read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Maaga na naman bumangon para mag aral. Bukas na pala alis namin. Nakakakaba at nakaka excite. Gusto ko na din kasi talaga matapos ang exams na to kasi gusto ko na din mag focus sa paghanap ng work. Kahapon pala nagpasa ako ng application ko sa isang government agency. Nagbaka sakali lang ako pero di ko akalain na makakareceive ako agad ng email galing sakanila. November 8 daw ang pre qualifying examination ko, sa totoo lang nalungkot ako, wala kasi ako since November 9 ang start ng bar exam ko at bukas ay pupunta na kami sa hotel malapit sa venue ng exam. Kaya sabi ko na lang sa sarili ko, bawi na lang ako pag uwi ko. Pang 3 beses ko ng nag apply sa kanila pero ngayon lang sana ako naka tanggap ng email galing sa kanila. Baka nga talaga hindi pa para saakin ang position na inapplyan ko. Anyway, magandang umaga po sa lahat!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.