"Don't be afraid of being scared. To be afraid is a sign of common sense. Only complete idiots are not afraid of anything."
—Carlos Ruiz Zafón, The Angel's Game (The Cemetery of Forgotten Books, #2)
Mahirap talagang ma fall in love no? Wala kasing kasiguraduhan, hindi mo rin alam kung talaga bang magtatagal. Marami nang sumubok lumaban pero umuuwi pa ring luhaan ang karamihan. Love isn't a war pero diyan masusubok kung gaano ka katatag, kung gaano ka handang magtiis, at kung hanggang saan ang kaya mong gawin para lang matawag mong panalo ang sarili mo at makamit ang tropeyong inaasam-asam sa dulo.
Hayyyyy! Love is so so complicated! Hindi naman siya Mathematics problem na kailangan munang gawan ng step-by-step solution para makuha ang sagot. Ang mas nakakainis pa ay kung nageffort ka na ngang gumawa ng solution pero mali pa rin yung sagot mo. Oh diba? Sino relate? Parang sa love lang, you do all your best, you put all of your efforts, you gave the love and care that he/she needs, pinagsama sama mo na lahat ng dasal na alam mo hoping na kayo hanggang dulo...pero pagdating sa huli ayon ligwak, bagsak, talo parin, at eto ikaw umiiyak sa sulok kasi hindi 'oo' ang naging sagot.
Kaya hindi na talaga ako magtataka eh, kung bakit sa generation na ito andaming tao ang takot mainlove. Mayroon nga diyan ang tagal tagal na ng pagsasama pero hindi pa rin sila ang endgame. Imagine that? Ilang taon ang pinagsamahan, maraming memories ang nakamtan, at maraming challenges ang nalagpasan pero masisira lang ng isang dahilan.
Kaya hindi natin masisi ang ibang tao kung ayaw nilang magtake ng risk sa love life. Kasi first and foremost we don't know kung ano ang pinagdaanan nila, kung bakit sila napagod, kung bakit sila natatakot, kung bakit nagdecide sila na wag na lang sumugal. Love is so powerful to the point na kaya ka niyang buuin or wasakin sa isang iglap lang.
Author's Note
Article No.36 October 02, 2021
Hello everyone! I just want to introduce this article segment of mine for this month which is 'KhaiTalk'. This tackles about people's experiences in true life but it doesn't mean na naexperience ko na siya. Medyo messy pa and maiikli ang concept and chapters but I'm finding time para maayos ko AHAHAH. Thank you sa mga nagbabasa pala, upvoters, and commentators. Thank you sa supports! I will try to fix my ideas soon!
Oo nga sis, kaya nga yun Iba sabi na lang nila, Kung kayo, kayo. Diba meron matanda na sila pareho pero nun nakita sila ulet, naramdaman ulet nila na mahal pa rin nila ang isat isa.