read.cash Log in
@Nengste more from that month

May dumaan na nagtitinda ng Rambutan tinawag ko at bumili ako ng isang kilo lamang, season yata ng Rambutan ngayon. Alam niyo bang ang Rambutan ay tinatawag itong “super fruit” dahil sa mga benepisyo nito, magandang pinagkukunan ng bitamina C na nakakatulong pang palakas ng resistensiya at nakakaalis ng mga panget na sakit sa ating katawan. Mayaman din sa Calcium at Iron ang Calcium at Iron ay nakakatulong sa pagbuo at pagdevelop sa ating mga buto at nakakapagbawas din ng tsansa na magkaroon tayo ng mga sakit sa buto. Ito ay ilan lamang sa mga benepisyo na makukuha natin sa pagkain nito.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.