It's A Fun Experience, but I don't Recommend it.

32 34

Isa na lang talaga lalarga naaaaa!

032522

Tagalog muna tayo mga bes. Minsan namimiss ko dn ang pagiging studyante in the sense na may mga kaibigan kang lagi mong kasama, kakulitan, kaiyakan, kabardagulan. Syempre lahat face to face noon, kaya hindi ko maimagine ang buhay ng mga studyante sa online class.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Mahirap, nakikita ko at nararamdaman ko dahil nagaaral pa dn ang kapatid ko. Mas malakas makatama ng anxiety yung ganitong set up kasi wala kang kausap na personal. Kung magkaroon ka man ng kaibigan sa online class, hindi ba nagiging awkward kapag nagkita na kayo in person? Mas palagay ka pa dn ba magkwento kapag nagusap na kayo in person?

Bakit ko nga ba natanong un?

Kasi bilang isang produkto ng online dating app/site, nararamdaman ko dn yun.

Napansin kong marami ding mga studyante na nasa platfrom na to para matustusan din kahit papano ang pagaaral nila. Kung nagstart na kayo ulit magface to face classes, share nyo naman sa comments section ang experiences nyo. :)

Magbalik tanaw sa nakaraan.

Ayan na bilang namimiss ko ang pagiging bata, sagutan natin tong prompt na ituuu. Marami na ding nakagawa nito katulad nila @Pachuchay @Yen @BreadChamp check nyo din articles nila here:

Never have I ever my highschool edition
You let me copy, I'll let you copy
I cheated but it's not planned

Ngayon it's my time. Gusto ko talaga gawing tagalog post to para mas masaya kong masagutan hihi.

Ngayon, pili tayo ng mga nagawa ko na nung estudyante pa ko (highschool or college is applicable) then share ako ng experiences ko. G?

Orayt! Orayt! Orayt!

Skipped class
High school? Di ko talaga intention noon na magskip ng classes. May mga araw na wala kaming pamasahe at nagkakaroon lang ng pera pamasahe kapag natapos na ng nanay ko yung patahi sa kanya. Okaya pag di talaga sapat ang pera, di na ako nakakapasok. Papasok lang samin kung sino sa aming magkakapatid yung quiz or exam sa araw na yun.

College? HAHAHAHAHAHAH. Oo minsan intentional na, kasi wala namang sense yung ibang prof namin.

Cheated on an exam
Gradeschool. No.
High School. Yes. HAHAHAHAHA. Actually eto yung pinakamemorable na part samin. Team work ang klase.

Pagquarterly exams namin, alternate ang bigay samin ng papers. Like for 2 hours na exam 1 hour per subj. Example, Biology and Algebra, 1st row magtake muna ng Bio then 2nd row Algebra then alternate na sa next rows. Ngayon, kapag ang pinakamagaling sa math tumayo na at nagpasa na ng paper, kinakabahan na pero may iniwan syang mga bakas. Nagsasaboy sya ng papel sa kung saan saan after nya tumayo. Minsan ginagawa din namin, na nagpapalit kami mismo ng papel. Kaya sa loob ng 2 hours, meron samin na isang subj lang sasagutan for 2 hours. Nagsisipaan kami ng upuan, kapag magtatanungan kami yung nakaupo sa harap ng blackboard, kakaskas ng konting chalk sa daliri tapos pasimpleng isusulat ang sagot sa board kapag nakatalikod ang bantay.

One time, halos maperfect ng isa naming classmate yung exam sa isang subj. Pagkaiwan nya ng mga bakas, sabay sabi na magmali ng isa o dalawang item. Dapat magkakaibang number yung mali namin para hindi halata kasi pagparepareho ng mali alam na yern!

Ang pinakamalupit dito eh yung teacher namin sa Music. Saamin kasi hindi class adviser ang nagbabantay. Iba ibang teacher per section ang nagbabantay, salitan sila. Kaya gusto lahat ng estudyante na si Sir Guerzon ang magbantay (Music Teacher). Sisilip pa yan sa labas ng corridor kung may ibang teacher na pakalat kalat. Tapos sasabi sya samin na magCCR lang daw sya *wink* tapos wag lang daw kami maingay. AYUN! it's time na HAHAHAHAHAHAH!

Nalala ko din 3rd year High School kami, nagalit ang teacher namin sa Trigonometry kasi hindi nya matanggap na andaming nakapasa sa exam nya. Halata daw na nagkopyahan ang klase pero walang umamin. Wala talagang umamin, walang tumahol kasi buong batch namin damay HAHAHAHAHA! Ayun, binalikan kami sa ibang bagay ng teacher na yun. Binalikan kami sa grade sa recitation kaya biglang madaming mababa ang grade.

Alam din kasi ng teacher na un yung hirap ng curriculum namin. May chance kaming madrop out kapag di ka pasok sa bracket lalo na sa mga Math and Science na subj. Yun kasi ang major subjects samin, marami kaming math and science na subject sa isang year.

Forged my parent's signature
OO kasi alam kong di nila ako papayagan sa mga gusto kong clubs na salihan.

Been in the bottom three of my class
Gradeschool, no. Nakakatop three din naman ako kaso di sapat.
Highschool. Oo ata, kasi wala nakong pakelam, mataas man ang grade ko nun parang di pa din enough sa magulang ko.

Hit someone with chalk
Wala naman, pero may tinusok ako ng lapis hahahaha.

Make fake excuses for being late
Hindi naman masyado, pero nung college ako usually late ako kasi galing akong work.

Been home schooled
Not sure if na home school ako before ako mag attend ng school talaga, pero naaalala ko na tinuturuan ako magsulat ng tatay ko

Had a crush on someone in my class
Eto yung dapat every grade, lagi ka tinatanong kung may crush ka. Minsan kahit wala, napapabanggit ka na lang ng kung sino HAHAHAHA

Played in a sports team
Yes, naging kasali ako sa Volleyball team namin nung High School.

Skipped school to do something fun
College years, yes. hahahhaa Malapit lang ang school namin sa SM Sta. Mesa tapos meron pa sila dun na 20-25 pesos na sine ata. Ayun tambay kami don HAHAHAHA

Had a serious injury at school
Wala naman, pero naalala ko na nagpass out ako nung may event ang Girl Scouts nung HighSchool ako.

Enjoyed studying
Hmm, honestly hindi. I only enjoyed studying kapag may kasama ako magaral.

Hit someone hard
Wala, namention ko na kanina may tinusok ako ng lapis.

Played a prank
Hindi naman talaga ako yung naginitiate, bali gumanti lang ako sa iba. Nauso noon yung ballpen na may kuryente pag pindot mo. Retractable kasi yung pen. Tapos badtrip yung mga classmates ko, attendance daw kasi from classroom lumipat kami sa Bio lab. Tawang tawa kami kasi lahat nabiktima nila. Tapos yung may pasimuno, binigay sa Bio teacher namin yung paper tska pen tapos pinindot nya den. HAHAHAHAHAHAHAH Pero in fairness di naman sya nagalit natawa lang din sya samin.

Taken part in school play
Yung mga play na activity per section lang, di ko kaya magperform kapag infront of malaking audience ih.

Gone on a field trip
Di naman nawawala ang field trip nung gradeschool.

Had a water fight
OO. HAHAHAHA. May times kasi na binabaha yung school namin. Bilang nasa public school kami wala kaming janitor so kapag binaha ang school, suspended ang classes pero kelangan namin magtulungan maglinis kapag humupa na ang baha. So minsan kapag nagkukulitan na, nagbabasaan na kami. HIHIHIHIH!

At dito nagtatapos ang estudyante serye ko. Charot hahahah! Jusko, ngayon iniisip ko na kung ano kayang klaseng estudyante ang anak ko paglaki HAHAHAHAHA.

I just can't wait na lumaki sya at ishare ko at mga ninang nya ang mga kalokohan namin nung teenager pa kami hahaha.

Kung bored kayo, wag kayong mahiyang gawin din to. Kwento din kayo ng mga funny, sad or memorable experiences nyo noon as a student.

Naghihintay pa din ako ng 1 subscriber para maka-100 na tayo!

Sayonara!

9
$ 2.45
$ 2.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.03 from @Bloghound
+ 5
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

sarap sagutan nito sis..daming memories to be shared.di ko natry iforge ang sign ng mama ko kasi working student ako nung highschool ako.

$ 0.02
2 years ago

Nako hindi naman kasi talaga dapat gawin yern hahaha. Nagagaya ko lang dn signature ng tatay ko kasi parehas kami ng penmanship hihi

$ 0.00
2 years ago

hehehe.pero natry ko iforge ang pirma ng tiyahin ko yung nagpapaaral sa akin nung high school ako

$ 0.00
2 years ago

Ay hahahaha ikaw talaga ses! Hahahaha apir tayo jern

$ 0.00
2 years ago

tagal kasi ng ante ko pumirma malelate na ako hehehe

$ 0.00
2 years ago

Na experience ko din Ang mga Yan noong studyante pa ako. Pero ngayon na Isa na Rin akong guro, naiintindihan ko Ang mga bata kasi nga ganun ako dati. Heheheh

$ 0.01
2 years ago

Binibigyan mo dn ba sila ng chance o hindi kasi alam mo ang galawan hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Binigyan ng chance through removal exam.

$ 0.00
2 years ago

Naalala ko un kaklase ko ng college talagang kinokopya lahat haha! Ako naman kasi na mabait, sige lang din sa pakopya. Ayun siya ang nakagraduate hehe pero ako kasi nagdrop na.

Nung elementary naman ako, pag may gusto ako panoorin sa tv, ayoko pumasok. Magrarason ako na masakit ang ulo ko. Naaksidente kasi ako nun kaya pag sumasakit ulo ko, pinapayagan ako mag rest at wag na pumasok.

$ 0.01
2 years ago

Minsan nakakainis yung ikaw yung nagpakopya tapos mas mataas pa nakuha nila kasi kung kanikanino nangongopya hahaha. Nako hahahaha bespren ko nalalate kasi nanunuod pa spongebob.

$ 0.00
2 years ago

Nagawa ko na yung forge dati hehe. Pero di naman yun kaserious hehe. Masama yung mag foforge ka ng documents na mahahalaga.

$ 0.01
2 years ago

Ay totoo yan. Yung kelangan lang magpapirma kung bakit ka absent ganern. Hahahaa

$ 0.00
2 years ago

nung elem talaga di pa tayo marunong mangopya noh? hehe ganun din kasi ako..hehe post ko yung sakin later

$ 0.01
2 years ago

oo kasi good girl pa ko nun na walang kamuwang muwang sa mundo, tska nasa catholic school kami nun kaya parang napakalaking kasalanan mangopya lalo ka kapag strict ang parents mo at bata ka pa. Tska nagkokopyahan kami with blessing sa pagkokopyahan namin. Give and take lang din sa pagkokopya HAHAHAH.

$ 0.00
2 years ago

Yay congratulations! Iโ€™m the 100th haha. Parang okay gawin yung never have i ever, magawa rin next time hehe. Halos lahat ata nagawa ko hahaha

$ 0.01
2 years ago

AYOOOOOON! YEY thank youuuu! Sana walang mag unsubscribe hahahaa bukas ako magemehan ng sponsorshipzzz. Thanks for dropping by.

For sure kapag nagawa mo to, ang haba ng maisusulat mo. Welcome to read.cash din!!!!

$ 0.00
2 years ago

Naku yung may crush sa classroom ang hirap, nakakadistract, hahahahhaha I have crushes in our classroom too at sobrang nakakatense pag tinAWag ka ng teacher tapos Di tama sagot mo..๐Ÿ˜…

$ 0.01
2 years ago

Tapos nakatingin pa sayo hahaha yieeeeee

$ 0.00
2 years ago

Sana all may teacher na ganun, yun bibigyan ng chance yun klase na makapagcheat, hahaha .

Iba talaga ang saya ng high school noh

$ 0.01
2 years ago

Team work tawag namin dun sis hahahahaa. Para kunyariii HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Field trip at serious injury lang ata di ko danas dito sis whahahaha yang late napakagaling ko mag palusot jan hahhaha oy ansaya nung prof din namin dati binigyan kami 5 minutes para mangopya kasibawang awa na sa muka namin hahahhaa tapos ano sis ang dahilan ng pagpasok ko ay baon at para makasilay kay crush hahhaa

$ 0.01
2 years ago

Kami ng bespren ko nun nakakahiya kasi girlscout pa kami na nakauniform tapos nagcocommunity service kasi late kami hahahaha

$ 0.00
2 years ago

HS life, punong puno ng alaala๐Ÿ˜…

$ 0.01
2 years ago

True true trueeee!

$ 0.00
2 years ago

Dito na magkakaalaman :D

$ 0.01
2 years ago

HAHAHAAA baka mabasa ni lel beeee hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Iba talaga pag sa HS ee hahaha , full of kalokohan and kopyahan ๐Ÿ˜‚

$ 0.01
2 years ago

Diba dibaaa. Pero depende dn sa mga taong nasasamahan mo ih.

$ 0.00
2 years ago

Same haha. May tinusok din ako pero ng ballpen ๐Ÿคฃ

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Bakit mo natusok ng ballpen ses? Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Crush ko kasi yon tapos inaasar NYa ko hinahawakan nya kamay ko tapos tinitigan ako e naaasar nako Kasi nga crush ko ayun tinusok ko ballpen haha. Pero di Naman baon haha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

ayan na nga ba ang sinasabi ko ih HAHAHAHHA. pero kinilig ka nern hahaha

$ 0.00
2 years ago