Lunch for today : ) Kaninang umaga wala talagah kaming maisipan ulamin.Paano ba naman nag crave si Hubby sa Argentina pork giniling igigisa daw at lalagyan ng patatas. Kaso naman wala talagang mabilihan dito sa Lugar namin.Ewan ko ba dito samin lagi kulang kulang ang mga grocery store at palengke. Kaya sabi ko kay Hubby mag gata na lng kami ng sitaw at kalabasa total meron pang natirang hipon sa ref nung isang araw. Pumayag naman siya dahil bet niya din naman ang ginataan…
@Kyshin in May 2022
Buhay Nanay KAhapon masyado akong busy kaya di ako nakapagpost dito pasilip -silip lang sa dami ng gawain. Ang hirap talagah pag sayo lahat ng gawain sa bahay tapos may alaga ka pang bata na maligalig : ) Yun anak ko talagah mas lalong naging habol sa akin habang lumalaki ayaw paalaga sa iba. Kaya naman kahit saan man ako pumunta kasama ko siya.Habang naghuhugas ako ng pinggan nakakapit siya sa short ko yun tipong mahuhubaran na ako kakahigit niya. Habang nagluluto ako buhat…
Dothy Meet our new pet super happy ako kase may furbaby na naman kami dito sa bahay halos 7 months na din ang lumipas ng mamatay si black at bachuchu November last year. Hanggang ngayon talagang painful padin sakin ang nangyare dahil itinuring kona silang para kong mga anak. Kaya sobrang saya ko paguwi ni mama nung Monday na may dalang tuta. Galing sa Pinsan ko anak daw ni Wisdom ipinamigay na daw kaya kinuha ni mama ang isa. Pinangalanan ko siyang Dothie ( short for…
Tambay mode Pagkaalis ng asawa ko dito na naman kami sa bakuran namin dahil nagyaya na si baby lumbas dito kase siya naglalakad at naglalaro dahil malawak ang space. Gumawa din pala si papa ng lamesa kaya mas masarap ang kapehan at kainan sa ilalim ng mga puno ng mangga at langka. Medyo mabanas nga lang ang panahon ngayon kaya pinagpapawisan si baby ko kahit maaga pa kc walang hangin masyado pero masikat naman ang araw di naman siguro uulan. Mamaya pala dito kami…
Craevings Satisfied Kahapon ng umaga sinabihan ko si Hubby na ibili si baby ng diaper sa Supermarket afterwork niya. Nakailang bili na kase ako ng patingi-tingi sa tindahan lalo lang kami magagstusan. Dapat kase sa Sunday pa siya mag grocery kase may pasok pa sila ngayon dahil sa Monday election wala sila pasok. Buti na lang at umabot siya bukas pa sa All day Supermarket . Madalas kase 8pm nagsasara na sila kaya di na siya naabot. At as usual ang mga lalaki talagah pag…
Finished Product Masyadong busy at pagod ang araw ko simula kahapon at ngayon araw kaya hindi ako masyado makapgingay dito. Kagabi mga 9pm sinimulan ko magawa ng Ice candy.20pcs. na lng kase natirang Buko Pandan flavor sa refrigerator na gawa ko nung isang araw kaya kailangan gumawa na ako ng panibago. HInintay ko muna makatulog si baby kase panigurado bibitin na nman siya sa akin at magiiyak.Bawal pa naman iwanan kapag niluluto ito dahil masusunog at didikit dahil sa…
Election 2022 Sa tinagal tagal din ng pila finally nakaboto din.Grabe dahil pandemic ngayon mas lalo talagang matagal ang pagboto dahil sa limited lang ang pede pumasok sa bawat precinto. Kaya simula ng naging botante ako nakaugalian kona after Lunch ako boboto dahil walang pila sa ganun oras dahil nakasanayan na kase ng mga tao na maaga bumoto. Pero mukhang nagkamali atah ako ngayon dahil pagdating namin sa precinto jusme napakadaming tao sa precinto kung saan ako boboto.…
Money Problems? Naguguluhan talagah ako di ako makapagdecide sa totoo lang. Ilang araw kona din tong pinagiisipan. Ang hirap talagah pag nasa sa sitwasyon ka na naninimbang ka between your family at husband. Magcompany-loan kase si Hubby ngayon at nakapagpasa na siyang Application release na lang ang kailangan.So napagusapan kase namin na 20k ipupuhunan sa cash in-cash out business ko sa Gcash. 10k pangpaayos ng bahay yun lang naman ang hinihiling ko sa kaniya. Wala naman…
GoodHarvest again : ) Grabe talaga ang tuwa ko ngayon paglabas ko sa aming bakuran umidlip kase ako saglit dahil puyat ako kagabe pagagawa ng Ice candy actually kakagising ko lang tapos nagulat ako may langka sa ibabaw ng mesa. Haha not just one but two Hinog sa puno talaga yun isa pa nga na nasa picture nabitak na sa hinog kitang kita ang lalaki ng lamukot : ) May panghimagas na naman kami at syempre pang sahog sa Ice candy. Yun buto naman ilalaga pagkatapos ganun kase sa…
Super Hot Saturday Grabe napakainit talagah ngayon sa Pilipinas yun tipong ang init na ng hangin na ibinubuga ng electric fan kaya di mapakali ang batang maligalig. Dati ganitong Buwan madalas na ang paguulan pero epekto ng climate change mas mainit pa sa March at April ang buwan ng May. Kaya andito na naman kami sa bakuran kahit gusto ko sana matulog ngayon dahil walang pasok si Hubby kaso ayaw naman ng batang to tumigil sa loob ng bahay Kailangan kong bantayan dahil lakad…
Minatamis na Langka So ito na yun langka na na harvest nila papa nung isang araw bali naka 3 bunga kami ng na harvest at pangalawa na itong ini-slice kanina. Sobrang tamis niya kahit yun banakal (laman na nakabalot sa lamukot) kaya para di masayang kinaen ko na lng haha Yun laman kase ay mamatamisin ko pansahog sa Ice candy. Pwede na nga rin hindi matamisin pero mas okay kung mamatimisin na para lumabas talagahang flavor niya sa Ice candy. Sana mabenta parin kahit naguulan…
ASO'T PUSA Sabi nila hindi daw magkasundo ang aso't pusa pero look oh! Ang alaga kong si Dothy at Miles super close sa isat-isa : )Katunayan nga laging silang dalawa ang magkaharutan. Kahit sa pagkain magkasalo sila pati sa pagtulog magkatabi din. Habit ng dalawang to ang tumambay sa harap ng electric fan .. mga sosyalin din ang peg Haha Nung una dumating dito si Dothy talagang ayaw sa kaniya ni Miles. alam niyo un itsura nang pusang galit na tindig lahat ang balahibo haha…
Fishballs Kanina talagah wala maisipan kainin Nagke-crave talagah ako sa mga pagkain pag ganitong malapit na nag sahod kung kelan namanrunning outna ang budget haha : ) Tagal kona din hindi nakakain nito Paano ba naman walang gusto mag tinda dito sa amin kundi yun nakabike na nadayo pa galing sa ibang lugar. Sabi ng kapatid ko hindi daw nagtitinda si Kuya Bert un nakabike na nag fishballs umuwi daw kase sa Bicol kaya namiss na din nila kumain. Dun kase sila natambay ng tropa…
BACK TO ONLINE CLASS So back to reality na ulit kami supposedly 2 times dapat ang online class ng anak ko every week pero nagbago ang schedule dahil may mga studyante na kase sila nag limited face to face. Sabi ng Teacher nila kanina na almost for weeks na lang daw ang classngmga bata kaya pwede na daw sila ipa-sit in for f2f class atleast once a week.Para naman daw makaranas ang mga bata makipag socialize . Kaya magsesend daw si Teacher ng listfor first batch napapasok next…
PAYDAY ULAM Maulang Saturday na naman ito mga beshy, talagang rainy season na sa Pilipinas kaya struggle na naman sa pagpapatuyo ng mga damit ang mga tulad kong Momshy na walang dryer sa bahay : ) Pero okay lang tiyaga -tiyaga lang din makakapag pundar din tayo someday. Kwento ko nga pala ulam namin Kaninang umaga FRIED CHICKEN at Fried talong tapos bagoong galing kay Mother. Payday kahapon kaya sabi ko magluluto ako ng masarap.Dapat talagah magluluto ako ng menudo kase…
BIGLAAN LAKAD Kahapon nagchat na ang Teacher niya anak ko na ipapalista ang mga batang naka enroll fronm online class na mag sit in sa face to face class atleast once a week para naman daw maka experience ang mga bata . Hindi ko naman inexpect na buaks na agad ini-schedule ng Teacher ang anak ko kase siya ang pinakahuli sa listahan. Haha so medyo na alarma ang lola niyo kaya naman napabili ako ng uniform kanina para naman all new lahat ng gagamitin niya. Gusto ko kase…
FIRST DAY OF SCHOOL Maaga akong nagising kaninang umaga dahil dalawa ang papasok yun isa sa trabaho ang Mister ko at yung isa naman ay ang anak ko sa school for the first time. Honestly di talagah ako nakatulog ng maayos kagabi .. excited ba? haha oo totoo inaamin ko mas excited pa ako sa anak ko. Magkahalo kase ang nararamdaman ko excitement at kaba sa pagtuntong niya sa eskwelahan. Kaya kanina ako ang naghatid sa kaniya sa school habang naglalakad kami kinakausap ko siya…
Chopsuey Share ko nga pala sa inyo yun niluto kahapon for dinner.Nakabili kase ako sa Talipapa nung isang araw ng chopsuey na kumpleto na 25pesos ang isa.Bumili ako ng 2 balot balak ko sana na isahog to sa pancit minsan kase nagluluto ako kahit walang okasyon bastah trip ko lang : ) Eh kaso hindi ako nakabili ng ulam kahapon umulan na kase bandang Hapon kaya kung anu na lang lamanng ref iyon ang lulutuin. Buti may natira pang manok na 2 hiwa galing dun sa FRIED CHICKEN ko…
Spring Onions Dahil madami ako stock na sibuyas sa kusina naisipan ko itanim yun ibang masyadong maliliit. 3 beses na kase naglalako yun suki namin sa sibuyas ng bagsak presyo nung nakaraan 2 times ako nakabili 50pesos per kilo lang kaya naman talagang dinamihan kona dahil gamit na gamit talagah to sa kusina. Tamad kase ako lumabas ng bahay kaya mahilig ako mag stock ng mga pagkain. Tska mas nakaka save kase pag bibili ka ng madami kesa paisa-isa sa tindahan. Kanina lang…
Despedida Kahapon lastday na pala ni Sir Kunikata sa work dito sa Pilipinas. Mabe- base na kase siya sa Main branch sa Japan at bibisita na lang dito sa Pilipinas once a month. Siya nga pala ang vice president ng company na pinagtatrabuhan ng asawa ko dito sa Laguna Technopark. So dahil aalis na nga siya one week may pa surprise si Sir sa kanila .. Nag barbeque party, nag pa rice curry at namigay ng mga condiments from japan. Kahapon sa last day niya may pa treat daw sa SM…
Not feeling well again Ito naman tinamaan na naman ako ng trangkaso.Halos 2 days na din masama ang pakiramdam ko nagsimula lang sa sipon at sakit ng ulo bahing ako ng bahing na masakit sa ulo tapos yun sipon na parang tubig nakakaluha talagah grabeh. Hindi naman ako naambunan sa labas Nagising na lang ako kahapon na ganito ang pakiramdam ko.. Siguro dala na din ng paiba-ibang panahon kase iinit sabay biglang uulan kaya naninibago ang katawan . Halos mga tao dito may mga…
Sweet & Sour tofu and Hotdog 3days masama padin pakiramdam ko medyo naginhawa lang pag nakakainom akong gamot.Sinunod ko ang advice ng mga noisemates natin na drink more water. I admit naman di talagah ako palainom ng tubig pero ngayon na feel ko na mas maginhawa ang pakiramdam ko everytime na iinom ako ng tubig. Dahil may pasok si Hubby nightshift na siya this month of june kaya maaga ako magluluto ng dinner para kasama na sa baon niya pagpasok sa trabaho. Hindi ako…
Efficasent oil Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon mas mabuti pala bioflu agad ang ininom ko mabilis ang recovery ko. One time kase nakainom ako iba un effect niya sa akin kaya nadala ako uminom . Pero Kagabe kase parang walang pagbabago sa pakiramdam ko sa pag inom ko ng Neozep kaya naisip ko na palitan ng bioflu baka sakali may ipagbabago yun lang din kase ang available pag sa mga sari-store. Madami din akong nabasa sa mga comment ng ating mga noisemates na try ko mag…