Day 3
Breakfast time!
I don't really like eating rice during breakfast especially if its too early pa pero kailangan kumain at sayang ng bayad haha
One thing I love sa hotel na to kasi masarap ang mga pagkain nila. And sobrang dami ng choices na pwedeng pag pilian. Bukas try ko mag bread naman, light lang kasi baka makaramdam ako ng something habang nag eexam bukas hahaha
Good morning morning po sa lahat!
Day 2
Nag decide kami ng friend ko na dito sa may pool mag review para di kami matempt matulog sa room namin. Mamaya kapag malilim na mag babad kami ng paa namin sa pool habang nag aaral. Pang alis din ng antok namin to.
Nung nasa college of law kasi kami kapag nag rereview kami lagi namin nilulublob paa namin sa pool lalo kapag mag final exam kami. Effective naman sya sa amin hehe
Magandang umaga po sa lahat!
Day 1
Ang lakas maka sosyal ng aming room hehe
Bali hanggang November 20 pala kami dito ng friend ko mag istay para sa bar exam namin.
Hinatid Kami ng parents ng friend ko kanina at sobrang bait nila kasi binilhan kami ng bagong lampshades tig isa kami. Tapos nag grocery na din sila ng mga kakainin namin oh di ba? Ang swerte namin sakanila.
Bigla ko nga namiss ang mama ko kasi kung andito yun for sure aligaga din sya mag asikaso sakin. Kaso may ubo kasi ang mama ko kaya di na sumama at baka daw mahawaan kami. Baka sa sunod ay mag visit din sya.
Oh sya sige hanggang dito na muna.
Magandang gabi po sa lahat!
This is it pancit!
Ready na mga dadalhin ko, ito na ang araw na aalis ako para mag ready sa darating na exams ko. Yes exams po, kasi 4 days po ang aming examinations. Kahapon nag bawas na ko ng mga dadalhin ko kasi as much as possible gusto ko konti lang ang dadalhin Kong gamit. May service naman kami pero syempre mas gusto ko na konti lang talaga ang mga gamit ko. Kahit noon pa man na nagtatravel ako, feeling ko ang dami kong maiiwan hahaha
Anyway, waiting na lang ako sa niluluto ng mama ko, mag almusal lang ako then prepare na me sa pag alis.
Magandang umaga po sa lahat!
Yung feeling na kakatapos Lang ng monthsary namin kahapon pero excited na ko mag December kasi anniversary na namin. Pang 7th anniversary na namin kaya plano namin mag travel na dalawa. Kaya Lang baka di kami magtravel sa mismong araw ng anniversary namin kasi mag tatravel din kami ng mama ko. Pupunta kami ng Manila at Cavite after ng bar exam ko mga two weeks din kami dun kasi last na dalaw namin dun ay before pa mag pandemic kaya sasamantalahin na namin ng mama ko ang maka pag bisita sa mga kamag anak namin dun. Then pag kauwi ko naman galing sa travel namin ni mama kami naman ni bf ang gagala hehe
Nakakatuwa nga kasi may 5k na binigay sakin ang papa ko, pang swab test ko daw yun just in case na kailanganin bago ako mag exam pero pag di daw ako kailangan ng mag swab test sa akin na daw yung pera para pag gumala ako may pocket money daw ako. Huhu sobrang thankful talaga ako sa papa ko.
Anyway,.time to rest na ko mga kaingay!
Magandang gabi po sa LAHAT!
Isang malungkot na hapon mga kaingay.
Habang busy kami mag chikahan ng parents ko kanina may nakita kaming sasakyan sa punerarya may ibuburol na patay sa chapel. Ang chapel kasi saamin ay tapat lang ng bahay namin.
Nalaman namin na yung namatay pala ay yung dinala ng DSWD dito inuwi sa tatay nya. Bali may sakit sya pero ang masakit dun na part kasi patay na mama nya at yung tatay na sana ang mag aasikaso ngunit wala din itong kakayahan at ang worst pa dun ay itinaboy pa nito yung anak nya. May sama ng loob ata yung tatay sa anak gawa na din na nung mga panahon na malakas pa yung anak ay galang gala din ito at iniwan ang tatay nya. Mag isa na lang tatay nya at umaasa na lang din sa mga binibigay na pagkain ng mga kapatid nito.
Para sa akin sila na yung pamilyang nakaka awa.
Yung mag asawa kasi biniyayaan ng 2 anak. Isang babae at isang lalaki. Yung asawang babae ay nagkasakit at tuluyan ng nasiraan ng ulo. Dahil sa sakit nya bigla na lang sya nawala, at nabalitaan na lang ng asawa nya na patay na daw ito. Yung anak na babae naman ay maagang nakapag asawa, pero nabalitaan lang namin na nagkasakit daw at namatay din. Yung anak na lalaki ay nag layas, at pumunta sa malayo ni hindi man lang binisita ang tatay nya at last week inuwi sya ng DSWD dito sa tatay pero tinanggihan na ito ng tatay. Tanging mga kapatid ng tatay na lang ang nag aasikaso dahil na din sa matanda na ang tatay nya at di na din sya kayang alagaan pa. Hanggang sa kanina ay natagpuan na lang daw na patay na.
Grabe ang pamilya nila. Nakaka awa talaga.
Maaga na naman bumangon para mag aral. Bukas na pala alis namin. Nakakakaba at nakaka excite. Gusto ko na din kasi talaga matapos ang exams na to kasi gusto ko na din mag focus sa paghanap ng work.
Kahapon pala nagpasa ako ng application ko sa isang government agency. Nagbaka sakali lang ako pero di ko akalain na makakareceive ako agad ng email galing sakanila. November 8 daw ang pre qualifying examination ko, sa totoo lang nalungkot ako, wala kasi ako since November 9 ang start ng bar exam ko at bukas ay pupunta na kami sa hotel malapit sa venue ng exam. Kaya sabi ko na lang sa sarili ko, bawi na lang ako pag uwi ko. Pang 3 beses ko ng nag apply sa kanila pero ngayon lang sana ako naka tanggap ng email galing sa kanila.
Baka nga talaga hindi pa para saakin ang position na inapplyan ko.
Anyway, magandang umaga po sa lahat!
Natawa ako kanina sa nephew ko.
Bago kasi sya umalis papuntang school simabihan ko sya na galingan mya sa school para maka kuha sya ng maraming stars. Nagulat naman ako sa sagot nya sakin, sabi ba naman nya " ilan ba gusto mo mimi?" Haha
At hayan pag uwi nya tamang flex agad sya sa akin na sya daw may pinaka maraming stars.
Tapos sinabihan mya din daw ang teacher nya na tawagin daw sya kapag may itatanong para makarami daw syang stars na makuha hehehe
Anyway, tamang aral na ko mga kaingay dahil tuloy na ang bar exam namin.
Magandang hapon po sa lahat!
Sometimes, life is so stressful but Im still thankful to God for giving me friends that will definitely be there for me when sometimes i felt like im going to quit or feeling like unsure about my goals in life.
Yesterday, my bestie called and told me to get ready coz we're going somewhere. She knows that im stress and wanted to cheer me up so she fetched me here in our house and we went to the mall. She bought me clothes and slippers and junk food. She wanted to comfort me and i really appreciate it. Soon after my exam I want to treat her on her birthday Im planning to have a two-day vacation with her.
Also my other bff called me yesterday and he's planning to have a send off party for me so before my bestie and I went home our boy best friend fetched us the mall yesterday. We just ate pizza, pasta and fries my favourite food. Ahhhw I'm so touched and blessed to have them.
By the way im sharing with you this photo, sorry for my bareface hahaha i doesn't have much time to put some lipstick and eyebrows hehe
Good morning everyone!
Back to LDR again๐
Last Saturday I surprised my boyfriend. His mom fetched me and i told her not to mention or not to tell to my boyfriend that i will be coming over. The surprised was indeed successful! Sarap sa feeling makita yung reaction nya nung nakita nya ko hahaha parang ngang ayaw na nya ko bitawan sa pagkakayakap. Naging masaya ang stay ko sakanila kahit na 4days lang yung stay ko. Talagang sinulit namin yung mga oras na yun. At kahapon nga ay balik LDR na naman kami. Masakit, lalo na nung paalis na ko kasi for sure sobrang mamimiss ko na naman sya. Sa December pala kami mag kikita ulit kasi after ng bar exam ko pupunta kami ng Manila at Cavite ng mama ko. Sa ngayon kailangan na naman mag tiis para sa future namin to kaya sa mga LDR din dyan. Tiis tiis din tayo, dadating din yung time na magkakasama din kayo ng mga partners or asawa nyo soon
Magandang Umaga po sa lahat!
"Pagtulod"
Its our family tradition which passes from generation to another generation.
Back when I was a child, I heard my grandfather and my mom's conversation, I can still remember it well.
Grandpa: Jo, pag ako namatay na din gawin mo din to ha? Lahat ng inihahanda natin ay ihanda mo din.
Mom: opo pa, tatandaan ko yan.
Si lolo kasi ang punong abala lagi nung mga panahon na buhay pa sya. Lagi syang nag hahanda para kay lola. Nag luluto kami mg mga paboritong kakanin, nag lalaga din ng itlog, fried chicken, adobo sa asin at coke. Yan lagi nyang inihahanda sa "tulod". Pag may time pa nagluluto din mama ko ng iba pang pang ulam.
Pagkatapos namin mag tulod dinadasalan namin at pag mag 8pm na kanya kanya kaming kuha ng mga pinsan ko. Unahan kami kumain ng mga pinang tulod namin.
Kayo? Pano nyo icelebrarte ang pista ngga patay?
Been so busy yesterday kaya di masyadong naging active kay noise.app.
Kahapon nagchat ang mama ni bf na susunduin mya daw yung bunso nya, kaya naisipan ko ng sumabay para isurprise si bf. Wala syang kamalay malay na kasama ako ng mama nya pabalik sa kanila hahahaha. Habang nasa biyahe ay kachat ko sya as if nasa bahay lang talaga ako. Nasa SM papa sya kahapon kasi nag bukas na yung SM malapit sa kanila. Nagulat sya nung nakita nya ko kagabi at laki ng ngiti. Sobrang saya kong makita sya ulit. Nag dinner lang kami at heto ang order namin pare parehas kami nag baby back ribs. Tapos umuwi na kami sa kanila. Hanggang November 1 pa ko dito mag stay kasi sasabay ako ulit pag hatid sa kapatid nya.
Anyway, magandang hapon po sa lahat!
Maaga kaming nag dinner. Ready na din ang aming mga higaan, naligpit na din nin amg mga libro ng mga pamangkin ko at nasecure na din namin mga damit namin. Mas okay ng ready kami kesa naman kung kelan oras na ay tiyaka kang kami kikilos.
Nilagyan na din ng papa ko ng harang ang binatana namin. Luma na kasi to since ancestral house ang bahay namin. Kaya iniigatan talaga namin.
Wala pa naman malakas na ulan pero malapiy Lang samin ang lugar kung san mag lalandfall ang bagyo mamaya kaya nakakatakot talaga.
Sana humina na ang bagyo bago pa man ito mag landfall.
Magandang gabi po sa lahat at stay safe po
Biglaang grocery kami ni mama kaninang umaga para sa mga kutkutin ko at para sa stocks din dito sa bahay.
Kanina sarap ng pagmamarites namin ng mama ko tapos bigla nya ko inaya mag grocery. May bagyo kasi at iniisip nya wala na kaming pagkain kaya dali dali naman kaming nag bihis wala ng ligo ligo haha.
Yan pala mga nabili ko, may mga kulang pa dyan at bibihilhin na Lang next week. Kulang na kasi mga nakadisplay sa supermarket nagpanic buying na din mga tao dito samin kaya kung ano lang ang available Yun na binili namin.
Kumusta weather nyo dyan mga kaingay?
Bicol University Hataw 2022
Nakaka proud na minsan ay naka sali din ako sa ganitong activity.
Parang kelan lang sobrang busy kami mag practice para sa hataw pero ngayon taga panood na lang ako. At mapapasabi na lang na sobrang swerte ko kasi naging estudyante ako ng Bicol University. Naaalala ko tuwing enrollment noon may mga nanay na halos mag makaa awa makapasok lang sa BU ang mga anak nila. Bakit nga ba ?
Sa mga hindi nakakaalam ang BU ay isang state university sa bicol. Before magkaron ng free tuition, sa buong bicol region BU ang pinaka murang university na may maraming courses na inooffer. Tanda ko noon mga 2013 nasa php5,000.00 lang binabayaran namin per sem plus mga departmental fee at college student council fee. Pero hindi ganon kadali ang makapag aral dito out of 11,000 of students na gusto mag aral dito, nasa 5000 students kang ang kayang tanggapin ni BU not sure ako sa numbers ha? Pero parang ganun. Kaya pagalingan na lang talaga. Pag naka pasok ka sobrang worth it ng pagod mo, yung enrollment process, pag pila sa mga department at sa kung ano ano pa. Isa sa mga nakakaproud pa kasi state university ang BU pero very competitive din kami, home of top notchers din po kami..at sobrang taas din ng passing rates namin sa mga board exams. Kaya nakakaproud talaga.

Nagutom ang nag rereview hahahaha
Pag maulan talaga napansin ko na mabilis ako magutom haha kanina nag almusal naman ako pero nakaramdam pa din ako ng grabeng gutom kaya nung pumunta ako sa kusina nakita ko may noodles pa agad ko naman kinuha yung paglulutuan ko pero sabi ni papa sya na daw magluto. Kaya habang nag hihintay ako maluto tamang higa muna ako sa upuan kasi di ko maexplain kung anong nangyayari sakin, bigla ako nanghina. Tapos nung naluto na ni papa nagrequest ako sakanya na lagyan ng konting kanin at agad kong kinain, nakalimutan kong picturan kanina at ngyaon ko lang naaalala hahaha
Finally! Dumating din yung bag na sobrang tagal ko nang hinihintay!
Last October 8, nag hanap ako sa lazada ng transparent bag which i will be using for my bar exam on November. Nagbayad na din ako agad gamit yung gcash para just in case na wala ako sa bahay pwede maiwan ni rider sa bahay. Ang estimated delivery nya sakin ay october 13, kaso October 12 na di pa din na ipapaship ni seller yung bag ko. Di din responsive si seller sa chat ko so nagdecide na lamg ako na icancel ang order and requested for refund. Narefund naman agad ni lazada kaya ang ginawa ko nag hanap ako kay shopee at nag order agad ako. Buti na lang kahapon dumating din to. Wala kasi akong mahanap na ganito dito samin kaya buti na Lang may shopee hehe
Anyway, mag ingat po ang lahat lalo na yung maulan din po kagaya dito samin.
Magandang umaga po sa lahat!
I was too lazy to go outside and buy some snacks so I just get some rice and put some milk and chocolate powder. I remember back when i was little i used to eat this kind of food everytime i dont like our viand.
So sino naman sainyo ang nag uulam din ng ganito mga noisefriends? Hehe
Mga pamangkin ko nung natikman to, ito na lang lagi ang kinakain nya.
Maulan na hapon po sa lahat!
Woke up at 4am to review but ended up scrolling my phone. Yesterday i was so tired so i just attended virtual lecture and did not mind reading my printed reviewers. The lecture started at 1pm and ended at exactly 6pm, the lecturer was so impressive, and even if im tired yesterday i still managed to follow her lectures.
Then I requested my mom that I will eat my dinner early so that i can sleep already.
At 7:30pm I decided to sleep. However, when o woke up i turned my wifi on and I received lots of messages from my friends.
And that's the reason why im still using my phone up until this very moment hahaha
Anyway, time for me to turn off my wifi so that i can now focus on my review
Good morning morning everyone!
Good morning morning noise friends!
Here's for my breakfast, a cup of coffee and printer hahhaha
I woke up early today just to print all of my review materials which i will bring with me on November 3. I need to complete my checklist on what will i bring so that i can already focus in my review.
I just hope na wag magloko si printer gaya before hahaha para matapos na ko sa lahat lahat ng mga ipiprint ko.
Good morning morning noisemates!
Kumusta po ang lahat? Tamang almusal muna ako. Nagluto ang mama ko ng sinangag, tuyo at scrambled egg para sa aming almusal. Kailangan kumain at mahirap mag review ng gutom hehe
Masarap din kumain kasama ang mama ko at ang papa ko Kasi best in chika kaming tatlo. Hindi ko alam kung bakit, pero everyday kami magkakasama kumain ng almusal, lunch at dinner even sa pag merienda minsan pero hindi kami maubusan ng topic? Hahaha
Siguro ganun talaga kapag naeexpress mo yung sarili mo sa magulang mo or sadyang pamilyang marites kami. Char lang hahaha
Oh sya sige aral na muna ako mga kanoise.
Evolution of my nephew's drawings of venom. He's really a fan of venom that's why he keeps on practicing how to draw venom perfectly.
He started to draw when he was 2 years old. He draws dinosaurs since it was his first favourite. He also watches drawing tutorials on YouTube.
Maybe that's the reason why he also wanted to vlog.
When he was 4 years old he started to draw spiderman, then now that he's 5years old he loves to draw venom.
As his aunt im so proud of him, at his young age he knows how to draw, to write, to read and even knows how to solve simple addition and subtraction. He also loves to play puzzles and make so many things from lego and play dough too.
Good evening everyone!
My five year old nephew wants to be a blogger so he asked me to take a video of him while he was busy drawing his favorite character which is venom in spiderman. He really loves to draw and even watched tutorial on YouTube on how to draw venom. At his young age he's really good in drawing and even making venom or monsters using his clay. I just don't know why he wanted to blog haha.
Anyway, im still waiting for my cousin to edit my nephew's video so we can post it in YouTube as per request of my nephew haha
Yung boyfriend ko na maagang pumunta sa gym kasi may lakad daw sila ng mga friends nya. Ayan todo picture para isend sakin. Tinatanong din nya ko kung lumalaki ba daw ang muscles nya sa braso haha
Pero alam nyo ba sobrang proud ako sa boyfriend ko, kahit sobrang busy sa work at nakakapagod din work nya gumagawa talaga sya ng paraan para makapag gym pa din. Naalala ko nga dati pagkadating nya galing sa work iidlip muna yan. Magpapagising sya ng 7pm para mag gym. Kahit antok at pagod talagang babangon sya. Sobrang payat nya kasi talaga dati tapos nagkasakit pa sya kaya bagsak ang katawan nya. Pero ngayon nakikita kong sobrang laki ng improvement nya na. Kaya nakaka proud talaga. Hay namiss ko sya bigla.
Magandang umaga po sa lahat!
Kaway kaway sa mga nakakarelate hahaha
Habang nag rereview ako ay nag hahighlight ako ng mga important notes. Kasi yun na lang babalikan ko pag nag second reading ako. Kaso bigla ko narealize parang lahat naman ay naka highlight na haha
Waaaah, ilang araw na lang bar exam ko na kinakabahan at naeexcite na ko hahaha kinakabahan ako kasi di pa ko ready pero naeexcite naman ako kasi matatapos na kalbaryo ko.
Sana makapasa kaming lahat๐
I just woke up at pag on ko ng wifi sa phone ko, sunod sunod ang messages.
Kagabi hindi maganda ang pakiramdam ko kaya 8:30pm pa lang ay tulog na ako. Nag send na pala yung sa barops food committee ng list ng pagpipilian namin for our free lunch.
Tapos yung friend ko na kasama ko sa hotel nag chachat din sabi nya kung ano daw ang gusto ko yun na din daw sakanya. Since close ko naman yung head ng food committee tinanong ko sya kung magkano ang budget namin kasi baka lumagpas ako sa budget ang sabi naman nya wala daw specific budget para samin, kung ano daw ang gusto namin at ilista lang namin at isend sa kanila.
Honestly, gusto ko yung baby backribs kaso nahihiya ako hahaha kahit libre nahihiya talaga ako. Pero yung isang friend ko ang sabi nya kukunin nya daw ay yung lahat na mahal para makabawi na naman daw sya sa lahat ng binayaran nyang fee sa barops mula pa nung 1st year kami hahahahah
Every sem kasi nag babayad kami ng php550.00 para sa barops namin kaya ayun, mag oorder daw sya lahat mahal haha
Ako naman ay nag iisip pa sa kung ano ang oorderin hehe
Magandang umaga po sa lahat!
I really miss eating street food. Aaaaagh ang hirap mag crave kapag nasa bundok ang bahay nyo huhu kailangan ko pang gumastos ng php77.00 para sa pamasahe ko makapunta Lang ng bayan. Gusto ko din magpa deliver ng sa food panda or sa grab pero hindi din mapin ang location namin. Di ko alam kung bakit. Kahit naka open naman ang location ko pero ayaw mapin kay grab or food panda Kaya kapag ganito na nag crave ako, wala na talaga ako choice kundi kumain ng kung ano na lang ang available na makakain dito samin at madalas biscuit Lang din hahaha
Bihira din kasi si mama mag luto ng pang merienda madalas tinapay lang kinakain namin or biscuits kapag almusal lang kasi si mama ng luluto. Hay nakakainis mag crave sa pagkain na di mo naman makain.
Yesterday when my friend and i went to farm plate i suddenly missed my boyfriend. I saw lots of couples having dinner date and even witnessed a prenup photoshoot. Gosh, a tear drops suddenly from my eyes because i really misses my boyfriend so badly!
So after I got home i called him immediately to tell him how i miss him, so he told me that he will visit me soon. Actually, I was the one who told him not to visit because im afraid i might get distracted hahahaha
Being in a long distance relationship is really hard and we need to face the reality that sometimes we need to make sacrifices for our future.
Good morning everyone.
This is the first pet cemetery here in bicol.
Its just nice to see this kind of pet cemetery thou im not really a pet lover but i appreciate this kind of effort of the owner of this place. Because of this pets cemetery, pet owners can visit their pet's grave.
Some graves here have pictures and cute notes with their names. You can really see how they love their pets.
I just woke up and saw notifications from coins.ph that someone sent me some bch.
Thank you so much to the person/s who sent me these, i really appreciate it. Im not really active here because of my busy schedules but I'll try my best to visit, to post and to interact with you guys. Im also new here so im still exploring this site.
Good morning everyone and have a wonderful and productive day!