Alas 10:00 na ng gabi, muli na nman po akong magpapaalam ng matulog. Sana naging mabuti at mabait ang araw na ito sa ating lahat, si granny nengste ay maunang mamahinga na sa inyo.
@Nengste in June 2021
Salamat at nakaupo na din, nakayarina ako sa aking mga gawain tuwing lunes ang paglabas ng basura, paglalaba. Ang pagwawalis pala hindi pa, dahil nagluto agad ako ng chicken sotanghon. Tara kumain po tayong mainit na sabaw ng chicken sotonghon.
Ang pinagsabunan ng aking nilabhan ay ginamit ko po sa paglinis nitong lugar dahil dito lagi naglalabas ng dumi ang aking 2 alagang aso, araw-araw ko ito nililinis kasi hindi po ako komportable pag nakakaamoy ng mabaho ang sakit sa ilong at nasisipon kaagad ako may may naamoy ako tinutuntun ko yun parang aso na rin ako kasi singot ng singot habang tinutuntun ko ang amoy kung saan galing. Pasintabi po sa kumakain. Magandang umaga po sa inyo๐
Ito po ay kaparti ng manok na sinahog ko sa sotanghon, binabad ko po sa kalamansi, patis at konting magic sarap pagkaraan ng isang oras pinagulong ko po sa binating itlog at pinagulong sa harina na may pamintang durog, oregano powder at konting magic sarap at saka pinirito. Kakaluto ko pa lang po nito, kain tayo ng tanghali-an.
Gusto ko na sanang umidlip ngunit hindi pa natutuyo ang aking mga sinampay kasi ang panahon lulubog at lilitaw ang araw, kumukulog na din pero walang ulan hindi din umambon. Panay silip ko sa kalangitan kung uulan ba para maisilong ko na po.๐ Magandang hapon!
Umulan tapos biglang huminto. Kasalukuyan naghahanda ng hapunan ng aking anak pinapaluto niya sa akin ito, ito lang at isang fried chicken ang kanyang hapunan ayaw niya munang kumain ng kanin ngayon gabi. Pagkagising ko ngayong hapon, ininit ko po ang natirang chichen sotanghon at nagcrackers biscuit, meryenda at hapunan ko na din po yun๐
Dahil may ginger tea na bago matulog umiinom muna ako at kasalukuyang umiinom na po, sinubukan kong haluan ng gatas at nagustuhan ko ang lasa ang sarap! baka gusto niyo pong subukan ๐ Magandang gabi po๐
Kasalukuyang gumagawa ng gawain bahay at tinanghali na po gumising si granny nengste dahil malamig ang klima ngayong umaga. Nakapag almusal na po ba kayo? Ako hindi pa at tinatapos ko muna itong aking gawain. Magandang umaga po sa inyo๐
Heto na po namamahinga, natapos ko na rin ang aking gawain sa umagang ito nabanlawan ko na yung binabad kahapon na mga kobre kama at tuwalya hindi ko po kasi binanlawan kahapon at wala ng pagsampayan kahapon, nakapagwalis na rin at nakapagpunas ng alikabok. Ngayon pa lang ako mag-aalmusal, kain po tayo..๐
Ang init po ngayong araw, kaya inilabas ko yung sampay kahapon na hindi natuyo sa araw. Kumusta kumain na ba kayo ng inyong tanghali-an? Ako kumain na po bumili lang ng inihaw na baboy sa tindahan ng lutong ulam. May de latang cornbeef ( argentina) dito na galing sa pantry niluto ko sa aming aso ulam nila kasi nawalan akong ganang ulamin ang cornbeef napagsawaan ko na po yata at ayaw din ng aking anak.
Sinubukan ko pong umidlip kahit mainit ang klima ngunit hindi ako nagtagumpay bumangon ako at nakita ko itong binili ko sa naglalako kanina may tinda siyang dangit at ibat ibang daing gusto ko sanang bumili ng dangit kaso mahal, napaisip agad ako kanina kung babawasan ko ang naipon kong pang gastos sa mga requirement ng aking anak sa kanyang paggradwet sa kolehiyo ngayong July, kaya hindi ako bumili, ito lang ang binili ko sa naglako para naman kahit papano nakadagdag saโฆ
Update muna sa value ni bitcoin cash ngayon oras na ito. Umakyat pataas na ang value sana magtuloy tuloy. Source: coins.ph
Kamusta ang maghapon mga ka-ingay? May kasabay ako ngayong kumain ng hapunan, dahil ang bunso ko po ay maagang nagluto nito at pinagsaluhan naming dalawa, ramen lang po ang aming kinain walang rice diet po. Kumain na rin po kayo ng hapunan.๐
Maalinsangan gabi sa ating lahat! Dumating na po ang oras ng aking pamamahinga, upang makaipon ng sapat na lakas para magawa ang mga gawain bukas. Sana panatag ang isipan natin at iwasang mag-isip ng mga bagay na ikabahala para maging maayos at mahimbing ang ating pagtulog. Magandang gabi sa inyong lahat
Muli kong nasilayan ang pagsikat ng araw at mga magagandang tanawin sa paligid, nakasama muli ang aking mahal sa buhay. Ang paggising tuwing umaga at may malusog na isip at katawan ay mga dakilang pagpapala mula sa ating diyos, magalak po tayo at magpasalamat. Magandang buhay at magandang umaga sa ating lahat๐
Grannyโs is in cooking mood, nasabik po akong matikman muli ang aking lutong sinigang kaya nagluluto po ako ngayon, maraming gulay kasi gusto naming mag-ina ng kangkong, labanos at konting gabi pampalapot sa sabaw, walang bunga ng sampalok kaya instant pampaasim ang ginamit ko. Habang nagpapalambot heto po ako nakaupo at nag-iingay at kumakain ng crackers biscuits at ginger tea bilang aking almusal.
Luto na po ang aking niluto, tamang-tama oras na ng tanghali-an halikayo sabayan niyo po ako at wala akong kasabay. Pinakain ko na din ang aming 2 alagang aso ito rin ang kanilang ulam konting laman, kangkong at maraming sabaw.
Sarap matulog panay po ang aking hikab sinubukan kong mahiga para makaidlip, hindi nagawa dahil ramdam ko ang sobrang init ng panahon ngayon ganun din po ba sa inyong lugar?
Noong isang linggo dinalhan ako ng aking panganay na anak ng 3 klaseng biscuits para daw pag nakaramdam ako ng gutom may makakain ako, ito ang meryenda ko ngayon ang panulak ay tubig lang. Meryenda tayo๐
Sabi ng aking bunso bakit nagluto ako, nasira daw ang kanyang diet naparami siya ng kain, ako rin naparami din. Bukas hindi ako magluluto balik sa lutong ulam sa tindahan ni aling ka Elvie. Kumusta ang mga kusinerang ka-ingay?
May natanggap po ako ngayong gabi manggang hilaw galing sa isang mapagbigay na kapitbahay, gagawin ko itong buro bukas may kasama pa ngang bagoong nang binigay niya ito. Kumain na po ba lahat ng hapunan? Magandang gabi po!
Kinukulet ako ni Zorro dahil gusto niyang lumabas at narinig niya na may nag-uusap na dalawang pusa sa labas. Mga ka-ingay muli na naman akong magpapaalam sa inyo na maunang umexit para matulog na, bukas ulet. Magandang gabi po!
Paalam Hunyo.. Maligayang pagdating Hulyo! Ito ang buwan nang aking isinilang ang aking pangalawang anak, ang bilis ng panahon at ang bilis din ng ating pagtanda. Day-off sa trabaho ngayong araw ang aking bunso pero hindi ko siya makakasama buong maghapon may aasikasuhin siyang mga bagay tungkol sa kaniyang pag-aaral mga pasahin na requirement upang makagradwet sa kolehiyo. Magandang umaga sa ating lahat!