May naalaala ako nang nakita ko ang post ni @Blendz na may anino ng aso ang kuha niyang litrato ng pizza. Nangyari ito last year Mother's day, gabi na ng umuwi ang aking anak ng araw na yun na may dalang large shakey's pizza, kumain lang ako ng isang slice dahil kakakain ko lang ng hapunan at isang slice hinati ko at pinakain kina Grey at Zorro 🐕 at tinakpan at iniwan na sa mesa at natulog, nang nagising ako para magcr may naapakan ako hindi ko matukoy kong anu ang naapakan ko dahil madilim, nang binuksan ko ang ilaw box ng pizza pala ang aking naapakan wala ng natira pinagfiestahan ng dalawa naming alaga. Pagkagising ng anak ko syempre sumama ang loob. Palagay ko si Grey ang salarin kasi pagnakaamoy ng pizza naglalaway agad yun😅
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Ay, haha! Takaban man gale si Grey po ninyo? Kahit flour po ate o miswa, noodles na raw basta nasa mesa pag pabayaan mo, nasa sahig na at my butas2 na haha.
Hahah.. oo takaban pag gusto niya amoy ng pagkain. Noong nakaraan iniwan saglit ng anak ko ang hotdog biglang nawala pagbalik niya😅
Hahaha itom sungad kung c papa pa. Dapat my pangtakip po kayo sa food at sa amin wla talaga food na nakabalandra unless fruits na hinog o gulay na hilaw pa ba.
Oo ganun na ginagawa namin, naging maingat na kami
Hehe buti naman po..Lagot lagi ky papa pg ganyan kaya naglagay na ng giant takip para lahat.