A Jeje Love Advice
033022
Jejemon. I admit. I went on that phase too. No worries, I've graduated a long time ago and I am never going back.
I just want to share a little bit of something when I went through my jejemon years.
Oh by the way, younger generations may not know how the JEJEMON term came up. Wait, dahil tagalog term ang jejemon magtagalog na lang din tayo. AJEJEJEJEJE!
Dahil sa sobrang namimiss ko ang pagiging bata, naalala ko tuloy yung pagiging jejemon ko. Teka pagaralan natin ng konti nga kung ano, pano, saan at kailan ang jejemon.
History
Eto yung era na kung saan nagiimprove na ang technology when it comes to communication. From telephone na nagddial kapa (yung may pabilog magdial) to de-pindot na keys na telephone, to beeper, to malalaking cellphone, to internet messaging softwares, to pocket sized cellphones.
Around 2000s na siguro yun. Tapos nung naglabasan na ang mga cellphone nauso na yung text. From regular prepaid load para sa mga laking electric fan at postpaid para sa laking aircon to unli text promos.
Since nauso na yung text and unli promos nung around 2003/4, ayan naaaa simula na ang yabangan ng mga estudyante. Text dito, unli jan, Gm doon, clan jan. Uuuuuy may mga nagbabalik ba kayong mga alala? So ayun na nga, nauso din yung gawa ka ng trademark mo on how you send a text message. Yung may pa footnote eklat like
x0x0-NAME-x0x0
**gErLaQuoH**
~kUyaQoUh~
Examples lang yan, ano ka ba. HAHAHHA. So you have to create an identity para kapag nakitext ka sa iba alam agad ng kausap mo na ikaw you without even saying na kaw yun. Dito na din nauso yung papalitan mo yung H ng J kapag nagrereact ka like hahaha, hehehe, huhuhu, hihihi, hohohoho. Gets mo na?
JAJAJAJAJAJA
JEJEJEJE
JIJIJIJIJ
JOJOJOJOJ
JUJUJU
At lumaganap ito, hindi ko alam kung bakit. Dahil gusto ba natin ibalik ang salitang kastila? I don't think so. Gusto lang talaga ng mga kabataan noon (namin) na gumawa ng trend.
Sikat din nung time na yung yung Pokemon and Digimon.
Ano? Ituloy ko pa ba?
So ayun, JEJEJEJEJEJEJE + Pokemon = JEJEMON
How to identify or classify a jejemon?
Antagal magtext tapos eto lang pala yung tinext uZt5H nA pH03z k3i0?
Laging may special character sa text
Laging nagssend to many ng text or naggroup message. (old school GC)
Di nauubusan ng katext.
May clan na sinasalihan (groups)
Yung Friendster account mo may song na malakas pagkaopen ng profile mo tapos yung personalized mong page na may glittery eklat and sariling cursor tapos andaming testimonials from mga friends and other people na ayaw naman talaga magbigay ng testimonial sayo, nagigigawa lang pangyabang ng iba para kunyari famous ka.
Yun lang yung naiisip ko hahahaha antok nako sorry. Paki dagdagan na lang sa comments kung may naaalala pa kayo.
Jejemon phase
OO, di ko naman tinatanggi o kinahihiya. Nagdaan din ako jan. Teens eh, syempre kahit ayaw mo makiuso makikiuso ka na lang din para mapansin ka ni kras.
Sa totoo lang matagal tagal din akong naging jejemon. From highschool, until 1st or 2nd year ata ng college. Gusto ko kasi magpaka-COOL din noon. Peer pressure nga naman oo. Pero graduate nako dun. BLEH
Nauso na din yung Facebook, 2009 ako naggawa ng account ko sa Facebook and yun pa din yung account na gamit ko until now. Naguupdate and website at hindi lang pang individual na profile ang pwede mong makita, nagstart sila na maglabas ng FB Page na concept. Teka, iba ang mga FB Pages noon kesa sa ngayon. Noon, pwede kang maggawa ng page na kahit ano lang. Katulad nito,
Teka biglang may bumalik sa nakaraan ko. Naging admin ako ng page na to.
side story......
Eto yung time na nagpapakamartyr ako sa 2nd jowa ko. Why? Bukod sa secret yung relationship namin, balak nya pa din ligawan yung bespren ko that time na hindi nila alam na kaming dalawa na. Nashare ko na ata to sa ibang articles ko pero, ayun nung siniwalat ko ang katotohanan na kami na dineny nya ako sa harap ng mga kaibigan ko at kaibigan nya. Tapos ako pa yung lumabas na nangagaw.
Nung nalaman na ng lahat ang set up namin, syempre di kami nakapag start ng maayos in public tapos dahil wala akong makausap about sa love problem ko naging active ako sa pagbbrowse sa Fb ng mga kung ano ano about sa love problem. Nauso yun noon dahil may mga tao na nagkakaisa or nakakarelate sa mga love problems. Naging active ako sa page na yan sa taas. Tapos sa sobrang wala na akong magawa, nagbibigay na ko ng advise hanggang sa ginawa na akong admin doon.
Love advisor?
Madaming nagsasabi na kung sino yung magaling magbigay ng advise, sila pa yung hindi nakakagawa ng inaadvise nila. Totoo yon, kasi nga mas madaling magsalita kesa sa gawa. Kelangan mo talaga ng tapang at tatag ng loob para magawa mo parehas yon.
Anyway, ayun na nga. Kung ano ano lang naman yung mga post ko dun. Bigyan ko kayo ng konting sample.
Rephrase ko yung last...
Heartache is like a toothache... Nawawala kapag tinatanggal chaaaarz
Eto pa.
Hindi ko na din matandaan kung san ko pinagkukuha yang mga pinopost ko jan.
Napapansin nyo bang puro hugot halos. Kasi nga martyr ako noon. HAHAHAHAHAH.
Pero syempre tumatanda tayo, natututo, nagmamature. Yung mga bagay na nangyari saken noon, pagsinabi kong ayaw ko ayaw ko talaga. Wala akong binalikan kasi pinaninindigan ko yung desisyon ko na mangiwan, pero bago kita iwan nagbigay na din ako ng mga chances. Pwedeng alam mo or di mo napapansin na chance na pala yun na magiba ka. Kasi ako naniniwala ako nakapag gusto mong magbago, hindi mo kelangan idikta. Kapag dumating yung time na nagkamali ka, kelangan mo itama yon. Kelangan mong magisip, sa puso, sa salita para maitama yon. Kapag di mo nagawa at naging habit mo na, dun ko lang marerealize na 'uy ganon ka pala talaga. Nagbigay ako ng benefit of the doubt pero ganon ka pala talaga.' Tapos ayun out na!
Pero biruin mo taon din ang pagiging martyr ko bago ako mabatukan ng katotohanan. Bago ko marealize na kawawa na pala ako, wala nang para sken. Ay nga pala, yung 2nd jowa na yun umabot kami ng almost 5years.
Red flags?
Dami nyang red flags sken noon, pero dahil matagal na kami yung fear na baka di nako makakita ng taong tatanggap sken andun kaya di ako makakalas. Oo, wala akong confidence sa sarili ko noon. Feeling ko panget ako, panget ugali ko (dahil yun ang pinarealize saken ng mga magulang ko noong bata pa ako). Isa isahin natin yung red flags dahil sya yung longest relationship ko nun and pinakaunhealthy relationship ko din.
sinikreto ako at dineny sa umpisa palang
tamad gumalaw, ako lagi top tapos sya lang nakakaraos eeew.
nung di pa kami lantad, inuna nya lagi yung nililigawan nya kahit kami na
ilang beses na sya nagloko and nakikipag SOP sa iba at dineny eh may ebidensya sa text.
Minsan inuna pa nyang sumama sa mga kaibigan nya kesa sunduin ako sa school sa araw ng birthday ko. (nga pala never naging big deal ang birthday ko, infact I treat it as an ordinary day. Pero kapag jowa kita, yung thought na makasama man lang kita sa araw na yun importante sken, maramdaman ko lang na may taong thankful na nabuhay ako sa ganung araw at taon.)
Sinisisi yung pagkakaroon ko ng trabaho dahil wala daw akong time para sa kanya, samantalang sya tong tambay sa bahay nila. (take note parehas kaming iregular student, so yung mga araw na wala akong pasok, pumapasok ako sa work. On his part, kapag wala kaming pasok nasa bahay lang sya).
Thoughts
Mahirap maging martyr,sayang yung mga oras, araw, buwan at taon na dapat sana masaya ka sa ibang tao. Wag tayo maging martyr. Hindi one sided ang relasyon.
Pero take note, walang relationship na laging masaya lang tska boring yun. Mas nakakatuwa isipin na habang mas tumatagal o sinusubok kayo ng relasyon, mas marami kayong makkwento sa mga anak, apo at sa ibang to about sa mga naapagdaanan nyo.
Okay, masyado na atang mahaba ang article ko. Ilang araw na din tong nasa drafts ko kaya, ippost ko na lang hahaha.
Ilang araw na din akong lubog at sana makatulong man lang sana to para lumutang ako, tayo, kahit alam kong walang sense tong article ko. LELS!
Oh no, salubungin na pala natin ang Abril!
Seryoso na e pero natawa ako sa Two Months love will kill you hahaha! Pero ang daming insights dito at lessons na dapat take note ng lahat. Saludo ako sayo. Nakayanan mo magpaka martyr. Hindi talaga pantay ang pagmamahal e. Meron at meron sobrang magmahal.