read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in July 2021

@Nengste

Ang sakit ng aking bewang, at likod sa matagal na pagkakaupo at mata dahil sa aking ginagawang diamond painting kaya itinigil ko po muna ang paggawa nito bukas ulet, siguro maglalaan na lamang ako ng 2 oras araw-araw para dito.

@Nengste

Patuloy pa rin ang pag-ulan buti hindi gaanong malakas. Kumain na ako ng hapunan at heto nakatayo at palakad lakad muna habang hawak ang selpon. Ang ulam ko ay ang natirang ulam ng tanghali-an na ginisang macherel ala sinigang. Si bunso isang beses lang kumakain ng kanin tuwing tanghali-an. Milo at biscuits lamang ang kinain niya ngayong hapunan. Hindi ako gumagamit ngayon ng electric fan dahil maginaw ngayon dito.

@Nengste

Magdamag na walang hinto ang ulan dito po sa amin buti hindi kalakasan, pero ngayong umaga nagising ako sa tunog ng paghampas ng hangin at ulan at nakatanggap ng text mula sa NDRRMC. Mag- ingat po tayo sa mga nakatira sa nabanggit na lugar. Magandang maulan na umaga🌧

@Nengste

Nag-iisip po ako ng makakain sa almusal, hindi ko na naabutan ang pagdaan ng naglalako ng mga kakanin maaga sigurong dumaan buti may dumaan na naglalako ng saging saba heto nilaga ko ang kalahati para sa akin at yung kalahati ititira ko kay bunso para ipagprito siya mamayang pag-uwe niya.

@Nengste

Ito na po ang binili kong saging sa naglalako kanina, buti may naglako kahit umuulan hindi na ako nakalabas ng bahay para maghanap, nakakatamad kasing lumabas ng bahay pag ganitong umuulan. Halikayo luto na kain tayo

@Nengste

Huminto ang pag-ulan at lumiwanag na, lumabas ako para tingnan kung lumabas na si haring araw at ito lumabas na nga mukhang wala ng pagbayo ng habagat dito sa Luzon dahil nakangiti na si haring araw

@Nengste

Dumating si bunso galing trabaho nadatnan niya akong hindi pa nakakain ng tanghali-an kaya tumayo ako at iniwan muna ang aking ginagawa at nagluto ng garlic fried rice, longganisa at itlog at pinirito ko na rin ang sabang saging na tinira ko para kay bunso. Ang iba pong ka-ingay ay nagmeryenda na kami ay ngayon pa lang kakain ng tanghali-an. Kain po tayo!

@Nengste

Kagigising lang sa maiksing pagtulog, nasasabik akong magkape kaso nagpapalpitate ako kaya tiis na lang muna heto nagpapakulo ng luya magsasalabat na lang ako, ubos na kasi ang instant ginger tea na gawa ng aking panganay hindi pa rin niya ako nadadalhan. Salabat at biscuits ang aking late snacks.

@Nengste

Ang aking bunso gusto daw niya kumain ng balut, sabi ko lumabas ka at tingnan niyo kung may tindang balut ang tindahan sa labasan tinatamad naman daw siya tapos sabi niya aantayin niya na lang ang pagdaan ng naglalako, parang gusto ko rin kumain ng balut na may sabaw sana dumaan😀Ka-ingay kumakain din ba kayo ng balut?

@Nengste

At last dumaan din ang hinihintay ng aking bunso ang balut kaya lang balut sa penoy ito ang sinisigaw ng nagtinda, heto bumili ang aking bunso, sabi niya mag-ina daw yung nalalako na walang payong nakasumbrero lang paano daw pag biglang umulan, sumagot ako sisilong muna siguro sila, kailangan din kasi nilang gawin yun kahit umuulan para may pambiling bigas at ulam. Tara ka-ingay tikman namin itong balut sa penoy.

@Nengste

Nagising ako akala ko po alas 4:00 dahil narinig ko na may naliligo kanina at nagbukas ng pinto akala ko maaga na naman ang duty ng bunso ko sa trabaho nang papunta akong cr para umihi nadaanan ko ang silid tulugan niya bukas ang electric fan saka sumilip nasa kama siya tulog at ang banyo tuyo ang sahig. Nanaginip lang pala ako 😀sumilip din ako kay Coins.ph nag 27K pala siya naabutan ko 26K+ na lang, nagconvert ng kaunti

@Nengste

Nakatulog ulet po ako at kagigising lang ngunit nasa higaan pa at hawak ang selpon kahit nasilayan ko na ang maaliwalas na kalangitan tanaw mula sa bintana. Masaya ang lahat dahil 27K na ang ating paboritong bitcoin cash sana tuloy na ito sa pag-akyat ulet tungo sa buwan😄🙏Babangon na ako para makapag-umpisa ng aking gawain. Magandang umaga

@Nengste

Dahil natapos ko na po ang aking gawain ngayong umaga, nagwalis at nagpunas ng alikabok lamang ang aking ginawa ngayon kaya uumpisahan ko na at itutuloy ang aking pagbuo nitong diamond painting sa pamamagitan ng paglalagay ng beads pero bago ko umpisahan snacks muna si granny ng biscuits at tubig. Umaambon sa kasalukuyan dito kaingay.🌦

@Nengste

Time check 1:55 pm Ngayon pa lang ako kakain ng aking tanghali-an heto nagluto ako ng putaheng karaniwang niluluto tuwing biyernes “monggo” pinakuluan ang monggo beans para lumambot at iginisa sinahugan ng tinapa, maraming tokwa at dahon ng ampalaya at chicharon. Tara kakain na tayo ng late na tanghali-an.

@Nengste

Akala ko tuluyan ng umaraw nagkamali ako ng hinala dahil kasalukuyang nagsimula na naman bumuhos ang ulan. Nagpahinga muna ako sa pagbuo ng diamond painting at heto nakahiga para marelax ang aking likod at balikat habang nagbabasa ng mga post dito sa noise, basa lang dahil hindi pa tumitibok ang aking puso.

@Nengste

Ang aking bunso may sinabi sa akin kanina sa nalaman niyang usap usapan tungkol sa 3 araw pagkaclosed ng isang kilalang fastfood malapit sa pinapasukan niya na nakitaan ng covid19 positive ang mga crew nito kaya ito ay isinara pansamantala.

@Nengste

Maaga kaming kumain ng hapunan pinagsaluhan namin ang natirang monggo kaninang tanghali-an at nagprito ako ng tuyo para sa aking bunso. Kumain siya ngayon ng kanin dahil hindi siya kumain ng tanghali-an kanina palagay ko nagkayayaan silang kumain ng kasamahan niya sa trabaho bago umuwi. Kumain na rin po kayo ka-ingay.

@Nengste

Napapikit na po ang aking mata mukhang nag-aaya ng mamahinga, nakakaantok naman kasi ang dala ng klima ng panahon. Ang aking bunso magpapasa ng resignation sa kanyang pinapasukang kilalang fastfood ayaw na raw niyang tanggapin ang inoffer na work sa kanya, mag work from home na lang daw siya dahil natakot sa nangyaring pansamantalang pagsara ng isang kilalang fastfood resto dahil may mga crew na positive sa covid19. Mga ka-ingay pag hindi naman kailangan huwag tayong aalis…

@Nengste

Kasalukuyang umiinum ng salabat pagkatapos nito ay papahinga-in ko na ang aking mata at kamay, hindi na rin tumatalab ang pawer ng aking puso kaya mauna na ako sa inyong matulog mga gising kong ka-ingay. Hindi umuulan pero ang lamig pa rin ng klima. Good night!

@Nengste

Nakatulog ako ng mahimbing, natulog ako pasado 10 pm at nagising ng 6 am, kaya tuloy ngayon ko lang nahugot ang naiwang nkacharge kagabi na selpon. Kayo ka-ingay kamusta ang iyong tulog? Ito si Zorro naglilikot na.

@Nengste

Kasalukuyang nakahiga pa si granny, hawak selpon habang ang aking bunso ay naglilinis na ng kanyang silid tulugan dahil day off niya ngayon, naramdaman ko na rin ang init sa pagbabad sa higaan siguradong makakatuyo ng sampay ang sikat ng araw ngayon kaya babangon na ako at parang pinapawisan na ako.

@Nengste

Dumaan ang naglalakong ale ng mga luto niyang kakanin champorado, biko, lugaw tinapay at pansit ang nabili ko ay pansit at tinapay. Ang aking bunso naman ay lumabas para bumili ng carbonara sa tindahan sa labasan. Kain tayo kaingay

@Nengste

Naisip kong ilabas ang sirang wooden aparador mula sa silid tulugan ng aking anak para lumuwag ito dahil may balak akong bilhan siya ng computer table para maging comportable siya sakaling mapasok siya sa isang work from home at ito nga nagawa naming mag-inang ilabas ito.

@Nengste

Ka-ingay kumain na ba kayo ng tanghali-an, kakatapos ko lang din kumain nakabili lutong ulam chicken curry. Umambon na naman mga ka-ingay🌦iwasan maambonan para hindi magkasakit.

@Nengste

Bago natulog ang aking bunso may ginayak siyang lulutuin para meryenda at ito ang mga sangkap, nahulaan niyo na po ba ang tawag sa binabalak niyang luto?

@Nengste

Pagkagising ni bunso ginawa na niya agad ang kanyang balak lutuin nitong meryenda at ang sangkap nito ay spicy crispy fry haluan niyo po ng harina para mabawasan ang alat at patatas binalatan ang patatas o kahit wag ng balatan linisin na lng ng mabuti hiniwang pabilog na manipis at pinagulong sa spicy crispy fry at saka iprito at ito na po iyon luto na, ang tawag dito ay Mojos. Tara kain po tayo masarap ito dahil luto ni bunso😋

@Nengste

Nag first birthday sabay binyag ang aming kapitbahay kaninang tanghali pa po itong videoke nila hanggang ngayon ang sakit na si tenga kaso kapitbahay sabihin wala po akong pakisama sana man lang ang kinakanta nila ay oldies song para ang maayos pakinggan😄

@Nengste

Ka-ingay may natanggap rin ba kayong notification may pa qr code challenge na naman galing kay smartbch, yes thank you again noise.

@Nengste

Oras na ng hapunan, kumain na po kayo ka-ingay, ako mamaya pa at busog pa ako hanggang ngayon, ang aking anak nagluto ulet ng Mojos hapunan niya na daw yun. Hindi pa huminto ang kasayahan ng aming kapitbahay, videoke with inuman.

@Nengste

Ngayon pa lang ako kakain ng hapunan, kasi busog pa ako kanina, nakaramdam ng gutom ngayon kaya heto nagluto ng makakain, kakain lang akong konting kanin at magpapapak nito. Andito kanina ang aking apo at pangalawang anak nakiwifi at ang cable ng kanilang net napatid ng malaking truck 4 na araw na, hanggang ngayon hindi pa naayos nakailang balik na sila sa opis ng globe sa pagpafollow up

@Nengste

Ang aming Bayan ay sumasailalim sa GCQ with heightened restrictions simula ngayong araw hanggang Agosto 15 Alinsunod sa kautusan ng Inter-agency task force makalalabas na ng bahay ang mga edad 18 hanggang 65 Ito ang mga bagay na allowed with restrictions. 30% capacity personal care services and outdoor tourist attraction 20% capacity indoor dining in restaurant 10% capacity religious services including baptism, weddings and funerals. Ang ibang activity na hindi nabanggit ay…

@Nengste

Maayong buntag Maayong aga Maayong adlaw Magandang umaga, ito lang ang alam kung bati sa umaga sa mga ka-ingay kong taga Visayas, Luzon at Mindanao. Kumusta ang ulat ng panahon niyo diyan? Dito po ay maliwanag ang kalangitan ngayon sana wag munang umulan ng makapaglaba ang hindi pa nakapaglaba at ng makatuyo. Kape na kayo at ako ay magsasalabat na rin.