Taho: May nadinig akong may sumisigaw na Tahooo... kaya lumabas ako ng bahay at inantabayanan ang mangtataho, habang inaantay ang pagtapat sa bahay tinanong ko si bunso kung gusto din niya kaya ito bumili ako ng 2 tig sampung piso. Alam niyo ba na ang taho ay isang sikat na pagkaing Pinoy na yari sa pinaghalong malambot na tokwa, matamis na arnibal at sago ito ang laging inaantabayanan ng mga bata na gustong kainin tuwing umaga kung kaya ang magulang ay binibigyan na ng pera ang mga anak para may hawak na na pambili sakaling dumaan si mamang mangtataho. Magandang umaga po sa lahat😊
5 comments
yan ang kinahilgan kainin ng mga pinoy lalo na sa umaga, mapa bata man o matanda yan ang gusto nila kanin, mura na at may sustansyang pang dala dahil sa mga sangkap nia. gusto ko jan yung marmaing sago sa ibabaw
Correct po mura na at masustansiya
Me suki ako dati nyan yun lang dina nakakapasok sa subdivision namin bawal ata naalala ko hinahantay ko lagi sa labas yung mag tataho e ahahah
Sarap naman po dito kc sa amin wala na naglalako niyan bawal na din yata ka miss tuloy
may dumaan din saamin kaso lakas ng takbo ng motor niya , di na mahabol . haist . nagtitinda nga nagmamadali naman .