Haggardo ang Pag-ibig
042222
Quick blog muna tayo mga besh. Parang kelangan ko magtagalog muna kasi para mafeel natin na tao tayo ulit hahaha. Gusto ko lang dn magpost ng masaya at mas madaling ishare ang feelings kapag malaya tayong magsulat.
Anong ganap today?
Kayo anong ganap nyo dahil weekend na ulit. Ang bilis no. Sa mga nagtatrabaho na pantao (Monday to Friday), ayan na magchillax na kayo. Sa mga may pasok ng weekend, wag ka magalala. Kapag off mo konti ang tao ss labas, wala ka nga lang dn gaano mayaya lumabas charz!!!
Ako, kami? Ayun bakuna day ni Lil B. Flu shot nya kanina. Mejo maaga syang nagising at nauna pa sya sken magising. Pagkatapos namin magbreakfast, naalala ko na di pa pala kami nakakabayad ng bahay. Oh no! Baka magkapenalty kami. Kaya sabi ko after ng bakuna, punta kami ni lil b sa Pag-ibig office. Subalit, ngunit, datapwat! Baka magutom sya at mapagod kung sakaling maraming tao at baka di dn kayanin ng likod ko.
Hmmmmmm. π€π€π€
Ay may kapatid pala ako na pwede kong isama. Kaya naisip ko na magpasama sa kapatid ko tapos after ng bakuna, sila na kang mauna umuwi.
Hanap damit
Hanap damit ni Lil B. Hanap ng damit ko.
Shemay! Government office pala ppuntahan ko. Nakashort ako!! Hanap ng pantalon. PISTI!! Wala nang kasya saken! Yung mga pantalon ko size 24 to 27 lang. Mapppunta na lahat yun sa kapatid ko.
Takbo sa nanay ko....
'NAAAAAAAAAY! May pantalon ba na bigay si ate or jogging pants?'
Hanap kami. Buti may nagkasya. Whew! Isa na namang realization na kelangan ko ng damit huehuehue.
Infair good job na naman sya, iyak lang kapag hinihiga and more like antok na sya kasi maaga sya nagising.
After sa bakuna, larga na ko at iwan ka muna kay tita.
Pag-ibig na di pinayagan.
Nagjeep nako kasi wala naman masyadong tao ngayon, pero pagdating ko sa Pag-ibig office at nagtanong sa guard. Wala daw payment doon sa branch, sa Cubao daw.
Napa 'oh no' ako kasi magtatagal na naman ako sa labas. Nagmessage ako sa asawa ko kasi mejo naiinis na dn ako sa kanya kasi ilang beses ko na sya niremind about dun tapos sana nakabayad kami online para less hassle. Di bale, mamaya kami magtutuos.
Nagdownload ako ng Angkas app, at ngayon na lang ako ulit nakapagAngkas. Yun lagi mode of transpo ko kasi ayaw ko dn naggGrab, madalas ako mahilo kasi tsks mas mabilis ang motor kahit mainitan ako, wa me pakels hahhaha!
Naasar ako sa motor ni kuya NMAX, ang lapad. Kelangan kong bumukaka. Isang tao lang ang kayang bumukaka char!
Anyway, nagpunta muna ako sa Robinson MetroEast kasi meron ding branch doon. Pagdating ko...
Ngiwi na naman ako. Kumain muna akonng konting borgor kasi gutom nako. So ayun nga, no choice kelangan sa Cubao.
Nagtry ako magbook ng Grab or Angkas kaso wala mabook, so nagbus na lang ako. Buti wala gaano tao hihi.
Ayan na. Punta nako sa office, ineexpect ko na baka matagalan ako kasi tanghali na. I was wrong! Najudge ko na naman ang government office. Hahahaha!
Kuha number, bigay info mga after 10mins nakapagbayad nako. YEY!!!
Ang bilis. Kasi pagkakuha ko ng number ako na ang next. In fairness. Pero ayaw ko pa dn magpunta para lang magbayad kasi kung dati magspend ka ng isang buong araw para sa pakay mo, ngayon naman mas matagal pa yung byahe mo kesa sa transaction mo hahaha.
Syempre pagkatapos nagAngkas na ko ulit pauwi. Kasi wala pa palang food ang bataaaaaaa! Buti na lang mahaba tulog nya pagkauwi at nakapaglaga na si nanay ng chicken at potato. Whew!
Kuya Angkas rider
Ay share ko sa inyo yung itsura ng riser ko kanina.
CHARAAAAN!
Any violent comments po sa baba tayo magusap! Hahahha
Ayun na nga, pero kahit ganyan itsura nyan badtrip ako sa kanya kasi. Pakadyot kadyot magpreno, lagi kasing nakatingin sa selpon. Pagkasilip ko may kausap ata sa chat.
Ngayon naexperience ko na bumabangga yung tyan ko sa likod ni kuyang rider HAHAAHHAAH. Kaenes.
Makabili nga ng isang pantalon para mapilitan akong magpaliit ng tyan HAHAHAHA. Sa dinami dami ng pantalon ko wala nang kasyaaa eh!
Pagbaba ko naman ng motor, nakita ko mata nya grabe ang kulay. Light brown kahit nakahelmet sya, actually may pagka Amber yung kulay. Nakakaloka.
Image source
Imagine mo na ganyan sya kahit nacocover ng helmet yung sinag ng araw.
Juzko gusto ko ng mata ni kuyaaaaaa!
Pagkauwi ko haggardo versoza tayo!!
Gusto ko lang chumika habang orlog si lil b.
Pag big literal na pag big na may kasamang PAG-IBIG FUND HAHA