Presidential Latest Survey 2022
LAYLO LATEST SURVEY 2022:
MARCOS NANGUNA SA BALWARTE NI ROBREDO SA BICOL
Kung pre-election surveys ang pagbabasehan, walang dudang si presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang umaarangkada kahit pa sa balwarte ng kanyang katunggali sa Bicol region.
Sa inilabas na survey ng Laylo Research Strategies Enero nitong taon, nakakuha ng 51% si Marcos kumpara kay Leni Robredo na nakasungkit lamang ng 33%.
Tumamo ng karagdagang kalamangan si Marcos sa kanyang bentahe sa naunang resulta ng parehong survey firm noong Nobyembre 2021 kung saan nakakuha si Marcos ng 45% habang si Robredo ay 29%.
Nakapagtala naman si Francisco Domagoso Moreno ng 8% nitong Enero kumpara sa 7% nito noong Nobyembre 2021, bumaba naman sa 3% si Manny Pacquiao mula sa 4%, habang si Panfilo Lacson ay sumadsad din na mula 6% noong Nobyembre 2021 ngayon ay 4%.
Sa kabuuan, nakakuha ng 64% voters’ preference nationwide si Marcos nitong Enero galing sa pagdomina nito noong Nobyembre 2021 na may talang 58%, si Robredo naman ay bahagyang umakyat mula sa 13% na naging 16%.
Samantala, nitong Enero 2022 survey na isinagawa ng Tangere na syang kinikilalang pinakamalaking online market research group, nanguna si Marcos sa lahat ng kandidato pagka-pangulo sa Bicol na may 45.27% voters’ preference at si Robredo naman ay may talang 25.57%
Pumangatlo naman si Moreno sa parehong rehiyon na nakapagtala ng 17.42%, sinundan ni Pacquiao na nakakuha ng 6.88% at huli naman sa listahan si Lacson na may 3.96%.
Sa pangkalahatan, pumalo ang lamang ni Marcos na nakakuha ng 57.67%, pinatunayan ito ng magagandang resulta ng mga survey sa Mindanao na 67.03%, sa NCR na may 57.99% at 63.59% sa Northern at Central Luzon.
Sinabi naman ng mga political experts na isang malaking milagro lamang ang maaaring magpabagsak sa kalamangan ni Marcos, at kung magtuloy-tuloy ay walang dudang siya ang magiging pangulo sa darating na halalan sa Mayo.
“Figures don’t lie. This is science talking. Well, those massive caravans and the number of people who attended the proclamation rally in Bulacan even if we are still in the pandemic is a sure sign that the numbers indicated in the different surveys and the reality on the ground coincide. Again, it will take more than just prayers to beat Marcos in this election,” sabi ng isang political expert walang dudang siya ang magiging pangulo sa darating na halalan sa Mayo.
Source from Facebook
Walang duda at walang halong agam-agam, Senator Bong Bong Marcos leads in the current survey. Ito ay isang patunay na mataas ang tyansa na manalo Si Senator Bong Bong Marcos. Sabi pa nga ni Tony Gonzaga na "Ang pilit binaba ngunit mas lalong namamayagpag". Kahit dito sa Mindanao si presidential candidate Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. ang nangunguna sa survey. Karamihan sa boto na pumanig kay BBM ay mga matatanda, nais kasi daw nila ibalik ang Marcos dahil naranasan nila kung ano ang pamamahala ng isang Marcos.
Maraming nagsasaba na si Vice President Leni Robredo daw ang nangunguna basi sa datos ng survey at itong survey na nangunguna daw si Leni ay galing sa isang ABS-CBN partnership channel na A2Z or Zoe TV. Ngunit sa maraming survey na inalabas ng ibat-ibang TV network at researchers si Bong Bong Marcos talaga ang nangununa. Hindi magpapabudol sa mga maling survey dahil marami saating mga Pilipino na sumabay lamang kung sino ang nangunguna sa survey, naway suriin nating mabuti kung sino ang karapat dapat na maging pangulo.
Sorry for not leaving comment to your articles for today, I just leave an upvote in every articles I visited. And to those who submit their entry in the ongoing Challenge, I will read the entry tomorrow because I have so many things that needs to do, especially in my school paper works. The deadline is fastly Approaching and I need to catch up. As soon that I have free time I will start reading entries.
Thank You so Much Sponsors, I appreciate all of you.
Lead Image Taken from Facebook
First time nako ma excite mag boto ba hhaha