Juan's POV
As I stepped my two feet on the ground in this new place, I felt the excitement and also sadness maybe it is because it will be my first time to live without my parents. This time I can say that I am an independent person now.
The whole place was surrounded by many trees and at the back of it is a forest. And then, I suddenly felt strange but I just ignore it then I precede going inside.
Pagpasok ko sa loob naabutan ako agad ang landlady at masaya akong binati nito.
"Magandang gabi iho" pambungad na bati ng isang ale
Nakakagulat naman ito buti na lang hindi ako inatake sa puso.
"Magandang gabi rin ho, kayo po ba ang landlady" tanong ko.
"Oo, ako nga iho. Nga pala ito ang mga rules and regulations sa dorm na ito." sabi nito sabay abot ng kapirasong papel sa akin.
"Uso po pala ang ganito dito." sabi ko naman na bakas sa aking mukha ang pagkagulat dahil may ganito pala dito akala ko kasi sa mga paaralan lang, nako sinusumpong na naman ako ng pagka-ignorante.
When I opened it, my eyes suddenly become bigger. I didn't expect anything just like this.
Pamana Dormitory
Ano ba namang klaseng dormitory ito. Parang matagal na itong naipatayo at mukhang ipinamana mula sa isang henerasyon sa isa pang henerasyon. Parang nagkainteres tuloy ako na alamin kung ano ang misteryong nakapaloob dito.
1. Wala ng mag-iingay kapag sumapit ang alas otso ng gabi.
Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan dahil dito.
2. Siguraduhing nakapasok na sa dorm bago pa mag-alas otso ng gabi kung hindi masasaraduhan.
3. Pets are not allowed.
4. Bawal manigarilyo. Baka magdulot pa ito ng sunog.
5. Bawal magpapasok ng ibang tao kahit kilala mo pa ito.
6. Bawal magtagal sa loob ng banyo. Alalahanin hindi lang ikaw ang may kailangang gumamit nito.
7. Bago matulog huwag kaligtaang manalangin.
Dahil dito, naalala ko na naman ang aking mga magulang. Kabilin-bilinan kasi nila sa akin na magdasal muna bago matulog.
8. Huwag ng lumabas sa kwarto pagsapit ng alas otso. Kapag nahuling lumabas at pumunta sa kwarto ng iba lalo na kung hindi kayo parehas ng kasarian, nako pasensiya na, kailangan mo nang magligpit ng gamit dahil mapapalayas ka.
So, hindi lamang pala ito panglalaki, bale may mga babae rin dito.
9. Bago umalis dapat siguraduhing nakasarado ang iyong pinto para hindi pasukin ng ibang tao.
10. Huwag mo din sana abusuhin ang Wifi. Hindi porket libre ay lulubus-lubusin mo na. Tandaan mo NAKIKIGAMIT KA LANG.
Pagkatapos kong basahin ang lahat ng nakasaad sa papel ay bigla na lang bumungisngis ang landlady na siyang nagpataas ng aking mga balahibo.
"Ayos lang ba? Bale Isang libo ang upa mo rito" sabi niya
"Ayos lang naman po medyo nakakatakot lang ng konti ang iba haha"
Pag-kaabot ko ng bayad sa upa ay papasok na sana ako ng may ipina-alala ang landlady.
"Paalala lang iho, malapit ng mag-alas otso" Pagkasabi niya don ay bigla na lang siyang naglaho sa dilim. Ano ba kasing meron sa alas-otso na yan.
Bago pa man ako kainin ng kilabot at takot agad ko nang tinungo ang aking magiging silid. napansin kong 2-story lang pala ang dorm na ito pero malawak naman. Puro babae ang nasa baba, malamang baka nakalaan para sa mga babae ang unang palapag. Aakyat na sana akosa hagdan ng mapansin ko ang isang babaeng nakaupo sa may sofa, ewan ko pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
P.S
I do not own any of the pictures. Credits to the respective owners.
Photo © Pixabay
Preview
First Chapter
How is it?
By the way it is just the first part for this chapter. Stay tuned always for more updates. You can click the subscribe button and hit the like button. :)
Your article is a lmazing and informative. And article . Thank you so much for your valuable article. You are right...... Carry on....... almighty always bless you.....