May Boyfriend ka na ba?.....
Oo na! Ako na ang wala! Ako na ang hindi pa nahalikan! Ako na ang buo pa ang kiliti! Ako na ang, san mig ang karamay sa gabing malamig, at kahalikan magdamag hangang ang aking katawan ay tuluyang mamanhid at mahimbing na nakatulog sa payapang magdamag.
Disclaimer
Ang mga salitang babanggitin ay pawang imahinasyon lamang ng may akda, anumang pagkakapareho sa lugar, pangalan, insidente ay hindi sinadya o kinopya. Maraming salamat sa inyong pang unawa!
Ako si Aya, walang naging nobyo mula pa noong pagkabata hangang magtrienta y tres. Oo tama yang iniisip mo, hindi pa ako nahahalikan, nahahawakan sa mga nakakakilitang parte ng aking katawan. Ngunit ang aking pangunawa at kaalaman ay higit pa sa mundo ng kamunduhan. Pag-ibig? Hindi ko man siguro ninais pang patagalin, gusto ko mang maramdaman ngunit hindi ko pa natatagpuan.
Mayroong nagsabi kailan lang sa akin na kung anong mayroon ako ngayon ay aking pinili. Aking plinano at itinakda. Maraming beses na binigyan ako ng pagkakataon na piliin ang landas na aking tatahakin. Totoo nga ba? Siguro.
Highschool ako ng makilala ko si Mike, si Mike ay palikero, bibo, at makulit pa sa mga lamok na hindi mapatay ng katol. Maalaga si Mike, isa pa siya yung tipong maginoong bastos. Ngunit ang kanyang pagpapahaging ng damdamin sa akin ay hindi ko pa kayang suklian. Masaya ako na nagustuhan ako ni Mike. Ngunit hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagnonobyo. Isa pa, wala akong nararamdaman kay Mike. Si Mike ay isang lamok, hadlang sa aking mahimbing na pagkakatulog.
Kolehiyo ako ng, magtapat ng pag-ibig sa akin si Tupe, matalino, at lagi akong inuungasan sa listahan ng matatalino. Perpekto na sana si tupe para sa akin, at matitikman ko na sana ang kanyang labing mapupula at palagiang nagiimbitang mahalikan, pero meron siyang bigote, at mukang isang beses lamang siyang magsepilyo. Hindi mahilig magshave si Tupe, at kung hindi siya marunong maglinis ng sarili ay ganoon na din sa bahay. Sabihin na nating, hindi ako mapili, pero maarte ako. Sa dulo, nagpaligsahan kami sa listahan ng ranggo sa eskwelahan. Naungusan ko siya hindi niya iyon matanggap at kalaunan pagkatapos ng kolehiyo ay naghiwalay ang landas namin.
Katatapak ko lamang sa unang trabaho ko ng may isa akong senior, na nagalok sa akin ng mga bagay bagay. Na siya daw ang paraan para makaakyat ako sa pinakamataas na ladder ng hindi rin naman ganoon kalaking kumpanya. Sabihin na nating ang pangalan niya ay Apple, masarap sana siyang tikman araw araw, pagkat sa kanyang tindig at magarang kasuotan, mukhang may tinatagong siyang isang dosenang tinapay, at matipinong katawan. Ang mga kwento niya'y may kayabangan, siguro dapat lamang dahil, pinaghirapan niya naman. Pero habang patuloy ang pangungulit sa akin ni Apple, mayroon akong natuklasan. Hindi ko ugaling makipagkaibigan at makipagplastikan sa aking mga katrabaho. Ngunit isang araw, naging iba ang tingin ng mga tao sa paligid sa akin, para akong may ginawang kasalanan. Nalaman ko na lamang sa bulong bulongan na meroon ng asawa at anak si Apple, na muntik ko ng matikman. Sa huli, umalis ako sa trabaho dahil wala ng dahilan, para magpatuloy pa sa mga ganoong environment.
Well, siguro hindi meant to be ang mga lalaking nakasalamuha ko. O sadyang hindi para sa akin. Nasa ikatlong taon ako ng pagtatarabaho sa bago kong kumpanya, ng mamatay ang aking mga magulang. Nasabi ko bang ako ay nagiisang anak lamang? Matagal na panahon ang ginugol ko sa pagluluksa. Hangang sa matauhan ako na wala na nga sila. Nagpatuloy ako sa aking buhay. At sineryoso ang pagiging career woman ng hindi ko nalalaman na lagpas na pala ako sa kalendaryo. At panay na ang tanong ng makatrabaho, kaibigan at mga kamaganak ko kung wala pa daw akong iniibig.
Oo. Pinili ko ito. Pero nagtry naman ako. Pero hindi lang talaga siguro para sa akin. At oo gusto ko ding matikman ang halik ng unang pag-ibig, at ang maiinit na sandaling sa porn at pilikula ko lang napapanuod. Pero kung gagawin ko man sa taong mahal ko, dahil naghintay ako ng mahabang panahon para dito. Kung di siya dumating, bahala na ang kapalaran para sa akin. Lilingon ako sa pinakamas malapit. O tatanaw kahit pa sa mas pinaka malayo. Lalandi kung may makita, ngunit kung wala, masaya naman ako sa pag-iisa.
Isa sa mas magandang benipisyo ng pag-iisa sa duration ng aking buhay, ay ang hindi ko pagkukumpara. Hindi ko maihahalintulad, kung mas masaya ang may kasama o mas masaya ang wala. Kung mas masayang maingay o tahimik. O kung masa masaya kapag dalawa kayo o nag-iisa ka. Dahil kahit mag-isa ako, nararamdaman kong masaya ako.
Kung bakit, kung paano, siguro mula sa umpisa pa lang, eto ang kalsadang ginawa ko para sa akin. Mula sa pagtanggi kay Mike hangang sa pagkakakilala, kay Leslie.
Si Leslie ay nakilala ko sa ika-33 ng aking buhay. Ang regalo ng langit para sa akin.
T H A N K S F O R R E A D I N G !!!
Omg ! Haha I guess I made it so mysterious! Horraaay! I've been dying to published an article with my native language and I hope I have made you laugh mga kapinoise! Lols!
Hi cachichan, pahiram ng aya sa maya mo. Hahaha π
Credits
Well credits to those, who inspires me to write tagalog! Hehe, thanks carichan, eybyoung, jane, ruffa and many others.
Thanks to Cristian Castillo @castillcc for making the lead image available freely on Unsplash π https://unsplash.com/photos/73pyV0JJOmE
...and you will also help the author collect more tips.
True love can wait and there's a perfect time. Someone in the future will destined to us...
God bless you Meyzee...πβ€οΈ