Dahil may meralco power interruption kanina na tumagal ng halos isang oras naisip kong bumisita sa babaeng kapatid ng aking asawa mga 25 metros ang layo, dahil may puno silang avocado at nakapitas na ng konting bunga kaya pinauwian po ako. Ang avocado ay ang pinakapaborito kong prutas dahil masarap ito at malinamnam. Ayon sa mga pagsusuri na nabasa ko ang avocado ay may mataas na fiber na tutulong sa atin na mabusog ng matagal na siyang makatutulong sa pagpapababa ng timbang, ito rin ay nagpapabata ng mukha pinapabagal nito ang pagtanda ng isang tao katulad ng pagkakulubot ng balat o pagkakaroon ng wrinkles at marami pang benepisyo sa kalusugan.
3 comments
Minsan talaga ang brownout my magandang dulot din po hehe..nakakagala ka sa palibot at magka grasya pa. Super healthy po ng avocado.
Napaisip po kung saan ilalaan ang nawalang oras sa online, nakapamasyal tuloy 😀
Ako din ganyan kya lahat ng gawain tinatapos ko bago bumalik kuryente.