read.cash Log in

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Joined 25 September 2022 · 199 posts

Attorney 2022

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Yung wala kang nareceive na chocolates at flowers, wala din date nung valentines day kasi naka travel ang jowa ko at maya pa ang uwi nya kaya bumili ako ng candies para lang may makain na something sweet habang nag nenetflix hahahaha Tapos bumili din pala ako ng ice cream yung rose ang design tapos napapakanta na lamg ako habang kumakain ng "i can buy myself flower" Hahahahahaha Kayo ba ? Kumusta ang valentines day nyo? Marami din bang nakikanta kay miley cyrus ng "i can buy myself flowers?" Di baling walang ganap nung valentines basta ang importante eh mga loyal satin ang mga jowa/asawa natin.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

May kaso ba ang hindi pag bayad ng utang? Sa panahon ngayon na sobrang taas ng mga bilihin, hindi talaga mawawala satin ang ugaling humingi ng tulong sa iba at mangutang. Ngunit hinay hinay lang po sa pag uutang at siguraduhing mababayaran po natin sa napag usapang petsa para hindi ito ang dahilan ng pag aaway nyo ng mga kamag anak nyo o ng mga kumare nyong nahiraman. Ang tanong madalas ng mga kakilala ko sa akin ay " makakasuhan ba ko pag di ako makapag bayad ng utang?" Ang sagot ko po ay "depende magkano ba ang utang mo?" Para sa kaalaman po ng lahat pwede po makasuhan ang sino man na mag uutang at hindi mag babayad kung ang inutang ay hindi taas sa Php400,000.00 or Php300,000.00 depende po kung san kayo nakatira at kung saan na venue ipafile ang kaso. Ang tawag po sa kaso na pwede isampa sa mga taong di nag babayad ng utang ay SMALL CLAIMS. Ang purpose po ng small claim ay para mabigyan ng mabilis at hindi magastos na paraan upang ayusin ang problema tungkol sa pera. Kailangan lang mag file ng kaso ang nagpautang at mag seset ng araw kung kelan ang nag pautang at nangutang mag hehearing. Ito ay isang araw lang na hearing at hindi kailangan ng abogado dito. Isang paraan para mabayaran ang utang ay ang pag benta ng lupa o ari arian ng nangutang upang mabayaran ang utang nya. Kaya matuto tayong magbayad ng mga utang natin. Bukod sa makakasuhan ka na mawawalan ka pa ng kaibigan na nakasama mo na ng matagal. Walang masamang mangutang, ang masama ay ang hindi pag bayad nito. Magandang hapon po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Is it okay to stay and live with your boyfriend before getting married? Disclaimer: This post is just based on my personal opinion po. Two days ago, I saw a comment on Facebook post sabi nya " kaya mas maganda mag live in muna bago magpakasal eh" Madaming sumang ayon at madaming hindi pabor dito. For me, im not against sa concept ng mag live in muna bago magpakasal. Before you judge me, let me explain why. 1. Pwede naman kayo mag live in or magsama as boyfriend/girlfriend pa din. Of course pwede kayo mag stay sa bahay ng either ng bf nyo or ng gf nyo para may magulang pa din kayong kasama. 2. Di ibig sabihin na mag lilive in kayo eh gagawin nyo na yung mga bagay na ginagawa ng mag asawa, alam nyo na minimean ko dito. 3. Sa ganitong set up makikilala nyo mga jowa nyo. Pano ba sya pag nasa bahay? Tamad ba sya or maaasahan ko ba? Pano nya itrato mga kasama nya sa bahay? Nirerespeto nya ba magulang nya or palasagot ba sya? Oo importanteng malaman ang lahat ng details kasi yan ang madalas na pinag aawayan ng mga mag asawa yung pagiging tamad ng isa. Yung ugali na di na kayang tiisin Kaya nag hihiwalay. 4. Nakita mo na ba syang magalit? Pano sya magalit? Kung papakasalan mo ba sya kaya mong tiisin ang ganyang pag trato nya sayo kapag galit sya? Nanakit ba sya? Verbal or physical ay both pwedeng maging reason ng pag hihiwalay nyo. Sa ating bansa na wala pang divorce at mahal ang mag pa annul ng marriage kailangan maging wais tayo sa mga desisyon natin para wag natin pag sisihan ito sa future. Also, di lahat ng annulment case ay binibigay ng korte, kailangan ang reason ng pag annul ng marriage ay nakapaloobbor kasama sa grounds for annulment. At para wag na tayo magaya sa ibang failure ang marriage. Huwag tayong papadala sa bugso ng damdamin natin. Pag isipan ng mabuti. Magandang umaga po sa lahat.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Im sooo happy today! Finally nareceive ko ma din yung gift ko sa sarili ko. Yes! For the first time, I bought something for myself. Before, during Christmas season i dont usually buy things for myself. I save money for my God children and my family. I buy gifts for them but this year, i decided to buy also something which i really needed. So last week I decided to buy these two: sun screen and lip therapy balm. During this kind of weather which is windy and cold, my lips is dry and i need this lip therapy balm. Also I learned from my sister that sun screen is the most important skin care that i should have and be applied to my skin every day. So glad that i found a shop and an influencer who sells sunscreen and lip therapy balm on tiktok that's why I bought some. Merry Christmas Noise fam! Hope you are all doing great and fine.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Good news! Sa lahat ng may paypal account dyan may pa free silang $3 ngayon. I just received mine. Actually dati sa gmail ko may marereceive ako sa kanila na notif may pa free $5 sila pero pag inoopen ko di ko naman narereceive kaya dedma na lagi sakin ang notif nya. Tapos Ngayon chineck ko ang paypal account ko kasi may titingnan ko at nagulat ako meron naka lagay sa mismong account ko yung pa free $3 nila clinick ko naman agad at bongga! Instant ang $3 sa account ko. Kaya check nyo na guys paypal account nyo. Sayang din hehe

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

As I grow older, I appreciate things that I didn't appreciate much when I was younger. Before, I hate it when my father wants me to sleep after eating our lunch. May pa choices pa yan sakin haha maghihilot tapos laro na or tulog. So ako naman pinipili ko ang maghilot kaso ang tagal nya makatulog tapos makatulog man sya papatulugin pa din nya ko hahahahaha Dati ayoko ng kape kasi natikman ko yung tinimplang kape ni papa ang pait! Kaya hanggang high school kape talaga ako. Nung college na ko, tiyaka ko na naappreciate ang kape. Lalo na ngayon, halos gawing tubig ko na ang kape. Iba talaga ang epekto pag tumatanda ka na🤦

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Nakakamiss yung mga time na magkasama pa Kami ni jowa, gala dito, gala dyan. Biyahe dito, biyahe doon, hay ngayon na tapos na ko sa law school back to reality na ko na adul-thing is waving na talaga. After ng bar exam gumala lang ako ng gumala at ngayon na ubos na yung schedule na gala ko ay nafefeel ko ng urgency na maghanap na ng work. Hindi magiging madali ang lahat pero hoping ako na makapasok na sa work as soon as possible. Magandang gabi po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Yung two dozens ng JCO na binili kagabi ito na lang ang natira. Kagabi nag crave si bf ng JCO ang bilin nya pag may promo daw iavail ko yun. So ako naman masunurin bumili nga din ako ng 2 dozens save 439 daw. Pag uwi kumain agad kami yun yung last time na kumain ako pag check ko ngayon para mag merienda ito na lang ang natira haha Di talaga magtatagal donuts samin. Partida 3 lang kami dito sa bahay haha Anyway, kamusta po ang lahat? Magandang hapon po

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

To all the parents out there, please teach your children to be grateful mapa maliit man o malaki, mapa mura man o mahal ang value ng gift. Paisa isa na ngang nagsisipag datingan mga order ko kay shopee at lazada para sa mga inaanak ko. Matagal na ngayon ang pagdeliver kaya napa aga mga pag bili ko. At ito na lang yung nag iisang laruan na oorderin ko para makumpleto ko na ang mga regalo ko sa mga inaanak at family ko. Alam nyo ba na meron akong isang inaanak na sinabi ko sa sarili kong never ko ng bibigyan ng regalo? Yes po, last year bumili ako ng gift nya set ng coloring materials kasi papasok na sya sa school Kaya yun ang naisip kong bilhin para di na bibili ang mama nya tiyaka ang dami kayang nakalagay na dun sa set. Nung inabot ko sakanya tuwang tuwa sya pero nung pag bukas nya nakita nya yung laman at hinagis nya, sobrang sumama ang loob ko bakit? Kasi pinag paguran ko yun, tinipid ko ang sarili ko mabili lang yun at financially struggling din ako kasi mag enrollment naman ako sa January pinilit ko lang talaga pagkasyahin ang budget ko plus wala po ako work, yung kita ko yun sa mga online job ko tapos ganun lang gagawin at masakit pa dun yung parents, instead na sawayin yung anak tinawanan pa. So akala nung bata tama sya. Ngumiti lang ako kahit deep inside nasasaktan ako at sinabi ko sa sarili ko di ko na sya bibigyan kahit kelan ng regalo.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Good morning morning mga noise friends! At nabusy nga ako ng ilang araw kaya di ako makabisita dito. Share ko lang sainyo itong marites namin na pusa haha. Kakapasok nya lang para kumain at nung nabusog na sya naglakad na sya sa may pinto. Naririnig nya mga ka marites nyang pusa sa labas kaya ayan napa akyat na nga at nakatingin sa bintana. Tapos bigla syang lumapit sa akin at nag iingay na nga haha tapos kunware di ko sya pinapansin kaya bumalik sya sa pwesto nya at dun sa bintana nag iingay habang naka silip sa mga ka marites nya haha para bang humihingi ng tulong para makalabas na sya hehe

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

After 12 years ako ay nakapag visit din dito sa home town ng mama ko. Masyado na ko na busy dahil sa bar exam. Kaya nung nalaman ko na nag paplano ang mama ko na pumunta dito ay sinabihan ko syang isama nya ko. Nakakatuwa nga ang mga kamag anak nya dito kasi tuwang tuwa sila sa pag dating namin walang sawang chikahan ang mama ko at mga tito, tita at mga pinsan nya. Tuwing umaga naman ay pumupunta kami ng dagat. Walking distance lang kasi ang bahay ng lola ko (tita ng mama ko) at ang dagat. Magandang hapon po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Now watching doll house. Ang ganda pala ng movie na to. in fairness naman kay Baron ang galing nya talaga umacting. Di ko inaasahan na mapapatulo ang luha ko sa movie na to.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

10 years ago nag tatahi pa mama ko. At ito ang iba sa mga natahi nya. Nakakatuwa kasi inalagaan yung mga tinahi ng mama ko. Nag visit kasi kami dito sa dating tinatahian ng mama ko. Na Mother in-law naman ng ate ko. Sobrang laki na ng kinita dito ni mother in-law ni ate hehe

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Walang hagdan? No problem! Haha Pinag patong patong na upuan para maayos na makabit ang mga pang design. Dumating na kasi ang package ng tita ko lahat yun pang decorate. Di pa namin natapos bukas na lang at gutom na kami hehe Magandang gabi po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Natapos din mag balot sa foil. Nabusy kasi kami ni mama kanina kaya now Lang namin naasikaso ang pag balot nito sa foil. Bali tatlong freezer pala ang kakailanganin kasi ang dami nito kaya yung sobra sa freezer namin ay sa mga tita ko na pinalagay ng mama ko. Nag lagay din pala kami ng palatandaan sa foil, naglagay ako ng "S" para sa maanghang. Sinend ko na din pala tong photos sa gc namin at sobrang excited na daw sila na makatikim ng pinangat hehe Magandang hapon po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Magbabalot na kami! Nag order ang mama ko ng 50pcs na pinangat para ipampasalubong namin sa mga kamag anak namin sa manila at cavite. Mamaya kapag di na sya mainit pwede na namin ibalot sa foil tapos ilalagay lang din namin sa freezer para sa Saturday kapag bumiyahe kami ay frozen sya. 12hours din kasi ang biyahe mula albay to manila. Nag Luto na din si mama ng pili nuts yung may asukal tapos yung tito ko nag pagawa ng cocoa at nag haharvest din sya ng sugpo at crabs. Oh di ba? Probinsyang probinsya talaga hahahahahaha Magandang umaga po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Hooray! I finished the bar! So happy to be with my family again. After 16days of staying sa hotel sobrang namiss ko sila huhu Pero namimiss ko din Yung stay ko dun sa hotel yung feeling na bababa lang ako para mag breakfast or bababa kasi nandyan na order namin kay food panda at grab. Pero ayoko na bumalik dun sa hotel para mag exam ulit hahahaah Yung picture ko na yan pala ay kuha yan nung 1st day ng exam Namin medyo fresh pa pero yung sa last day di ko na ipopost at sobrang haggard na ! Hahahaha Kamusta po ang lahat?

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Waaaah, sa dami ng reading materials ko napapa isip na lang ako kung kakayanin ba ng oras ko na maubos to hanggang bukas? May padating pang last minute tips na need mafamiliarize kasi di na kaya ng braincells ko maimemorize. Nakakapagod pero dahil ambisyosa ako kaya kailangan tapusin. Sa sunday, day 4 namin. Last exam na. Pero yun naman ang pinaka bigatin sa lahat huhu #getthatbar2022 pa nga hahahahaha

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Good afternoon noise friends! Im so happy today, kasi may nadiscover kaming kainan na sobrang sarap at sulit na sulit ang bayad mo. Nakita namin kasi sa food panda nasa 1000 plus Yung ratings nya kaya nag try kami. Pork chop and fried rice sya, 110 pesos lang sya. Yung rice nya is sobrang dami, tapos di mo na kailangan mag ulam kasi may mga kikiam, squid balls at egg na din na naka mix sa fried rice. Yung pork chop naman masarap din sya at di makunat. Mamayang gabi dito kami ulit mag oorder hehe Kamusta ang lahat?

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Pistachio flavored ice cream para ganahan ang aming pag aaral! 3/4 na kami malapit na matapos. Sana sa Sunday okay pa ko hahaha Pero kahit mahirap ang exams tuloy lang ang laban dahil may mga taong nakasuporta samin. Grabe ang tulong na ginagawa nila, mag eeffort bumiyahe ng 1am papunta dito samin sa Naga galing Sorsogon para lang mahatid kami kada exam namin, mag gogrocery ng mga food lalo na fruits at healthy snacks. Tapos ang dami pa! Kaya sa last bar exam namin sa Sunday ay gagalingan ko talaga. Magandang umaga po!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Good morning everyone! Last night we asked the hotel receptionist if she could book us in their massage spa a schedule at 8pm here in our room. Honestly, it was my first time having a fully body massage and it was so relaxing! Before, my boyfriend used to go to a massage spa and he wants me to come with him but i always afraid to come. Im aftraid of being judge na "masyadong oa naman" why? Kilitiin kasi ako guys. Haha im aftraid na baka tumawa ako ng tumawa dun at sobrang nakaka hiya yun haha But last night, nawala na yung takot ko nagpa hilot na ko kasi nagrereklamo na ang katawan ko and dahil na din sa nangyaring muscle cramps sa legs ko yesterday. Sa sobrang sarap ng pagkakahilot from 11pm to 6:15am tulog ako waaaaaah Yung kasama ko hanggang Ngayon tulog pa din. Mukhang bukas after ng day3 ng exam namin mukhang mag rerequest na naman kami ng massage nito. Anyway, tamang kape muna ako while waiting magising si friend bago kami bumababa for breakfast.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Natambakan na ko ng mga labahan kaya chineck ko muna yung price ng pag palaundry dito sa hotel. At naloka nga ako sa presyo nila hahaha Ang mahal! Sa underwear ang bayad ay php50.00 ang isa. Sa t-shirt ang bayad ay php180.00 kaya napa urong ako kaya binuksan ko ang faucet sa bathtub at dun ako nag laba ng mga damit ko. Buti at may dala akong ariel at downy hahaha

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Seloso ka ba or selosa? Ako hindi haha pero nakakainis yung boyfriend ng friend ko kasi napaka seloso nya, di Lang masagot ang tawag agad nagagalit na, bawal magshorts, mag dress, bawal lumabas ng di nya alam at kung ano ano pa. So kahapon nag away sila dahil sa hindi agad nasagot ng friend ko yung tawag nya, at tinawagan nya din ako kaso tulog na kaming dalawang ng friend ko. Tapos nung gabi na bigla sya nag doorbell sa room, nagulat ako at sya yung nasa labas. Pagbalik ko sa kama ko bigla sumakit yung legs ko nag ka muscle cramps ako, sobrang sakit nya. Kaya inis na inis talaga ako sa bf ng friend ko, ang OA masyado. Di na lang ako kumibo kanina🤦

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Patrese Kahapon nga ay November 13 at ang tita ko ang naka toka mag pakain. Naipost ko na dito dati na kapag every 13th day of the month lagi may pakain sa chapel namin at kahapon ay ang tita ko ang naka toka. Dahil nga sya ay nasa ibang bansa Kaya pinadalhan nya na Lang ang mama ko ng pera pambili ng spaghetti at burger. Bali yung spaghetti ang mama ko ang nag luto at yung burger ay inorder ng tita ko sa friend nya pinabayaran na Lang kay mama at pinadelever sa bahay namin para isahan ang pag distribute. Sa lola ko naman which is yung nanay ni tita nagkatay din sila ng baboy at nagluto ng mga ulam. Bali good for 200 pax ang niluto ni mama na spaghetti para sa mga bata.

+1 more

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Day 2 na ng bar exam today! Thank God at kinaya namin🙏 Medyo iba pakiramdam ko ngayon compared nung sa first day ng exam namin. Nung Wednesday grabe yung pakiramdam ko para akong binugbog sa sakit ng katawan ko. Ngayon medyo nakapag adjust na ang katawan ko maya okay okay na ko. May nov. 16 at November 20 pa. Excited na ko matapos to hehe Anyway, magandang gabo po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Finally! Cravings satisfied! Huhu Almost three days na kami nag aattempt maka bili ng lumpia sa graceland kaso laging unavailable. Medyo pricey lang sya kasi 2pcs Php111.00 pero ayos na. Nasatisfy naman cravings namin mg friend ko. Bali kaninang umaga nag order kami ulit then after ko magplace ng order sa grab ay tumawag bigla yumg taga Graceland informing me na wala daw available na fried lumpia at dun na nga ako nag sabi sakanya na "bakit po laging wala?" Siguro out of frustrations na din kasi tagal na namin nag hahanap. Then sabi nya mayang hapon daw baka meron sila kasi nag papahanap na daw sya ng ubod. So ngayon, sa wakas! Naka order din kami. Umorder na kami ng 5 orders haha Anyway, magandang hapon po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

6th day For the Iced latte muna ang mga fersons. Pang alis antok habang nag aaral, pero yung nasa likod naman namin ay mga batang busy at masayang nag suswimming at naiinggit talaga ako haha Kaya gumawa ako ng goal ngayon, dapat 6pm tapos na ko magbasa ng para sa dalawang subjects. Pag nagawa ko yun magsuswimming talaga ako mamayang gabi. Pang alis na din ng antok mamaya hehe Magadang umaga po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Way back 2018, kami ang nag babar ops. Ngayon, kami naman ang binabar ops. Yung kasamang lalaki pala dyan ay best friend ko, last 2019 sya naman ang binar ops ko at ngayon lawyer na sya. Kami naman ng kasama kong isa ang binabarops ng mga students samin. Sarap sa feeling. Sana maipasa namin yung bar para mag nenew year kaming may atty. Sa name namin. Magandang hapon po sa lahat!

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Day 5 Lunch with my friends. Napag isipan namin na bumaba muna dito sa pool side para mag aral. Di na din kami gumalaw dito at baka may pumwesto din kaya nag order na lang kami ng food sa hotel mismo. Sobrang nakaka stress ang exam at mag review pero malaking bagay din na yung kasama mo ay nag rereview din. Tapos tamang food trip lang habang nag aaral.

@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Yesterday, I started my battle for my "ATTY. goal" Around 5am nasa venue na kami, as I was about to enter the gate i can hear so many people clapping and shouted " Goodluck po attorney!" Honestly, bigla akong nakaramdam ng konting lungkot at sobrang saya at the same time. Sobrang lungkot kasi wala ang parents ko or any family member to cheer me up, pero okay lang yun baka kasi umiyak lang ako ng umiyak kahapon dahil sa kanila, dahil para sa kanila ang laban ko na to lalo na sa papa ko at mama ko. Masaya din ako dahil finally, ito na yung simula ng pagtupad ko sa pangarap kong "ATTY." Sa name ko. Pag labas namin ng gate after mag exam nakita ko ang daming taong naka abang, at lahat sila ay pumapalakpak nakaka tuwa at nakaka gaan ng pakiramdam yung pag cheer nila sa amin kahapon. Tila ba ramdam kong hindi ako nag iisa sa laban na to. Pagkadating ko ng hotel kagabi agad naman akong nag update sa gc namin ng family ko at heto na nga yung cousin ko may pa grab pa hehe Nakakatuwa yung notes nya. Kasi inorder nya to at sya na din nag bayad. Kaya pala pinapababa ako sa hotel Kasi may pa mcdo sya. Nakakatuwa lang kasi kahit hindi sila physically present na kasama ko, pero pinaparamdam nila sakin nakasama ko sila lagi. Magandang umaga po sa lahat mga kaingay!