Independence P2

0 20
Avatar for MJCD03
Written by
4 years ago

Pagkatapos kong basahin ang lahat ng nakasaad sa papel ay bigla na lang bumungisngis ang landlady na siyang nagpataas ng aking mga balahibo.

"Ayos lang ba? Bale Isang libo ang upa mo rito" sabi niya

"Ayos lang naman po medyo nakakatakot lang ng konti ang iba haha"

Pag-kaabot ko ng bayad sa upa ay papasok na sana ako ng may ipina-alala ang landlady.

"Paalala lang iho, malapit ng mag-alas otso" Pagkasabi niya don ay bigla na lang siyang naglaho sa dilim. Ano ba kasing meron sa alas-otso na yan.

Bago pa man ako kainin ng kilabot at takot agad ko nang tinungo ang aking magiging silid. napansin kong 2-story lang pala ang dorm na ito pero malawak naman. Puro babae ang nasa baba, malamang baka nakalaan para sa mga babae ang unang palapag. Aakyat na sana akosa hagdan ng mapansin ko ang isang babaeng nakaupo sa may sofa, ewan ko pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya.

Bigla ulit nagsitayuan ang mga balahibo ko kaya naman umakyat na ako sa hagdan pero dahil sa pagtataranta ay nadapa ako sa pinakamataas na bahagi ng hagdan pero buti na lang mahugpit ang pagkahawak ko sa kahoy na hawakan kaya hindi nila nakita ang sana'y nakakahiya at masakit na pagkakalagapak sa baba.

Pagpasok ko sa aking silid napansin kong pangdalawahan ito. It means I will also have a roommate. Napansin kong may gamit na sa ibaba ng double deck na kama na nasa harapan ko. Sakto lang naman ang espasyo nito para sa dalawang tao.

Dahil I have no choice, umakyat na ako sa itaas ng kamang ito dahil malamang sa malamang may mas nauna ng pumunta dito at mas pinili niya diyan sa ibaba.

Pagkatapos kong ilagay sa dapat kalagyan ang mga gamit ko, naisipan kong tawagan muna sina mama at papa.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan sila. Sinagot naman bigla ni mama.

"Hello anak? Maayos ka lang ba na nakarating diyan?" Si mama.

"Oo ma. Ayos lang naman kahit papaano." Hindi ko na sinabi 'yung mga nangyari kanina dahil baka mag-alala pa sila.

"Anak, mag-ingat ka diyan ha? Huwag na huwag kang magbubulakbol diyan. Tandaan mo, pumunta ka diyan para maabot ang mga pangarap mo." Sabi ni mama na halos mangiyak-iyak.

"Siya nga pala 'nak, gusto ka rin daw kausapin ng papa mo." Mula sa kabilang linya ay nadinig ko ang boses ni papa.

"Juan, musta ang buhay Manila?" Panimula ni papa.

"Okay lang naman po." Sabi ko na halatang pagod.

"Oh, tila napagod ka yata. Sige, magpahinga ka muna. Sa susunod na lang ulit. Basta tandaan mo na magpapakabait ka diyan ha? Kung ma mang-away sa'yo sabihin mo para resbakin natin." Sabi pa ni papa.

"Sige pa."

"Huwag mo munang ibaba may sasabihin pa yata ang nanay mo."

"Sige po."

"Nga pala Juan. Siguraduhin mong hindi ka magtamad-tamad diyan ha? Maging alerto ka palagi! Kundi papaluin kita kapag umuwi ka."

Bago ko ibaba ang tawag ay may pahabol pang sinabi si mama.

"Labyu nak! Miss na kita!"

"Labyu din mama. Mas miss na kita!" Sabi ko tapos naputol na ang tawag.

Bigla tuloy akong napatawa. Kahit ilang oras lang pala na mawalay sa kanila ay nakakamiss na. 'Di bale, magsisipag ako dito para matulungan ko silang maiahon sa kahirapan ang buhay namin.

Pagkatapos ay natulog na ako dahil na rin sa pagod sa biyahe.


 Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

P.S

I do not own any of the pictures. Credits to the respective owners.

Photo © Pixabay


Preview

Jacinto Treasure

First Chapter

Weird Beginning

Weird Beginning 2

Weird Beginning 3

Weird Beginning P4

Second Chapter

Independence P1


How is it?

By the way it is just the second part for this chapter. Stay tuned always for more updates. You can click the subscribe button and hit the like button. :)

5
$ 0.00
Avatar for MJCD03
Written by
4 years ago

Comments