read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Yung feeling na kakatapos Lang ng monthsary namin kahapon pero excited na ko mag December kasi anniversary na namin. Pang 7th anniversary na namin kaya plano namin mag travel na dalawa. Kaya Lang baka di kami magtravel sa mismong araw ng anniversary namin kasi mag tatravel din kami ng mama ko. Pupunta kami ng Manila at Cavite after ng bar exam ko mga two weeks din kami dun kasi last na dalaw namin dun ay before pa mag pandemic kaya sasamantalahin na namin ng mama ko ang maka pag bisita sa mga kamag anak namin dun. Then pag kauwi ko naman galing sa travel namin ni mama kami naman ni bf ang gagala hehe Nakakatuwa nga kasi may 5k na binigay sakin ang papa ko, pang swab test ko daw yun just in case na kailanganin bago ako mag exam pero pag di daw ako kailangan ng mag swab test sa akin na daw yung pera para pag gumala ako may pocket money daw ako. Huhu sobrang thankful talaga ako sa papa ko. Anyway,.time to rest na ko mga kaingay! Magandang gabi po sa LAHAT!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.