Mga ka-ingay may nagtanong sa akin kung paano gawin ang pineapple jam at minabuti ko pong ibahagi sa pagpost para sa kaalaman ng lahat. Sa paggawa po ng pineapple jam, kailangan po natin ng mga ganitong ingredients *Fresh pineapple ( small ) gadgarin wag isama ang gitnang bahagi dahil matigas yun *1 cup tubig * 2 cups asukal puti o brown *2 piraso calamansi juice Paano lutuin? Ilagay sa lutuan ang ginadgad na pineapple, ilagay din ang 1 cup na tubig at saka lutuin ng 15 minutes sa medium na apoy, pagkakulo hinaan ito at saka ilagay ang 2 cups na asukal at calamansi juice lutuin at haluin hanggang sa mag thick ang syrup.
1 comment
Thank you po SA pag share Ng info..gagawa din po ako...happy Sunday po .