Kinabukasan, mas naaga akong nagising. Siyempre ayaw kong maulit muli yung tagpo kahapon. Masakit pa rin ang aking tainga, namamaga pa rin kaya naman hindi ko muna paiiralin sa ngayon ang aking kapilyuhan.
Unlike yesterday, it looks like she was beautifully awake. If I am not mistaken, it seems like she is having a serious conversation with my father. Even if I was the naughtiest son for her, I respect their privacy.
When she noticed me, she asked me if I have heard their conversation. Of course, I said no and when I ask her why she's asking that lame question to me, I heard nothing but secret. She told me that, they will tell it to me tonight.
Maghapong napuno ang aking isipan ng iisang tanong lang.
Hindi ako mapakaling malaman yung sasabihin ng mga magulang ko sa akin. Ewan ko para kasing hindi maganda ang sasabihin nila. Natatakot na tuloy ako. Ngunit kailangan kong tibayan ang aking loob. I should not miss the chance to know it.
Ang hirap talaga. Sabay-sabay ang tagaktak ng aking pawis. Nakakapagod. Ngunti wala naman akong ibang magagawa pa. Ganito kasi talaga sa probinsiya. Kailangang magtrabaho lahat para mas madaling matapos ang mga gawaing bahay.
"Ang sipag mo ngayon ah?" biglang sabi ng aking itay mula sa aking likuran
"Naku, nakakagulat naman po kayo"
"Nga pala, pag-iigihan mo ang pag-aaral mo sa maynila ha?" sabi ni itay na ikinagulat ko at ikinataka.
"Ano? pag-iigihan ko ang pag-aaral ko sa maynila? Bakit doon po ba ako mag-aaral?" tanong ko naman
"Nako, lagot ako ngayon sa nanay mo"
"Bakit naman po" sabi ko habang gulong-gulo pa rin ang aking isipan.
"Ano kasi"
"Anong ano po? sabihin niyo na, nambibitin pa po kayo eh"
"Total, nadulas na lang din ang aking dila sasabihin ko na sa iyo ang buong pinag-usapan naming ng iyong ina."
"Sige, sabihin mo na po" sabi ko habang di mapigilan ang pagka-excite
"Ganito kasi iyon, bale napagkasunduan namin na sa Maynila ka na mag-aaral doon sa Filipino Citizen University, libre na daw kasi ang matrikula doon tapos may libre pang allowance kapag naging scholar ka."
Did I hear it right? Will I study at Manila? Wait, panaginip lang kaya lahat ng ito, kung oo sana hindi na matapos ang panaginip na ito.
"Oo naman, bakit mukha ba akong nagsisinungaling?"
"Ay bago ang lahat, huwag na huwag mong sasabihin sa nanay mo na sinabi ko na sa iyo. Ay nako lagot ako nito kapag nagkataon. Kilala mo naman yang nanay mo, nakakatakot kung magalit. Lahat hahamakin masaktan ka lang" si itay na bakas sa mukha ang pag-aalala.
--*--
Kinagabihan, nagtipon-tipon kaming tatlo sa hapag-kainan. Habang kami ay kumakain, nagsalita si inay.
"Nga pala bago ko malimutan yung sasabihin ko. Sa maynila ka na mag-aaral. Yan yung napag-usapan naming ng iyong itay kaninang umaga"
"Talaga po?" kunwaring kalalaman ko lang
"Oo, kaya magpursige ka don, kung hindi huwag ka ng uuwi kung ayaw mong durog ang iyong katawan"
"Siyempre naman po, matalino kaya itong anak mo"
"Aba'y pasalamat ka at sa akin mo iyan namana" pagmamalaki ni inay
"Sa kanya daw, eh kaya itay naman talaga" Bulong ko sa sarili
"Anong sabi mo?"
"Wala po, sabi ko sa inyo nga ako nagmana ng katalinuhan"
"Mabuti kung nagkakaintindihan tayo"
Pagkatapos ng tagpong iyon, eto ako ngayon malalim na nag-iisip sa aking kama. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman kanina. It was such very good news. Hanggang sa nakatulog na ako kaka-isip don sa nalaman ko mula sa kanila.
Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog, bigla na lang akong nagising mula sa isang panaginip. Mayroon kasing isang papel na dumapo sa aking mukha. Tapos pagtingin ko dito, nakasaad don ang...
"The place where you can find yourself into an escapade"
Tapos bigla na lang akong kinain ng papel na iyon kaya agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga.
Pagkatapos non ay agad ko ding ipinagpatuloy ang aking naudlot na tulog sabay sabing.....
Panaginip lang iyon.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
P.S
I do not own any of the pictures. Credits to the respective owners.
Photo © Pixabay
Preview
First Chapter
How is it?
By the way it is just the second part for this chapter. Stay tuned always for more updates. You can click the subscribe button and hit the like button. :)