May naalala ako tungkol sa manok panabong, noong elementary pa kami ng aking kapatid na babae, ang tatay ko ay maraming alagang panabong na manok dahil taga Bacolod kami dinadayo ang lugar namin ng taga Maynila para bumili ng panabong na manok at ang pagbibenta ng manok ang isa sa pinagkakitaan ni tatay. Ang alaga ni tatay ay binibili niya ng feeds, corn, vitamins at gatas na powder at dun yun nakalagay sa ilalim ng bahay. Pag wala si tatay pumupunta kami ng aking kapatid sa ilalim ng bahay para kumuha ng powder milk para kainin naming dalawa kasi naisip namin noon buti pa ang manok may gatas at vitamins kami wala at talagang naingit at naiinis kami sa manok hahah dahil bata. May tatay din ba kayong mahilig sa manok panabong?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ang tatay ko po nag aalaga din ng mga ganyan pambenta po. Kapag wala kami pang ulam lagi namin inaawitan na magkatay sya ng alaga nya. Hehe. Minsan napapapayag po at madalas naman e hindi. 😂
exciting po Pala younger experience nyo SA manok panabong hehe! Ang mga Tito ko po mahilig din mag alaga at Mahal na Mahal po nila ang mga Texas nila panabong!