Maulan po ang umaga dito sa amin kaya medyo malamig pa rin ang klima sa oras na ito. Nakapag-almusal na rin ng maaga nagkape at nag toast ng tinapay na pinahiran ng konting butter. Paggising ko kanina nag-isip po ako kung ano ang aking lulutuin ngayon pero ng pagbukas ko ng ref para ilabas ang butter, nakita ko itong isang bucket at tiningnan ko ang laman tamang tama hindi na ako nito makapagluto😀may uwi pala si bunso kagabi hindi ko po napansin.
4 comments
Wow Jollibee. Pahingi naman. Namiss ko kumain niyan. Hirap ng malayo sa city
Kailangan na po maglipat sa city😊
Yay. Mas prefer ko tumira dito sa bukid hehehe
Wow, bida ang saya. Hehehe. Maulan nga po, sarap magtalukbong at matulog.