Oras na para ako ay umupo at natapos ko na gawin ang aking gawain tuwing umaga. Habang nakaupo heto po ngayon pa lang ako kakain ng aking almusal, butter cookies at ginger tea. Napansin ko kanina na binahayan ng langgam ang lupa sa paso na may halaman ang ginawa ko ay nagpakulo akong tubig at binuhos sa lupa na nasa paso. Sana umalis na ang mga langgam doon.😊
@Nengste in July 2021
Dahil may nagbigay sa akin kagabi ng tatlong manggang hilaw, ang dalawa ay aking binuro at itinira ko po ang isa para sa aking bunso, ibinilin nya kanina bago umalis na huwag ko iburo lahat. Masayang paghahanda at pagluluto ng masarap na ihahain sa mesa para pagsasaluhan ng inyong pamilya😋
Dahil hindi kakain ng tanghali-an dito ang aking bunso, ito ang aking inulam scrambled egg na may kamatis at sibuyas, laking tipid😍mamayang ko na siya ibibili ng lutong ulam pag kakain siyang kanin, palagay ko hindi rin yun kakain at diet po siya.Kumain na rin po kayo.
Parang hindi masyadong mainit ngayong hapon dahil natabingan ng ulap si Ginoong araw, tamang tama dahil inaantok ako, magagawa muna ng tulog kahit idlip lang para makapahinga din ang aking dalawang mata.
Nakaidlip ako at nagising nang dumating ang aking bunso at ang likot ng dalawang alaga naming aso pagnarinig nila ang tunog ng gate at nakita nila ang kanilang amo hindi mapakali pati ako na nasa higaan natitisod sa kalikutan nila, siguro natutuwa sila at nakitang muli ang kanilang amo. Kaagad na pinabalatan sa akin ng aking bunso ang isang natirang manggang hilaw at nakikain na rin pagkabalat. Itong bunso ko 25 years old na ngunit hindi marunong magbalat ng mangga, kaliwete…
Takipsilim na po, nagbabadyang babagsak ang ulan ngayon gabi at panay ang pagkulog dito sa aming lugar, mabuti yun para lalong masarap ang tulog huwag lang sobrang lakas at baha ang aabutin. Kumain na kayo ng inyong hapunan, kami ng aking bunso ay nag gatas lang at nagcrackers. Sana naging maayos ang ating maghapon.🙏
Kamusta po ang umaga ng aking mga ka-ingay? Kung anuman ang bungad sa atin ng ating pag-gising sa umaga ito, huwag kalilimutang magpasalamat dahil sa pagdilat ng ating mga mata tayo ay pinagpala na. Gawing kapakipakinabang ang araw na ito. Halina at mag-almusal tayo.
Noong nasa high school pa lamang ang aking mga anak kahit imposibling kong matugunan ang kanilang pangangailangan dahil sa mga taon na yun ay nagkamild stroke ang aking asawa ngunit nagpursigi pa rin akong ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral at yun ang laging hinihiling ko tuwing gabi sa aking panalangin bago matulog. At ngayon ay malapit ko na rin makamtan ito ang tagumpay sa likod ng paghihirap ang malapit na pagtatapos ng aking bunso.
Oras na ng tanghali-an tamang tama at luto na po itong binalak kong ulamin ngayon para ipares sa aking binurong mangga. Itong mga kamatis ay para sa gagawing sawsawan ng aking bunso at baka ayaw niya ng burong mangga. Tara kain tayo at nasasabik na akong kumain ng kanin dahil hindi ako kumain ng kanin kagabi dahil nagdiyeta si granny nengste😄
Sa tuwing gagawa po ako ng account online sa iba’t ibang website nakatabi na po agad itong notebook para inotes ang importanteng mga bagay tulad ng account name, ginamit kong email,password,cp#, at kung saan ko tinago ang aking private key at anu pang importanteng inota katulad ng back up phrase pag nagback up ng iyong wallet example sa bitcoin.com may 12 back up words kaagad na inotes para pag nakalimutan may back up notes na maasahan at alagaan mabuti ang notebook ng iyong…
Ganito na po ang kalagayan ng kalangitan sa lugar namin tapos ang lakas ng hangin,totoo na yatang babagsak ang ulan ngayon. Na prank po ako kagabi akala ko matutuloy ang pagbagsak ng ulan. Nag-aabang ako ngayon na may dadaan na nagtitinda ng meryenda.
Walang dumaan na nagtitinda ng meryenda at hindi rin po natuloy ang pag-ulan. Nang nagchecked ako ng aking facebook, may nakita akong post na tindahang nkacart malapit lang din sa amin at lumabas ako para bumili ng kanilang tinda, matagal po akong naghintay at ang tagal uminit ng kanilang lutuan para pag-iinitan ng aking binili, masarap ang Korean mozzarella corndog medyo masarap din ang Japanese cake. Meryenda po tayo😋
Natuloy po ang pag-ulan mahina lang at pahinto-hinto. Mga ka-ingay ano po ang inyong inihandang pagsaluhan ngayong hapunan? May natirang pritong tilapyang isda kaya kakain ako ng kanin ngayon kahit konti lang, ang bunso ko po ay kumain na ng hapunan, crackers biscuit at pritong tilapyang isda ang kanyang kinain at nagtimpla ng milo. Magandang maulan na gabi sa inyong lahat.
Dahil sa pag-ulan po kanina medyo malamig ngayon, kahit inilagay ko lang sa no 1 ang lakas ng pag-ikot ng electric fan nagbigay ito ng malamig na hangin. Masarap matulog ngayon. Ganun din ba sa inyo? Last post ko na ito at matutulog na ako. Bukas ulet mga ka-ingay😊
Hello noisemates, maaga po ako nagising ngunit nakatamaran bumangon ng maaga dahil sa komportableng klima ngayon umaga, ang sarap magbabad sa higaan kayo rin ba? Ang sarap magkape pero ayaw ko ng kape dahil may ginger tea na ako at kumain ng mainit na lugaw, champorado o kahit na anung sabaw. Maiwan ko po muna kayo at ngayon pa lamang ako mag-uumpisa sa aking araw-araw na gawain sa bahay. Mapagpalang umaga sa ating lahat!
Dahil nagawa ko na po ang mga gawain nagluto ako nito kakain ng maanghang sa malamig na umaga kakaiba ba? Mainam at na imbento itong mga instant food makain kaagad sa konting minutong pagluluto, dalangan lang ang pagkain nito at hindi ito nakakabuti sa ating kalusugan. Halina kayo sabayan niyo ako😊
Dumalo po sa isang pagpupulong via Meet kaya ngayon lang kumain ng tanghali-an. Pagkatapos ng pulong kaagad na lumabas at bumili ng ulam sa tindahan ng lutong ulam, Masarap ang timpla nila nitong kalderetang manok at nilalagyan nilang gata at may konting anghang. Tara na pong kumain😋
Komportable ang pakiramdam ko po buong maghapon, ngayong araw ko lang naranasan na hindi pinawisan😊 kakatapos ko lang maglaba ng mga uniform sa trabaho ng aking bunso ginamitan ko na ng dryer para siguradong matutuyo. Siguradong naghahanda na rin kayo ng pagsaluhan sa hapunan, ako po ay maagang kumain ng hapunan dahil hindi nakapagmeryenda. Magandang gabi sa inyo dahil pasado ala sais na pala.
Nagutom si granny nengste ngayon dahil ang aga kong naghapunan mga 5:00 pm yata yun, kaya heto nag timpla ng gatas at nagcrackers biscuit. Ang electric fan ni set ko lang sa number 1 at ang giniginaw na ako, ang hina ko sa lamig.
Bangon na po tayo at simulan ang ating umaga, mag-inat, maglakad-lakad upang sumigla ang ating pakiramdam sa nakakatamad na panahon ngayon. Palagay ko ang iba ay nagawa na ito at kasalukuyang humihigop na ng kanilang paboritong mainit na inumin sa umaga kape,sekwate o tsaa. Mapagpalang araw ng Linggo sa ating lahat🙏
Bathing day ngayon ng aming 2 alaga, ang aking bunso ang nagpaligo sa kanila at walang pasok siya ngayon sa trabaho. Sa tuwing papaliguan niya inuuna niya muna si Grey dahil si Zorro ay kukumbinsihin niya pa para pumayag maligo. Hindi ko na nakunan ang pagligo ni Zorro at may kausap po ako kanina.
Mag take a nap muna si granny Nengste inatake ako ng insomia kagabi ala una gising pa ako ang likot ko lahat na lang ng posisyon sa pagtulog ginawa ko po para lamang makatulog, nakatulog din ngunit hindi ako nasiyahan parang ang babaw ng aking tulog.
Kumusta nakaidlip po ba kayo? Ako konti lang, naghanap ako sa mga tindahan ng saging saba para kako ilaga ko pang meryenda wala akong nakita. Ito nagmemeryenda ng crackers biscuit at salabat. Ayos lang ang klima ng panahon dito sa amin hindi maalinsangan.
Sakto sa klima ng panahon ang aming kinain ngayong hapunan ang spicy beef noodles soup dahil umuulan ng kumain kami ni bunso, kumakain na rin ba kayo mga ka-ingay? Sana naging mabuti, masaya at produktibo ang inyong maghapon kasama ng buong pamilya.
May naalaala ako nang nakita ko ang post ni @Blendz na may anino ng aso ang kuha niyang litrato ng pizza. Nangyari ito last year Mother's day, gabi na ng umuwi ang aking anak ng araw na yun na may dalang large shakey's pizza, kumain lang ako ng isang slice dahil kakakain ko lang ng hapunan at isang slice hinati ko at pinakain kina Grey at Zorro 🐕 at tinakpan at iniwan na sa mesa at natulog, nang nagising ako para magcr may naapakan ako hindi ko matukoy kong anu ang naapakan…
Kumusta ang Lunes ng umaga niyo mga ka-ingay? Tuwing Lunes ang daming gawain ni granny Nengste, kakatapos ko lang maglaba nakaramdam ako ng gutom, kailangan kong mag-almusal muna bago umpisahan ang ibang gawain bibili muna akong tinapay para ipares dito sa aking lulutuin. BRB muna ulet at masiglang umaga sa atin lahat😀
Sitting pretty na ngayon si granny Nengste at natapos na ang gawin ang gawain tuwing Lunes. Yung kapitbahay namin na may farm may inabot po sa akin isang taling talbos ng kamote pinakuluan ko at ang pinagpakuluang tubig iniinum ko ngayon ang swabeng inumin kasi madaling lulunin at medyo madulas. Na try niyo na ba itong inumin din?
Kaninang umaga mga 8 am nagpaalam ang aking bunso na magpapaadjust ng brace sa ngipin, aba hanggang ngayon wala pa. Tiningnan ko ang fb niya kung may bagong story wala akong nakita, ginagawa ko ito para alam ko kung sino kasama niya at saan pa pumupunta😄 tapos tiningnan ko rin ang kanyang instagram at merong story nakita ko na kasama niya ang 2 babaeng ka workmates niya nasa isang resto sila. Panatag na si granny Nengste.
Natuyo na ang aking mga sinampay kaya tinanggal ko na po at isinilong mamaya ko pa ito tutupiin. Oras na ng meryenda, nakabili ako ng saging saba kanina, ito ay aking inilaga at meryenda ko ngayon, sinubukan kong isawsaw sa honey lalong sumarap, kain tayo.😊
Nakapaghanda at nakaluto na ba ng hapunan ang lahat? Ang aking bunso po ay nagluto ng cream of mushroom soup tapos dinagdagan niya pa ng isang small sachet ng button mushroom. Cream of mushroom soup + crackers biscuit = solve ang hapunan
Kasalukuyang umuulan po dito ngayon medyo mahina lang. Minsan kailangan natin magtimpi at malumanay na pag approach sa taong nagkakautang sa atin bata man ito o matanda para iwas na magkakaroon ng hidwaan dahil lamang sa pera. Ako po inaantay ko na lang na mag-abot pero kailan kaya sila mag-aabot sa akin? Magandang gabi po sa lahat🙏
Kumusta ang bungad ng inyong umaga? Ako po ay saglit na nabalisa kung anu naman po ang nangyari sa aking isang gcash account. Dalawa po kasi ang gcash account ko yung isa nakakatangap ng authentication code ang isang account naman ayaw, ang account na nakakatanggap ng code nakaauto fill at yung isang account na hindi nkakatanggap, ang sim ay nasa isang cp na de keypad. K🙏ahapon ng hapon hanggang paggising ko ngayon hindi talaga siya nakakatanggap kaya ang ginawa ko ang sim…
Tanghali na, kumain na rin ba kayo? May nakita akong video sa facebook isang paraan ng pagluluto ng scrambled egg ginaya ko ngayon, dapat nakasalansa ng maayos ang kamatis at sibuyas hindi nabuo kasi dumikit sa pinaglutuan kong teplon pan nasira na po kasi yung teplon, hindi mawari ang itsura ng aking ginawa. Tara kain po tayo😊
Ka-chat ko po ang aking anak na panganay sabi niya huling linggo na ito sa module class ng kaniyang dalawang anak, kaya natuwa dahil makarelax na daw siya at hindi na maistress sa pagtuturo, minsan nahirapan pa siyang kumbinsihing mag-aral ang kanyang bunso. Kuha ito ng tinuturuan niya ang kanyang bunso para isulat ang binibigkas niyang salita, pwede na bang mag grade 1?
Nakaidlip po ako saglit nagising ako sa tunog ng telepono na may tumatawag nakadalawang missed call na, tawag galing sa shopee rider nakaligtaan kong may pinaaabangan pala sa akin ang aking anak, buti alam ni rider tuntunin ang aming bahay, hindi na ako nag-abang sa labasan. Magandang hapon sa lahat😊
Dumidilim na po ang kalangitan tanda ng paparating at pagbagsak ng ulan. Heto nagluto ako ng squid balls mas gusto kong kainin ang squid balls at fish balls kaysa kikiam. Kayo po anu ang pinakagusto niyong kainin sa tatlo?
Pagdating sa bahay ng aking bunso kaagad nag-ayang kumain at hindi pa daw siya nananghalian dahil paglabas ng trabaho, nagpatingin ng mata at nagpagawa pa ng salamin may dalang burger steak at jolli burger, nagluto ako ng cream of mushroom soup para may sabaw ito ngayon ang aming hapunan. Baka nakaluto na kayo, kumain na rin po kayo😊Kailangan kumain bago matulog dahil hindi kayo patutulogin sa pag-ungol ng iyong tiyan.
May the mornings brings us joy to start our day and the hope that will bless and guide us wherever we are, have faith to our almighty father. My slept wasn’t good enough, I sleep early then woke up at 12 am and drank ginger tea thinking to help make my sleep good, I fell asleep at 4 am then woke up again at 7 am, but still feeling good. Good morning noisemates😊
Tuwing umaga pagkagising ko po ay ginagawa ko muna ang aking mga gawain sa bahay at pagnatapos ko na gawin saka pa lamang ako kakain ng aking almusal, hindi po kasi ako sanay kumain ng maaga parang hindi ko malulon ang aking kinakain. Kasalukuyang kumakain na po ako ng aking almusal, ang natirang jolli burger kagabi at ginger tea.
Tanghali-an na po, break muna tayo at kumain ng ating tanghali-an. Lumabas ako para bumili ng lutong ulam sa tindahan ni ka-Elvie ang daming pagpipili-an pero ito ang aking naibigan ulamin “sinampalukan na manok” ang daming binigay na sabaw, sabaw pa lang po ulam na. Tara sabayan niyo po akong kumain.😋
Tumayo muna ako at umikot ikot sa paligid ng bahay at para na rin ipahinga ang aking mata sa screen at ito ang nakita ko sa may bubong, kumuha ako ng upuan para patungan dahil si granny ay 5 feet lang ang height para maganda ang pagkuha ko sa mag-asawang kalapati na ito. Ang ganda ng kalangitan ang layong magkaroon ng ulan.
May naalala ako tungkol sa manok panabong, noong elementary pa kami ng aking kapatid na babae, ang tatay ko ay maraming alagang panabong na manok dahil taga Bacolod kami dinadayo ang lugar namin ng taga Maynila para bumili ng panabong na manok at ang pagbibenta ng manok ang isa sa pinagkakitaan ni tatay. Ang alaga ni tatay ay binibili niya ng feeds, corn, vitamins at gatas na powder at dun yun nakalagay sa ilalim ng bahay. Pag wala si tatay pumupunta kami ng aking kapatid sa…
Sabi ng aking bunso may nagtitinda daw sa labasan ng Miki beef mami gusto niya daw tikman at yun na rin ang kanyang hapunan kaya lumabas at bumili, pagkabili niya humingi akong sabaw at naglaga ng itlog at ito ang aking hapunan ngayong gabi. Na missed ko tuloy ang lasa ng Lapaz batchoy ang sarap niyon. Maghapunan na rin po kayo 😊
Nasabi ko kaninang umaga na hindi maayos ang aking pagtulog last night, kaya ngayon maaga akong magpapaalam sa inyo na mauna na akong matulog. Iinum muna akong ginger tea bago matulog. Sana magiging maayos ang inyong pagtulog din ngayong gabi.
Kanina pa ako gising at mga 4 am pinuntahan ako ni Zorro na paiyak iyak dahil gusto na niyang bumangon ako para buksan ang pintuan sa kusina para lumabas hindi ko siya pinansin nang gumalaw ako saka niya po ako dinaghanan at dinilaan at nang tumayo na ako nakita ko ang pag wiggled ng kanyang buntot na nagsasabing ang saya niya dahil makakalabas na siya🐕😆 Magandang umaga mga ka-ingay🙏
Unang una na ginawa ko ngayon ay inayos ang higaan ng aking anak, dahil nasilip kong iniwan niyang hindi naayos ang kanyang higaan, maaga kasi siyang pumasok sa kanyang work baka nagmamadali kaya hindi na niya naayos pagkatapos ko gawin, inumpisahan ko na rin gawin ang araw-araw kong gawain at nakapagluto ng konting chicken sotanghon nadamihan ng atswete😀Almusal po tayo😋
Pasado na pala alas dose, hindi pa po ako nananghali-an, nakikipagdigma ako sa colony ng mga pulang langgam sa lupa na nasa container na tinataniman ng halaman, sinira ko na para matapon ang lupa sa labas kasi ang bigat at ang laki ng container hindi ko kayang bitbitin palabas nabulabog sila kaya ang dami kong kagat. Ang daming itlog makikita sa pangalawang photo. Makaligo muna bago maglunch
Talagang tiniis ko po ang mga kagat ng langgam kanina at para magawa kong maalis na sila kasama ang lupa na pinamahayan nila at nagawa ko naman po, sa tuwing ginagalaw ko ang lupa para dakutin ng dustpan ang dami nila sa akin tsinelas na suot paakyat ang ginagawa ko nagtatabi ng tubig para pambuhos sa paa at sabay sabi “ ang kati! ang kati “ paulet ulet hahah. Naligo agad ako at pinahiran ko ng katinko ang mga pantal ko sa paa, kamay , braso at leeg. Tara meryenda na tayo,…
Sobrang maalinsangan ngayon, pinawisan ako. Mukhang uulan na hindi kasi magkaiba ang pinapahiwatig ng dalawang parte ng kalangitan. Sa inyo po ba umuulan na?
Habang kumakain kaming hapunan ng aking bunso dumating ang aking pangalawang anak kasama ang aking apo kaya nakikain na rin ang aking bisita pinagsaluhan namin ang pritong talong na may sawsawang bagoong at pritong isda, walang diet ngayon sa rice. May dalang mangga ang aking bisita, bukas ko na ito ibuburo.
Muli na naman po akong magpaalam sa inyo na kailangan ko ng matulog ng maaga para mahaba ang magagawang tulog nang gumanda ang paggising bukas. Kayo rin matulog na rin kayo para magising ng maaga. Magandang gabi sa lahat🙏
Ang lungkot ng langit ngayon umaga, malungkot ka rin ba at baka umulan, hindi po kayo makatuyo ng iyong sinampay? Ngayon pa lang ako mag-aalmusal meron akong biscuit at ginger tea dito, kain po tayo.
Noong Lunes ko po ito inorder online at kahapon ng late afternoon dumating. Inorder ko po ito dahil magaganda ang nababasa kong feedback sa sabon na ito, kaya sinubukan ko para mapaniwala ako na talagang totoo ang mga sinasabi nila. Nasubukan niyo na rin bang gamitin itong sabon na ito?
Palagay ko kumain na kayo ng tanghalian kami hindi pa, maagang nag out sa work ang aking bunso nang namamahinga na siya sa kanyang silid nagbukas ito ng chips nachos spicy cheese flavor dahil paborito ko ang cheese humingi po ako sa kanya kaya medyo busog pa kami ngayon dahil sa tubig at sitsirya.
Nakatulog po ang aking bunso na hindi pa nananghali-an kasi maagang nagising ito kanina 3:00 am dahil 4:00 am pasok niya sa work kaya ng umuwi kumain lang ng chips at saka nakatulog na, inaantay kong magising para sabay sana kaming kumain ngunit nakaramdam na ako ng gutom hindi ko na siya mahintay kaya nauna na akong kumain. Kain po tayo😊
Nasabi ko kanina na ang lungkot ng mukha ng langit, hindi po umulan umambon lang po at ngayon ay maliwanag na ang langit, parang buhay lang minsan nakakaranas tayo ng kalungkutan sa buhay at biglang sasaya na hindi natin inaasahang pangyayari.
Pag nakacharge ang aking cp naghahanap po ako kung ano ang gagawin ko pag wala akong magawa naiinip po ako, kaya heto may nakita akong makakain sinubukan kong isawsaw sa honey, ang sarap! Hinugot ko muna ang cp sa pagkacharge para maipost ko dito😅
Mga Ka-ingay may bagong update po si Coins.ph may nadadag na tatlong supported coin, USDC or USD coin, Link or chainlink at KNC or kyber network crystal. Pag hindi niyo pa nakikita ito sa inyong app, kailangan mag update kayo ng inyong coins.ph app.
Sumapit na po ang oras ng aking pamamahinga, maiwan ko na po ulet kayo dahil dinalaw na ako ng antok, bukas ulet mga ka-ingay. Sana maging maayos ang ating pagtulog ngayong gabi🙏
Ang bilis ng pag-ikot ng oras kaya ang bilis din lumipas ng mga araw, Sabado na nman po ngayon pahinga ng mga manggawang pumapasok sa opisina, palagay ko natutulog pa ang mga iyon. Magandang umaga ang bati ko sa aking mga Ka-ingay. Nawa ay marami tayong matatanggap na pagpapala sa araw na ito.🙏
Flex ko lang po itong bonding ng mag-amo at day off ni bunso, picture daw silang dalawa gamit ang front camera ng kanyang cp hindi nila alam na kinuhanan ko din sila ng picture. Anu po ang almusal natin? May nabili po akong kamote nilalaga na inaantay kong maluto para makapag almusal na rin
Naluto na rin ang aking inaantay. Ito ang aking almusal nilagang kamote at ginger tea nang aking tinikman ang tabang po ng lasa kaya nilagyan ko ng honey ang aking anak naman ay sinawsaw niya sa asukal. Marami pang natira gagawa ako mamaya ng sugar syrup para matamisin na lang. kain po tayo😊
Nagprito akong galunggung na isda dahil may manggang hilaw, ginawa ko itong ensaladang mangga, maganang kumain kasi kung may ensaladang mangga na kapartner ang ordinaryong pritong isda nagiging extra ordinary. Paano gumawa ng ensaladang mangga? Mangga hilaw Sibuyas puti Kamatis Hiwain ng maliit at pagsamasamahin at lagyan ng ginisang bagoong alamang.
Bago mananghalian dumaan dito ang aking panganay na anak at inabot ito sa akin, ika ko timing may panghimagas kami nang tinikman ko ang asim, nag-isip ako ngayon kung ano ang mainam gawin dito. Mamaya ipopost ko kung ano ang ginawa ko dito.
Meryenda time na, ito ang nilagang kamote kaninang umaga hindi ko po naubos dahil hindi ko nagustuhan at ang tabang kaya ginawa kong ganito. Meryenda tayo ng minatamis na kamote mga ka-ingay.
Naalala niyo po ba ang maasim na pinya? at ang sinabi ko na may gagawin ako sa pinya na iyon para hindi masayang, ito na po iyon ginawa kong pineapple jam pwede ipalaman sa tinapay at pwede rin gawing panghimagas buti na lang meron akong stock na brown sugar hindi na ako gumastos.
May ka Zoom meeting ako nang dumating ang aking pangalawang anak kasama ang aking apo at dito na rin siya kumain kaya pagkatapos ng pulong kakain na sana ako ng hapunan, nakita kong wala ng natirang kanin kaya sa kasalukuyan inaantay ko pang maluto ang aking sinaing. Akala siguro nila hindi ako kakain ng kanin kaya hindi ako pinagsaing.
Ang dami kong nakain anong oras po kaya ako nito makakatulog, mabuti andito pa ang aking bisita may kaaliwan habang nagpapababa ng aking kinain. Musta ang inyong maghapon mga ka-ingay?
Heto ulet tayo mga ka-ingay makalipas ang magdamag na pamamahinga. Kamusta naman po ang iyong umaga? Mabuti naman po ang aking umaga tapos na rin sa gawaing bahay. Masayang pagsasama ng buong pamilya at mapagpalang Linggo sa ating lahat
Ang ginawa ko kahapon na pineapple jam ay heto na po yun pinalaman ko na sa tinapay upang gawing pineapple jam cheese sandwich, buti po naisipan kong gawing jam yung maasim na fresh pineapple napakinabangan ko ngayon. Almusal po tayo mga ka-ingay.
Mga ka-ingay may nagtanong sa akin kung paano gawin ang pineapple jam at minabuti ko pong ibahagi sa pagpost para sa kaalaman ng lahat. Sa paggawa po ng pineapple jam, kailangan po natin ng mga ganitong ingredients *Fresh pineapple ( small ) gadgarin wag isama ang gitnang bahagi dahil matigas yun *1 cup tubig * 2 cups asukal puti o brown *2 piraso calamansi juice Paano lutuin? Ilagay sa lutuan ang ginadgad na pineapple, ilagay din ang 1 cup na tubig at saka lutuin ng 15…
Gusto ko sanang kumain kasabay ang aking bunso ngunit hanggang hindi pa nakauwi ng bahay mula sa kanyang trabaho, hindi ko na kaya tumutunog na ang aking tiyan nagpasiya na akong kumain mag-isa. Nagluto ako nito, ang tawag dito ay picadillo kaya lang hindi patatas, ang inilagay ko ay labanos at nilagyan ko ng konting instant pampa-asim na sampalok. Sa tuwing ako ang magluluto ng ulam na may sabaw, tinatabangan ko po kasi may sawsawan lagi patis na may sili sa tuwing kami ay…
Maaraw pero hindi maalinsangan ngayong araw. Kamusta po nakaidlip ba kayo? Ako po hindi dinalaw ng antok, may natira pang minatamis na kamote ito ang kinakain ko ngayon. Palagay ko magulo na masaya ang inyong tahanan ngayon araw. Magandang hapon sa inyo.
Pinag-aralan ko kung paano ako magkakaroon ng Axie infinity account, hindi ako makainstall ng Ronin wallet kasi wala pang mobile app, pang desktop lang, kaya bigo po ako na magkaroon ng account. Gusto ko sanang silipin kong ano ang mga itsura ng mga axie at presyo nila sa marketplace parang mag window shopping lang sana ako 😅 na curious lang po si granny.Magandang gabi sa inyo lahat
Nawili na naman po ako sa panonood sa youtube kung paano magkaroon ng Mydpet accounts hindi ko namalayan na pasado alas onse ng gabi na pala. Last post ko na ito at ako ay magpapaalam na para matulog dahil maaga akong gigising bukas, labada day ni granny. Magandang gabi sa inyong lahat🙏
Umaayon po ang panahon sa araw ng aking paglalaba siguradong matutuyo ang aking mga sinampay. Salamat at binigyan ako ng kalakasan para magampanan ko at natapos ng maayos ang mga gawain sa bahay ngayong umaga. Heto nag-aalmusal na, nilagyan ko ng pineapple jam itong aking kinakain crackers, masarap naman😋magandang umaga sa inyong lahat mga Ka-ingay.
Nang sinuri ko ang aking mga sampay kung tuyo na nakita ko itong gamu-gamo isang insekto na parang paru-paro na dumapo sa isang damit baka namamahinga ito at saka naidlip, buti pa siya nakaidlip ako hindi pa at binabantayan ko pa ang mga sampay dahil hindi pa ito tuyo.
Mahabang oras akong nakaupo kanina kaya humiga ako at walang balak matulog dahil binabantayan ko ang aking mga sampay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako buti paggising ko tirik pa rin ang araw, tiyak na natuyo ang lahat na sampay.
Dumaan po dito ang aking pangalawang anak na dala ito, pa advance birthday gift daw sa kanya ito ng kanilang School Principal, pinagsaluhan nila sa school tapos may natirang 1/3 dinaan dito sa amin. Late meryenda na ito, kain tayo mga ka-ingay.
Malapit na namang lilipas ang gabing ito at malapit na naman natin masisilayan muli ang bagong umaga. Nawa ay mahimbing ang ating pagtulog ng magiging maayos ang ating paggising at may kalakasan para magawang mabuti ang anumang gawain bukas. Magandang gabi🙏
Umagang kay ganda sa aking mga Ka-ingay! Late na nakapagpost dahil inuna po muna ang aking mga gawain ngayon, ang aga ko din nakaluto ng ulam para tanghali-an. Matagal tagal na rin na hindi ako nakapagluto ng tahong kaya heto luto na, iinitin na lang pagkakain na ng lunch.
Ito ang araw ng aking pagluwal sa aking pangalawang anak na may asawa na dahil hindi ayos ang kanilang finances sa ngayon, minabuti kong bilhan ng gatas ang aking apo para makaawas ng kanilang isipin at saka dumaan sa fastfood para may pafoods si granny sa birthday celebrant kahit papanu alam niya na naisip ko at naipakita sa kanya na pinahalagaan ko abg araw ng pagsilang ko sa kanya.
Maganda ang panahon dito sa amin ngayon, mainit at mahangin. Late na po ako nananghalian at nabusog ako sa inuwing pagkain ng aking bunso dahil ni redeemed niya ang kanyang reward dahil siya ang napili at nakatanggap ng award ngayong buwan as a rising star sa kanyang pinapasukang fastfood resto, ang kanyang naredeemed na foods ay 3 bigmac, 3 cokefloat at 3 large french fries.
Maalinsangan kanina tapos umambon sandali, nangamoy alimuong sabi nila pagnakaamoy ka daw nito uminom kaagad ng tubig para hindi kabagan. Alimuong or Alimuom or Petrichor in english ay amoy lupa na nanggaling pagkatapos ng maiksing pag-ulan sa isang mainit na araw. Late meryenda tayo, may natira pa nito.
Oras na para kumain ng ating hapunan, mukhang nagluluto pa yata ang ibang ka-ingay. Inagahan ko na po ang pagkain ng hapunan ngayon para maagang malusaw ang aking kinain ang ulam ko ay ang natirang tahong kaninang tanghali-an. Kumain na rin kayo.
Tahimik na sa bahay, ang tanging maririnig lamang ay ang tunog ng electric fan kasi maagang natulog ang mga kasama ko po dito, ang aking bunso at ang dalawa naming alagang aso. Pagkatapost ko itong ipost, turn off selpon at turn off light na para mahiga at matulog. Magandang gabi po sa inyo mga Ka-ingay🙏
Bagong umaga, bagong araw na naman, sadyang ang bilis umikot ng orasan at lumipas ang mga araw, kailan lang nag Julio 1 isang araw na lang Julio 15 na. Maganda ang bungad ng umaga hindi maalinsangan ngayon, tiyak na kumain na kayo ng inyong almusal at sa hindi pa kagaya ko kumain na rin kayo, tatapusin ko muna itong aking ginagawa para makapag-almusal na rin. Magandang umaga☀️
Niluto ko ito dahil requested ng aking pangalawang anak at pupunta sila dito mamaya. Inagahan ko ng lutuin para almusalin ko na rin, nilagyan ko ng itlog na pugo, ang idea na ito ay nakita ko sa post ni sis @wella46 nang nagpost siya noon ng sotanghon na may itlog. Late na almusal ko😊kain po tayo.
Nadadaanan ko ito lagi sa tuwing pupunta akong tindahan, itong puno ng halamang bulaklak ibig kong kuhanan ng litrato ngunit hindi ko dala lagi ang aking selpon. Buti kanina nagkataon na hawak ko ang selpon at nadaan ulet kaya nakunan ko, ang ganda ng bulaklak kulay salmon. Nagpaalam po ako sa may-ari na kuhanan ito at saka binigyan niya po ako ng binhi.
Yung nabili ko noon na potted snake plant marami na pong anak kaya ni repot ko na. Medyo madilim ang kalangitan dito sa amin ngayon at maalinsangan, nagbabadyang uulan. Sarap ng mga meryenda ng aking mga ka-ingay, ako po ay hindi nagmeryenda, tubig lang muna si granny.
Ngayon pa lang dumating ang aking anak na nagpaluto ng sotanghon, ang tagal nag-antay ng sotanghon. Pagdating niya kumain na rin kami ng hapunan, may dalang ihaw-ihaw na chicharon bulaklak at barbeque. Pagnakaluto na po kayo kumain na din kayo.
Maingay ngayon sa aming bahay dahil nagkasayahan sa pagsasayaw sa pagtiktok ang magkapatid at ang aking apo. Masaya akong nakikita silang magkasama at masayang nagkwekwentuhan kahit ang ingay nila ngayon.
May natanggap akong notification ngayon lang from noise, challenge to tip anyone any amount using qr code then may tip back na $1.00 ngunit hindi ko magawa at coins.ph gamit kong ewallet, baka it works lang sa bitcoin.com wallet
Congratulations sa nakatanggap ng $1.00 qr challenge ni noise, ang saya lang ng mga Ka-ingay ko. Nakauwi na ang aking bisita, bago umuwi ang aking anak sabi niya may order daw siya online para daw paglibangan ko Diamond painting daw parang cross stitch ngunit beads ang gagamitin pang design. Sino po dito ang may ganitong libangan? Magandang gabi!
Nagising ako para mag cr at naisipang sumilip dito sa noise at ito nadiscovered ko sa mga coins.ph ewallet user para makasali sa challenge ni noise dapat 2 gadget ang gagamitin niyo ang isa nakaopen sa noise at ang isa nakaopen ang coins.ph by scanning the qr code. *Click $ sign sa post na gusto niyong bigyan ng tip * click qr then scan using another gadget Success!!thank you noise😍
Masayang pag-iingay sa ating lahat, pinasaya tayo sa pachallenge ni noise. Sa hindi pa po nakajoin sa challenge lalo na sa coins.ph ewallet user. May 2 paraan po para makasali at makahabol pa kayo. 1) Using 2 gadget by scanning the qr code *Open your noise.cash account sa android device huwag po sa ios dahil hindi gagana o lilitaw ang qr code ng author. *Mamili po kayo kung kaninong post gusto niyong bigyan ng tip using qr code *Click $ sign pagkalitaw ng qr code gumamit ng…
Mga kaingay tiyak na kumain na kayo ng inyong almusal dahil mag 10: 00 am na, ako ngayon pa lang at ngayon lang din ako nakayari ng aking gawain. May natirang tinapay at natirang pineapple jam inubos ko ng pinalaman sa tinapay para almusal ko. Kain po tayo😊
Marami na akong nabasang post na nakapagpavaccine na ang iilan dito kontra covid19 at isa din akong willing magpabakuna kaya nag applied ako online dito sa aming bayan para makapaglaan ng araw para dito, sa ngayon po ay inaantay ko ang abiso ng aming pamahalaang bayan kung kailan ang aking sked.
Nagising ako sa ingay ng aming 2 alagang aso dahil dumating ang kanilang amo galing sa trabaho at may uwe po nito, timing pang meryenda. Pagdating kaagad gumayak dahil pupunta sa kalapit bayan may kukuning gamit, importante po yata dahil hindi nagpahain ng makakain. Late meryenda po tayo
Maalinsangan ang gabi dito panay kulog hindi naman natutuloy ang pag-ulan, sana umulan kahit mahina lang. Nakakain na siguro ang lahat, pahinga muna bago matulog o manood ng tv habang nagkwekwentuhan at naghaharotan. Magandang gabi ka-ingay🙏
Umagang kay ganda! Kamusta nakapag-almusal na ba ang lahat? May sinabi ako kahapon na may kinuhang gamit ang aking bunso sa kalapitbayan at ito po yun binili niya sa kanyang kakilala. May mga plano ang aking bunso na hindi pinaaalam sa akin okay lang iyon basta matuwid at para sa ikabubuti niya. May balak yatang mag working at home.
Sa kasalukuyang nanonood ng Fb live sa isang moving up ceremony ng aking apo sa kanyang pagtatapos sa kinder 2. Ang kayamanang ipamana ng mga magulang na hindi manakaw ninumam ang Edukasyon. Ang aking pagbati din po sa pagtatapos ng inyong anak.👏👏
Kumain na rin po ako ng tanghalia-an, ang pambansang ulam tuwing biyernes ang aking ulam (monggo) at chicharon. Itong photo ay niscreenshot ko po sa tiktok video ng mag-amo, ang aking bunso at ang aming alagang aso na si Zorro.
Kagigising lang po sa ilang minutong pagkaidlip, naghahanap ako ng makakain ngunit walang makain, heto binigyan ako ng aking bunso ng kukutin.
Umuulan po dito sa amin ngayon, ang sarap magkape o mag tea dahil sa panahon klima ng panahon ngayon ngunit iwas muna ako sa kape at nakakaramdam ako ng palpitation, naubos na rin ang aking ginger tea, mainit na tubig na lang itong iniinom ko. Kumain na po ang hindi pa nakapagdinner.
Dahil malamig ang klima ng panahon, inilagay ko lang sa number 1 ang ikot ng electric fan at gumawa ng salabat na may katas ng kalamansi at honey salamat kay @Alyna1128 sa pagpaalaala sa paggawa nito, uubusin ko munang inumin ito bago matulog. Ang sarap matulog ngayon mga ka-ingay. Magandang gabi sa lahat🙏
Magising na masaya dahil ito ay biyayang pinagkaloob sa atin ng amang maykapal. Bumangon ng masigla upang ang mga gawain natin ay magawang mabuti. Ang sarap talagang magkape nasasabik ako sa kape ngunit ayaw kong makaramdam ng pagkabog ng dibdib. Magpakulo na lang ako ng luya. Magandang umaga po🙏
Sa aking paggising kanina nakita kong masaya ang kalangitan, ngayon a biglang nalungkot. Day off po ng aking bunso sa trabaho ngayon pagkagising niya pinaligu-an niya muna ang kanyang alagang dalawang aso na sina Grey at Zorro. Pagkatapos nagluto siya nitong pasta na tinawag naming cheese mushroom spicy tuna pasta. Almusal po tayo mga ka-ingay
Kanina nagtanong ang aking pangalawang anak kong andito sa bahay ang kanyang kapatid via chat nang sinabi kong andito dahil day off sabi niya pupunta daw sila, at kasalukuyang andito na sila kasama ang aking apo may bitbit na mga grasya. Mananghali-an na po kayo mga ka-ingay.
Nag request ulit ang aking pangalawang anak na kung pwede akong magluto ng lugaw yung walang sahog na manok kasi ayaw niya ng may manok gusto ko sanang lagyan ng malunggay kaso walang nagtitinda ng malunggay dito at wala rin akong kapitbahay na may puno nito. Heto po luto na at ito na rin ang aming tanghalia-an. Late na itong aming tanghali-an, kain po tayo mga ka-ingay.
Umuwi na ang aking bisita, pagkaalis umidlip muna pagkagising naligo at kumain nitong tostadong hiniwang maliit na tinapay at tubig ang panulak. Nakikita ko na si haring araw sa kalangitan, medyo maalinsangan at naramdaman ko ang pagdampi ng hangin.
May natira pang lugaw kaninang tanghali-an ito ang aking hapunan ngayon para hindi masayang. Kayo mga ka-ingay kumain na rin kayo. Masayang pagsaluhan ang lutong masarap na ihahain ng chef sa pamilya.
Maulang umaga sa amin dito, tamang buhos kaya walang pangamba na bahain. Sabi ng aking bunso napakalakas daw ang pagbuhos ng ulan kagabi, hindi ko ito namalayan at napahimbing ng aking tulog kagabi. Kayo po mga ka-ingay nag-almusal at nagkape na? Magandang umaga po sa lahat🙏
Ngayon ko lang po nalaman mga ka-ingay na may pa QR challenge ulit si noise, kaya hinanap ko po sa aking notification kung nakarecieve din ba ako ng notif at nakita ko naman. Kaagad kong ginawa at natanggap ko kaagad ang $1.00 thank you noise🙏
Pinakain ko na po ang aming 2 alagang aso, pagkatapos nilang kumain nasulyapan kong parang inaantay nila ang pagdating ng kanilang amo. May okra dito bigay ng aming kapitbahay, pinirito ko na, maya lalabas po ako para bumili ng pritong isda sa may lutong tindahan malapit sa amin.
May pameryenda ang aking bunso, umuwi galing trabaho may dala nito. Tiyak na nakapagmeryenda na po kayo mag ala singko na pala ng hapon. Pagdating ng aking anak kanina hinainan ko muna ng makakain tapos umidlip ako kagigising ko lang ngayon. Halina kayo meryenda po tayo😊
Mga ka-ingay kumain na po kayo ng hapunan. Ako po heto nagprito po akong talong ito lang po ulam ko at konting kanin mga 4 na kutsara hindi na po ako nag-saing at ayaw din ng aking bunso kumain ng kanin. Papapakin ko na lang itong mga pinirito kong talong. Kasalukuyan pong umuulan dito ang lakas ng hangin.
Ang kumain ng hapunan po ngayon lang ay wag muna kayong mahiga o matulog maglakad lakad muna para makatulong pagbaba ng inyo pong kinain. Heto ako nagpapakulo ng luya, iinum po muna ako ng salabat bago matulog. Sana naging maayos ang inyong pamamahinga ngayong araw dahil may pasok na naman sa trabaho bukas. Magandang gabi sa lahat🙏
Hindi pa po ako dinalaw ng antok, parang larong stop dance ang ulan, ayos lang para hindi magkaroon ng pagbaha atleast lumamig ang klima magiging masarap ang tulog nito ngayong gabi, ganun din ba diyan sa inyong lugar? Magliligpit pa pala ako ng mga inurungang plato, muntik ko ng makalimutan.
Kamusta ang ating umaga ka-ingay? Buong magdamag ang pagbuhos ng ulan dito, buti huminto na ngayong umaga, sana lumitaw si haring araw ngayong maghapon dahil kailangan ko ang sinag niya at araw ngayon ng aking paglalaba. Ayaw ko pa sanang bumangon at ang sarap magbabad sa higaan at ang lamig ng klima, tara na kaingay agahan nating maglaba ng makatuyo tayo.
Ngayon palang po ako magaalmusal, dalawang beses kong sinilong ang mga sampay dahil umambon ng dalawang beses, sa kasalukuyan lumitaw na si haring araw kaya ibinilad ko ulet ang mga damit. Kain po tayo ng nilagang saging, late na rin po ako nito makakain ng tanghali-an.
Dumating na ang aking bunso galing sa work at tinanong ako kung kumain na ako, ang sabi ko hindi pa at busog pa ako, tapos tinanong ko kung kakain na siya sabi niya opo kaya ininit ko ang ulam at saka hinainan siya ako naman ay nakaupo at patuloy sa aking online activity.
Habang kumakain po ako ng tanghali-an biglang umulan ng malakas at bigla din akong lumabas sa pagtanggal ng mga sinampay, nakakaloka ang panahon na ito pagkatapos ko tanggal biglang nawala ulit ang ulan😠 Lunch snacks na itong aking kinain 😄
Nakita ng aking bunso na may tatlong pirasong saging saba, humiling na gusto niyang kumain ng piniritong saging kaya pinagprito ko nang naluto na sabi niya, ma ito po ang inyong meryenda saka inabot ito sa akin. Ito na lang ang kakainin ko mamayang hapunan, busog pa ako dahil late na ako kumain ng tanghali-an.
Ito yung hiniling ni bunso sa akin na ibili ko siya dahil need niya daw sa kanyang bagong biling second hand na desktop. Nadelivered ngayon lang, inorder niya itong speaker sa shopee, sinubukan niya, ang lakas biglang sumakit ulo ko sa lakas nabigla yata tenga ko, sabi ko sa kanya hinaan niya lang. Black color ang order niya ang dumating white color.
Dinner time or supper, the third main meal of the day taken around in the evening. It’s already evening have you done eating your meal? I fried mushroom shanghai for my daughter’s meal and cheeseburger for me. These mushroom shanghai was given by my second daughter, I don’t know where she bought it, taste a bit bitter because of some herbs components its good to eat dipped in spicy vinegar.
Maulan pa rin ang gabi po namin, parang naka aircon dahil ang lamig ng klima. Sana naging produktibo po ang ating maghapon ngayon, oras na po ng pamamahinga. Ako po ay mauna na sa inyong matulog mga ka-ingay kong gising pa hanggang ngayon. Magandang gabi sa inyong lahat🙏
Maulang umaga dito sa amin, ganun din ba sa inyo ka-ingay? Anung masarap na kainin sa tag-ulan? Sopas, lugaw, champorado at inuming mainit kape,sekwate,tsaa. Binanlawan ko ngayon umaga ang nakababad kong labahin kahapon dahil wala ng pagsampayan kahapon, paggising ko kanina hindi pa umuulan kaya naisampay ko mga 30 minutes din sa sampayan bago bumuhos ang malakas na ulan, dahil naidryer ko iyon dali dali kong isinilong hindi naman nabasa ako ang nabasa lalo na ang buhok ko.…
Huminto na ang ulan pero nakikita kopa rin ang maninipis na ambon. Lumabas po ako na hawak ang cp at nakita ko itong halaman na basa pa ang mga dahon at ito ay aking kinunan ng litrato.
Naisip kong icheck ang aking applications sa aking appointment para sa step 2 sa pagkakaroon ng national ID at ito ay nakapending pa hanggang ngayon.
Tanghali-an na po kumain na tayo ka-ingay, hindi ako nakabili ng lutong ulam dahil umuulan dito at saka sira ang payong, nakaramdam na ako ng gutom kaya nagluto na ako nito. Mamayang 4 pm pa naman ang out sa work ng aking bunso baka sakaling huminto ang ulan para makabili ng mauulam niya bago siya umuwi. Kain po tayo!
Mga ilang araw na rin ang lumipas ang aking paghihintay na umangat sa 26k ang value ni Bitcoin cash para makapitas ng pang graduation pictorial ng aking bunso at bukas na po iyon gaganapin, ayaw ko pa sanang magconvert kaso kailangan na po bukas kaya ako ay napilitang magconvert kaninang umaga. Salamat sa suporta noise.cash🙏
Dahil ang lamig ng klima ng panahon simula pa kahapon, naisip kong magluto at magmeryenda ng mainit na sabaw ito ay instant spicy seafoods. Gusto niyo rin po bang humigop ng mainit na sabaw? Halikayo pagsaluhan natin ito😉
Dinala na ng anak ko ang aking bagong paglibangan inorder niya po ito sa shopee, ang bawat kulay ng beads ay may corresponding numbers at letters kung saan ito ididikit madali lang po ito gawin. Ang tawag po dito ay Diamond painting. Samahan niyo po akong gawin ito.😊
Kumain lang po ako at nag-urong ng pinagkainan nang hinawakan ko po ang cellphone nicheck ko ang Bitcoin Cash at ito ang nakita ko biglang bumulusok pababa, same movement silang anim na crypto sa Coins.ph
Kumain na po tayo ng ating hapunan, wag munang isipin ang madugong merkado ng crypto habang kumakain at baka mawalan po kayo ng ganang kumain parang break-up ang sakit sa dibdib. Easy at cool down lang muna tayo baka bukas magiging ayos na ulet ang lahat.
Magdamag po ang non stop na pagbagsak ng mahinang ulan. Maaga akong nagising mga pasado alas 4 ng umaga, nakahiga pa hanggang ngayon nakakatamad pa kasing bumangon. Kamusta naman ang klima ng panahon sa inyong lugar? Ang pagdilat ng mata sa umaga na may maayos na kaisipan at may malusog na katawan ay pinakaunang pagpapalang natanggap natin araw-araw. Magandang maulan na umaga sa inyo ka-ingay.☔🌧
Akala ko maaga pa paghawak ko ng cellphone napansin ko kaagad ang oras mag 10 am na pala, nalibang ako sa aking ginagawa. Noong una paglagay ng beads,diamond,gems at kung ano pang tawag dito ang bagal ko, ngayon medyo mabilis na. Tapos na ang gawain ko sa bahay kaya tinutukan ko itong gawin.
Tiyak na nakapag-almusal na po kayo, buti po dumaan ang nagtitinda nito kahit umuulan hindi sagabal ang ulan kay manong para kumita, sana hindi magkasakit si manong dahil mas mahal pa ang pagamot sa kikitain niya at saka paano na lang ang pamilya niya pagnagkasakit siya. Kain tayo ka-ingay😊
Ka-ingay kumain na kayo? Ako ngayon palang kakain ng tanghali-an, dahil huminto na ang ulan nakalabas ako ng bahay at heto nakabili na ng ulam inihaw na liempo. Palagay ko uulan pa kasi glommy pa ang kalangitan. Kain po tayo
May birthday sa isa kong kapitbahay kaya binigyan kami ng foods, grasya nakalibre ako ng meryenda, may pavideoke pa sila naeenjoy ko rin pakinggan dahil ang kinakanta ay mga old songs lalo na kinanta ang kantang “Candida”. Kayo kaingay gusto niyo rin bang pakinggan ang mga oldies song?
Have a break para magkukut nitong buto ng kalabasa, ang sarap kukutin po kasi buo ang laman. Ang sakit pala sa likod nitong paglalagay ng beads sa pagbuo ng diamond painting makapag-inat muna at maglakad lakad.
Ang ginaw po kahit hindi ako nagbukas ng electric fan. May ulan pa rin ngunit mahina lang pahinto hinto tamang ulan lang para hindi magkaroon ng pagbaha. Ang sarap umulam ng may sabaw, like tinolang manok, nilaga baka o baboy, papaitan kayo na po bahalang magdagdag kung anu gusto niyong ulam na may sabaw, yan lang po naisip ko. Kumain na po kayo ng hapunan.
Nagkasayahan pa hanggang ngayon sa birthday ng aming kapitbahay, videoke, inuman at kwentuhan, kinakabahan ako pag naririnig ko silang maingay parang may mangyayaring away na naman. Ganito sila kasi pagnagkasayahan sa umpisa masaya sa huli awayan na. Kumain na po kayo ng hapunan para makatulog ng maayos huwag matulog na hindi nakakain kahit konti lang. Magandang gabi po sa inyo!
Mga ka-ingay iiwanan ko ulet kayo dahil nag-aaya ng mamahinga itong aking mga mata, mauna na po akong matulog sa inyo. Bukas ulet wala na rin silbi ang aking pagpuso, efanless ngayong gabi kasi sobrang lamig. Good night!
Ginising ako ng hikbi ni Zorro 🐕 dahil naamoy niya na may pusa sa labas kaya nangulit gusto niyang buksan ko ang pinto para makalabas siya. Umaambon pa rin ngayong umaga, sa mga papasok sa work magkapote at magpayong po kayo para iwas mabasa ng ulan at iwas na magkakaroon ng sakit. Magandang umaga po!
Mga ka-ingay late na naman itong aking almusal hindi ko na naman namalayan ang oras dahil sa aking kinagigiliwang ginagawa. Itong pandesal binili ko dito sa labasan malapit sa binibilhan ko ng lutong ulam. Ang panahon ay nakakaloko pabigla bigla ang paghinto at pag-ulan. Almusal po tayo ang panulak ko dito ngayon ay gatas😊
Nabasa ko po ang post ni ka-ingay @ElyzzBertErynn na may pa giveaways si Paypal na $5 at na claimed niya ito kaya dali dali ko rin na nireinstall ang paypal app para makapagclaim din ako kaso hindi pinalad na makasama😊 ngayon ko lang nachecked ang paypal account ko may 32 pesos palang laman. Tinolang manok na may malunggay at sayote sa malamig na panahon kumain na tayong tanghali-an ka-ingay.
Kasalukuyang huminto ang ulan ngunit may natanggap ako warning text galing sa NDRRMC sana hindi matutuloy ito. Sa mga nabanggit na lugar mag-ingat po tayo at maghanda na at gagawin ang mga dapat gawin bago dumating ang malakas na ulan.
Umaambon sa ngayon at dumilim na baka nga papalakas ang ulan, ito po meryenda ko dumating ang rasyon kong biscuits mula sa aking panganay pang agap sa gutom, late na itong aking meryenda dahil sa ginagawa ko.😅
Sa tuwing nag-uusap kami ng aking panganay na anak via video call laging sumisingit ang aking apo na ibili ko daw siya ng french fries at chicken dahil favorite niya iyon, ang sagot ko ay laging oo heheh kahapon sumingit na naman at tinanong ako bakit wala pa daw, ang gusto ko po kasi pag nagpadeliver online sa kanila yung order para sa buong family, medyo malaking halaga yun saka na lang pag namunga na ng malaki si Bitcoin Cash😀ito na muna treats ko sa kanya, bumili na…
Dahil sa klima ng panahon, kahapon at saka magdamag kagabi hindi na po ako nagbukas ng electric fan at ngayon ang hina ko po kasi sa lamig pero ang aking anak naka electric fan pa rin. Mahina pa rin ang ulan sa kasalukuyan sana manatili na ganito lang para walang babahaing bahay. Magandang gabi ka-ingay!
Time check 10:37 Oras na po pala para magpaalam sa inyo ka-ingay na matutulog na po ako, ang sakit ng aking likod buong maghapon kong tinutukan ang diamond painting. Gusto ko na po mayari at excited na akong makita ang buong disenyo. Good night! tomorrow again
Naging mabuti po ang buong magdamag walang nangyaring pagbaha dahil hindi lumakas ang ulan pahinto hinto pa rin, kasalukuyang umuulan sa ngayon at nandito pa rin ako sa higaan, nakakatamad po bumangon ang sarap magbabad sa higaan pag ganito ang panahon. Sa mga papasok sa trabaho mag-ingat kayo at sa nagmananeho ingat po at madulas ang daan ngayon.Magandang maulan na umaga ka-ingay.
Dahil huminto ang ulan nakalabas ako para pumunta sa talipapa upang maghahanap ng dahon ng ampalaya para sa munggo timing na nakita ko ang tindero ng magtataho kaya heto po bumili ako ang matagal ko na din ito hindi natikman at nag-iba siya ng daan. Ang taho ay gawa sa soy beans na may sugar caramel syrup at sagong maliit.
Pabugso bugsong ulan pa rin ang panahon sa amin, tanghali-an na po kumain na ba kayo kaingay? Ako kakain pa lang ininit ko ang biniling lutong munggo kanina tapos nilagyan ng dahon ampalaya na nabili ko rin kanina pinaresan ko ng chicharon. Halina kain po tayo.
Nagbreak po si granny sa kanyang ginagawa dahil dumating na ang aking bunso galing work, kakain daw siyang kanin kaya ininit ko ang ulam naming munggo at nagprito ng tuyong haba ito ang gusto niyang kapartner pag munggo ang ulam at saka hinainan then back ulet ako sa aking ginagawa. Pagkatapos niyang kumain siya na ang mag-uurong ng kanyang pinagkainan. Magandang maulan na hapon sa inyo ka-ingay.
Meryenda po tayo late na itong meryenda ko, ngayon ko lang natikman itong biscuit na ito parang otap masarap din. Nag meryenda na rin ba kayo? Ang panahon ngayon ay kagaya din kahapon parang larong stop dance, tamang ulan lang.
Lumakas ang ulan ngayong gabi at kumukulog pa po mga kaingay maghapunan na kayo baka mamaya magkabrownout na. Heto po ako busy sa aking kinagigiliwan Diamond painting, malapit ko na pong matapos ito.
Nasabi ko sa naunang post na kumain na kayo baka magbrown-out pero ako hindi pa nakakaing hapunan ng oras na iyon ngayon pa lang ako kakain dahil nawiwili po ako sa aking ginagawa. Kain po tayo ang aking ulam ay munggo pa rin.
Pangatlong gabi po ngayon na hindi ako nagbukas ng electric fan, nakakatipid ang klima ng panahon ngayon sa kunsumo ng kuryente. Ang sarap ng matulog mga ka-ingay, iwanan ko na kayo pansamantala, bukas ulet. Magandang gabi🙏
Lùmindol pala kagabi hindi ko po namalayan sa himbing ng tulog ko, nagising ako ng ala singko ng umaga kaagad kong nilabhan ang mga uniform sa trabaho ng aking bunso wala na kasi siyang malinis na uniform kaya napilitan maglaba ng maaga nidryer ko na tutukan ko na lang ng electric fan para matuyo. Maulang umaga ka-ingay🌧☔
Umagang kay ganda kahit umuulan dahil may hatid na saya sa atin ang movement ni bitcoincash, gusto ko na makita ang green long candle stick ni bitcoin cash. Mga ka-ingay almusal na tayo.
Dito po sa amin umuulan pa rin hanggang ngayon habang sa ibang lugar nagpapakita na si haring araw. Nang huminto ang ulan lumabas ako para bumili ng ulam, ito po ang nabili ginataang gulay naubosan ako ng pritong isda kaya hindi nakabili masarap din ipares ang tuyong dilis kaso wala na akong stock. Tara kain po tayo ng tanghali-an.
Dahil pabugso-bugso ang ulan basa pa rin ang nilabhan kanina na nidryer kaya tinutukan na ng electric fan para matuyo dahil walang maisuot na uniform sa work bukas ang aking bunso. Hindi ko na naman namalayan ang oras dahil sa aking ginagawa, meryenda muna si granny ng biscuit.
Ngayon araw natuloy ang graduation pictorial ng aking bunso pagdating niya ng bahay tinanong ako kung anu regalo ko sa kanya sabi ko utang muna tapos sabi niya buti pa si ate may regalo pinapili daw siya handa o pera, pera daw ang pinili niya na nakatawa pa. Nang mga ala singko nagpaparinig na gusto niya daw ng chicken sana may manlibre heheh kaya sabi ko umorder ka na at iorder niyo na rin ako ng cheessy burger de luxe gusto ko ito dahil may gulay. Ito ang hinapunan ko…
Tinigilan ko na po ang pagbuo ng diamond painting dahil hindi ko na mabasa ang code sa paglagay ng beads. Nakahiga na para marelax ang aking likod sa higaan. Sana umaraw na bukas para mailabas at mapaarawan ang mga hindi natuyong labada at sana habang natutulog tayo walang magaganap na kalamidad.
Gising pa si granny hanggang ngayon dahil bumabawi ng pamumuso kahit panay hikab sulitin ang pagkakataon habang buhay at titibok tibok pa itong aking puso, pagtumigil na at wala ng silbi iiwanan ko na po kayo, ako ay mauuna ng matutulog sa inyo. Have a good night sleep ka-ingay.
Pang-apat na gabing natulog na hindi gumamit ng electric fan si granny dahil sa klima ng panahon natin, ilang araw na palagiang umuulan hanggang ngayong umaga dinig ko pa rin ang mga pagpatak ng ulan. Sana man lang sumikat na si haring araw. Magandang maulang umaga ka-ingay.
Ramdam na talaga ang panahon na tag-ulan ang panahon na maraming nagkakasakit lalo na sipon, ubo at lagnat at infection o liptopirosis dulot ng pagbaha. Almusal tayo ka-ingay may natirang hotdog sandwich kagabi ito ngayon ang aking almusal.
Sa wakas ang liwanag na ng langit pero hindi ko pa nakikita si haring araw mukhang nakatago pa sa ulap. Kumain na rin ako ng tanghali-an, hindi po ako nakabili ng lutong ulam at sarado ang tindahan kaya nagluto na lang ako ng pancit canton at naglaga ng itlog.
Ang lilikot na ng aming alagang aso lalo na si Zorro bumalik na ang kanyang sigla dahil wala ng ulan pero noong umuulan ay nakatago lang sa kwarto nilang mag-amo, itong kuha ay noong umuulan, nanginginig nito si Zorro kaya kinumutan ng kanyang amo.
Lulutuin ko na itong dinala ngayon lang ng aking pangalawang anak para maagang maghapunan dahil hindi nakapagmeryenda, nalibang na naman ako sa aking ginagawa. Dalawang balot daw ang nabili niya kaya binigay sa akin ang isa.
Ka-ingay ramdam niyo po ba na malamig pa rin ang klima ngayong gabi kahit hindi umuulan? Pang limang gabi ko na ito na hindi gumagamit ng electric fan. Pagkatapos kong pritohin kanina ang shanghai kumain na kaagad ako nagluto din ako ng instant spicy seafoods noodles para may sabaw. Labada day ni granny bukas sana umaraw na.
Akala ko kanina lalagnatin ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko pero pagkatapos kong kumain ng hapunan bumuti na ang aking pakiramdam, gutom lang pala ako baka nalipasan ako ng gutom at nawili ako sa pagbuo ng diamond painting. Magandang gabi ka-ingay🙏
Ilang araw din na nagdalamhati ang panahon sa wakas nasilayan din natin ang masayang ngiti ni haring araw sana hindi ka mawawala ngayon dahil kailangan namin kayo lalo na at labada day ko ngayon😀mga ka-ingay pwede na yata ilabas ang mga damit na basa para matuyo. Masayang pagbabalik haring araw at magandang araw ka-ingay🙏
Natapos na po ako sa paglaba, bago ako nag-umpisang maglaba may naglako kanina ng palabok,spaghetti at lugaw, lugaw ang napili kong bilhin para kainin pagkatapos kong maglaba dahil tapos na maglaba si granny oras na para kumain, bago ko umpisahan ang paglilinis ng bahay. Kain po tayo ka-ingay
Ang lakas po ng hangin ngayon ang mga nakabilad na damit sipitan niyo po, sumasayaw mga sinampay ko. Natapos na ang aking gawain sa umaga matutukan ko na ang pagbuo ng diamond painting malapit na ito mayari.
Halikayo ka-ingay kumain na tayong tanghali-an bumili lang ng lutong ulam sinigang na baboy pinagsaluhan naming mag-ina, may kasabay akong kumain ngayon dahil day off ni bunso. Umambon kanina kaya dali dali kong pinasok ang mga sampay tapos umaraw na naman kaya nilabas ko ulet😅
Have a biscuits break muna si granny tubig ang panulak, balik ulet tayo sa maalinsangan na panahon tapos hahanapin ulet natin ang pag-ulan 😀sala sa lamig sala sa init. Magmeryenda na rin kayo kaingay.
Paiyak iyak nito si Zorro 🐕dahil gustong magpakandung sa kanyang amo kaya pinagbigyan naman, ang itsura niya para lang makatabi ang amo niya😀
Oras na po ng ating hapunan ka-ingay, nakaluto na ba kayo o kumain na? Naisip kong tinapa at pritong talong sana ang aking uulamin kaso walang tindang tinapa sa talipapa kaya ang inulam ko po ay dilis na may sawsawang kamatis. Hindi ko kasabay kumain si bunso dahil nabusog na ng sitsirya habang nanonood sa netflix.
Paano ko natagpuan si noise.cash. Isa akong miyembro ng isang group chat ako ay isang tahimik na tagabasa habang ako ay nagbabasa masaya nilang pinag-uusapan ang ayuda, may dumating na ba? mga ganyan usapan at masaya silang pinag-uusapan ito kahit curious ako hindi ako nagtatanong, kinalaunan may nagshare ng link noise.cash at ito ay aking nisearch at nagregister ako para malaman kung anu ang ginagawa para magka ayuda at nag masid muna at sumabay na din hanggang ngayon 6 na…
Ka-ingay may bagong feature si noise ito ay ang pin post pupwede na natin ipin ang favorite post natin. Papaalam na rin ako sa inyo dahil inaantok na ako, magiging mahimbing sana ang ating pagtulog at walang kalamidad na mangyayari habang tayo ay tulog. Magandang gabi sa lahat🙏
Narinig ko po sa balita kahapon na walang bagyong darating ang pag-ulan ay dulot lamang ng hanging habagat. Asahan natin na may pag-ulan sa ibang lugar pero dito po sa aking lugar ngayon umaga ang liwanag ng kalangitan. Magandang umaga ka-ingay😊
Kamusta ang inyong umaga ka-ingay, tiyak na ginagayak niyo na ang inyong lulutuin para sa tanghali-an ako ay mag-aalmusal pa lamang late lagi ang aking almusal dahil hindi po sanay ang aking sikmurang tumanggap ng pagkain ng maaga.
Hindi ko po ito mayayari dahil ang kulay ng beads na dapat ilagay ay kinulang sayang matatapos ko na dapat ngayon ito, paano kaya ang mangyayari dito sana ay may mabibilhan. Itabi ko muna ito at sisimulan kong gawin itong panibagong disenyo .
Ang lakas ng pag-ihip ng hangin at makulimlim na mukhang dadating ang malakas na ulan. Kumain na po tayo ng tanghali-an kaingay, sinong may gusto ng ulam ko? Ito ang binalak kong ulamin kagabi kaso naubos na ang tindang tinapa kaya inagahan kong pumunta ng talipapa kanina para lang bumili nito. Tara kain po tayo ka-ingay.
Noong teen-ager pa lamang ako naalaala ko na sa tuwing kakain ako ng talong at tuyong mahaba ay nasusuka ako at nangangati sa talong pero ngayon hindi na ako nasusuka sa talong. Gusto ko rin sanang kumain ng tuyong haba lagi kong sinusubukan kainin pero nasusuka pa rin po ako hanggang ngayon, kaya ang kinakain ko lang ay sapsap na tuyo at dilis. Sino po dito nakakaranas ng ganito kagaya ko.
Ulat panahon dito sa amin kasalukuyan bumuhos ang malakas na ulan, tinakot na naman ng ulan ang aming Zorro, lalabas sana ako dahil may nakita akong nagtitinda ng banana cue malapit sa binilhan ko kanina ng tinapa. Nakita kong may nakasubong lolipop sa bibig ng aking bunso at heto binigyan din ako, maglololipop din si granny.😅
Ang tagal ko na din na hindi na check ang aking Abra account, may konting natirang fund pa ako rito yung iba nilipat ko sa ibang crypto exchange, dahil sa ibang crypto exchange makapagset ka ng iyong presyo para bumili at magbenta automatically kahit tulog ka kaysa sa abra na kailangan pang tutukan. Kailangan ko na palang magverify identity para makapagtrade.
I just finished folding clothes that have dried and have them in the closet as well. Currently getting ready for dinner, my dish is the leftover smoked fish from lunch and mashed tomato sauce. My youngest won't eat rice tonight, she'll just take care of herself what she eats later. Let's eat noisemates🍽
Oras na ng pamamahinga sa maghapong pagpapagal sa trabaho. Pag may alitan sa pamilya ayusin po natin muna bago matulog para magiging at peace ang isipan ng mapabuti ang ating pagtulog. Magandang gabi ka-ingay
Aktibo pa po kasi ang tibok ng aking puso kaya hindi pa ako natulog at saka hindi pa rin naman ako inaantok kaya nagbabad muna dito kay noise nagpapaantok na muna. May gising pa ba?
Life is a gift from God we should enjoy it towards doing good, let us be thankful because we woke up again in the morning with a good mind and body in good health to fulfill the task destined to be done today, in those who come to work, bring a rain shield such as an umbrella or raincoat to prevent us from getting sick, you know that our health is our wealth so we must take care of it. Good gloomy morning noisemates🌧☔
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan humihinto saglit tapos bubuhos ulet, kahit umuulan ang Ale patuloy pa rin ang kanyang paglalako ng kakanin tuwing umaga pagtapat niya ng bahay kaagad na tinawag ko siya para bumili ng aking maaalmusal at ito ang aking nabili “biko.” Biko at Salabat sa maulang umaga, kain tayo kaingay.
Habang ginagawa ko po itong diamond painting inantok ako hihiga na sana ako nang biglang naalala ko na hindi pa pala ako nakakain ng tanghali-an. Binuksan ko ang isang maliit na lata ng macherel ginisa sa bawang, sibuyas at kamatis saka nilagyan ng katamtamang tubig para magkasabaw sinahugan ng gulay na kangkong at nilagyan ng konting pampaasim (instant sampalok powder) parang lutong sinigang na macherel. Tara ng kumain ka-ingay. Patuloy pa rin ang pag-ulan dito.🌧☔️
Nais ko po ibahagi dito ang naramdam kong saya dahil nakasuot na ng toga ang aking bunsong anak. Isa siyang working student kahit siya ay nahihirapan dahil pagod ang isip at katawan sa gitna ng kanyang pag-aaral at pagtratrabaho, hindi niya naisip huminto pinili niya pa ring tiisin ito para lang makamit ang minimithi kong makapagtapos siya ng kolehiyo at dahil na rin sa kagustuhan niya makapagtapos.
Update ko muna ang value nitong oras ni bitcoin cash para sa kaalaman ng lahat nasa 26K na po. Sana ay tumaas pa, maraming sasaua niyo😍😃
Paglabas sa work ng aking bunso pumunta siya sa kanyang kapatid dahil may ipaprint siyang documents pag-uwe niya ng bahay may bitbit siyang nakapaper bag at sinilip ko ang laman, ito ang laman fried mushroom at mushroom crackers. Ito po ngayon ang aking meryenda. Maulan na hapon ka-ingay🌧