Continuation...
Naalimpungatan ako dahil sa mga apak na naririnig ko. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ng landlady kanina. Pagtingin ko sa aking relo, biglang lumaki ang mga mata ko dahil saktong alas otso na. Bigla rin akong nakarinig ng mga kaluskos. Andito na ang ikinakatakot ko. Ano bang dorm itong napasok ko. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Tapos isang liwanag ang aking naaninag. Ano bang ibig sabihin nito? Nasa heaven na ba ako? Patay na ba ako? Sana hindi, marami pa akong kailangang gawin. Lord please help me! Mas ibinuka ko ang aking mga mata. Napansin kong nasa loob pa rin ako ng silid, dahil dito nakahinga ako ng maayos.
Magtatalukbong na sana ako ng kumot ng biglang may nagsalitang lalaki.
"Oy!"
Tinignan ko kung sino yung nagsalita. Nang masilayan ko kung sino ito ay napansin kong nakangisi pa ito.
"Bakit?"
"Anong bakit? Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?"
"Ano bang sasabihin mo?"
"Bakit kaba nagtatalukbong tapos bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo?"
"A-ano kasi, A-alas otso na"
Biglang tumawa yung lalaki. Sa tingin ko siya yung roommate ko
"Anong nakakatawa?"
"Naniwala ka naman sa sinabi ng landlady?"
"Oo, kasi parang totoo eh"
"Naku, panakot lang ng matanda yon para wala ng lumabas sa ganitong oras, tsaka kung totoo man yun matagal na sanang may nangyari sa akin dito"
"Ibig ba sabihin matagal ka na dito?"
"Oo, isang taon na rin. Ako pala si Jace" sabay abot niya ng kanyang kamay at akmang makikipag-shakehands.
"Ganon ba. Ako naman si Juan" sabi ko naman
Pagkatapos non ay nagpaalam na siyang matutulog na din. Dahil don nabawasan ng kunti ang aking kaba at sa wakas may kakilala na rin ako dito.
--*--
KInabukasan, maaga akong nagising because it is the day, the day wherein I'm going to FCU or Filipino Citizen University para makapag-enroll. I can't conceal my excitement. I feel nervous at the same time. I am going to meet new people, new faces, and new friends.
When I saw him-Jace, I suddenly remember what had happened in the evening. I can see his weirdness from his silhouette. I can't totally explain what I feel whenever I see him, he's so mysterious and that is what I want to discover. I want to know everything about him, the mystery of his being.
--*--
I am currently here at the campus, and as expected napakaraming nag-eenroll na tiyak kong maggre-grade 11. Of course, this is the day reserved for us incoming senior high schoolers.
I can see a group of people funneled into the main gate. As I enter the gate, I can feel the ambiance of the place; it is far different from the province. I continue looking at the whole place, it seems that serenity is widespread in the area, I can't see any troublemakers and I hope it will continue.
Nasa harapan na ako ngayon ng SHS Building ng paaralan. Bumungad agad sa akin ang mahabang pila ng mga mag-aaral kaya naman agad na rin akong nakipila without even knowing kung anong strand itong pinipilahan ko.
Isa-isang natatapos ang mga nasa harapan ko hanggang sa ako na ang nasa harap. Agad akong tinanong.
"Why did you choose this strand?"
Hindi pa nagsisimula ang klase ngunit mapapasubok na ako.
"I choose this strand ma'am because I want to fulfill my dream which is to become a Certified Public Accountant"
"Well, nice answer but I think you don't know kung ano ang pinilahan mo"
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko dahil sadyang naguguluhan ang utak ko.
"Nako iho, marunong ka bang magbasa? STEM Strand ang pinilahan mo" sabi ng guro in a relatively high tone.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
P.S
I do not own any of the pictures. Credits to the respective owners.
Photo © Pixabay
Preview
First Chapter
Second Chapter
How is it?
By the way it is just the third part for this chapter. Stay tuned always for more updates. You can click the subscribe button and hit the like button. :)