read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in June 2021

@Nengste

Tuwing umaga ang iniisip ko po ay ang mga gawain sa bahay na dapat kong gawin. Maaga akong nagising ngunit ayaw ko pang bumangon parang ang sarap manatili sa higaan😊 yung unang post ko po ngayong umaga sa noise nagulat po ako pag post ko kaagad in seconds nakatanggap ako ng ganitong kalaking reward.😍 Hahah hindi pa pala naupload ang photo post submitt agad.

@Nengste

It's been a while since our pet dog has been able to walk, but this morning their master allowed them to walk because their master had no work today. Dogs are also so eagerly to roam to see and meet strange surroundings, how much more we human beings? but because there is a fear of the bad consequences that the pandemic would might do to us we just choose to stay in our home.

@Nengste

In the very hot weather, I would prefer to go back to the time as a child when I saw this, it looks like my grandchild enjoys swimming to beat the heat, would you think at my age I can also paddle there? maybe I was ridiculous to look at😅

@Nengste

Based on the new update of Talking noise let all have fun, let's enjoy whatever reward we get in our post, it's okay let's enjoy the different kinds of emotions in every post we had like, 😲😥😍🙁 😆😏. I hope so, despite of these emotion at the end we find a bag of bitcoin cash. Want some sedatives? here is for you😍

@Nengste

Sa kasarapan po ng aking pagtulog nadaghanan ko itong aking salamin, mabuti naitabi ko yung isang salamin na luma may nagagamit po ako ngayon. Magandang hapon sa lahat!

@Nengste

Nagbreak po muna si granny at naglibang sa panonood ng pagsasayaw ng aking apo. Musta na po kayo?

@Nengste

Sa mga oras na ito, ito ang mga naiisip natin, anu po kaya ang malulutong ulam?, kasya pa kaya ang natirang ulam kaninang tanghalian?

@Nengste

Naalaala ko last year na kinukulet kami ng NDRRMC bago sumapit ang napakalakas na bagyong tumama dito noon sa Luzon, maya maya't tumutunog ang cp tungkol sa abiso mula sa NDRRMC, kaya pag ganyang may abiso maghanda na po kayo sa posibling mangyari, mag-ingat po🙏

@Nengste

I've been here for about 3 months at noise.cash, for three months it went well and I was able to save a little bch and some were converted into pesos to help met our needs at home. Thankful for I found noise.cash and found my virtual neighbors too🥰 I hope that we will be together for a long time.🙏

@Nengste

Nalibang na naman po ako sa aking ginagawa, hindi ko namalayan na pasado alas 10 na pala. Kamusta po ang maghapon ng mga gising pa po diyan?😄 Ako po ay ayos lang kahit papaano may konting naipong bch maghapon. Magandang gabi po🙏

@Nengste

Updated value of bitcoin cash bch source coingecko.

@Nengste

The drowsiness has not yet visited me, so here I am soaking in noise. It’s June 2, already and I'm still awake, those who are experiencing bad weather especially in the Visayas, please be careful and alert po. Good night!

@Nengste

It’s rainy morning here in my place. I woke up early but because of the cold air I was being lazy of getting up. I am grateful and I can see the light of mornings and be with my loved ones today and all the blessings. Have a blissful mornings!

@Nengste

The Thick clouds covered the Sun and the light rain continued to showered. Feeling comfortable since last night up to this moment, hopefully it feels always like this.

@Nengste

It is currently raining and thundering here in our place, I felt sorry for our dog Zorro who was shivering and here he was trying to climb my lap for me to comfort him.🐕

@Nengste

What do we have for lunch? We having flakes tuna with onion, calamansi and soy sauce. How about you my noisemates? Still the weather is so comfortable today, I would love to take a nap later. Enjoy eating your meal.

@Nengste

Dahil patuloy ang pag-ulan dito sa amin ang aming isang alagang aso na si Zorro ay pasilip silip na lang muna sa labas.

@Nengste

Sa maghapong pag-ulan nag craved tuloy po akong uminum ng kape, sabi nila pwede naman daw mag cheat pa minsan-minsan kaya tara na pong uminum ng kapeng puti na may tamang timpla😀

@Nengste

Did you fall asleep this afternoon? I couldn't sleep because I drank coffee earlier. One of our pet dogs did something not good, I saw urine on the kitchen floor, I asked our 2 pets and looked at their reaction there was a dog that couldn't look directly at me and that was my basis for choosing the culprit, it was Gray, gray's habit is that he doesn't want to go outside when the pathway is wet.

@Nengste

I noticed that my heart was only beating with a small number of users, most of whom were worthless. Did you notice that too? maybe the user of noise.cash are too many that's why the allocated budget are not enough.That was my theory only😊

@Nengste

Palagay ko kumakain na kayo ng hapunan, sa mga nagluluto pa lamang sarapan niyo po at mangapit-bahay ako mamaya para makikain😀 ito na muna ang aking kakainin. Magandang gabi po🙏

@Nengste

Ngayon ang kaunaunahang araw na naging komportable ang ating pakiramdam, ang hindi paglitaw ni haring araw buong maghapon. Ayos lang ang pag-ulan hindi gaanong malakas. Sa ibang lugar na nakakaranas ng pagbagyo, mag-ingat at maging alerto po kayo . Ang sarap matulog pag ganito ang panahon. Magandang gabi🙏

@Nengste

Sa sobrang sarap ng tulog buong magdamag nagising ako ng maaga sa pagsigaw ng aking anak na parang may paghikbi at bigla akong nakaramdam ng pagkatakot, sobrang sakit daw ng kanyang leeg, siguro ay nakatulugan niya ng matagal ang isang posisyon kaya sumakit at nanigas ang kanyang kabilang leeg ( stiff neck) Magandang umaga🙏

@Nengste

It would have been nice to stay in bed but we had to force ourselves to get up and greet the morning with joy and with the hope that the whole day would be good for us. It is still raining lightly here in our area. Gloomy Thursday to all🙏

@Nengste

Maulang umaga sa inyong lahat! Mga ka-ingay bakit po ako nakakaranas nito, hindi ko naman po ito kinopya at pag popped up nito dinagdagan ko pa rin ng salita, pero hindi pa rin gumana. Palagay niyo po may limit kaya ang pagreply?

@Nengste

Dahil umuulan at malamig ang panahon kaya nagluto po akong sopas, ang mainit na sopas ay mainam kainin pag ganito ang panahon. Tapos may biglang dumating na grasya nagpadeliver ang aking anak ng mga ito.Ito na ang aking tanghalian at syempre meron din para sa aming 2 alaga. Salamat sa grasya at nagkalaman ang aming tiyan 😀Kumain na rin po kayo ng tanghalian.😊

@Nengste

Lumabas na po si haring araw, maalinsanganna naman po ang panahon. Tapos sana bukas umulan ng medyo mahina lang, salitan para hindi tayo maumay sa iisang pakiramdam lang. Magandang hapon po.

@Nengste

Mga kanoise salamat sa inyong mga payo tungkol sa aking anak na nagkaroon ng stiff neck inapply ko po yun sa kanya at pinainom ko rin ng ibuprofen para sa muscles pain nakatulong din para mapabilis ang kaniyang paggaling medyo nagagalaw na po niya ng dahan dahan ang kanyang leeg sana magiging maayos na para makapasok na siya sa kanyang trabaho. Magandang hapon po sa inyo😊

@Nengste

Ang cute po bang matulog ng aming alaga, love niya rin si carrots 😊Animal sila kung tawagin ngunit nakuha niya ang aming puso, isa siyang pangpatanggal pagod dahil napakalambing niyang aso. Oras na ng meryenda😊

@Nengste

Noise mates ito yung niluto kong sopas kaninang umaga, ito rin ang tinanghalian at meryenda ko ngayon. Alam niyo bang walang sahog na manok itong aking sopas, gumamit lamang akong pampalasang chicken cubes at sinahugan ng vienna sausages at gulay na repolyo para lamang makahigop ng sabaw na mainit dahil umuulan kaninang umaga.

@Nengste

Time check 9:10 PM Kumain na po ako... Tanghalian sopas Meryenda sopas Hapunan sopas pa rin May natira pa... buti tinulungan ako ng 2 kong alagang aso para ubusin kain😄. Baka hindi pa kayo kumakain, kumain na po kayo!

@Nengste

Hindi na po tumitibok tibok ang aking puso sa inyo, kaya minabuti kong mamahinga na, Mauna na po akong matulog sa inyo. Magandang gabi🙏

@Nengste

Sa aking pagmuni-muni ngayong umaga, ang buwan ng June ay buwan ng pagsilang ng aking nanay sa akin, nagpapasalamat ako sa pagluwal niya sa akin upang masilayan at magalak sa nakakamanghang disenyong ginawa ng Makapangyarihang Ama, kahit na napakahirap mabuhay sa mundong ito. Magandang umaga🙏

@Nengste

Kamusta po aking mga kabayan? Mukhang berdeng berde ngayon ang merkado ng crypto, alam ko masaya ang karamihan dito. Mag-almusal na po kayo wag magpagutom at maraming trabaho pa tayong dapat tapusin.Magandang umsga🙏

@Nengste

Ito ang aking unang post sa channel ng aking bansang sinilangan. Kamusta po kayo aking kababayan? Saan ka mang sulok ng bansang ito pinaglapit tayo ni noise na parang virtual na kapitbahay. Sana magiging mabuti ang ating araw araw na pamumuhay malayo sa mga kapahamakan. Manalig lamang na ang lahat na pagsubok na hinaharap ngayon ay malalagpasan at lilipas din. Laging nating isuot ang natural na ngiti araw-araw.

@Nengste

Maraming post na ang aking nababasa tungkol sa bagong updated feature ni noise na gumagalaw na berde at pula sa pagpuso pero hanggang ngayong oras na ito hindi ko pa po naranasan sa tuwing pagpuso ko sa inyo hindi pa po tumatalab sa ngayon pero super excited po akong masaksihan ito. Wala na pala akong ginger tea kaya mainit na tubig muna ang aking iniinum sa ngayon. Magandang araw ng biyernes sa lahat🙏

@Nengste

Dahil hindi pa po gaanong magaling ang stiff neck ng aking anak heto nagrequest na siya ang magluluto ng ulam. Alam niyo po ba ang kaniyang niluluto? ito ay may pampaasim, luya at gulay na kangkong. Itong ay kinuhanan ko ng nagsasangkutsa pa lamang.

@Nengste

Oras na po ng tanghalian, luto na po ang ulam namin na niluto ng aking anak ito ay sinampalukang manok, tara po kain tayo, cheat daw po muna ang aking anak sa kanyang pagdiyeta. Kumain na rin po kayo at uminum ng tubig at mainit na naman ang panahon.

@Nengste

Nagbreak muna saglit sa online world para maglinis ng kusina, nilinis ang patuluan ng plato at nagtanggal ng stain, ilang araw lng na hindi ako nakapaglinis ang dami na namang tae ng ipis sa mga sulok.

@Nengste

One of the things that reminds me of my childhood. Isdang Turagsoy or Dalag. When my cousin and I went to the paddy fields to get some snails a kind of snails that can be cook and eaten. We went down into the mud then I felt something touched my foot and it was moving in the mud, my cousin told me to catch it because it was a fish. I caught the fish when I lifted it up I suddenly released it I felt scared I thought it was a snake when I saw the head.🤣

@Nengste

Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang aming aso bago maligo dapat marunong kang humikayat para pumayag siyang sumama sa iyo para maligo. Bakit kaya takot ang aso maligo?

@Nengste

Kanina pa ako nakaabang sa naglalako ng nilagang sweet corn, bakit kaya ganun kung kailan gusto ko kumain ng sweet corn saka naman hindi dumadaan ang nagtitinda. Magandang hapon po🙏

@Nengste

Unpredictable ang halaga ng pagpuso at kung kanino ito titibok-tibok, palagay ko gusto ng namamahala sa noise na lahat na user ay makakatanggap o mababahagi-an ng reward baguhan man o datihan. Congrats sa noise.cash admin.🙏

@Nengste

Ang mga nasubscribed kong mga user po ay madalang ko na silang makita karamihan na aking nakikita ay ang mga post sa channel na nasubscribed ko po kaya binibisita ko na lang ang kanilang profiles. Hapunan na po kumain na tayo😊

@Nengste

Sumapit na ang oras upang ipahinga ang pagod na katawan lupa kaya pansamantalang maghiwahiwalay muna tayo at mag-uusap muli bukas. Sana ay magiging mahimbing ang ating pagtulog, ayusin ang mga hidwaan o away mag-asawa bago matulog. 😊Magandang gabi🙏

@Nengste

Pag nasa edad ka na papunta ng pagkasenior makakaranas ka ng pagkamalimutin kahit pangalan ng mga bagay hindi ko kaagad maisip parang internet ng pilipinas mahina laging loading. Pero andiyan pa rin ang aking pagpasalamat at narating ko po ang edad na ito na maayos ang kalusugan.🙏 Magandang umaga po sa lahat😊

@Nengste

Naghahanap po ako ng pagkuhanan ng fund dahil may bayarin po ako at naisip ko na wag itong kuhanin sa aking bitcoin cash fund, naghanap ako sa iba at ito pumasok kanina sa aking coins.ph wallet. Maasahan talaga ang blockchain napakabilis ng proseso, nagconvert lang muna ako ng 33 xrp to peso para sa pangangailangan ko at hahayaan kong tumubo ang natirang xrp.

@Nengste

Nananabik na akong masilayan muli ang pag puso na may gumagalaw na kulay berde at pula. Siguro tuwing hapon ang nakalaang oras para ito ay maging aktibo, panay ang aking pagpuso sa inyo ngunit talagang waley eh😂 Ala una na pala, hindi pa ako nakakainng aking tanghalian, tara kain tayo😀

@Nengste

Dahil nainip po si granny lumabas at nagpahangin, nakita kong mataas na ang mga damo, habang nagpapahangin ang kamay ko po naman ay abala sa pagbunot ng mga damo. Oras na ng meryenda.😊

@Nengste

Matagal ko din napakinabangan itong celpon na de keypad kahit nakailang bagsak na ito gumagana pa rin. Kaninang umaga ayaw na mag-charging kahit anung gawin ko, sakto pupunta ng bayan ang aking anak nagpahanap ako ng ganitong celpon kasi need ko po ito sa pagtanggap ng mga verification code sa mga account ko po online. Magandang hapon😊

@Nengste

Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang itsura ng aming aso pagpinapagalitan ng kanyang amo. Kasi noong nagwawalis po ako inaangilan ako ni Zorro kaya pinapagalitan.

@Nengste

Ang ina ay lalong sumasaya pag nakikita ang kanyang anak na masaya. Ang ina ay gagawin ang lahat para mapabuti ang kanyang anak. Ang nanay ay dapat irespeto ng anak at pwedeng maging Kaibigan upang makinig sa mga hinaing at tagapagbigay payo sa anak.

@Nengste

Gusto ko na pong matulog kaso hindi makatulog at hindi pa nakauwi ng bahay ang aking anak, nag chat na doon lang siya sa bahay ng kanyang kaibigan ihahatid naman daw po siya. Ang ina kahit alam niya kung saan ang kanyang anak mag-iintay pa rin yun hanggang sa pag-uwi ng anak sa bahay. Magandang gabi..😊

@Nengste

Heto po naka youtube at nakikinig ng praise and worship songs habang gumagawa ng mga gawaing bahay. Kumusta naman po ang inyong umaga mga ka-ingay? Sana pagpalain tayo at maging produktibo ang lahat sa araw na ito. Magandang umaga🙏

@Nengste

Nabanggit ko po sa akin post kahapon na ayaw na magcharge ang de keypad na celpon na ginagamit ko po sa pantanggap ng aking account verification code dahil kailangan ko ng bagong celpon nagpahanap ako sa aking anak kahapon. Pag-uwe niya kagabi may dala na po siyang bagong celpon at ito yun, hindi ko po alam kung magkanu bili niya dito kasi maaga din siyang pumasok ng trabaho kaya hindi kami nabigyan ng pagkakataong mag-usap. Masayang paghahanda para sa ating pananghali-an😊

@Nengste

Konting late ang aking pananghali-an na naman, at may pinagkaabalahang iba halina kayong hindi pa rin nananghali-an sa oras na ito sabayan niyo po ako, bumili lamang ako ng lutong ulam ginisang petsay at pritong isda.

@Nengste

Almost one year ago since when my youngest daughter broke up with her four -year relationship with her boyfriend. And now her ex boyfriend's sister had arranged for them to talk again. I just don't know if they will get back together, if I'm to asked, I am willing and happy if they get back together because her ex boyfriend's family were Godly and I'm seeing that my daughter would be in good hands if they stay together. Just sharing my thought😊 Good afternoon!

@Nengste

Dahil napuyat po ako kagabi sa paghintay sa pag-uwe sa bahay ng aking anak, inaantok ako ngayon humiga na po ako para umidlip kahit sandali lang ngunit ayaw talaga, gising pa rin ang diwa. Magandang hapon

@Nengste

Binigyan na naman po ulet kami ng aming kapitbahay ng Indian mango, may farm po kasi itong aming kapitbahay na si tatang minsan nagbibigay din siya ng gulay ang dahilan niya po ay ibabahagi niya ang mga bagay na hindi na niya kayang kainin para pakinabangan ng iba hindi katulad ng iba na hahayaan na lamang mabulok ito kesa ipamigay.

@Nengste

May pinuntahan po ako kanina tapos may nadaanan po akong may mamimigay ng de lata na may yupi at walang label, sabi ko sa sarili ko pwede kong ipaulam sa 2 naming alaga. Kaya sinubukan kong pumila kahit wala akong ticket buti po binigyan din ako, kwento ng kapitbahay ko na tinikman daw nila at pinalaman sa pandesal ayos naman daw lasa.

@Nengste

Siguradong sa mga oras na ito po ay kumakain na po kayo ng inyong hapunan. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aming hapunang mag-ina, ito ay piniritong saging na saba, diyeta muna kami sa kanin. Yung anak ko po nagkape pa ako tubig lang. Halina kayo kumain tayo!😊

@Nengste

Ang laki po ng tiyan ko nabusog ako sa aming hapunan na piniritong saging. Heto naglalakad parito at paroon at nakatayo lang muna pinagbawalan ko muna ang aking sarili na umupo.😅

@Nengste

I woke up to the sound of the gate, my daughter left early to go to work so I peeked here for a while. Good morning!

@Nengste

Hindi na ako nakabalik sa pagtulog mula nang nagising po ako ng 4:00 ng umaga kaya heto po bumangon na at nagkape muna dahil uumpisahan ko na po ang aking paglalaba. Ang lakas po ng ulan dito kaninang madaling araw, mabuti po huminto. Magandang umaga sa inyo lahat.🌞

@Nengste

Pahinga muna ako habang hawak ang celphone na may katabing inumin na tubig dahil natapos ko na labhan ang mga labahin. May inabot po ulet si tatang ang kapitbahay naming mapagbigay, ito talbos ng kamote ang sarap nito kahit isawsaw sa bagoong at suka na may sili. Salamat sa biyayang natanggap at matatanggap pa po ngayong araw. 🙏🙏

@Nengste

Mga Ka-ingay maaga po ako kumain ng tanghalian ngayon at gutom na po siguro dahil hindi ako kumain ng kanin kagabi at napagod din ngayon sa paglaba. Bumili lang ng lutong ulam na Tinolamg manok, ang lapit lang kasi sa amin ang tindahan ng lutong ulam. Lusog, busog na po si granny😅 Kumain na rin po kayo!

@Nengste

Noong January binigay ng aking anak sa akin ang luma nilang dryer pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagamit dahil tag-araw, ngunit ngayon dahil magtatag-ulan na siguradong magagamit ko na kaya nagpabili na po ako ng socket adapter bilang paghahanda.

@Nengste

Nakaidlip din kahit kalahating oras lamang. Katamtaman lang po ang init hindi gaanong maalinsangan kaya siguro ako ay nakatulog. Nakaramdam ulet ako ng gutom sana may dumaan na nagtitinda ng meryendang ginataang bilo-bilo. Magandang hapon😊

@Nengste

Kamusta po? Hahah nakatulog po ulet ako naiwan ko yung mga sampay ko mabuti hindi umulan. Nasinop ko na at heto tinutupi ko na. Magandang hapon

@Nengste

Hapunan na naman po, heto pinapakuluan ko yung binigay ni tatang na talbos ng kamote at inihahanda ang sawsawan na bagoong na may suka at sili. Yung anak ko naman biscuits ang kanyang hapunan at milo.

@Nengste

Weather update ni granny😊 Kasalukuyang umuulan po dito sa bayan namin, malakas din ang pagkulog na may kasamang kidlat kaya si Zorro ay natakot at sumiksik sa kanyang amo.

@Nengste

Payo para sa magulang, "huwag daw nating iinisin ang ating mga anak para hindi lumayo ang loob nila sa atin. Magandang gabi po sa lahat

@Nengste

Panay hikab ko na po, nakatulog pa ako nito kaninang hapon. Umulan po ang lamig ng panahon ngayon kung kaya't nakakaantok, pagbibigyan ko na po, magpapaalam na po ako sa inyo,bukas po ulet. Salamat po sa araw na ito at naging mabuti at walang aberyang nangyari. Magandang gabi sa lahat🙏

@Nengste

Salamat at aking muling nasilayan ang ganda ng umaga, Ang sarap ng aking tulog dahil umulan kagabi. Heto maagang gumawa ng mga gawaing bahay nakapagwalis na at nakapagpunas ng mga alikabok. Magandang umaga😊

@Nengste

Nag-iisip po ako kung anu ang maigayak at mailulutong putahe, may darating na bisita ang aking anak mga ka-group niya sa thesis darating bukas hanggang biyernes sila dito sa bahay pag-aaralan at iprepresenta nila sa biyernes po ito. Sana magiging maayos ang pagpresenta nila ng makapagtapos na sa koleyo.

@Nengste

Kumain na po ako ng tanghalian, pagkatapos kung kumain panay na hikab ko hahah..komportable kasi ang panahon ngayon hindi mainit natatakpan ng makapal na ulap ang araw. May naririnig akong kulog baka mamaya bubuhos na ang ulan. Magandang hapon po sa lahat😊

@Nengste

Hindi ko na po talaga kaya ito, kailangan kong pagbigyan ipikit sandali ang aking 2 mata. Maya na ulet at hindi pa nabubuhay ang puso ni granny nengste. Ciao😊

@Nengste

Kakagising lang po at kasalukuyang umuulan, nakita kong kumakain ang aking anak na wala sa tabi niya si Zorro, dahil umuulan alam ko na ang dahilan kung bakit wala si Zorro kaya hinanap ko at heto siya, ayaw bumaba kahit inaaya kong kumain.

@Nengste

Hindi pa rin po buhay hanggang ngayon ang aking puso, atat na po ako para masilayan ang pagkekembot ng 2 kulay ng crypto. May dumating po na biyaya kain po tayo.

@Nengste

Ang pinakagusto ko po sa pansit ay maraming gulay lalo na repolyo, gulay ang unang nauubos sa tuwing kumakain ako ng pansit. Ito po ay biyayang galing sa aming kapitbahay, ito na rin ang aking hapunan. Halina kayo at kumain na tayo ng hapunan.

@Nengste

Update muna po sa galaw ng ating paboritong crypto, ito po pataas ngayon kinuha ko ito sa Binance. Dahil tumitibok pa ang aking puso ngayon, mag-iikot muna ako, ngunit namimili kung kanino titibok 😅

@Nengste

Tanghali na po ako nakapag-online abala po at may darating na bisita. Nawa’y pagpalain tayo sa araw na ito at maaayos natin ng magaan ang mga bagay na dapat ayusin. Palagi-ang isuot ang ating ngiti upang magbigay saya sa ating kapwa.😀Magandang umaga po sa lahat!

@Nengste

Ang lakas ng pagbuhos po ng ulan dito kanina biglang taas ang pagpondo ng tubig dahil nasa bandang mababang lupa ang kinaroroonan namin kasabay ng paghinto ng ulan ang paghupa naman nito. Tanghali-an na po kayo!

@Nengste

Ito po ang inihanda kong tanghalian ng aming bisita, nagluto lang po akong linagang pata at bumili lang ng lutong litson manok, apat lang po sila kaya kaysa na po siguro ito sa kanila.

@Nengste

Ginagayak ko po ang meryenda ng aming bisita, maulan po ngayon kaya kape ang panulak nila dito. Si Zorro kanina pa stress hindi kasi siya makapasok sa silid at makatabi ang kanyang amo. Magandang hapon😊

@Nengste

Pinagbuksan na ng pinto si Zorro kasi habang kinakausap nila ang kanilang professor pilit na binubuksan ni Zorro ang pinto ang ingay ng pinto kaya tumahimik nang nakapasok na at nakita at nakatabi ang kanyang amo.😅 Magandang gabi po.

@Nengste

Kumain na po ng hapunan at nakapag-urong na rin ang dami kong inurungan ngayon. Pag nagluluto dami talagang urungin 😃ayos na rin kesa walang mailuto at makain. Musta ang araw natin? Dito sa bayan ko uulan tapos hihinto tapos uulan ulet.

@Nengste

Umagang kay ganda😊 Nais kong ibahagi sa inyo ang kakaibang umagang aking ginawa, heto po naghahanda ng almusal ng aming bisita, 2 lang silang natulog dito dahil ang 2 nilang kasama ay kalapit bayan lang po namin kaya umuwi din kagabi at babalik mayang 9 ng umaga. Kakaibang umaga dahil hindi ko po ito karaniwang ginagawa, wala po kasi akong pinaghahanda at maagang pumapasok lagi ang aking anak sa trabaho at ako naman ay umiinum lamang ng mainit na inumin tuwing umaga katulad…

@Nengste

Maaga ko pong ginayak ang ulam ng tanghali-an na fried adobong manok para hindi na maistorbo ang aking ginagawa online, nabalot ko na rin ang shanghai ulam pang hapunan. Si Zorro ayaw talagang humiwalay po sa kanyang amo kaya hinayaan na lang nilang kasama sa loob. Masayang pagluluto po pang tanghali-an😊

@Nengste

Ang pagpapaaral po sa anak na akala po natin ay hindi makakaya dahil sa pangangailan pa lamang araw-araw na gastos ay kulang pa, pero hindi ko po inisip yun lakas loob po ang aking ginawa, gumawa po akong paraan para magmakapag enroll po sila dahil sa pagtutulungan na din ng aking pamilya nakapagtapos sila . Kasama na rin ang pagtiyaga na kahit pamasahe lamang ang meron sila basta makapasok sila ng skul. Sa ngayon po ang inaasam asam ko ay ang pagtatapos ng aking bunso sa…

@Nengste

Kasalukuyan pong kumakain na ng tanghali-an ang aming bisita, medyo nakapanibago sa aming bahay ngayon dahil may nariring na ingay ng pagkukwentuhan habang kumakain.😀 wala akong naigayak na pang meryenda sa kanila at marami silang baon na sitsirya, panay kain nila habang nagpapractice 😄

@Nengste

Ako po ay isang simpleng ina, at hindi mahilig sa mga bagay na hindi ko naman kailangan. Ang nagpapasaya po sa akin ay ang aking mga anak na nakikita kong tama ang ginagawa sa kanilang buhay para mapabuti ang pamumuhay. Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng anak na hindi mga pasaway. Kung hanggang saan ang aabutin ng aking buhay lilisanin ko po ang mundong ito ng maluwag at may katahimikan sa isipan.

@Nengste

Biglang bumagsak po ang ulan dito ngayon. Kakatapos lang po kumain ng aming bisita, ako ay kakain na rin bukas hindi ko na sila ipagluto at may balak silang mag samyeopsal pagkatapos nilang magpresenta at magdepensa ng kanilang thesis. Sana kumain na rin po ang lahat ng hapunan. Magandang gabi po sa lahat🙏

@Nengste

Pasado alas 10 na po ng gabi, habang tumitibok pa ang aking puso hahanap pa po ako ng mapupusuan, mamahinga na rin ako pag hindi na tumitibok iring puso. May gising pa kaya? Magandang gabi!

@Nengste

Umagang kay ganda! Maagang gumayak po si granny ng almusal ng mga alaga ko pong estudyante, ito ang huling araw nilang pananatili sa amin at ngayong umaga idadaraos ang kanilang pagpresenta at pagdepensa. Heto po kasalukuyang kumakain na po sila ng almusal para magiging pokus ang kaisipan sa kanilang gagawing pagdepensa.

@Nengste

I can’t help but feel sorry every time I see our neighbor’s dog because he is tied up, the dog has no good shelter when it rains his place is a house structure with no roof yet and I also don’t saw his master checking and spend time to walk with the dog they will only visit their pet when they give the dog something to eat.

@Nengste

Sabi po ng aming bisita kahapon pagkatapos ng kanilang depensa bago sila maghihiwalay kakain po sila sa labas ng samyeopsal kaya hindi ako nagluto, ngunit hindi sila natuloy kumain sa labas dahil bukas pa raw sila uuwe kaya bumili na lang ako ng lutong inihaw na baboy at sinigang para tanghali-an. Sabi ko sa kanila pagkasyahan na lang nila 😀

@Nengste

Masaya po ako sa aking nabalitaan na pumasa ang grupo ng aking anak sa pagpresenta at pagdepensa ng kanilang thesis, may konting babaguhin lang at pinagtutulungan nilang ginagawa ngayon ito. Ang matagal ko na pong inaasam asam na makitang makapagsuot ng toga ang aking anak ay malapit ko ng masilayan. Heto po abala rin sa pagkukut ng sunflower seeds.

@Nengste

Pasasalamat sa makapangyarihang ama sa buong maghapong pag-gabay sa bawat ginagawa natin at para na rin sa paglayo sa atin sa mga kapahamakan. Kami po ay tapos ng maghapunan, ang aming bisita at ang anak ko ay nagdiwang sa pagkapasado nila pinayagan kong uminum ng tig-isang San Mig light na may pulutang ihaw ihaw.😊

@Nengste

Tumitibok pa ang aking puso ngunit panay na hikab ko po, tapos napipikit na ang aking mata, saglit na nakakatulog at nabibitawan na ang hawak na selpon kaya ay magpapaalam na ako sa inyo para maunang matulog na sa inyo. Magandang gabi po🙏

@Nengste

Ilang umaga na ang pagluluto ng almusal ang ang una kong ginagawa pagkagising ito na ang panghuling umagang ipagluto ko ang aming bisita at tuluyan na silang uuwe ngayon pagkatapos nilang magpulong online ng kanilang professor mamayang 8 ng umaga. Magandang umaga🙏

@Nengste

Nagkaroon po akong pagkakataon para makapaglinis ng bahay nang pumasok sa silid tulugan ang aking mga bisita. Si Zorro naman po ay kung saan andun ang kanyang master andun din siya at sa oras ng pagtulog kasama rin nila si Zorro. Diyan po pwesto ni Zorro pagkasama nila sa silid.😀

@Nengste

Muling bumalik ang katahimikan po sa aming tahanan, umalis na po sila para kumain ng tanghali-an sa isang korean resto dito sa aming bayan, at saka maghihiwalay diretso pauwe po sa kanilang tahanan, hangad ko po ang kanilang tagumpay sa anumang hamon ng buhay at kaligtasan pauwe sa kanilang tahanan🙏

@Nengste

Pagkaalis ng aming bisita nagligpit muna ako at saka lumabas upang bumili ng aking ulam pangtanghali-an, gusto ko sana ng may sabaw kaya lang naubos na kaya heto na lang ang aking biniling ulam. Tara kain po tayo

@Nengste

if i had to choose someone to marry my youngest daughter someday, I would choose someone who comes from a Godly family and this family also loves my child to be their daughter in law, it will give me peace of mind.😊

@Nengste

Binisita ko ang aking instagram account at nakita ko po itong photo ng niluto ko noon na kalabasang okoy, inordered online ito ng aking anak timplado na tapos ready ng iprito ang dami ko pong nagawa sa isang kilo, natakam po ako ng nakita ko ito. Meryenda na po pala, kainan na😊

@Nengste

Kung nakakaranas po tayo ng kabalisahan sa buhay, libangin ang ating sarili, makinig sa musika, maglakad-lakad, titingnan ang mga likas na ganda ng kapaligiran sa gayon ay mamangha at malibang tayo. Magandang gabi sa lahat😊

@Nengste

Nalibang po ako sa pagpuso hindi ko na namalayan ang oras mag aalas 12 na pala ng madaling araw, umagang kay ganda na po pala. Matutulog na po, bukas na lang paggising ulet.

@Nengste

Isang umagang pagpapala muli ang pinagkaloob sa atin upang matanaw ang nakakamanghang likas na kagandahan sa lupa na nilikha ng ating Amang makapangyarihan sa lahat. Kamusta naman Ka-ingay ang iyong umaga? Salubungin natin ang umagang ito na may galak sa ating puso.🙏

@Nengste

Ako po ay isang ina na gusto ilalaan ang aking oras para sa gawaing bahay o manatili lamang sa bahay kaysa lumabas o maglalakbay kasama ang mga kaibigan. Ganito rin po ba kayo? Katatapos lang po gumawa ng gawaing bahay, Akala ko po Lunes ngayon kaya maaga akong gumising para maglaba nang nagbasa ako ng mga post dito sa noise doon ko nalaman na Linggo pala ngayon😂 Magandang umaga po sa lahat🙏

@Nengste

Maaga kong pinakain ang aming alagang aso, kaya heto po si Zorro tahimik na namamahinga na. Ako naman po ay magluluto na rin ng aking kakainin, almusal at tanghalian ko na po ito.

@Nengste

Nakakaantok na hapon po sa lahat😊 Ang sarap matulog dahil nakatago si haring araw sa ulap, dumating ang aking bunsong anak galing ng trabaho, tinanong ko po siya kung kakain na at lalabas ako para bumili ng lutong ulam sabi niya mayang alas tres pa raw siya kakain kaya iidlip muna ako 😴

@Nengste

Tagumpay! Nakaidlip po ako ngunit nagising naman ako sa ingay ng atip dahil sa mga patak ng ulan. Hintayin kong tumila ang ulan saka bibili ng lutong ulam sa labas natutulog pa naman yung kakain. Magandang maulan na hapon sa lahat😊

@Nengste

Tuwing Lunes po ng umaga ang paghahakot ng garbage truck dito sa aming Baranggay kaya inaayos ko na po ang aming basura nang makita ko itong mga bote, smirnoff vodka pala ang ininum nilang magkaklase ng ipinagdiwang nila ang pagkapasa sa depensa heheh.. akala ko po San Mig light😆inilalagay ko po ang lahat ng basura namin sa sako ng bigas at ilalabas ito bukas ng umaga at ilalagay sa gilid ng kalsada.

@Nengste

Sumulong po ako sa ulan kanina para bumili ng lutong ulam dahil nagising ang aking bunso na gutom. May payong naman ako kaso ang lakas po ng anggi kaya nabasa ang aking likod at salawal, naligo kaagad ako para iwas magkasakit. Ito po pala ang photo nang nag-aayos po ako ng aming basura para ilabas bukas ng umaga. Ito po ang pangsuportang photo ng sinundang post na nakalimutan kong iapload.

@Nengste

Uminum po akong kape kaninang ala siyete ng gabi tapos nawalan na akong ganang kumain ng hapunan, ngunit pinilit ko pa ring kumain kahit konti para magkalaman ng kanin ang aking tiyan. Ang lamig ng panahon na nakakaantok, ang sarap matulog😴

@Nengste

Kanina pa po gising, nakakatamad bumangon ang sarap magbabad sa higaan dahil dama ko pa ang lamig ng umaga kahit natatanaw ko na ang liwanag na ng kalangitan, sabi ng aking isipan, kailangan ko ng bumangon dahil naghihintay na ang mga labahin😄 Magandang umaga po sa lahat.

@Nengste

Salamat at nakatapos na po ako sa aking paglalaba ginamitan ko na po ng makinang pampiga para madaling matuyo, pagkatapos kong isampay lahat nagwalis,nagligpit at nagsaing ako pagkaluto ng sinaing pinakain ko na po ang 2 naming alagang aso at nagbukas ng de lata para ulam nila. Kakatapos ko lang uminum ng kape kaya naudlot ang aking pagkagutom.

@Nengste

Nakapananghali-an na rin po ayaw ko pa sanang kumain at parang busog pa ang aking pakiramdam dahil sa pag inom ng kape, dumating galing trabaho ang aking anak nag aya na kumain na daw kami kaya pinirito ko yung longganisang bawang na pinakuluan ko sa pahinang apoy kanina habang ako ay naglalaba. Heto inaantok na po ako😊

@Nengste

Nagbabadya pong uulan ang lakas ng ihip ng hangin kaya tinanggal ko na po ang mga sinampay na mga damit buti at tuyo na rin. Anu po ba ang masarap niyong meryenda.

@Nengste

May notification akong natanggap mula kay google, pinaalala niya sa akin ang araw ng aking kaarawan, baka alam ni google na makalimutin ako kaya maaga niya akong niremind😄

@Nengste

May natanggap po akong video mula sa aking anak na panganay, sabi ng apo ko sa mama niya sasayaw daw sila kukuhanan niya ng video para ipakita sa akin ang sayaw nilang magkapatid para daw matuwa ako at mabilhan ko sila ng french fries at chicken joy 🤣

@Nengste

Ang bilis po ng oras pag may ginagawa. Oras na ng pahinga para magrecharge para may panlaban ulet bukas sa mga gawain. Naging produktibo naman po ang araw na ito sa akin, kayo rin po ba? Matutulog na ako iiwan ko na kayo, bukas ulet.

@Nengste

Umagang kay kay ganda! Dahil wala naman akong tatapusing gawain nagbabad muna akong saglit sa higaan at nag muni-muni, dama ko pa rin ang lamig ng klima sa oras na ito kahit maliwanag na ang kapaligiran. Nawa’y magiging mabait sa atin ang araw na ito at ilayo tayo sa anumang kapahamakan.🙏

@Nengste

ito po ang itsura ng aming asong si Zorro habang pinapagalitan ko po. Sinilip ko po ang merkado ng crypto mukhang maberde na, sana tuloy ang pagtaas ng halaga na ating hinahawakang crypto, matagal na rin na hindi tayo nakapitas ng bunga nito. Hahah.. nakalimutan ko na naman iclick ang upload pic😀

@Nengste

Oras na kumain ng tanghali-an nais kong ibahagi sa inyo ang aking ulam. Nagbukas lamang po ako ng de lata na tuna tapos naghiwa ng sibuyas at inilagay sa tuna at nilagyan din ng konting toyo at pinigaan ng calamansi, tara samahan niyo po akong kumain.

@Nengste

Mga ka-ingay baka meron po kayong Bitcoin.com wallet account siguraduhin niyo pong nakopya at naisulat sa notes ang inyong seed phrase, ang seed phrase ay may 12 words na magkakasunod ito ay kakailanganin sakaling nauninstalled niyo ang app at gusto niyo uling iinstall at irestore ang inyong account.

@Nengste

Kakagising lang po sa isang oras na pagkaidlip, katamtaman lamang ang init ng klima kaya naging matagumpay ang aking pamamahinga. Meryenda time na pala, palagay ko kumakain na po kayo ngayon.

@Nengste

Marami na po akong nabasa tungkol sa paborito nating cryptong bitcoin cash na nitong taong 2021 ay tiyak na manyayaring aakyat pataas ang halaga nito ng $3,000 ang iba naman ay sinasabing $5,000 gaano nga ba ito katotoo?

@Nengste

Ang hapunan po namin ngayon ay Mi goreng pancit canton, nilagang itlog at tinapay dahil ayaw ng anak kong kumain ng kanin kaya hindi na rin ako nagsaing. Kumain na rin po ba kayo ng inyong hapunan? kumain na po kayo wag magpagutom at nakakanginig ng kalamnan. 😄

@Nengste

Miyerkules na po ngayon ang bilis lang lumipas ng mga araw. Minsan hindi natin namamalayan ito dahil sa dami nating iniisip araw-araw, abala din sa mga tatapusing gawain. Sinubukan ko nga po pala ang unang hakbang sa pag apply ng National ID online ngunit hindi ito naproseso dahil hindi ako sigurado sa aking blood type kailangan ko pang magpatingin tungkol dito. Magandang umaga sa lahat!

@Nengste

Dahil pancit canton at tinapay lang ang aking hinapunan kagabi nakaramdam ako ng pagkagutom kaya nang dumaan ang nagtitinda ng pang-almusal na kakanin kaagad kong tinawag ito at bumili ng pansit at isang pirasong malaking putok kung tawagin dito sa aming bayan. Almusal po tayo!

@Nengste

Dahil may meralco power interruption kanina na tumagal ng halos isang oras naisip kong bumisita sa babaeng kapatid ng aking asawa mga 25 metros ang layo, dahil may puno silang avocado at nakapitas na ng konting bunga kaya pinauwian po ako. Ang avocado ay ang pinakapaborito kong prutas dahil masarap ito at malinamnam. Ayon sa mga pagsusuri na nabasa ko ang avocado ay may mataas na fiber na tutulong sa atin na mabusog ng matagal na siyang makatutulong sa pagpapababa ng…

@Nengste

Kakagising pa lamang ng aking bunso ngayon pa lamang siya kakain ng kanyang tanghalian, siguro nagtaka po kayo, dahil maagang pumapasok sa trabaho ang aking anak pag-uwe niya ng bahay matutulog muna siya bago kumain. Ginawa ko po ang avocado para sa kanyang dessert, nilagyan ng yelo, pulbos na gatas at konting asukal, mas gusto niya ganito ang paggawa ayaw niya ng durog.

@Nengste

Nakaidlip pala ako kahit mainit ang panahon dito sa amin, kakabangon lang at nagpahangin sa labas kasama ang aso naming si Zorro. Maya ipagpatuloy ko ang aking pag apply online unang hakbang sa pagkakaroon ng national ID at alam at sigurado na ako sa aking blood type.

@Nengste

Mga kaingay follow niyo po ito para updated sa ating National ID system https://www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial/ pwede na pong mag apply online para sa step 1 ng pagkakaroon ng national ID. Hindi pa po ako naghahapunan parang busog pa ako. Kumain na po kayo😊

@Nengste

Marami na rin po akong napusu-an ngayon, masarap pumuso pag may lumalabas na nagsasayaw dahil may nabiyayaan. Panay na ang aking paghikab kailangan ko ng pagbigyan ito. Sige mga ka-ingay mauna na po ako sa inyong mamahinga. Magandang gabi sa lahat🙏

@Nengste

Umagang kay ganda po sa aking mga virtual na kapitbahay. Muli na naman natin nasilayan ang sinag ng araw na nagbibigay sa atin muli ng pag-asang ipagpatuloy ang ating pangarap patungo sa ikakaganda ng ating buhay. Kahit nakakaharap tayo ng paghihirap at problema laban lang po at huwag tayong sumuko manalig lamang. Nawalan akong Ginger tea, magkakape na muna si granny.

@Nengste

Lumabas po ako kanina para bumili ng lutong ulam kaya lang sarado ang tindahan, kaya nag-isip na maghanap ng Maling sa mga tindahan kaso wala silang tindang Maling ito lang product ng Argentina brand, sabi ng nagtitinda masarap din daw ito parang Maling din, malalaman ko mamaya pag nagsasabi sila ng totoo pagnagustuhan ito mamaya ng aking anak.

@Nengste

Nakabili po akong Maling may nakapagturo sa akin kung saan may nagtitinda ng Maling kaya lang chicken luncheon. Pagkaprito tinikman ko masarap naman at nagustuhan din ng aking anak. Kain po tayo😊 Napakainit na naman po ng panahon☀️

@Nengste

May nakita akong saing saba kanina sa tindahan kaya heto nakapaglaga ng saging pang meryenda, pag kumakain ako nito hindi ko maiwasang maalaala ang buhay namin noon sa probinsiya ng tatay ko pag wala kaming pansaing na bigas ito ang silbing nagsuporta para magkalaman ang aming tiyan para hindi kami magutom.

@Nengste

Kumain na po kami ng aking bunso ang kanyang kinain ay pritong saging na saba at Maling ako naman po ay nilagang saging na saba hindi muna kami kumain ng rice bukas na lang. Kayo po kumain na rin kayo!

@Nengste

Mga ka-ingay mauna na akong magpapaalam sa inyo na bibitawan ko na itong hawak ko na cp at inaantok na talaga ako. Kakatapos lang ng aming family video call dahil namatayan kami ng isang kamag-anak kaninang madaling araw bigla na lang po siyang natumba hindi na naisugod sa ospital dahil nawalan na agad siya ng buhay, kaya po tayo ay gawin na ang nararapat gawin habang tayo ay nabubuhay dahil hindi natin alam kung kailan mawalan ng sindi ang ating kandila. Magandang gabi po

@Nengste

Salubungin natin ang umagang ito na may mga ngiti sa labi at masiglang igalaw ang katawan para umpisahan ang mga gawain natin sa araw na ito at magpapasalamat sa anumang biyaya na natanggap at matatanggap pa natin. Ingatan natin ang ating kalusugan para hindi tayo magkakasakit ang pagkakasakit ay isang hadlang para tayo ay umunlad. Magandang umaga sa inyong lahat🙏

@Nengste

Pagkatapos ko po gawin ang mga gawain ko araw-araw heto nakaupo na at nagkakape at tinapay. Dahil biyernes ngayon siguradong monggo ang aking bibilhing ulam sa tindahan ng lutong ulam. Kamusta naman po ang inyong umaga mga virtual kong kapitbahay?

@Nengste

Nakabili na po akong lutong monggo, inagahan ko pong bumili para hindi maubusan tapos timing pagdaan ko ng tindahan may nakita akong dahon ng ampalaya kaya bumili po ako para pandagdag gulay sa monggo. Yung LPG ko po umabot na ng 5 buwan dahil madalang po akong magluto ng ulam at sa rice cooker din ako nagsasaing.

@Nengste

May natira pa po akong tinapay kaya kahit matindi ang init ng klima ngayong hapon nagpakulo pa rin akong tubig para magkape😀 Tara kape tayo! Kakatapos ko lang maglaba ng mga uniform sa work ng aking anak, sinubukan kong idryer ayaw gumana, tinupi ko din ng maayos ang mga damit bago ilagay sa dryer ayaw pa rin gumana, nakailang try ako inabot po ako ng isang oras sa paulet ulet ng pag-aayos paglagay ng damit ayaw pa rin medyo nainis na ako, sinampay ko na lang na hindi na…

@Nengste

Kakatapos ko lang po maghapunan mag-isa, ako lang din ang kumain ng monggo, maghapon kong inulam, gumala po kasi ang aking bunso ngayong araw dahil day off niya. Hindi ko rin po naubos ang monggo hinaluan ko na lang ng kanin at pinakain ko sa 2 naming aso. Kumain na rin po kayo😊

@Nengste

Oras na po para mamahinga ang aking mata at daliri, bukas ulet ako magpapatuloy ng pagbabahagi sa inyo ng mga pangyayari sa aking buhay. Mauna na po akong matulog sa inyo. Magandang gabi🙏

@Nengste

Nagising po ako sa paghikbi ng aming aso na si Zorro at dinaghanan pa ako, gusto na niya akong bumangon at pinapabuksan ang pintuan para siya ay makalabas upang umihi at pumupo sa labas. Magandang umaga po sa inyong lahat🙏

@Nengste

Natapos ko na po ang araw-araw kong ginagawa kaya ngayon pa lang ako magkakape habang namamahinga hawak ang cp abala ang daliri sa pagtype kung ano dinidikta ng aking isipan. Tinahi ko po itong shoes pouch para paglagyan ng baon na work uniform ng aking anak.

@Nengste

Nagprito po akong tokwa at gumawa ng sawsawang pinagsamang, calamansi, toyo,sili na may hiniwang sibuyas ito na rin ang aking ulam ng tanghali-an, nasasabik kasi ako sa tokwa saka na lang po ako bibili ng lutong ulam pag-umuwe galing work ang aking bunso.

@Nengste

Dahil may kamag-anak po kaming nabawian ng buhay, malabo din na makapaglamay kami kasi nasa malayong probinsiya sila sa amin bandang Western Visayas po sila ako po ay sa Luzon, minabuti ko pong magpapadala ng aking abuloy. Kumurot po muna ako sa aking bitcoin cash fund at itransfer ko po via gcash, laking pasasalamat ko at kahit papanu may naipon at nakakatulong sa pangangailan, maraming salamat po noise.cash.🙏

@Nengste

Oras na naman po ng ating pagkain sa gabing ito, yung aking anak na bunso po ay nagluto ng pasta at ito ngayon ang aming hapunan Napakainit po ngayong araw hindi na dumalaw ang ulan sa aming lugar.

@Nengste

Oras na po ng aking pamamaalam sa inyo upang mamahinga, ang hindi pa po inaantok ituloy niyo lang po heheh.. mauna na po akong matutulog sa inyo. Magandang gabi po!

@Nengste

Sumikat na ang araw hatid ay panibagong pag-asa sa ating lahat. Batid nating lahat ang hirap at pagdurusa para mabuhay sa mundong ito, pero sa kabila ng lahat patuloy tayong umaasam na makakamtan din ang magandang bukas para sa ating pamilya patuloy lamang nating labanan ang mga hamon ng buhay.🙏 Umagang kay ganda ang bati mula sa akin😍

@Nengste

Dahil may community pantry dito sa aming Barangay nabigyan po kami ng mga gulay na ito, kaya naghanap po ako ng kamote, kamatis sasahugan ko sana ng isdang tinapa pero wala akong nabilhan para maging isang putahe. Ito na po ang aking pinakbet na walang sahog.

@Nengste

May dumating na kakanin po dala ng aking anak na bunso advance treats niya daw sa akin dahil kaarawan ko bukas, medyo mapaaga ang aking meryenda nito dahil gusto ko na pong tikman ang Bavarian at blueberry chesscake nito. Meryenda na po tayo😍

@Nengste

Nagulat at nalungkot po ako, sa nabasa ko sa aking facebook newsfeed, post ng isang kaibigan na hindi niya akalain na mawalan ng buhay ang kaniyang asawang seaman dahil kausap niya pa ito ng umaga sa pamamagitan ng video call tapos nawalan na ng buhay kagabi may dalawa po silang anak isang college at isang junior high school. Talaga ang buhay ay kahit andiyan na po ang ibayong pag-iingat may mga bagay pa rin na hindi natin kayang makontrol.

@Nengste

Mga ka-ingay gusto ko pong ibahagi sa inyo yung pinamigay kanina sa community pantry dito sa aming barangay, dahil wala po kaming stub ang binigay sa amin ay ito lang, at yung may mga stub ay meron sila nito plus 2 kilong bigas pinili lang po yata ang binigyan ng stub ganun pa man pasalamat pa rin at isa kami sa mga nakatanggap nito. Magandang hapon po!

@Nengste

Kumain na po ako ng aking hapunan, may natira pang pinakbet na niluto ko po kaninang tanghali-an ito ang ulam ko at nagprito din akong tuyong haba nauna na akong kumain sa aking bunso, dahil busog pa raw siya nagpatira siya ng pinakbet, gulay at biscuit lang daw ang kaniyang kainin sa hapunan.

@Nengste

Napipikit na po ako hindi ko namalayan na nabibitawan ko na ang hawak kong cp. Hangang dito na lang muna ako, mauna na po ako sa inyong mamahinga, bukas ulet mga ka-ingay. Magandang gabi sa inyong lahat😊

@Nengste

Tuwing Lunes, pagkagising ko po agad kong inilalabas ang aming basura na nakalagay sa sako para daaan at damputin ng garbage truck collector at saka ko naman umpisahan ang paglalaba. Ngayong oras po ay katatapos ko lang maglaba at namamahinga sandali habang nagkakape at saka umpisahan ang pagwawalis at pagpupunas ng alikabok. Magandang umaga sa inyong lahat!

@Nengste

Kakakain lang po namin ng aking bunso bumili ako ng kanyang ulam sa tindahan ng mga lutong ulam at ang aking nabili ay menudo ako naman ay pinakuluan na kangkong at isinawsaw sa bagoong alamang na may suka at nagustuhan din ng aking bunso sabi niya ma, mas masarap ito kesa talbos ng kamote at siya din ang nakaubos😄

@Nengste

Habang binabantayan ko po ang aking mga sinampay dahil ang araw ay naglalaro ng tagu-taguan, may sandaling nagtatago sa ulap at minsan naman ay lilitaw para hindi po ako aantukin heto po nagmemeryenda na ng kape at toasted bread. Mauna na akong magmeryenda sa inyo.

@Nengste

Dahil kaarawan ni granny nengste ngayon heto nagdala ng pagsasaluhan namin ngayong hapunan ang aking anak samyeopsal. Ang sabi ko ayokong kumain nito pero nang matikman ko ang beef at kimchi nag-iba ang aking isip. Sobrang nagpapasalamat at nakaabot po ako sa ganitong edad na walang karamdaman. Kain po tayo!

@Nengste

Umagang kay ganda! Ang taas na po ng araw nang ako ay nagising, medyo nakaramdam po ako ng headache, nakapagwalis at nagkapagpunas na ng alikabok at ligpit, buti po may natirang makakain ngayon habang nagkakape dahil iinum po ako ng paracetamol. Kamusta naman po ang ating bitcoin cash mga ka-ingay? Isa ka rin ba sa nalungkot?

@Nengste

Kakagising lang po, nakatulog ako ng 1 oras mag aala una na pala late na ang aking pagkain ng tanghalian. Pagkagising ko basa po ako ng pawis hindi ko alam kung ang pagpapawis na ito ay dala ng mainit na panahon o dahil sa pag-inom ko ng gamot bago matulog tanda ng kagalingan sa karamdaman.

@Nengste

Masubukan po tikman itong moist choco cupcake na natira, kahit wala po akong ganang kumain ngayon ng matatamis, tatabangan ko na lang ang timpla ng kape para panulak ko dito. Musta po maghapon natin mga ka-ingay?Ako po mukhang maayos na ang aking pakiramdam. Magandang hapon po sa inyo.

@Nengste

May dalang manggang hilaw na kalabaw ang aking anak galing sa puno ng mangga sa eskwelahan na pinagtuturuan niya ang iba kinain namin sawsaw sa bagoong alamang ang iba binuro ko ang sarap nito ipares sa pritong isda.

@Nengste

Kumain na po kami ng hapunan at kasalukuyang nakahiga na po at inaantok na dahil umuulan dito ngayon, hindi ko muna sinisilip si coins.ph ayoko munang masorpresa 😂 saka na lang. Magandang gabi po sa inyong lahat🙏

@Nengste

Gising na po tayo at salubungin ang umaga ng may ngiti at galak, araw-arawin nating gawin ito upang sumaya ang ating buong maghapon. Habang nagkakape, opo laging kape po ako ngayon at hindi pa po ako nadalhan ng ginger tea, nakita ko itong kalapati sa harapan ng bintana namin at aking kinunan kaagad ng litrato. Magandang umaga🙏

@Nengste

Kumain na po ako ng tanghalian, bumili lamang ako ng lutong ulam, ginataang langka at pritong isda, naparami po ng kain kaya heto kasalukuyang nakatayo palakad lakad muna, parang ibig ko na rin humiga at nakaramdam na ng antok. Kumain na rin po kayo

@Nengste

Biglang natakpan na po ng makapal na ulap ang haring araw, baka matutuloy ang pagbagsak ng ulan at malungkot ngayon ang kalangitan at saka medyo malamig ang haplos ng hangin dito sa bayan namin. Meryenda na po tayo😊

@Nengste

Salamat at dumaan ang nagtitinda ng tinapang isda at nakabili tamang pagdaan at may talong akong binili kanina at may ginisang bagoong alamang din. Kakain ngayong hapunan ng kanin ang aking bunso kasi hindi siya kumain ng kanin ng tanghalian. Gusto niyo rin bang ulamin ang pritong talong, pritong tinapa na may sawsawang bagoong na may suka at sili?

@Nengste

Minsan binubuksan ko ang TV kahit na walang nanonood para magkaroon ng ingay sa bahay kasi nakakainip minsan ang katahimikan. Kumain na po kami, sobrang nakakaantok ngayong gabi dahil ang lamig ng klima kahit hindi natuloy ang pag-ulan. Magandang gabi po🙏

@Nengste

Umagang kay ganda at lalong nagpapaganda pag tayo ay laging nakangiti sa ating makakasalubong sa daan o masiglang pakikipag-usap sa ating kapwa. Samahan niyo po ako sa aking pag mumunimuni sa umagang ito habang ako ay umiinum ng mainit na tubig, ayaw ko munang magkape kasi pakiramdam ko para akong aligaga.

@Nengste

Ang aga ko pong kumain ng tanghalian, ang ulam ko ay laing at ang natira kagabi na tinapang isda, binili ko yung laing sa tindahan ng lutong ulam. Ito ang kainaman ng nagiisa lang at hindi ko na iisipin araw-araw ang uulamin. Ang anak ko po minsan kakain pag-uwi, minsan naman hindi kaya ang ginagawa ko inaantay ko muna siyang umuwi at saka bibili ng maulam niya. Oras na po ng lunch, kumain na rin kayo.😊

@Nengste

Kakagising lang at nakaramdam ng parang naghahanap ng makakain ito lang yung nakita ko sa kusina. Ang lakas ng ihip ng hangin kahit na mainit ang panahon. Lulutuin ko muna itong aking meryenda.

@Nengste

May ibahagi po ako sa inyo, ang kapitbahay ko po ay tinanggalan ng meralco ng kuntador ito ay nangyari noong march 2020, mga isang linggo ang nakaraan nakiusap sa akin na magkonek ng extention wire pumayag naman ako habang kako ginagawan nila ng paraan ang pagtubos ng kuntador kaso po tumagal ng 4 na buwan ang mabuti mabait noon ang meralco hindi mahigpit dahil lockdown naipon po ang bill at nakaconsume po sila ng mahigit 8k nakapagbigay na ng 5,000 , ang natirang 3,000 ay…

@Nengste

Oras na naman po para kumain ng ating hapunan, ito ang aking hapunan ngayon wala munang rice bukas na ulet mag rice para tipid😀 kumain na rin po kayo, bawal matulog na hindi kumain, kapag walang ganang kumain, kumain po kayo kahit konti lang. Magandang gabi🙏

@Nengste

May maiinum na po akong ginger tea bago ako matulog, mabuti at dinalhan ako ngayon ng aking anak, pagkatapos kong uminum matutulog na ako at panay na ang aking hikab kaya paalam na po sa inyong lahat. Magandang gabi🙏

@Nengste

Mapagpalang umaga ng biyernes po sa ating lahat! Habang ako po ay nakaupo sa aking kinaroroonan napansin ko itong 2 naming alagang aso na sina Grey at Zorro kinunan ko po sila ng litrato para ibahagi sa inyo.

@Nengste

Salamat at natapos ko rin ang araw-araw kong gawain kahit mabagal dahil sa takot na baka aatakihin ng vertigo. Mainam at pinadalhan ako ng aking anak ng Salabat mas maganda ang pakiramdam ko pagnakainum nito kaysa kape. Itong honey ay order ng kapitbahay namin kaso nakabili na daw siya ako na lang ang gagamit nito. Tara po mag Salabat tayo😊

@Nengste

Makulimlim ang panahon dito po sa aking kinaroroonan at ang lakas po ng kulog, sa tuwing kukulog ay naawa talaga ako sa aming asong si Zorro kasi hindi niya alam kung saan siya tatambay. Pilit niyang binuksan ang silid tulugan ng kanyang amo nang sinundan ko ay ito ang aking nakita. Oras na pala ng ating pagkain ng tanghalian, kumain na po tayo😊

@Nengste

Kagigising lang po mula sa kalahating oras na pag-idlip. Nag-umpisa ng umambon parang hindi ito lalakas at maliwanag ang kalangitan. Meryenda po tayo.😊

@Nengste

Kumain na rin po ako ng hapunan may natirang monggo kaninang tanghalian yun ang inulam ko ngayong hapunan at nagprito ng daing na isda late na ang aking hapunan at may pinagkaabalahan. Magandang gabi sa inyong lahat🙏

@Nengste

Blessing is not just about receiving material things or whatsoever. By waking up everyday with a healthy mind and body are the best blessing we received everyday. A blessed Saturday to all🙏

@Nengste

Heto na po ako sa salumpuwet at namamahinga, katatapos ko lang gumawa ng aking mga gawaing bahay araw-araw, ngayon lang din ako mag-aalmusal. Kain po tayo mga ka-ingay😊

@Nengste

Naghihinayang po akong magconvert ng bitcoin cash to php ngunit wala na po akong ibang pagkukunan para sa pangangailangan ng aking may pamilyang anak gipit po sila ngayon kesa lumapit pa sila sa iba na may interest. Ang sarap sa pakiramdam yung may maitulong ka sa iyong pamilya sa oras ng pangangailangan ito ay dahil sa tulong din ni noise.cash.

@Nengste

May pinuntahan po saglit kaya ngayon lang po ako mananghali-an. Nagluto lang po ng longganisang bawang at sabaw ng instant spicy seafoods ramen. Katamtaman lang ang init ng araw ngayon baka sakaling uulan po ngayong hapon, naglaba ako ng mga uniform sa trabaho ng akin anak kaninang umaga at natuyo na rin po ngayon. Lunch at meryenda na ito😊kain po tayo!

@Nengste

Done drinking milk with honey. Money don’t come easy on someone’s wallet, it comes from hardwork by just sitting down only here at noise.cash. Had just received an unexpected blessings from relatives.

@Nengste

Muli na naman po akong magpapaalam sa inyo, sa oras na ito ako ay napapapikit senyales na gusto na mamahinga ng aking dalawang mata, kaya mauna na po akong matulog sa inyo. Sana magiging maayos ang ating pagtulog at pag-gising sa muling pagsikat ng araw. Magandang gabi sa inyong lahat🙏

@Nengste

Linggo ngayon, araw ng pahinga at araw ng pagsama sama ng buong pamilya, siguradong abala ngayon ang ilaw ng tahanan dahil sa paghahanda ng pagsasaluhan sa hapag kainan ng buong pamilya. Masayang pagtitipon at magandang umaga po sa inyong lahat🙏

@Nengste

Ngayon lang po ako kakain ng almusal at nagutom pagkatapos ng aking dinaluhan Zoom meeting. Habang kumakain nagsa-ing na rin ako at ng mapakain ko na rin ang aking 2 alagang aso. Siguradong abala na rin po kayo sa paghahanda ng inyong tanghali-an.

@Nengste

Nagpaalam ang aking bunsong anak na kung pwede niyang ampunin itong aso, dahil daw gusto ipaampon sa kanya ng kanyang kaibigan kasi hindi na naaalagaan ng maayos at busy sa trabaho. Sabi ko sa aking anak, wag ka ng mag dagdag ng alagain at hindi ko na kayang 3 aso kasama ko sa bahay at isa pa masyadong magastos itong asong aampunin niyo, kung gusto mo talaga sige ampunin niyo magsama kayong tatlo dito at ako ay hahanap ng ibang titirhan😄 pero joke ko lang yun sa kanya.…

@Nengste

Umulan po dito pero hindi din tumagal mabuti malakas ihip ng hangin. Naisip ko pala buti pa ang alaga naming aso napapaligu-an ko at naaalagaan samantalang ang mga apo ko po madalang ko lang papaliguan noon (bago pandemic)pagbumisita lang sila dito sa akin di rin nagtatagal dahil uuwe din kinagabihan. Magandang hapon po sa inyong lahat🙏

@Nengste

Nang umuwi ang aking bunso galing trabaho alas tres pasado, kumain kaagad at 8 hours straight ang kanyang duty sobrang gutom naubos niya ang kanin, hapunan niya na rin yun, ayoko na rin magsaing dahil ako na lang ang kakain, cracker biscuits at ang natirang ulam na menudo na lang ang aking magiging hapunan. Sana naging masaya ang buong pamilya sa araw na ito.

@Nengste

Kanina ko pa inaantabayanan ang pagtibok ng aking puso para naman magiging masaya ang aking mapupusuan ngunit hanggang ngayon wala pang bisa. Magbabasa na lang muna ako, minsan natatawa ako sa aking mga nababasa 🤣may mga writer ditong magaling magpatawa. Magandang gabi po sa lahat🙏