May ibahagi po ako sa inyo, ang kapitbahay ko po ay tinanggalan ng meralco ng kuntador ito ay nangyari noong march 2020, mga isang linggo ang nakaraan nakiusap sa akin na magkonek ng extention wire pumayag naman ako habang kako ginagawan nila ng paraan ang pagtubos ng kuntador kaso po tumagal ng 4 na buwan ang mabuti mabait noon ang meralco hindi mahigpit dahil lockdown naipon po ang bill at nakaconsume po sila ng mahigit 8k nakapagbigay na ng 5,000 , ang natirang 3,000 ay binayaran ko na rin sa meralco para huhulugan na lang nila sa akin, hanggang ngayon wala pang naibibigay puro po pangako tapos naririnig ko pa at nalalaman na nangungutang ng mga gamit na hulugan yung nilalakong gamit sa bahay na pinapahulugan syempre nagdamdam ako pero pilit ko pa rin iniintindi. Nangako sila na magbibigay ngayon araw, sana magbigay 🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
So bukod po sa nakiconnect sila sa inyo, nagpahiram pa po kayo ng 3000? Nakakalungkot naman na may mga taong mapagsamantala. Sana man lang kahit paunti unti maghulog sila at higit sa lahat, kung may utang dapat bayaran muna bago bumili ng kung anu-ano.
Nakakadamdam talaga pag ganyan ma'am. Sana mag bigay na sila ngayon sayo ma'am.