Weird Beginning P4

0 10
Avatar for MJCD03
Written by
3 years ago

Sabay karipas ng takbo papasok sa loob ng jeep. Hay, salamat talaga at naiwasan ko ang flying tsinelas ng nanay ko haha.

Ngunit ano itong nakikita ko? Totoo bang hinahabol ng nanay ko itong sinasakyan ko?

"Hoy juan, lumabas kang bata ka!" sigaw ni nanay habang matulin na tumatakbo

"Nay naman oh, biro lang yun!" sigaw ko sa kanya

"Anong biro ka diyan!...." magsasalita pa sana siya ng bigla siyang huminto at tuluyang nakalayo ang sinasakyan kong jeep.

She may be the angriest and funniest person in the world but still, she was the best one for me. I know that deep inside her, was a caring woman who will do everything to give a bright future for her son. Basta ito ang itatanim ko lang sa aking puso't isipan, I will go there to study hard so that I will be able to raise the kind of life we have. Hindi magbulakbol at mapabilang sa mga taong tumatahak sa maling landas.

Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe, may feeling ako na tila may nakasunod sa akin na mga mata. Dahil dito parang nababawasan na naman ang self-confidence ko. Dahil ba sa marami akong tigyawat sa mukha? Ewan ko pero parang may instinct talaga ako na ganon.

I cannot conceal it anymore. Hindi ako mapakali, I want to catch that person. Agad akong kumilos pero pagtingin ko sa likuran ko wala naman akong napansin na tumitingin talaga sa akin.

Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Biglang napalibutan ng misteryo ang sinasakyan ko.Tapos ayon!

"Sa wakas huli ka!" medyo may kalakasan na sabi ko

Pero teka bakit ito ang nakita ko. Isang hamak lang pala na stuffed toy na may malalaking mga mata at sinabi pa nito ang nakaprogram nitong mga salita.

"Am I Funny? Am I Ugly?"

Dahil dito, halos tumawa lahat ng nasa loob. At eto ako ngayon, tinatakpan ang buo kong muka dahil sa kahihiyan.

"Peste yung laruan na iyon, napahiya tuloy ako" bulong ko sa sarili.

--*--

Bigla akong nagising mula sa tapik ng katabi ko.

"Boy, nadito na tayo"

"Saan po to?"

"Nagbibiro ka ba boy? Malamang sa Manila"

"Ganon po ba? Sige salamat po"

Ito na ba ang Manila? Kung ganon, sobrang kaka-iba ang itsura nito sa amin. Magkakadikit ang mga gusali. Halos wala ng espayo.

All of a sudden, a man from behind forcedly grabbed my phone. I run as fast as I can upang habulin ang taong iyon but it seems like it was an unlucky day for me dahil kung kalian may hinahabol akong magnanakaw ay nadapa pa ako. Tumayo ako at suminghap sabay sabing "Ganito pala sa Manila. Maraming mandurugas."

"Nako boy, talagang maraming ganyan dito. Kayong mga dayo dito ang mostly na target nila kaya hangga't maaari huwag mong ibalandra ang mga gamit mo" sabi ng dumaang lalaki sa harapan ko na nakadinig ng sinabi ko.

Pero okay lang, kahit hinablot niya yun. Haha sigurado akong kinakamot na ng humablot ang kanyang ulo. Malamang eh pekeng Samsung lang naman iyon. Hindi naman yun talagang cellphone kundi isang laruan lang na parang Samsung na nabili ko sa bente-bente sa amin sa probinsya. Hindi ko tuloy mapigilang ngumisi.

Nadapa man ako, naisahan ko naman siya hahahaha.

Agad na akong humanap ng tricycle na masasakyan para tumungo sa dorm na uupahan na malapit lang sa paaralang papasukan ko. Habang nasa biyahe bigla ko ulit naalala ung pangyayari kanina. Hay isa na namang weird na pangyayari ang naganap.

Since medyo malayo pa ang aking pupuntahan, kinuha ko muna ang totoong cellphone ko na de-keypad lang naman sabay saksak ng earphone sa tenga ko para makinig sa isang music na pinamagatang Best Song Ever ng One Direction.

 Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

P.S

I do not own any of the pictures. Credits to the respective owners.

Photo © Pixabay


Preview

Jacinto Treasure

First Chapter

Weird Beginning

Weird Beginning 2

Weird Beginning 3


How is it?

By the way it is just the last part for this chapter. Stay tuned always for more updates. You can click the subscribe button and hit the like button. :)

2
$ 0.60
$ 0.60 from @TheRandomRewarder
Avatar for MJCD03
Written by
3 years ago

Comments