Kamusta ang ating umaga ka-ingay? Buong magdamag ang pagbuhos ng ulan dito, buti huminto na ngayong umaga, sana lumitaw si haring araw ngayong maghapon dahil kailangan ko ang sinag niya at araw ngayon ng aking paglalaba. Ayaw ko pa sanang bumangon at ang sarap magbabad sa higaan at ang lamig ng klima, tara na kaingay agahan nating maglaba ng makatuyo tayo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Dito din mommy magdamag ang ulan at kahapon naman aaraw at biglang uulan. Di ko nailabas ang mga sampay ko kaya marami pang naiwang hindi tuyo.
Magandang umaga rin po, dito rin magdamag ang ulan kaya maputik ang daan papasok sa amin...