Kalilipat ko lang po galing FB, may video akong napanood sa isang episode ng Isumbong mo kay Tulfo tungkol sa naglukong asawang babae yung umabot sa hiwalayan, relate po ako sa istorya bilang isang anak tungkol sa paghihiwalay ng magulang kaya ang bigat ng aking dibdib ng pinapanood ko ito dahil biglang lumuha ang aking mata. Bago ako matulog pumapasok muna ako sa CR at saka isasara ang pintuan sa kusina at hihiga na, maya maya umiiyak si Zorro gusto lumabas hindi ko pinapansin, pinapapasok ko na sa loob ng silid ni bunso para matulog na pero ayaw niya kaya hinayaan ko na lang, mga ilang sandali may naririnig akong ingay sa labas parang umiiyak nang binuksan ko ang pintuan para alamin kung ano yun Kaagad na nakita ko si Grey nasaraduhan ko 😅kaya pala pinapabuksan sa akin ni Zorro ang pinto. Ang talino at ang bait talaga nitong si Zorro.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Napanuod ko din po un kanina, sobrang sakit talaga kawawa mga bata
Hehehe. Kaya naman pala. Akala ko gusto lang magwiwi ni Zorro.