Laseng revelations
042922
Kapag may inuman or kapag nalalasing ang tao, madalas andaminf narereveal na kung ano ano. Feelings, galit, hinanakit, tampo, in love, inggit, basta yung mga nararamdaman na di agad nasasabi, tinatago or walang lakas ng loob sabihin.
Itutuloy ko muna tong topic na to since na stuck na dito since last year and Friday naman at para lumuwag at makahinga ang isip natin, tagalog muna tayez.
And the story goes a little something like this...
Galing kaming handaan sa in-laws ng kapatid ko. Birthday ata ng father-in-law nya at di sila nakalimot na papuntahin kami. Andun din ang mga kamaganak ng mother-in-law nya na taga-Marikina lang din.
Syempre inuman ng mga matatanda, kala mo naman na walang malalasing sa kanila. Hala sige todo inom. Ginabi na din kami doon at minsan nahihirapan kami magbook ng grab pauwi, so sinabay nalang kami pauwi kasi dadaan naman din sila sa amin.
Eto ang eksena habang naguusap ang mga lasing sa tanders sa sasakyan.
Biglang napasok sa usapan yung hirap na pinagdaanan nilang matatanda noon. Nung nagsisimula pa lang magkapamilya at kung paano nakaraos sa mga gastusin o araw-araw na hamon ng buhay.
Nagshare sila ng kanya kanyang paraan pano nila nagawang makasurvive kahit na hindi ganoon kalaki ang kinikita at sapat lang pantawid sa pangaraw-araw.
Napunta na din sa usapan na kung paano nila itinuring or nadisiplina ang kanya kanyang anak. Bida ng ganito, bida sa ganyan... Kwento kung paano kami noon mga maliit pa kami at ano kami sa kanila.
Sabay sabi nang tatay ko, 'Noon super heroes daw ang tatay ngayon kontrabida na.'
Tumahimik ang lahat. Sabay change topic at pinansin ang mga pailaw sa kalsada.
Gigil ako.
Siguro napansin din ng iba naming kasabay na baka mauwi sa pagddrama yung tatay ko.
Nainis ako, nanggigil ako, pero syempre di ako nagsalita. Usapang matatanda eh, I mean yung mas matatanda samin, yung mga ka-generation nila. Tska una sa lahat wala naman akong gana talaga makinig at makisawsaw sa usapan nila kasi pagod ako at may dala ko si Lil B.
Bakit ako nanggigil?
Kasi may sama ako ng loob sa parents ko. Di naman siguro bago yun, lahat naman tayo may kanya kanyang issues sa magulang.
Kinimkim ko yun simula nung pagkabata ako. Bakit? Lumaki akong tumatak sa isip ko eh masama akong bata, na magiging masama akong tao at walang kwenta, walang silbi, walang galang, pasakit, perwisyo.
Biruin mo sa murang edad naririnig ko na sinasabi sken at syempre bilang bata, tatatak talaga yun sa isip ko. Lumaki akong hindi ko alam kung bakit ako ganun, bakit ganun yung mga inasal ko, bakit ako sinaktan, bakit ako napalo, bakit ako lang ang nasasaktan ng pisikal?
Don't get me wrong, maayos kaming napalaki ng mga magulang ko.
Lumaki kaming, di sumasagot sa magulang kapag pinapagalitan kasi masama yon, bastos yon.
Lumaki kaming hindi kami pala hingi ng kung ano ano, kasi wala kaming pera.
Lumaki kaming hindi kami dapat magcompare ng mga bagay na wala kami o nakukuha namin
lumaki kaming dapat kaming magsikap para makagaan gaan kami sa buhay
Lumaki kaming mabuting tao (siguro)
Thankful ako, kami, sa mga naituro at kung pano kami napalaki ng mga magulang ko. Pero syempre may mga kabaliktaran, o pros and cons din ito.
lumaki kaming hindi marunong magopen up ng feelings namin
lumaki akong may suppressed anger, doubt, hindi confident, confused at kinikwestyon ang sarili kong existence
lumaki ako na parang laging napipilitan sa mga ginagawa ko
lumaki kaming hindi pwede magdala ng problema sa bahay
lumaki kaming DAPAT masaya lang kami at hindi dapat nagpapakita na may problema.
Wag kayo mag-alala, good terms kami ng mga parents ko ngayon. In fact, sa dito pa din kami nag stay ni Lil B habang nagaayos at naghahanap kami ng asawa ko ng matutuluyan. Syempre di pa din maiiwasan yung minsan magkadiskusyunan dahil matatanda na kami. Hindi na kami yung mga batang kapag pinagalitan nila, eh pwede pa nilang palupaluin at pangaralan ng mga 'Tamang asal'.
Nakainom ka na naman!
Wala namang masamang uminom occasionally. Basta ang alak, sa tyan dapat napupunta hindi sa ulo.
Hindi kasi nila alam or aware na may emotional damage yung pangangaral nila (pamamalo). Kung umeepekto yun sa mga kapatid ko, sakin parang hindi. Iba-iba talaga ang pagiisip ng mga tao at hindi sa lahat ng bagay magwwork ang lahat ng pamamaraan sa ibang tao. Kelangan din minsan i-tailor fit ang disiplina sa bawat anak.
Naging kontrabida sya sa paningin ko kasi hindi ko alam kung bakit ako pinagagalitan, hindi ko alam o maintindihan kung bakit ako pinapalo, hindi ko alam kung masama ba talaga o hindi lang maganda yung ginawa ko. Hindi naman siguro na porket nakabasag ako ng pinggan or baso, sinasadya na. Yung mga ganung bagay. Maliit lang yun, oo, pero hanggang sa paglaki mo mabitbit mo yung maliit na sama ng loob. Hindi sa gusto ko na i-baby ako, gusto ko lang yung may magpaintindi saken ng bagay bagay. Yung mga bagay na dapat magulang ko ang nageexplain hindi yung idadaan sa sigaw, palo na para bang hindi ako marunong umintindi as bata. Yung ibang bagay sa mga kaibigan ko pa natutunan at naintindihan.
Baka isa ka din na katulad ko.
Cut na muna!!
Hindi to nega vibes, gusto ko lang ipost to para mabawasan yung nasa drafts ko kasi nahihirapan ako magscroll. Minsan nawawala yung mga drafts hahahaa
Chika sa baba! Q&A sa baba! Taraaaaa!
Awww gantong ganto ko sis jusko, talagang nagiging villain sila at masama sa paningin ko rin kapag ako napagbubuntungan nila. Also I'm no body's favorite child talaga, hiral maging middle child parang black sheep lagi sa fam tingen sakin.