Been so busy yesterday kaya di masyadong naging active kay noise.app. Kahapon nagchat ang mama ni bf na susunduin mya daw yung bunso nya, kaya naisipan ko ng sumabay para isurprise si bf. Wala syang kamalay malay na kasama ako ng mama nya pabalik sa kanila hahahaha. Habang nasa biyahe ay kachat ko sya as if nasa bahay lang talaga ako. Nasa SM papa sya kahapon kasi nag bukas na yung SM malapit sa kanila. Nagulat sya nung nakita nya ko kagabi at laki ng ngiti. Sobrang saya kong makita sya ulit. Nag dinner lang kami at heto ang order namin pare parehas kami nag baby back ribs. Tapos umuwi na kami sa kanila. Hanggang November 1 pa ko dito mag stay kasi sasabay ako ulit pag hatid sa kapatid nya. Anyway, magandang hapon po sa lahat!
1 comment
Ako din po aligaga kahapon gawa nung bagyo.