read.cash Log in
K@Knotty

@Knotty in October 2021

K@Knotty

Sino po nakatry na bumili sa inyo ng portable sewing machine sa shopee or lazada na until now ay gumagana parin? May ma irerecommend ba kayong shop? Yung sewing machine na tag Php1k+ yung price, hindi yung maliit na tag Php200-300+ kasi madami akong nababasang negative reviews about dun eh. Kulang pa yung pera ko sa ngayon, nag iipon pa pero kaunting push nalang makukuha ko rin yung amount. Nagbabakasali lang baka may nakabili na dito na medyo matagal na pero gumagana pa rin…

K@Knotty

Happy Sunday po! Kakauwi lang galing church. Medyo inaantok pa ko kasi 3 hours lang tulog ko kagabi kasi almost 2am na ako nakatulog dahil may ginawa akong activies at ginising naman kami ng 5am para mag simba. Iinom nalang siguro ako ng kape kasi ang dami pang nakapila na mga activies na kailangan kong gawin para di na mag tambak kasi ang dami talagang binigay eh, isang subject pa lang more than 20 activies na yun tas one week lang. Nakakapagod pero laban pa rin. Konting…

K@Knotty

OS: Hometown Cha-Cha-Cha Break muna sa school works! Episode 11- start na ng nakakakikilig na scenes at funny din at the same time hahaha. Ang lakas ng chemistry nitong dalawa eh. Pero may boyfriend na to si Shin Min Ah in real life, si Kim Woo Bin kaya pang drama lang talaga sila. Natatawa lang ako minsan pag na zozoom ang mukha ni Kim Seon Ho aka Dusik lalo na pag ngumingiti siya. Naalala ko lang kasi yung role niya sa isang kdrama na napanuod ko dati ang title Welcome to…

K@Knotty

Happy 828 subs sa akin dito sa noise! Sobrang laking tulong nitong noise dahil kahit nasa bahay lang ako, nakakaipon pa rin kahit papaano. Nakita ko lang to sa post sa crochet group na sinalihan ko sa fb, at wala namang mawawala kung susubukan kaya tadaaah! Sa mga nakakapalitan ko, salamat din marami sa inyo, alam niyo naman na kung sino kayo. Malapit na rin pala akong mag dalawang buwan dito. Sana tumagal pa to ng ilang taon dahil ang dami talaga nitong natutulungan. Kahit…

K@Knotty

Forever baby, Ginger! Sa lahat ng pusa namin, ito talaga yung pinakainosente, singkit ang mata, at ito din yung ayaw magpakarga. Naalala ko dati nung kuting pa lang siya, kada manghuhugas ako ng pinggan, biglang tatalon sa likuran ko dahil gusto makipaglaro. Wala kasi siyang kalaro, siya lang yung kuting nung time na yun. Sa apat nilang magkakapatid, siya lang yung nabuhay. Sobrang weak nila nung pinanganak sila, buti nalang at may nabuhay kahit isa. Siya ang kauna-unahang…

K@Knotty

Yey! Nakagawa ulit ng simple crochet top. Actually, kulang pa to ng straps, mamaya ko nalang gagawin sumasakit na kamay ko eh. Ilang buwan din akong tumigil sa pag cro-crochet, ngayon lang ulit bumalik. Ilang buwan akong nawalan ng gana. Madami-dami ding akong wips na nagawa pero ni isa walang natapos. Pero buti nalang ngayon, bumalik ulit interest ko dito. Hindi pa din naman ako ganun kagaling mag crochet, yung mga basic lang alam ko, at kung minsan tumitingin pa ako ng mga…

K@Knotty

Grabe, hindi ko namalayan na 2 months na pala ako dito sa noise. Habang tinitingnan ko yung mga old posts ko, nakita ko nalang one month ago na pala yung iba. Sobrang thankful ako sa kung sino man yung nag introduce nitong noise, sobrang laking tulong. Dati, nung bago pa lang ako dito, ilang araw pa bago ko makuha ang 1$ ngayon, kayang-kayang na sa isang araw at may pasobra pa. Dito na din ako kumukuha ng mga binibili ko online, sobrang walang hassle. Inintroduce ko din to…

K@Knotty

PURE LOVE/UNFORGETTABLE Gusto mo ba umiyak? Try to watch this. Ang kwento nito ay tungkol sa mga magkakaibigan. Nakita ko lang sa fb while scrolling, na curious kasi ako kasi kasama si Kyungsoo sa bida kaya sinubukan kong panuorin. Na amazed nga ako sa acting skills ni Kyungsoo, ang galing! Nung una, akala ko last year lang to nirelease, pero di pala, nung 2016 pa pala to. Anyways, ang lungkot ng kwento nito. Masyadong mapanakit! Ang bigat sa damdamin. Dinagdagan pa ng…

K@Knotty

One of the perks of having a sister whose working as a teacher is having an instant part time job haha. She will ask me to record all the scores of her students and she'll pay me. Don't get us wrong, okay? She will only ask me if she'll get very tired. My sister is working for almost 3 years and I can see that she's very dedicated to her work. She works day and night. She is teaching in the morning, and in the afternoon and evening, she'll record their scores for activies…

K@Knotty

Arthur Nery New fave OPM singer! I'm proud to say that he grew up in the City same as mine. Actually, I already knew him before, not personally, but just his name and looks. Some of my friends keep posting him on their stories because they're the proud friends and school mates of him. The lyrics of some of his songs are kinda relatable. His voice is so good, I love it! His beautiful voice makes him more handsome. I just love that some of my kababayans are now making their…

K@Knotty

Limited Face to Face So andami nang rumors na baka daw sisimulan na next year ang limited f2f na klase. Hindi ko sure kung matutuwa ba ako o hindi haha. Okay lang sana kasi f2f na, pero limited lang eh, 20 students per classrooms lang. Tas feeling ko alphabetical pa to, so malalayo talaga ako sa mga friends ko huhu. Okay lang sana mag f2f kung balik na sa normal ang lahat. Mas masaya kasing mag aral diba kapag kasama mo mga friends mo. Don't get me wrong po. Matagal ko din…

K@Knotty

FULLY VACCINATED Sa wakas, fully vaccinated na! Mas okay ngayon, wala ako masyadong naramdaman na kirot pagkatapos ng injection. Sana bukas di sumakit, kasi nung 1st dose ko mas sumakit yung braso ko after 24 hours. So far, itong pagsakit lang ng naman ng braso ang naramdaman kong epekto at normal naman yun. Sana talaga, ngayong 2nd dose ko wala akong maramdaman na negative effect sa katawan. Hindi ibig sabihin na fully vaccinated ay pwede nang gumala nang gumala. Mag ingat…

K@Knotty

AYUDA Salamat sa ayuda, Paypal! Tatlong beses na akong natanggap ng email nila pero pag tinatry kong iclaim, parating not eligible. Buti nalang ngayon, pinagbigyan na ako ni paypal. Malaking tulong na din itong $5. Pero ang problema, hindi pwedeng itransfer ang amount sa gcash or paymaya so ang plano namin, ididirect nalang namin tong pambayad sa food panda para di na rin kami mag cod. Nakatanggap na din po kayo? Kung wala pa, subukan niyong icheck email niyo, tas iclaim…

K@Knotty

Dumating na kahapon yung inorder namin nung 10.10 sale sa shopee. Kapag umoorder kami, almost 2 weeks talaga bago makarating sa amin kasi malayo kasi yung lugar namin. Tapos pag international naman yung seller, more than 2 weeks bago makarating. Pero okay lang naman, sanay naman na kami haha. Kaya pag may kailangan kaming gamitin na kailangan pang orderin online, nag oorder kami mga 1 month before para sure na makarating na bago pa kailanganin. Yung inorder namin nung 10.10…

K@Knotty

Nagrereklamo na si shopee sa kaka add to cart ko hahaha! Sorry shopee, di ko pa kayang icheck out lahat ng nasa cart hehe. Yung feeling na andami mong gustong bilhin, pera nalang talaga ang kulang! Uunahin nalang muna yung mas kailangan at mas mura hehe. Ang daming items na din na sold out na pero nasa cart ko pa rin haha. Ang sarap siguro sa feeling pag afford mo na lahat ng needs at wants mo in life. Kaya ngayon habang di pa afford, tipid-tipid nalang muna. Priority nalang…

K@Knotty

Hello! Share ko lang itong group na sinalihan ko sa facebook. Parati silang nag uupdate sa members kung may mga vouchers o free items sa shopee lalo na kung sale. Ang daming members dito na nakakakuha ng items for free! Ang galing kasi ng admin maghanap ng mga items na may malalalaking discounts. Pero syempre, hindi lahat nakakakuha. Kailangan kasi mabilis ang kamay para makakuha. Kaya ako eto, nga-nga! Hahahaha! Isa pa lang yung na check out ko na pinost sa group na to,…

K@Knotty

HIGH SCHOOL MUSICAL My all time fave musical movie!! Elementary pa ako noon nung una ko tong napanuod. Lahat ng kanta, memorized namin magkakapatid haha! Madami na din akong napanuod na ibang musical movies, pero ito pa din ang the best! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nauumay sa kanta. Kahit ilang beses ko nang napanuod lahat ng seasons, gusto ko pa rin ulit-ulitin hehe. May nag musical play din nito sa school namin nung shs pa ako. Syempre, super nag enjoy ako kasi…

K@Knotty

Ang bongga talaga ng dekorasyon ng sm tuwing malapit na ang pasko. Kahapon pa lang ata nila ito binuksan sa publiko. Hindi ko pa ito nakikita sa personal kasi di pa ulit ako nakapasyal ng sm hehe. Ang maganda sa sm, pinapayagan nila ang mga tao na lumapit para makakuha ng litrato. Pero di ko lang sure ngayon kung ano ang rules nila kasi baka magdikit dikit ang mga tao, pandemic pa naman. May dalawang sm dito sa lugar namin, syempre magkaiba ng dekorasyon. Wala akong pic nung…