Nagpaalam ang aking bunsong anak na kung pwede niyang ampunin itong aso, dahil daw gusto ipaampon sa kanya ng kanyang kaibigan kasi hindi na naaalagaan ng maayos at busy sa trabaho. Sabi ko sa aking anak, wag ka ng mag dagdag ng alagain at hindi ko na kayang 3 aso kasama ko sa bahay at isa pa masyadong magastos itong asong aampunin niyo, kung gusto mo talaga sige ampunin niyo magsama kayong tatlo dito at ako ay hahanap ng ibang titirhan😄 pero joke ko lang yun sa kanya. Magandang hapon🙏
6 comments
Aba oo nga mahal din pagkain nian kasi may lahi sya.
Ang cute po. May dagdag naman na live stuff toy sa inyo.
Aywan ko po kung itutuloy niya ang pag-ampon
Kng malapit lng sana yan dito ako na mag ampon hehe..puti din kz alaga ko na nwala noong 2019.
Sayang po nawala, ninakaw po ba?
Basta may ganyang aso talaga medyo mahal ang pag alaga. Sa pagkain palang eh baka mapili yan heheh. Pero nakakatawa din nman kasi pag hindi inampon bka kung anong mangyari sa aso.