Gusto ko sanang kumain kasabay ang aking bunso ngunit hanggang hindi pa nakauwi ng bahay mula sa kanyang trabaho, hindi ko na kaya tumutunog na ang aking tiyan nagpasiya na akong kumain mag-isa. Nagluto ako nito, ang tawag dito ay picadillo kaya lang hindi patatas, ang inilagay ko ay labanos at nilagyan ko ng konting instant pampa-asim na sampalok. Sa tuwing ako ang magluluto ng ulam na may sabaw, tinatabangan ko po kasi may sawsawan lagi patis na may sili sa tuwing kami ay kakain. Kain po tayo ka-ingay.
1 comment
Miss ko na ang picadillo. Bakit nga kaya nasara kumain ng may sawsawang patis. Lalong nakakagana.