She Got Sick and I Didn't Know What to Do

15 46

061122

One of the things that hurts parents the most is when their child gets sick. For a first time mom like me, I got to prove another mom guilt is real.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Daddy's home and while Lil B and daddy is having quality time taking a bath, I'll do a quick post today.

I mentioned in some of my articles or posts in Noise.cash that Lil B got sick right after her birthday, literally. I thought it was just the usual 'lagnat laki' as what we pinoys call it, which usually happens when a kid's birthday is coming or on their birthday. Wala nama

Lil B turned 1

I'll link what we did for her birthday here:

https://read.cash/@Micontingsabit/baby-cosplay-hanabibi-turned-1-9b3e46ef

https://read.cash/@Micontingsabit/buzz-buzz-lil-b-24ebb121

Symptoms

The following day, as in literally the next day, I woke up and felt like Lil B was a bit warmer than the usual. I ignored it for a few hours because I was thinking that it was just because of the hot weather that day. After we had lunch, I asked my sister if Lil B feels hot. She said 'not really' but after a few hours she told me that she feels a bit warmer too.

I immediately took the thermometer to check her temp and she's 37degrees. You must be wondering why I didn't check her temp the first time I noticed. I always ask my parents and sister first if Lil B feels hot because it might just be me or my hands. I have a sweaty hands and most of the time my hands feel cold. I got cool fever, patched it on her forehead and gave her Calpol every 4 hours. That night, I felt like her fever was getting higher and I continued monitoring her temperature. It was up to 38, which made me alarmed. I monitored her temperature and let her take paracetamol every 4 hours.

The next day, she still felt the same temperature at almost normal when she's awake. I was surprised that when we got up, my mother told me that Manang, our manghihilot, will come to check on Lil B. Ipapatawas or ipapatingin kung may bati si Lil B.

(Wait since I am in a rush, tagalugin ko na lang muna) Gusto ipatingin ng nanay ko if may bati ba si Lil B kasi may mga visitors syempre nung binyag and mismong birthday nya. Nung tinignan na sya ni Manang, ang sabi nya ay bumisita daw ang kapatid ng tatay namin tapos di sya pinakain. (She means ang kaluluwa ng tita namin ay bumisita at di kami nagalay ng food). Kaya ayun, sabi nya samin bandang 6.30pm magtirik kami ng kandila at maglagay ng food. Bakit nga ba dumalaw si tita? Kasi kamuka sya ni Lil B, yun lagi ang bati sa kanya ng mga kapatid ng tatay ko kaya daw napadalaw sya. Then after that, we were expecting na sana maging okay na sya.

We were wrong..

Ang taas pa din ng lagnat nya that night, it was unusual for me kasi dati kung lalagnatin man sya one day lang and nadadaan sa paracetamol. Tapos every night lang sobrang taas. Since 2days na syang nilalagnat, my husband and I decided to consult her pedia.

Pedia diagnonsis

Since may lagnat sya at pandemic pa din, hindi pa din allowed ang sick babies sa clinic so online consult ang ginawa ni doc.

After nya tumawag, she requested for a stool test and cbc platelet count. Stool test for Amoebiasis tapos CBC platelet count for dengue. Hinintay ko lang siya magpoop tapos diretso ako sa pinakamalapit na hospital to do the tests or diagnostic clinic. Dun na lang kami pumunta sa hospital na affiliated ang pedia nya. She was brave enough nung kinukuhaan sya ng blood. Umiyak sya syempre pero hindi sa pagturok ng needle kundi dun sa pagpisil ng finger nya para lumabas yung dugo. Iyak lang sya tuwing pipisilin tapos hihinto na, mana sya sa tatay nya hahahaha.

Hinintay nalang namin ang result kasi 30mins lang naman. While nagwait, pinabili ko na muna ng meds nireseta hydrite tska paracetamol si doc dahil basa din ang pupu nya. Sinend ko naman agad kay doc ang results and ayun na nga, Amoebiasis nga.

Cause

Honestly hindi ko alam kung saan namin possible na nakuha. Madaming pwedeng reasons, pero isa lang sa naiisip ko is pwedeng yung tubig sa pool nung nagswimming kami after ng binyag nya. Nagpunta kaming bulacan and kahit mukang malinis ang pool, walang bahid ng amoy ng chlorine. So hindi ko alam if okay ba yun or hindi for babies. Pwede ding sa tubig dito saamin or sa mga things or toys na nasusubo nya.

Meds

Since positive nga na Amoebiasis, nagreseta si doc ng antibiotic na syrup. It was a challenge na painumin ng gamot ang baby na may sakit. Andami nyang tinatake and hindi pwedeng pumalya. She has to take the antibiotic for 1o days, kaya todo monitor ako sa oras and sa temperature nya if continue pa din ba ang lagnat. Fortunately, after nyang uminom nun nawala na yung lagnat nya pero continuous pa din ang pagtake ng gamot dahil antibiotic nga sya at basa pa din ang poopie nya.

Mejo natrauma lang siguro sya tuwing papainumin sya ng gamot kasi 10ml every 8hours yun, andami para sa kanya huhu. Kahit na umiiyak sya, kelangan ko sya pilitin.

Mom guilt

Tuwing papainumin ko sya ng gamot, nagguilty ako. Tuwing iiyak sya tuwing nakikita nya yung syringe (dahil di kaya ng dropper ang 10ml). Nagguilty ako nakagagawan ko nga ba dahil di ako naging maingat? Hindi ko nabantayan kung anong mga nasusubo nya? Hindi ko ba nalilinis ang mga gamit nya? Kagagawan ko kaya sya umiiyak tuwing paiinumin ko sya ng gamot.

Buti na lang gumaling na sya. Salamat naman, pero hindi pa din maalis ang guilt ko. Bakit? Natrauma ata sya, kasi kahit vitamins pag nakikita nyang iinom na sya iiyakan na din nya. Isa din sa pinagpapasalamat ko na kahit may sakit sya ay malikot at masigla pa din sya.

Ito yung dahilan kung bakit di ako naging active sa platform for more than a week. Continuous ang pagmonitor ko and dulot na din ng anxiety, imbis na magsulat ako ng article naglalaro na lang ako ng ML or nanunuod para magwait sa susunod na oras ng paginom nya.

Dito din nagstart maging mas clingy si Lil B. Tuwing magsleep sya, kelangan nakapatong na sya sken, sa dibdib ko para makatulog sya. Kahit mahirapan ako huminga or sumakit dibdib ko after, okay lang basta komportable at okay ka anak.

Sorry anak, sorry lil b. Pagpasensyahan mo na si mommy.

9
$ 2.06
$ 1.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Eyys
$ 0.02 from @Khing14
+ 3
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Hirap talaga as eating mga magulang ang makitang may sakit ang ating mga anak. Pero hindi natin dapat sisishin satili natin sis kasi hidni naman natin ginusto na magakasakit ang ating mga anak. Huwag mong sisishin sarili mo, hindi ka nagpabaya. Noon nga may nakilala akong magasawa sobrang ingat na nila sa anak nila pero nagkasakit pa ito. Kaya sis don't blame yourself dahil we know na hindi mo gugustuhin mangayri yankay lil b mo.๐Ÿ˜‰

Continue mo yung anyibioyic kasi sabi ng mga doctor dapat talaga makompleto yan ng pagpapainom. ๐Ÿ˜ŠPagaling kana lil b.๐Ÿ™

$ 0.01
2 years ago

Thanks sis! Okay na sya ngayon. Nung last week ng May nagkasakit, literal na pagkatapos ng bday nya kala namin lagnat laki talaga.

$ 0.00
2 years ago

Mahirap na sakit yang amoeba sis. Pabalik balik once na matrigger kaya khait magaling na si Lil B, make sure na laging malinis yung kakainin or iinumin niya.

$ 0.01
2 years ago

Nakuu thanks for sharing sis. So kelangan ko na maging maselan sa tubig lalo. Huehue

$ 0.00
2 years ago

parang nakaka paranoid po kasi kapag nag kasakit ang mga bata lalo na kung medyo baby pa po. halos di ka rin po makakatulog talaga kasi iisipin mo baka anong mangyari sakanya.

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan bro. Kaya lahat titiisin.

$ 0.00
2 years ago

Nako, yan pa naman ayaw ng mga parents. Nakakadurog ng puso huhu. Wishing lil B's health. Ang cute cute mo bebe.

$ 0.01
2 years ago

Totoo sis. Kaya minsan okay na tlaga maging paranoid sa health ng babies kasi mas nakakaparanoid kapag nagkasakit sila huhu.

$ 0.00
2 years ago

Kawawa talaga ang babies pag my sakit tas Lalo na pag pahirapan painomin ng gamot. Same here sis I can feel you kasi inatake na naman ng hika anak ko at Yung mga meds niya mapapait Lalo na Yung antibiotics. Kahit iiyak or minsan need ko siyang pagalitan pag pinainom ng meds pero kailangan eh Para gumaling siya. Sa awa ng diyos medyo bumuti naman pakiramdam niya.

$ 0.01
2 years ago

Nako kelangan lagi ka tutok. Di tayo mapapalagay hangang di sila nagiging okay.

$ 0.00
2 years ago

Pinakamahirap sa part ng magulang yung kapag may sakit ang anak...hahahayyy..kahit anong ingat talaga, hindi pa din maiwasan na madapuan sila ng sakit..

$ 0.01
2 years ago

Mahirap iwasan yung mga bagay talaga na di nakikita kahit magdobleng ingat eh

$ 0.00
2 years ago

Korek ka dyan sis..hirap pa naman pag nagkasakit ang bata..pukod sa puyat at pagod natin eh, nakakaawa din talaga sila

$ 0.00
2 years ago

Tao lang si Mommy Lil B, pero natututo si Mommy parati at mahal na mahal ka nya, Di ka nya papabayaan.

$ 0.01
2 years ago

Yes yes huhu kahit mukang laging galit si mommy hahahahaha char

$ 0.00
2 years ago