Ngayon lang po ako ulit nakasilip dito, after lunch nag message sa family group chat ang aking pangalawang anak na may dinaos na covid19 vaccination at pwede mag walk in ito ay Pfizer first dose, nang mabasa ni bunso kaagad na niyaya niya ako para pumunta sa pinagdaosan pagdating namin ang haba na ng pila, 4 na oras kaming nakapila, nang 5 pm ang staff ay nag announced na ubos na ang Pfizer shot tinatanong kami kung ayos lang ba kung Moderna, andun na po kami at malapit na kaming masalang ni bunso kaya go kami kahit hindi Pfizer. Salamat at natapos din at nakauwi kami ni bunso ng 6 pm pasado, nakapaghapunan na din at heto namamahinga na.
1 comment
Kamusta naman po pakiramdam nyo mommy? Try nyo din po inuman agad ng paracetamol para sure na di lagnatin.