Akala ko pagkatapos maligo masigla na pakiramdam ko, nanlalata pa rin, parang pagod na gusto ko lang laging nakahiga at walang ganang kumain para kasing masusuka ako side effect yata ito ni Moderna vaccine. May kapitbahay akong nagbigay na kakanin, tumikim ako ng isa tapos hindi ko rin naubos kain. Ganito din po ba ang naramdaman niyo pagkatapos turukan ng Covid vaccine.
3 comments
Pahinga po kayo tas mag vit c ka din basta nakakain kahit konti tsaka mas ok po mag prutas ka baka side effect po ng vac yan., Pagaling
Ganyan po talaga bka nanibago ang katawan nyo sa tinurok sa inyo eat ka na lang ng fruits at vegetable need rin rest ingat po
Pahinga ka lang mam. Ako po un first dose awa po ng Diyos wala. Maliban sa naturukan. Yong 2nd dose tlgang mas masakit turok pagkauwi ko naglaba po ako every 4hrs ako take paracetamol. Yong 2nd and 3rd day yon na may mga joints na ko sumakit mam. Pero ayun nagwowork pa rin ako nasa office . Awa po ng Diyos mam natanggal din after 3 days.