang kumain para kasing masusuka ako side effect yata ito ni Moderna vaccine. May kapitbahay akong nagbigay na kakanin, tumikim ako ng isa tapos hindi ko rin naubos kain. Ganito din po ba ang naramdaman niyo pagkatapos turukan ng Covid vaccine.

@Nengste

Kagigising lang po sa pag-idlip, hindi ko maiwasang bisitahin si noise.cash, karamihan sa nag-advised sa akin ay mag take ng vit C para panlaban sa side effects ni Moderna vaccine, wala kasi akong Vitamin C dietary supplement kaya prutas na lang buti may nagtitindang prutas sa labasan. Salamat po sa inyong mga payo.

@Nengste

Palagay ko nawala na ang side effects ni Moderna dahil naghanap na ako ng kanin, ito yung binili kong lutong ulam kanina sa tindahan ngayon lang nakain dahil si bunso hindi rin naglunch ng kanin, kakanin ang kinain niya yung binigay ng aming kapitbahay. Lunch at hapunan ko na po ito, tara kain na po tayo.

@Nengste

May bagong feature icon update na naman po si noise, nagtaka ako bakit bitcoin cash logo ang nasa $ at saka ko nabasa ang bagong post update ni talking noise wala ng comparison ngayong mangyayari, naka hide ang value ganun ba yun? Basta give love lang pag may time para happy lahat.

@Nengste

Ang huling post ko sa araw na ito dahil bawal magpuyat si granny, kailangan ko ng mag exit sa oras na ito, mauna na akong matulog sa inyo enjoy giving your selfless love ( hearts) to our noisemates kahit hindi alam kung may value o wala, pinusuan ko na ang ilang post ngayon, bukas ulet. Good night!

@Nengste

Nagising ako ng 3 am hinawakan ko ang cp para icheck si Bitcoin Cash pagkachecked naisip kong mag FB na hooked po ako sa kapapanood ng mga Vlog ni BBM pinutol ko ang panood ng nakita kong 5 am na pala kaya bumalik ulit ako sa pagtulog at nakatulog naman ulet at ngayon lang nagising. Maganda at mapagpalang araw ng Linggo sa ating lahat.

@Nengste

Dahil late na nagising, ngayon lang nagkape at kinain ang biko na natira kahapon, bumalik na ang sigla ng aking pakiramdam, ingatan ko na lang na hindi mapagod sa mga gawain. Paano maging masaya? Sabi ng ilang mayayaman “mabuti pa ang taong hindi mayaman ay walang problema kaysa sa mayaman na limpak limpak ang problema. Pipiliin ko ay hindi mayaman dahil may peace of mind at ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa buhay.

@Nengste

Nakapagluto na po ba kayo ng maihahain sa mesa para pagsaluhan ng buong pamilya? ang saya dahil kumpleto ang pamilya ngayong araw. Ang lulutuin kong ulam ngayon ay requested ni bunso ito ay pritong isdang tinapa at pritong gulay na okra at talong.

@Nengste

Si bunso nag grocery kanina at namili din ng sari saring meat dahil gusto niya daw makita lagi na puno ang freezer, natatawa po ako kasi bilin niya sa akin na huwag daw akong magluluto lagi para hindi kaagad mawalan ng laman ang freezer😂mas pabor sa akin yun na hindi magluluto kasi more time ako para mag noise. Siguro ang ibig niyang sabihin ay tipirin para umabot hanggang sa susunod na sahod.

@Nengste

Na spent ko ang aking time na naman po sa FB sa kapapanood ng Vlog at Facebook live at saka pampagoodvibes ang dami ko pong tawa, sabi nga sa kasabihan “laughing is the best medicine.” Meryenda time na po, ang aking meryenda ay a sliced of apples at peras at water lang. Padilim na naman senyales na ng paghahanda ng makakain sa hapunan, hindi ako obligado ngayon sa pagluluto para may ihain mamaya kasi wala dito si bunso may dinner date kaya kahit anu na lang ang aking kainin…

@Nengste

Dahil may online meeting po ako kaya nadatnan ako ni bunso na hindi pa nakapaghapunan, timing ang kanyang uwing burger na ito, hindi ko na iisipin kung ano ang aking kakainin burger + gatas =solved na ang hapunan. Baka hindi pa kayo kumain Ka-ingay? Kumain na po tayo para mapanatag ang ating tiyan at hindi makagawa ng anumang istorbo sa ating pamamahinga o pagtulog.

@Nengste

Had just given love to some of the post before I will go to sleep, it was already late but then better to give it late than never . I was hooked again watching vlog and some goodvibes videos in FB. Good night for now and see you again tomorrow. Have a long good night sleep to all.

@Nengste

It's Monday once again and could see the beauty of everything for giving us another chance to wake up, we are alive, we are blessed and we are grateful. Still in bed because I had just woke up from 7 hours of slept in sleeping late last night. How was your sleep last night? Good morning!

@Nengste

Pagkabangon naghanap po ako ng isda dahil parang nasabik akong kumain ng isdang Galunggong at nakabili naman po ako ng kalahating kilo at talagang ikatutuwa ito ni bunso dahil hindi nabawasan ang inimbak niyang meat sa freezer😅Ipiprito ko lang po ito at ipares sa kimchi mamayang tanghali-an. Almusal muna tayo Ka-ingay, late na ito kasi late na rin akong bumangon.

@Nengste

Lunch time: Kasabay kong naglunch si bunso, heto po ang aming ulam piniritong Galunggong with Kimchi kaya lang para sa akin hindi masarap ang timpla nitong bagong brand na nabili ni bunso more on spicy masarap yung nag-aagaw ang tamis, alat at anghang katulad ng timpla sa unang naming natikman na brand, kaya daw itong brand ang nabili niya dahil walang ganun brand sa napuntahan niyang supermarket. Mahangin at hindi maalinsangan ngayon dito sa amin, sana ganun din sa inyo.

@Nengste

Hapunan na po tayo! Ang aming pagsaluhan ngayon ni bunso ay ang ginawa niyang Nachos gamit ang Wanton wrapper na kanyang pinirito para maging chips ito at kombinasyon ng sari saring hiniwang gulay katulad ng sibuyas na puti,kamatis at letsugas, giniling na baka at chiz whiz. Walang kanin ngayon bukas na lang ulet babawi. Kumain na rin po kayo Ka-ingay. Ilang attempt na po pag-upload ko ng photo, ayaw.

@Nengste

Kaeexit ko lang din sa FB sa kakatawa ko dun at palagiang gagawin ito baka sakaling mabawasan ang mga lukot sa aking mukha😅at sumilip dito para magbigay puso at muli na namang magpapaalam sa gabing ito na mauna na namang matulog sa mga Ka-ingay na gising pa sa ganitong oras, maaring magkita kita ulet ang ating presensiya sa pagpopost bukas. Magandang gabi sa inyong lahat.

@Nengste

Magandang araw ng Martes na kay ganda! Pagdilat ng ating mga mata agad nasilayan ang liwanag mula kay haring araw na may dalang pag-asa sa ating lahat, laging isipin na may bukas basta manalig lang tayo, patuloy na harapin ang hamon ng buhay huwag mapagod o susuko, dahil ang buhay ay isang regalo ng isang na naglalang sa atin upang makinabang, mamuhay at masiyahan sa kanyang mga gawa dito sa mundong ating ginagalawan kaya pagkaingatan natin ang regalo na ito. Magandang umaga…

@Nengste

Katatapos ko lang maglaba Ka-ingay buti natapos ko na hindi nakaramdam ng pagkahilo dahil kumain muna ako bago sumabak sa aking mga labahin at heto po namamahinga muna habang hawak ang selpon. Bumili lang ng lutong ulam inihaw na baboy hindi pa naman nag-aayang kumain si bunso kaya mag-iingay muna ako.

@Nengste

Nakaidlip po at kagigising lang, ayos po ang klima ng panahon, makakatuyo ng aking mga sinampay. May inuwing kalapati na naman ulet ang aking kapitbahay, sana hindi na mangyari ulit ang nakaraang nangyari na nadikit ang leeg ng kalapati sa matalim na gilid ng yero kung kayat naputol ang leeg ng kalapati. Meryenda time na po.

@Nengste

Naghahanap po ako ng makakain at ito ang aking nakita sa mga inimbak ni bunso na kukutin niya at heto kumuha po ako, Choco nut ang paborito naming magkakaibigan noong aking kabataan, nagulat po ako dahil meron po pala nito dito sa mga imbak ni bunso. May magandang alaala rin po ba kayo tungkol sa pagkain na ito?

@Nengste

Katatapos lang din kumain, nagprito lang ng dalawang marinated spicy wings tig-iisa kami ni bunso at ipinares sa kimchi, may konting natirang kanin ng tanghali-an ginawa kong garlic fried rice. Kumain na rin kayo, huwag magpagutom para maging maayos ang ating pagtulog. Balikan ko ulet kayo mamaya, lilipat muna ako sa FB laugh trip muna si granny.

@Nengste

Sumilip ulet ako dito para pumuso bago matulog. Maraming tawa na naman ang aking nagawa sa aking pinanggalingan social media, pati politics parang kenkoy na rin 😅, pero sa halalan seryosohin natin ang pagmarka o pagpili ng karapatdapat na ilagay sa mataas na pwesto. Paano maiwan ko ulet kayo, bukas na ulet tayo magkitakits sa post. Magandang gabi sa mga gising pa.

@Nengste

Masiglang araw na Miyerkules sa ating lahat! Siglahan ang pagbangon para buong araw ay sumigla at gumaan ang pasok ng anumang pagpapala😊Napakasigla din ni Haring Araw ngayon kung kaya ay lumabas ako at tumalikod sa kanyang sinag para ibilad ang aking likuran upang makasagap ng Bitamina D na kanyang taglay. Sound trip naman si bunso habang kumakain ng kanyang almusal.

@Nengste

Ang aking almusal ay tinapay at mainit na gatas nagpapatibay si granny ng mga buto dahil ang mga buto ay nagiging marupok ito pag umabot na sa pagtanda natin ayon sa aking kaalaman, baka may karagdagan kaalaman pa po kayo tungkol sa pag-inom ng gatas Ka-ingay? Dahil hindi busy si granny ngayon kung kaya ay nakaluto na si granny ng maihahaing ulam mamayang tanghalian para tuloy tuloy na ang pahinga ni granny Nengste. Palagay ko po ay inihahanda niyo na rin ang inyong lulutuin.

@Nengste

Kumain na ba ang lahat? Kami ni bunso kumain na at nakapag-urong na rin ng kinainan heto ngayon nakatayo, naglalakad paroon at parito para makatulong mapadali ang pagbaba ng kinain ng makahiga at makagawa na ng kahit idlip lang sana kahit na maalinsangan ang klima ng hapon dito sa amin ngayon.

@Nengste

Naging matagumpay ang aking pamamahinga dahil nakaidlip at ngayon lang nagising, pagkagising kaagad na lumabas si bunso sa kanyang silid tulugan na yun din ang kanyang ginagawang opis sa kanyang Work from home at nakiusap na lumabas ako para kuhanin ang kanyang delivery order, ang nasa isip ko ay sitsirya na naman pero nagkamali pala ako😅Ito ay Takoyaki isang Japanese street food na binuo sa Osaka Japan. Ang takaw ni bunso 2 sa kanya.

@Nengste

What we ate for dinner was the leftover Ampalaya Con Carne lunch dish that I heated and also fried rice because there was leftover rice from lunch, I find the food delicious to eat when it's hot, are you too? I hope you have eaten and been satisfied with the grace that we have received today.

@Nengste

Umagang kay ganda, kay ganda nga po talaga dahil maaga akong nakaisip ng mauulam at kaagad ko namang inumpisahang inihanda at ito ay kasalukuyan kong binabalot, ang lulutuin ko ngayon ay Chicken Molo Soup at paparisan ng fried Lumpiang Shanghai. Makulimlim po ang lagay ng panahon dito sa amin ngayon, kung sakaling uulan lalong sasarap ang paghigop ng Molo soup nito😀Masayang paghahanda ng maihahain sa mesa sa pagsapit ng tanghalian.

@Nengste

Dahil naluto na ang Chicken Molo soup, siyempre tinikman agad ni granny Nengste habang mainit init pa at may ilang piraso din na inisteamed parang siomai ganun pinatakan ko ng knorr seasoning ang sarap, dinalhan ko si bunso sa kanyang opis dito sa bahay nang natikman niya nagustuhan niya ang lasa, gagawa daw po ulet ako nito😅

@Nengste

Salamat dahil nakagawa po ako ng idlip ngayong hapon hindi kasi maalinsangan ang klima ngayon kaya nakabuo ng tulog. Nang nasa facabook po ako may napansin ako ads tungkol sa movie, pinanood ko po ang trailer hanggang matapos ito ay tungkol sa loyalty ng isang Aso habang pinapanood ko po ito na touched po ng bidang aso ang aking damdamin yung nalungkot din ako dahil malungkot siya, mga dog lover panoorin niyo po itong movie na ito.

@Nengste

Oras na po para ihanda at pagluluto ng ulam para sa ating hapunan at ito po ang aking lulutuin, Lumpiang Shanghai ang paboritong kainin ng mga Pinoy at hinahanap lagi sa ibat ibang handaan. Itong ginawa ko ngayon ay 1/4 kilo na giniling baboy lamang at walang hipon na sangkap. Ang mga sangkap na nilagay ko dito ay kinchay, sibuyas, carrots, toyo at konting iodized salt (optional)at ground pepper. Tara magluto na tayo!

@Nengste

Tapos na kami kumain ni bunso nang makatanggap ako ng mensahe sa chat galing sa anak kong pangalawa na de pamilya, nagtanong kung ano daw ulam namin dahil nasa linggo de peligro daw sila ngayon delay pasahod ng Deped dapat ngayong araw kaya dali dali namang nagprito si bunso ulet ng lumpiang shanghai at kung anu anu para madala sa kanyang kapatid, diyan ko nakikita ang pagmamahal nilang magkapatid na kung anung wala ang isa kaagad na kumikilos ang isa.

@Nengste

Paano po ba mga Ka-ingay oras ng tulugan na naman, kahit na nakaidlip ako ng hapon kusang napapapikit na naman ako ngayon kaya mauna na akong matulog sa inyo, bukas ulet. Tayong mga ina hangad natin at makitang lumaking may pagmamahalan ang ating mga anak sa isat isa andun yung nagdadamayan at nagbibigayan ang sarap sa pakiramdam parang nasa cloud 9 ang pakiramdam sa sobrang saya. Good night!

@Nengste

Maganda ang aking tulog magdamag, paggising akala ko 3 am pa lang dahil madilim pa nang hinawakan ko ang selpon doon ko nakita na 5 am na pala kaya pala nasa tabi ko na si Zoro🐕na paiyak iyak gusto ng lumabas. Pagbukas ko ng pinto inantay niyang makaalis ako ng pintuan bago lumabas at pagbalik ko sa higaan kasama ko na silang dalawa ni Grey, itong si Grey ay sobrang malambing na aso.

@Nengste

Nadelivered na ang binili ni bunso sa online shopping ang 1 set na grooming tools para sa alaga naming aso, sinubukan niyang gamitin ito kanina kina Grey at Zoro habang pinuputulan niya po ng kuko si Grey, takot si grey na nagagalit ayaw paputol pero dahil takot siya sa kanyang amo kaya nagawang putulan lahat ang kanyang kuko. Nang si Zoro na ang pinutulan hindi na tinuloy ni bunso dahil unang putol niya ng kuko dumugo ang pinagputulan na kuko kaya natakot na si bunso na…

@Nengste

Ang ulam namin ni bunso ay pritong Lumpiang Shanghai at itlog na pinaresan ng Kimchi, ito ang Kimchi na inorder ni bunso sa isang Korean food shop kahapon at nadelivered naman ngayon dahil paubos na rin ang kanyang nabiling kimchi sa supermarket, ang lakas namin ni bunso sa Kimchi, addicted na yata kami ni bunso sa kimchi hinahanap hanap namin tuwing kakain pag prito ang ulam.

@Nengste

Hindi po ako nakaidlip dahil sa sobrang init ngayong hapon, ang ginawa ko ay naghanap ng mga funny video sa Facebook pati na rin about politics na usi ako sa mga batuhan at sagutan ng baho nila hahah.. Nakasara kasi ang bahay tapos may tumatawag akala ko bisita ng aking bunso yun pala ay delivery meryenda na order ni bunso, ayos po may makakain si granny Nengste na Pichi Pichi. Meryenda na po tayo.

@Nengste

These what I have for dinner, I had just fried one piece of marinated wing prepared just for me because bunso was still full up to this time of what she ate earlier the Pichi Pichi. Let us eat noisemates for the tummy to filled and be in peace😅

@Nengste

Kalilipat ko lang po galing FB, may video akong napanood sa isang episode ng Isumbong mo kay Tulfo tungkol sa naglukong asawang babae yung umabot sa hiwalayan, relate po ako sa istorya bilang isang anak tungkol sa paghihiwalay ng magulang kaya ang bigat ng aking dibdib ng pinapanood ko ito dahil biglang lumuha ang aking mata. Bago ako matulog pumapasok muna ako sa CR at saka isasara ang pintuan sa kusina at hihiga na, maya maya umiiyak si Zorro gusto lumabas hindi ko…

@Nengste

It's Saturday once again, hello noisemates with a grateful heart, a beautiful loving heart, so let's start the day with a smile, feeling thankful for life and everything in our life, and experience all the joy and beauty that life can offer, because life is beautiful. Good morning!

@Nengste

Kalderetang Baka: Inagahan ko ang pagbangon kanina para pakuluan sa toyo,dahon laurel,sibuyas,bawang,katas ng kalamansi at ground pepper ang karne ng baka, 2 pirasong siling maanghang at dinagdagan ng tubig hanggang ito ay lumambot at saka itinabi muna. Sa isang kawali pinirito ang patatas at itinabi, binawasan ang mantika sa pinagpritohan ng patatas at ginisa ang bawang at sibuyas, inilagay ang hotdog,red pepper at 2 kutsarang liver spread at tomato sauce, inilagay ang…

@Nengste

Oras na para maglunch, ito ang niluto ko kaninang ulam ang kalderetang baka, balak ko sanang gawing nilaga para hindi ako makagastos ng malaki sa mga sahog at sangkap ngunit mas gusto ng aking bunsong anak ng kaldereta siyempre tayong nanay lagi natin pinagbibigyan ang gustong kainin ng ating anak kahit magastusan tayo para lang masiyahan ang ating anak. Nauna na akong kumain kay bunso dahil busy pa siya, kain po tayo!

@Nengste

Meryenda time ni granny Nengste, ang pagkain nito sa meryenda ng pagsawsaw ng tinapay sa sauce ng kaldereta ay natutuhan ko sa aking yumaong asawa kaya naalala ko siya habang kinakain ko ito ngayon, ginagawa niyo rin ba ito? Mainit na tubig ang ginawang panulak dahil masebo ang aking kinain ngayong araw.

@Nengste

Bumagsak po ang ulan kaya medyo lumamig ang kapaligiran mukhang masarap mamaluktot at magkumot mamaya nito pagpatuloy ang pag-ulan. Kainan na naman, ako po ay hindi na kakain ng kanin magtitinapay na lang at gatas kasi ang bilog na ng tiyan ko😅

@Nengste

Sumilip muna dito para pumuso bago matulog si granny, sana ay naging productive ang ating buong maghapon. Ang init po ng mga discussion doon sa isang social media tungkol sa politics dito cool lang, paano po mauna na akong matulog sa inyo.Good night!

@Nengste

Araw na ng Linggo, isang linggo na lang matatapos na ang buwan ng Oktobre, sadyang kaybilis ng iyong 🎶pagdating, pag-alis mo ay🎶 sadyang kaybilis din, napakanta pa ako. Ilang buwan na lang sasapit na ang bagong taon 2022, sana maging maayos at walang kaguluhang manyayari sa araw ng kampanya at halalan. Bangon na po tayo at uminum ng mainit init na inumin mapakape man o tsaa, lugaw o sopas. Magandang umaga sa lahat!

@Nengste

Dahil umuulan ngayon ang sarap uminum ng mainit init na inumin pangalawang tasa ko na po ito paggising kanina nagsalabat at ngayon ay nagsekwate sinubukan ko lang tikman ang nabili kong cacao blocks,tarang magsnacks habang nakikinig sa tunog ng mga patak ng ulan.

@Nengste

Dahil nabusy ako sa aking ginawa, nagkusa ng magluto si bunso at ito ang kanyang niluto puro prito para lang may maulam, hindi ko na napansin ang oras dahil umuulan parang ang bilis ng oras. Hindi healthy ang ganitong ulam di ba? Pwede na kesa walang maulam bawi na lang sa susunod, siya kasi ang namili nito sa supermarket hindi pumunta sa wet market ng bayan pica pica ang lunch namin.

@Nengste

Katatapos ko lang din kumain, nagprito ako ng isang itlog sunny side up tapos kimchi yun po ang aking inulam, hindi kami nagkasabay kumain ni bunso kasi maaga siyang kumain ramen ang kanyang kinain. Kayo po kumain na? Maraming tawa na naman ako sa aking napanood kanina sa FB live. Kumusta ang inyong maghapon dito kay noise?

@Nengste

Magandang araw ng Lunes sa ating lahat, sa aking pagbabasa dito may mga post akong nabasa tungkol sa invitation about sa 50 task na ipapagawa ni noise in exchange of $2. Sa aking bagong notif ngayong umaga wala po akong nakitang invitation about the task pero sa kakahalungkat ko nakita ko yung invitation kagabi pa pala dahil 10 hours na ang nakaraan😀siyempre ginawa ko kaagad at natapos ko po, inaantay ko na may mag notif about sa $2 walang notif pero nang nichecked ko ang…

@Nengste

Naisip kong magluto ng tinolang manok pero lang wala akong gulay kaya lumabas ako at naghanap ng gulay nakabili naman ako ng sayote sa tindahan gusto ko sana rin ng dahon ng sili kaso walang tinda sa unang tindahan na pinuntahan ko kaya naghanap po ako sa ibang tindahan kaso wala rin nang naglalakad ako may nakita akong puno ng mababang Malunggay, nagtanong ako kung kanino dapat manghingi ng dahon nito, buti naman at nakahingi .

@Nengste

Timing itong niluto kong Tinolang dahil bumagsak ang ulan habang ako ay kumakain, nahuli akong kumain kay bunso dahil busog pa ako at saka may tinatapos akong gawain nang mag-aya siyang kumain kaya heto nag-iisa sa mesa at may sa kaliwa at kanan na bantay walang iba itong dalawa naming sundalong 🐕 naghihintay na mabigyan ko silang share sa aking pagkain. Kain na po tayo!

@Nengste

Katatapos ko lang gawin ang pangalawang invitation sa pinapagawa ni noise na 50 task ngayon gabi at ang $2 ay napasok na agad sa aking wallet, salamat @noise.cash sa ayuda na aking natanggap bago matulog, matulog na tayo Ka-ingay bukas ulet. Good night! Nga po pala check niyo po ang notification, ito ay hinalungkat ko lang kasi natabunan na 2 hours ago na pala ito dumating

@Nengste

Magandang umaga Ka-ingay, sana lahat nakatanggap ng notif galing sa noise admin to complete the task in exchange of $2. Nakahiga pa si granny habang nagtatype, natayo na ako kanina, binuksan ang pinto sa kusina at bumalik ulit sa higaan kasi gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog kaso hindi na nagawa totally gising na ang aking diwa kaya babangon at gumalaw galaw, makapag almusal para makondisyon ang aking katawan dahil sasabak ako sa mga labahin ngayon.

@Nengste

Tapos na po ako sa paglalaba, namamahinga na sa ngayon dahil nakaramdam ng pagod. Matanong ko lang po sa mga kumuha ng Philid sa step 2 noong binigyan po kayo ng transaction slip na may QR code nabigyan po ba agad kayo ng Land bank Cash card? Ako kasi hindi nabigyan wala pa kasi noon ng nagparegister ako sa step 2, paano po kaya ako makakuha ng Land bank Cash card?

@Nengste

Sino ang hindi pa kumain?Kumain na po tayo, tig-isa kami ni bunso sa Isdang tinapa, gusto ko sanang iluto ang Okra sa pinakuluang tubig kaso ayaw ni bunso, prito ang gusto niyang luto. Ngayon lang ako nakasilip dahil namasyal si granny Nengste kanina.

@Nengste

Magandang araw na Miyerkules sa ating lahat! Tanghali na po ako nakasilip dito, nagtataka ako kung saan nanggaling ang $1 na napasok sa wallet ko ngayong umaga dahil hindi pa naman na reached sa minimum ang naipon na earning sa noise.cash, nakailang refreshed na ang aking ginawa pero lagi pa rin lumilitaw na ganito earnings ko. Kung kanino galing "salamat"🤔

@Nengste

Bantay sarado ko po ang konting holding na 3 klaseng shitcoins kung tawagin, kasi bumubulusok po pataas ang kanilang value kaya excited si granny Nengste. Oras na po ng tanghalian kain po muna tayo, bumili lang ako ng lutong ulam inihaw na baboy paired with kimchi at pritong talong.

@Nengste

Pagabi na at abala na rin ang isip sa kaiisip ng mauulam mamayang hapunan at yung iba ay nakaluto na o may natira pang ulam ng tanghalian at nag-iisip din kung ano pa ang iluluto pandagdag para kumasya sa buong pamilya. Magluto na po tayo ka-ingay.

@Nengste

Maalinsangang gabi po sa lahat! Kumain na rin po kayo, katatapos lang namin kumain ni bunso, ang ulam namin ay piniritong young pork tocino na may sawsawang kamatis na may patis at sili at saka ang natirang biniling lutong ulam na gulay na ginataang gabi o laing, ang sarap ng pagkaluto dahil hindi tinipid sa gata at may anghang.

@Nengste

I had just completed the task given by noise.cash in exchange of $2 thank you @ noise.cash. Did you recieve also a notification from noise? Kung hindi pa kalkalin niyo po ang inyong notif baka hindi niyo napansin dahil natabunan ito. Mauna ng matulog si granny Nengste sa inyo po. Good night!

@Nengste

Mapagpalang araw na Huwebes sa ating lahat, ang saya dahil may pampasiglang $2 ulet si noise sa atin sa mga hindi nakatanggap baka kayo naman sa susunod, may pambigas na tayo, ulam na lang problema😊 tiyak na nakapag-almusal na kayo, ako ngayon pa lang gatas at fudgy bar. Kanina may dumaan na naglalako ng boneless bangus, 2 medium size na bangus ang laman sa isang pakete 130 pesos namurahan po ako kaya nakabili ng isang pakete, hiniwa ko sa apat ang isa para iprituhin ulam…

@Nengste

I spent more time watching about some politics vlog in FB kailangan kasing kilalanin natin ang mga tumatakbong kandidato at pipili ng aplikanteng karapat dapat at kayang gampanan ang binigay nating tungkulin sa kanya hindi para sa kanilang sariling interes kundi sa interes at magandang kapakanan ng Bansa at mamamayang Filipino. Kaya vote wisely dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating anak at kaapoapohan. Idlip muna ako at ang sakit na ng aking mata.

@Nengste

Ang niluto ko ngayong hapunan ay ang pang adobohing baboy ay aking pinakuluan at pinalambot ito para gawing litson kawali at nagprito din ng tokwa kaya ang tawag sa ulam namin ay tokwa at baboy, konti lang ang kanin namin pero hindi naubos, ang sabi ni bunso “ang sarap mama pero mukhang nahihilo na ako.” Mas lamang po kasi ang taba kesa sa laman. Kumain na rin po kayo Ka-ingay.

@Nengste

Kababangon lang ni granny Nengste kaingay though maaga akong nagising at hinawakan kaagad ang selpon para icheck ang galaw ng mga crypto sa merkado, sobrang magalaw ngayon ang mga altcoin taas baba ganun ang galaw sana tumaas pa lalo kasi balak kong magpa ampao makspagshare ng blessing kahit konting halaga dito sa aking mga Ka-ingay. Good morning!

@Nengste

Napakainit na hapon sa ating lahat, sinusubukang matulog pero hindi talaga dahil ramdam ang init kaya heto nanonood ng funny vlog, napapagalitan na ako ni bunso dahil sobrang tawang tawa po ako😂 ang ingay ko daw. Nakalabas po ako kaninang umaga at nadaan sa greenwich bumili ng paboritong lasagna for take out. Kuha ko ito while waiting the food.

@Nengste

Ngayon lang ulet nakasilip, late night na gising pa po kasi nawili ule sa kapapanood ng vlog, naging daily activity ko na yan. Sa mga gising pa hanggang ngayon mauna na akong matulog sa inyo palagay ko tatanghaliin ang gising ko nito bukas, siguraduhing may laman ang tiyan bago matulog ng magiging maayos ang ating tulog. Good night!

@Nengste

Hello po araw ng Sabado na po sadyang kay bilis talaga ang pag-ikot ng orasan. Nakapag almusal na ba ang lahat, ako ngayon pa lang dahil late na nagising, late na rin kasi natulog. Enjoy your day at make it productive.Good morning!

@Nengste

Ngayon lang nakapagpost si granny Nengste nakatutok kasi ako sa konting holding kong altcoin/shitcoin, salamat naman at nakapag take profit ng $92 sa spot trading, may pang grocery na bukas. Kumain na ba kayo? Ito ang ulam namin ni bunso tuyong dilis at pusit pinirito at isinawsaw sa maanghang na suka. Kumain na rin po kayo

@Nengste

Umagang kay ganda po, tara ng uminom ng mainit na inumin, ito po salabat at tikman ko po itong bikong binili ni bunso online bago sumabak sa mga gawain ngayong umaga konti lang naman pero yung katawan nakakaramdam na ng hingal. Dahil napasok na sa banga ang kinita sa spot trading, si bunso na lang ang papuntahin ko sa grocery store nito. Sana lalo pa tayong pagpalain sa araw na ito.

@Nengste

Andito sa bahay ang aking pangalawang anak kasama si apo, napagpasyahan ng mag tita na mag swimming daw sila kaya heto salit salit kaming mag-ina sa pag-igib at pagpuno ng tubig sa inflatable pool. Hindi pa po kami nakapaglunch sa oras na ito dahil nageenjoy pa si bunso at si apo, madali lang naman lutuin ang uulamin namin magpiprito lang ng tuyong pusit.

@Nengste

Meryenda na Ka-ingay! Nakapaggrocery si bunso kaninang umaga, ito na ang katas ng kinita ko sa trading at dahil andito ngayong araw ang aking pangalawang anak kaya bumili na rin si bunso ng mameryenda, maingay ngayong araw dito sa bahay dahil sobrang saya ang bonding ng mag tita😍

@Nengste

Tulugan time na po, natapos ang maghapon na masaya, nag karaoke kaming mag-ina, kaya lang pagsapit ng 5:30 PM nabitin ang aming kantahan dahil kailangan na umuwi ng aking anak at apo. Kayo po kaingay kumusta ang inyong maghapon? sana ay naging masaya din. Mauna na po akong matulog sa inyo, magandang gabi!