Hindi kumpleto ang elementary o high-school life mo kung hindi mo naranasan na sumagot sa slam book na inihanda ng mga kamag-aral o kakilala mo.
Second-year high-school ako nang nalaman ko ang tungkol sa slam book. Gumawa kasi yung classmate ko at pinasulat nya ako. Nung una, hindi ko alam ang mga isasagot pero katagalan, nasanay na din ako.
Naalala ko pa noon, bumibili talaga kami ng bagong notebooks, binabalutan ng maganda (may plastic cover pa) tapos magandang maganda ang pagkakasulat para maengganyo ang iba na sumagot. Tapos sa unang page ng notebook, may nakasulat pang:
"Personal Property of XXXXXXX... Please handle with care".
Gustong gusto ko noon pasagutin palagi ng slam book si crush para malaman ko kung na-crush back na ba nya ako, pero nahahurt naman kapag nakitang iba ang crush nya..ahahahaha!..Assuming lang ang peg.
At gustong gusto ko din magsagot ng slam book noon. Pag nakikita ko ang katabi ko na nagsasagot, nagpepresenta ako madalas na ako ang susunod kahit hindi naman ako inaalok na sumulat nung mismong may-ari.
Umpisahan ko na ang pagsasagot.
Note: Selected questions lang po ang sasagutan ko para naman hindi humaba masyado.
**** Personal Information ****
Nickname : Khing
Age : 35 (current age)
Zodiac Sign : Cancer
Romantic Status: Single (during my high-school days - 4th year high-school na kasi ako nag ka BF).
Pang ilan ka sa magkakapatid: Panganay
**** Favorites ****
Color : Pink
Singer : during high-school days - Aiza Seguerra
Subject : during high-school days - Mathematics and Biology
Teacher : during high-school days - Ms. Sante
Food : Ginataang langka na may luyang dilaw, Sinigang na baboy, Adobong Sitaw at Ginataang Gabi.
Song : Pagdating ng Panahon
Kasi theme-song ko ito kay crush way back during high-school.
Numbers: 2, 4 , 6 (I think lahat ng even numbers)
Sports :Jackstone
Hindi ko sineseryoso ang sagot ko dito dahil hindi naman talaga ako sporty na bata noon.
Boyband : A1, Westlife, Nsync (puro international boybands).
Wala pa atang parokya ni edgar nung high-school days ko.
Motto : Time is Gold.
Ang daming may favorite motto nito noon, hahahaha kaya nakigaya nalang din ako.
Kung minsan naman nilalagay ko "Age doesn't matter" kasi mas matanda sa akin si crush noon.
May isa pa pala akong motto na favorite kong isulat sa slam book "The more you hate, the more you love".
**** Personal Question : Answer with Sincerity****
Describe yourself : Mabait at simple
Hobbies: Reading Bible
Hindi ko alam pero sobrang gusto kong basahin yung book of Revelations ng new testament. Kahit paulit-ulit.
Describe the owner:
Gustong gusto kong binabasa ang sagot ni crush dito pag nagpapasagot ako sa kanya :). Kasi isa ito sa way ko para malaman kung anong impression nya sa akin.
What is crush : Crush is paghanga.
Ayan lang din talaga ang alam kong meaning ng crush that time.
Who is your crush: A.D.
Nung high-school days ako, kalimitan initials lang ang sinusulat ko sa portion na to). May minsan din, nilalagay ko ay code name. Binigyan ko ng code name si crush nun na "Lupin" tapos ako naman si "Fujico". Nakakatawa diba? Ang corny lang. Hehe. Pero yun kasi ang naisip since magnanakaw si Lupin diba? Nag umpisa kasi yun nung ginawan ko ng tula si crush.. Hahaha. Naalala ko pa ang iba sa mga linyahan kaya ko sya binigyan ng code name na Lupin: "Ninakaw mo, ang puso ko". Grabe pala pag naiinlove ang isang teenager noh? Nagiging makata.
Who is your best enemy: A.D
Di ko alam kong bakit galit ako sa kanya. Siguro kasi since second year high-school crush ko na sya tapos anong year na kami, maya maya gagraduate na, hindi pa din nya ako kina-crush back. May konteng pagkabitter din siguro kasi papalit palit sya ng GF, kala mo eh napakadali sa kanyang magpalit ng GF, hindi naman gwapo ..ahahaha.
What is love : Love is blind.
Pangit kasi si crush, hindi sya gwapo sa ibang salita, pero di ko alam kung bakit patay na patay ako sa kanya noon kaya favorite description of Love ko yan.
What is your most embarrassing moment:
Hindi ko alam kung bakit may ganito sa slam book. Embarassing nga so meaning nakakahiya, tapos ipangangalandakan mo pa..hahahaha. Kaya hindi ko ito sinasagot ng seryoso :).
Your ambition: To be a Teacher.
Mula talaga bata ako, ang gusto ko nang maging ay isang guro. Kaya gustong gusto ko nun kapag may mga student teacher program sa school kasi palagi akong napipili ng teachers ko. Madalas akong mapili noon na maging student teacher sa Mathematics. Siguro isa iyon sa naging impluwensya kaya ginusto kong maging teacher noon. Actually, nung second year college ako, naisip ko pang mag shift ng course eh from BS. E.C.E (Electronics and Communications Engineering) to BS Education. Kaso ayun, di ko na maalala kung bakit hindi ko na itinuloy.
Ikaw? Natatandaan mo paba ang mga paborito mong isulat sa slam book noon? Gawa ka na din ng version mo nito at ishare din sa amin.
Wow!! your article makes me smile at this hour 3:08 in the morning,what a good start,hndi ako nagkamaling basahin article mo te,hahhahaha naalala ko lang din ung mga sagot ko sa slam book dati,may favourite motto is (motto is like a koto that katol katol in the ulo)hahahahha (wait baka di mo naintindihan ung katol katol te,bisaya kc,kati kati yan sa Tagalog,(makati)hahahah)that's how crazy i am when answering someone's slam book..who is ur crush..(secret)ππ€£πwhat is love: love is pain, charot..what is your favourite subject: recessπ€£ππwho is your favourite teacher: my teacher in grade one.. because she is my first teacher..my explanation pa yanπ€£π€£π€£ haaaaaayyyy madami pa sana akong iseshare kaso baka mapuno ko tong comment section magmukha ng article πππ€£π€£π€£π€£ better luck next time..ππ€£π€£π€£ thanks for this ate nakatawa ako πππ