Umagang kay ganda😊 Nais kong ibahagi sa inyo ang kakaibang umagang aking ginawa, heto po naghahanda ng almusal ng aming bisita, 2 lang silang natulog dito dahil ang 2 nilang kasama ay kalapit bayan lang po namin kaya umuwi din kagabi at babalik mayang 9 ng umaga. Kakaibang umaga dahil hindi ko po ito karaniwang ginagawa, wala po kasi akong pinaghahanda at maagang pumapasok lagi ang aking anak sa trabaho at ako naman ay umiinum lamang ng mainit na inumin tuwing umaga katulad ng ginger tea o kape lamang. Salamat po sa biyayang aming natatanggap araw araw🙏Mag- almusal na rin po kayo😊
No comments yet